Davila Panitikan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Davila, Rhoevy Ann V.

BSED MT-2

Pamagat ng Pelikula: More Than Blue


I. Introduksyon
Matalik na mag kaibigan si Cream at si Charles. Pinagtagpo sila ng tadhana sa
hindi inaasahang pagkakataon. Bago mag tagpo ang dalawa, may kanya kanyang
trahedya na sila sa buhay na dinanas. Si Charles, bata pa lamang nawala na ng kanyang
sariling ama at kalaunan ay iniwan din ng kanyang ina sa hindi nya malamang dahilan.
Samantalang si Cream ay sa isang iglap nag bago ang buhay nang maaksidente ang
kanyang mga magulang at sabay namatay na nagging dahilan upang maiwan siyang
mag-isa.. Hindi alam ni Charles na alam ni Cream ang kadahilan kung bakit iniwan siya
ng kaniyang ina at ang dahilan nito ay dahil may malubhang itong sakit na wala nang
lunas.
Naging sandalan at kakampi ni Charles at Cream ang isa’t isa nang sila ay
magkakilala. Itinuring na nilang pamilya ang isa’t isa at tumira sila sa iisang bahay.Sila
ang mag kasama sa lahat at sabay na hinarap lahat ng hamon sa kanilang buhay. Sa
tagal ng kanilang pag-sasama, lingid sa kanilang kaalam na may tinatago silang
nararamdam isa’t isa. Alam ni Charles na gustong gusto nya at may nararamdaman siya
para kay Cream, ngunit hindi ito maaari. Hindi alam ni Cream na si Charles ay may
pinagdadaanang malubhang sakit na tinatawag na cancer na wala nang kahit anong
lunas dito. Naging dahilan ito para itago na lamang niya ang nararamdaman nya para kay
Cream dahil natatakot siyang maiwan lamang ito sa huli. Wala siyang pinaalam kay
Cream tungkol sa karamdaman nya. Lingid din sa kaalaman na niya na si Cream ay may
nararamdaman na rin sa kanya at halos nag hihintayan at nag papakiramdaman lamang
sila. Subalit walang balak na umamin si Charles sa nararamdam niya. Dahil alam niyang
kalaunan ay maiiwan niya din si Cream, gusto nyang makahanap ito ng taong mag
mamahal sa kaniya bago sya tuluyang mawala sa mundo. Para kay Cream, wala siyang
ibang gusto kundi si Charles lamang at hinihintay nya lamang ito na umamin sa kaniya
na kailaman nga ay hindi mangyayari. Para sa pag-aakalang baka mapa amin si Charles
sa kanyang nararamdaman nag hanap siya ng ibang lalaki na maaaring pag selosan ni
Charles at nag babakasaling umamin na ito sa kaniya. Ngunit buo ang desisyon ni
Charles na huwag aminin ang kanyang nararamdaman dahil nga sa kaniyang
karamdaman. Nang malaman ni Charles na akala nya ay may iba nang ginugusto si
Cream, kinilala nya ito at sinuguradong maaalagaan nito si cream ng tama. Napaka sakit
para sa kaniya na makita si Cream sa piling ng iba, ngunit wala naman siyang magagawa
dahil kakaunti na ang oras niya sa mundo. Inisip na lamang niya na mabuti at may mag
aalaga na kay Cream oras na lisanin man niya ang mundo. Alam din ni Cream na wala
naman syang ibang gusto kundi si Charles lamang. Sadyang mapait sa kanila ang
tadhana at tila pinipigilan silang magsamang dalawa. Ipinagpatuloy ni Cream ang
kaniyang relasyon sa lalaking nakilala nya na nag ngangalang John, dahil umaasa pa rin
siyang gagawa ng paraan si Charles at hindi nito gustong makita na may iba na siyang
minamahal. Hanggang kalaunanan ay nag-karoon na ng nararamdaman si Cream kay
John, ngunit ang nararamdamang ito ay hindi hihigit sa nararamdaman niya para kay
Charles. Ipinagpatuloy niya lang ang kaniyang pakikipag relasyon kay John at umabot na
sa puntong ikinasal na sila sa isa’t isa. Si Charles pa ang nag hatid sa kaniya sa altar
dahil ito na lang ang nag-iisa niyang tinuturing na pamilya. Napaka sakit para kay Charles
na makita na si cream na hawak ng iba, ngunit na isip na lamang niya na mabuti na ito
dahil alam niyang may makakasama na si Cream sa oras na umalis siya.
Sa wakas ng kwento, ipinakita na nalaman na pala ni Cream ang tungkol sa
karamdaman ni Charles noong may relasyon na sila ni John. Ipinipagpatuloy na lamang
niya ito para maisip ni Charles na siya ay na sa maayos na kalagayan at kamay na at
para hindi na dumagdag pa sa pasanin nito. Lubos ang awa at sakit na naramdaman ni
Cream para kay Charles. Alam niyang may nararamdaman ito sa kaniya, ngunit sinuko
nito ang sariling kasiyahan para lamang sa kasiyahan ni Cream. Sa huli ay pinili ni Cream
na samahan si Charles sa nalalabing oras nito sa mundo. Panandali ay iniwa niya ang
kaniyang asawa at sinamahan si Charles. Alam niyang naging makasarili siya para kay
John, ngunit ito na lamang ang huli niyang magagawa. Sinulit nila ang kakaunting oras
na mag kasama hanggang tuluyan nang mawala si Charles at iwam si Cream. Sa huli
hindi inaasahan at hindi maipaliwanag na dahilan sumakabilang buhay din si cream
pagkatapos ng ilang araw na pagkamatay ni Charles na para bang mag-kadugtong ang
buhay nila ni Chales.

