ang mga hamon tulad ng mga deadline, mga pagsusulit, at mga proyekto. Subalit sa bawat pagsubok na ito, tinuturuan tayong maging matiyaga, determinado, at disiplinado. Ang mga kahalagahan na ito ay hindi lamang mapapakinabangan sa larangan ng pag-aaral kundi maging sa ating buhay sa hinaharap Ngunit hindi lamang ito tungkol sa pagkakabisado ng mga datos at pagsusulit. ang tunay na pag-aaral ay naglalayong hubugin ang ating pagkatao at magkaroon ng pagbabago sa ating mga paniniwala at pagkakaintindi. Ito ay isang proseso ng paglinang ng ating kaisipan, pagpapalawak ng ating kaalaman, at paghusay ng ating mga kakayahan.