Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

GRADE SCHOOL DEPARTMENT


LEARNING PLAN

FILIPINO VI

Yunit I: Ikaw... Ako... Pilipinong Natatangi


Grade Level: 6 Date: Hulyo 22-24
ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng masusing paglalahad ng mga bawat aralin hinggil sa mga babasahing mga kwento at
gagamiting wika bilang pagsusuri tungo sa kanilang pagkatuto sa makabagong kurikulum.

LAYUNING MAY KAHULUGAN


Kakailanganing Pang-Unawa: Mahahalagang Tanong:
Pagbasa Pagbasa
Ang pagiging mapagbigay at mapgkumbaba, ay isang natatanging gawi 1. Bakit walang kaibigan si Gardong Buwaya?
na nararanasan natin upang makatulong sa mga nangangailangan. 2. Paano nagbago ang ugali ni Gardong Buwaya?
Wika 3. Anong paraan ang ginawa ni Lornang Tagak upang mahulog ang loob
Ang pangungusap ay nay apat (4) na uri ito ay ang pasalaysay, patanong, sa kanya ni Gardong Buwaya?
pautos at padamdam na karaniwang ginagamit natin sa pagpapahayag ng Wika
ating damdamin. 4. Ano ang ibat-ibang uri ng pangungusap?
5. Sa papaanong paraan nagagamit ang ibat-ibang uri ng pangungusap?

MGA LAYUNING NATATAMO


Nilalaman: Kasanayan:
Pagbasa Pagbasa
A. Ang Tagak at ang Buwaya? 1. Matutukoy ang mahahalagang detalye na nakapaloob sa kwentong
Wika binasa.
B. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit. 2. Maiisa-isa ang kahalagahan ng pangyayari sa kwento na realidad ng
buhay.
Wika
3. Makikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
4. Matutukoy ang mga bantas na ginagamit sa paglalahad ng
pangungusap.
5. Makapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa uri at
gamit nito.
ANTAS II - PAGTATAYA
Inaasahang Pagganap: Iba Pang Pagpapatunay ng Pang-unawa:
Pagbasa A. Pagtatanong na may kinalaman sa paksa.
A. Pagtukoy sa detalye ng kwento: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Mensahe B. Pagsagot sa mga gawain na nasa batayang aklat.
at Pagpapahalaga. C. Resitasyon
B. Pag-isaisa sa mga pangyayaring maaaring may kinalaman sa totoong D. Maikling Pagsusulit
buhay.
Wika
C. Pagtalakay sa Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit.
D. Pagbabasa sa mga pangungusap na may wastong bantas.
ANTAS III – MGA GAWAIN NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

I. Mga Layunin:
Pagbasa
A. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye at pangyayari sa kwentong binasa na: ANG TAGAK AT ANG BUWAYA?
B. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin:


ARALIN IV: “ANG TAGAK AT ANG BUWAYA”

III. Mga Sanggunian:


BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 53-55

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:

Ipapaskil sa pisara ang larawan ng tagak...


TAGAK

1. Magpapabigay ng mga nalalaman ang mga mag-aaral tungkol sa ibong ito.


2. Iuugnay ang pinag-usapan sa babasahing kwento. Sasabihin na ang isang kinatatakutang hayop ay may malaking kaugnayan sa araling
tatalakayin.

C. Paghawan ng Sagabal:
1. nananahan - tumitira
2. itinikom - isinara
3. nasilo - nahuli
4. mapapawi - maaalis
5. pagpapataboy - pagpapaalis

D. Paglinang ng Aralin:
1. Ipapabasa sa mag-aaral ang kwento sa pamamagitan ng SALITANG PAGBASA.
2. Ilalahad ng mag-aaral ang mga elemento na nakapaloob sa kwento: TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY NG PANGYAYARI, MENSAHE
at ARAL.
3. Iuugnay ang kahalagahan ng kwento sa totoong buhay.

V. Values/Pagpapahalaga:
- Nakakatakot man tayo sa paningin ng iba, hindi tayo nilikha ng diyos na may nakakatakot ng ugali.
- Ang pagiging mapagbigay sa kapwa ay malaking tulong na mapaunlad ang ganap ng isang buhay.

VI. Ebalwasyon:
Pagpapasagot ng Pagsasanay A at B sa pahina 58-59 sa aklat na Binhi: Wika at Pagbasa

IKALAWANG ARAW

I. Mga Layunin:
Wika
1. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
2. Natutukoy ang mga bantas na ginagamit sa paglalahad ng pangungusap.
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa uri at gamit nito.

II. Paksang Aralin:


Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit.

III. Mga Sanggunian:


III. Mga Sanggunian:
BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 64

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

Magpapaskil ang guro ng 3 pahayag.

a. ANG BULAKLAK AY MABANGO.


b. ANO ANG PANGALAN MO?
c. PAKIKUHA MO ANG LAPIS KO SA MESA.
d. NAKU! BAGSAK AKO SA FILIPINO.
1. Ipapabasa ng guro ang mga pahayag sa mag-aaral sa wastong basa nito.
2. Ipapasuri ng guro sa klase ang pagkakaiba-iba sa apat na binasang pahayag.
3. Ipapalahad ng guro ang kanilang kasagutan at kung ano ang kaugnayan nito sa paksang tatalakayin.

C. Paglinang ng Aralin.
1. Pagtalakay sa Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit nito.
2. Pagbabasa ng mga pangungusap na batay sa ginamit na bantas.
3. Pagbibigay ng halimbawa ng pangungusap ayon sa uri at gamit nito.

V. Pagpapahalaga:
Gamit ang binasang kwentong ANG TAGAK AT ANG BUWAYA, maghanap ng tigalawang halimbawa ng pangungusap dito na ayon sa uri ng
pangungusap na tinalakay.
VI. Ebalwasyon:
Pagsagot ng maikling pagsusulit sa batayan aklat pahina 65 pagsasanay A at B.

VII. Kasunduan:
Isaaral ang Mga Uri Ng Pangungusap ayon sa Gamit at maghanda para sa maiksing pagsusulit.

Prepared by: Noted by:

_____________ ____________________
Marvin P. Nava Mrs. Mary Ann T. Abejar
Grade 7 Adviser School Pricipal

You might also like