II. Paglalahad ng Suliranin


Ang isa sa suliranin na kinaharap ng mga bidang tauhan ay ang kahit anong gawin
nila hindi palaging sapat ang pagmamahal para sa manatili ang dalawang nagmamahalan
sa isa’t isa. Kagaya na lamang ni Charles at Cream na maraming balakit sa kanilang
pagmamahalan. Hindi man lang sila na bigyan ng pagkakataon para maiparamdam ng
matagal ang nararamdaman ng isa’t isa. Parang bang pinipigilan sila nang tadhana na
maging maligaya at mag ibigan. Kahit tunay silang nagmamahal at nasa tamang tao na,
lagi pa ring kailangan ng tamang panahon at pagkakataon para dito. Wagas at tunay man
ang pagmamahalan nila Charles at cream hindi pa rin umakma ang tadhana at
pagkakataon sa kanila.

III. Sangkap ng Dula


Buod
Si Charles and Cream ay pinagtagpo ng tadhana at parehong nag-iisa na lamang
sa buhay. Naging sandalan nila ang isa’t isa at nauwi sa pag-iibigan. Ngunit ang kanilang
pag-iibigan ay malungkot na istorya. Ang dalawa ay nag mamahalan na una pa lamang
ngunit hindi nila ito ipinapaalam sa isa’t isa. Si Charles ay may malubhang sakit at wala
nang lunas dito na hindi niya masabi-sabi kay Cream na naging dahilan din para itago na
lamang niya ang nararamdaman dito. Hanggang sa makahanap na ng ibang mamahalin
si Cream pero alam niyang mas higit pa rin ang naramdaman niya kay Charles. Hindi
man sinabi ni Charles ang tungkol sa sakit niya, kalaunan ay nalaman rin ito ni Cream.
Labis ang awa ni Cream kay Charles nang malaman nya ito. Tinanggap na lamang nilang
hindi nila makakasama ng matagal ang isa’t isa at hindi na nila maipaglalaban ang
kanilang pag-iibigan. Ipinaubaya na lamang ni Charles si Cream sa iba at sinuguradong
maaalagan ito ng tama bago siya lumisan sa mundo at piling nito. Bilang sukli sa lahat
ng sakripisyo ni Charles para sa sa kaniyang kaligayahan, sinamahan ni Cream si
Charles sa nalalabing oras nito sa mundo. Sinulit na nila ang kakaunting oras na sila’y
magkakasama. Alam ni Cream na mahal siya ni Charles ngunit pinili siyang palayain nito
dahil ayaw niyang maiwan lamang siyang mag-isa sa huli. Sa huli, pagkatapos lumisan
sa mundo ni Charles ay hindi inaasahang namatay din si cream na parang bang
magkadugtong ang kanilang buhay.
Pagsusuri
Kapana-panabik ang bawat nangyayari sa storya ng pelikula. Hindi inaasahan ang
mga susunod na pangyayari at kakaiba ang tema ng daloy ng kwento. Maaantig ang
bawat puso ng mga taong makakapanood. Iba’t ibang emosyon ang mararamdaman,
may saya, katatatawan, aral, at higit sa lahat may kalungkutan. Hindi man masaya ang
naging katapusan ng kwento, siguradong tatatak ito sa bawat puso ng makakanood.
Maaantig sila sa masakit ng kwento ng pag mamahalan nila Charles at Cream.
Tagpuan
Ang pangunahing tagpuan ay sa isang bahay kung saan magkasamang tumira
sila Charles at Cream at dito nabuo ang kanilang pag-iibigan.
Tauhan
Yassi Pressman bilang Cream
JC Santos bilang Charles
Diego Loyzaga bilang John

IV. Suliranin
Kasiglahan
Sa unang bahagi ng kwento kung saan hindi pa nalalamang may sakit si Charles,
masaya silang nag sasama ni Cream sa iisang bahay at kontento na sila lamang dalawa.
Hindi man nila aminin ang nararamdaman sa isa’t isa ay damang dama at kitang kita ang
kanilang pagmamahalan. Silang dalawa ang naging magkasangga sa buhay noong
panahon pareho silang na iwang mag-isa.
Tunggalian
Ang tunggalian ng kwento ay maaaring tao laban sa kaniyang sarili. Ito ay nang
nag dadalawang isip si Charles kung pano nya masasabi kay Cream ang kaniyang
nararamdaman dito at ang kaniyang sakit. Patuloy niya ring nilalabanan ang kaniyang
sakit at hindi na humingi ng tulong kahit kanino, kahit pa kay Cream na nag-iisang kasama
na lamang niya sa buhay. Nilabanan niya ang kaniyang sakit nang mag-isa.
Kasukdulan
Ito na ay nang nag sisimula na si Cream humanap ng ibang iibigin upang malaman
kung may nararamdaman ba si Charles para sa kaniya. Labis na saktan si Charles dito
at maging si Cream ng akalain niyang walang pakialam sa kaniya si Charles dahil
hinayaan lamang siya nitong mapunta sa iba na linggid sa kaniyang kaalaman na sobrang
nasasaktan din si Charles, ngunit wala lang siyang magawa hanggang sa tuluyan nang
ikasal si Cream sa iba.
Kalakasan
Nang ipakita na sa istorya na alam pala ni Cream na may sakit si Charles at pinili
niyang makasama ito sa nalalabing oras nito. Masakit at maikli man ang panahon, ito na
lang ang tangging magagawa ni Cream, nang sa ganon ay maiparamdam man lang niya
ang kaniyang nararamdaman para kay Charles. Sa maikling panahon na yon ay
naiparamdam nila ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa na kanilang matagal na tinago.
Wakas
Tuluyan nang sumakabilang buhay si Charles at na iwan nang mag-isa si Cream.
Labis ang hinagpis at lungkot ni Cream. Ilang raw lang matapos mamayapa si Charles ay
sumakabilang buhay din si Cream sa hindi maipaliwanag na dahilan. Na parang ang
dalawang nag-iibigan ay magkadugtong ang buhay.

V. Bisa ng Akda
Damdamin
Pagmamahalan at kalungkutan ang damdamin na nag-uumapaw sa kwento.
Kuhang kuha ng pelikula ang damdamin ng manonood sa bawat masasakit na eksena
nila Charles ang Cream. Ramdam din ang kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t isa
na patuloy na pinipigil ng tadhana na mas ikinasakit pa ng kwento. Sa unang bahagi
naman ng kwento ay makakaramdam ng kasiyahan ang manonood ngunit mauuwi pa din
sa kalungkutan sa katapusan ng kwento.
Kaisipan
Hindi lahat ay kayang ipag-laban ang pagmamahalan. Hindi sapat na mahal mo
lang ang isang tao, dapat ayon din ang panahon at palagid. Katulad ng pagmamahalan
nila Charles ang Cream, hindi naging sapat ang kanilang pagmamahalan para habang
buhay silang maging masaya. May mga balakid at mga problemang mararanasan, ngunit
ang kila Charles ang Cream ay hindi na nga lamang na bigyan pa ng solusyon,

VI. Konkluksyon
Ang pag-iibigan nila Charles at Cream ay simbolo ng pagmamahalang wagas at
handang mag parayan para sa minamahal. Handang isuko ang sariling kaligayahan at
mag sakripisyo para sa minamahal. Dapat din na pagmahal natin ang isang tao, nasasabi
na natin ito agad sa kanila at hindi na umabot pa sa kakaunti na lamang ang panahon
para maiparamdam nati ito. Katulad nila Charles at Cream na sana ay una pa lang ay
nasabi na ang nararamdaman sa isa’t isa. Kung ganoon ang nangyari, masakit man sa
huli, mayroon naman silang higit na pagkakataon para iparamdam ang pagmamahal sa
isa’t isa. Ngunit may kaniya-kaniya naman tayong pamamaraan kung pano natin
ipapakita at ipaparamdam ang ating pagmamahal. Lahat din tayo ay may kaniya-
kaniyang istorya, merong masaya at malungkot ngunit ano man ito piliin lagi nating
maiparamdam ang pagmamahal natin bago mahuli ang lahat.

You might also like