Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG MGA KATANGIAN NG PAGKATAO:

MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATAO


Dalawang bahagi:
1. Pagiging tao- tumutukoy ito sa pagka-ano ng tao.
- Ang tao ay may isip at kilos loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad.
2. Pagpapakatao- tumutukoy sa pagka-sino ng tao.
- Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod tangi sa kanya sa kapwa niya
tao.
TATLONG KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO
1. May kamalayan sa sarili
- Kakayahang magnilay sa kanyang sarili.
- Alam niya na ALAM NIYA o HINDI NIYA ALAM.
- May pagtanggap sa kanyang talento na magagamit nya sa kaniyang pakikibahagi
sa mundo.

2. May kakayahang kumuha ng buod


- Kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari.
- Nauunawaan niya ang layunin ng pag-iral ng mga bagay-bagay.
- May paghangang magbubunga sa kanyang pagiging mapanagutan sa lahat.

3. Umiiral na nagmamahal (ens amans)


- Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang
magmahal.
- Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang
persona.
- Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal.

ANO ANG PAGMAMAHAL?


Ang pagmamahal ay isang damdaming puno ng matinding pagmamalasakit, pag-aalala,
at paggiliw. Ang pagmamahal ay isang galaw patungo sa meron na may halaga at
pagpapaunlad ng halagang minamahal ayon sa kalikasan nito.
HALIMBAWA NG MGA PERSONALIDAD:
I. Cris Valdez
- Si Criz “Kesz” Valdez (ipinanganak noong Disyembre 26, 1998) ay isang Filipino
Huminitarian and founder of Championing Community Children (C3). Sa edad na
13, ginawaran si Kesz ng 2012 International Children’s Peace Prize in The Hague,
Netherland.
II. Roger Salvador
- Si Roger Salvador o mas kilalang Kap Roger ay isang dating banker pero naisip
niyang huminto sa trabaho at magsaka na lamang.
- Nagtatanim sya ng mga mais tsaka mani.
III. Joey Velasco
- Si Joey Velasco ay isang sikat na relihiyosong pintor at iskultor na kilala sa
kanyang likhang sining na “Hapag ng Pag-Asa” na naglalarawan kay Hesukristo na
kumakain kasama ang mga batang lansangan.
IV. Mother Teresa ng Calcutta
- Si Saint Teresa ng Calcutta (kilala bilang Mother Teresa) ay isang Albanian-born
Indian Roman Catholic missionary at madre na inialay ang kanyang buhay sa
pagtulong sa mga higit na nangangailangan. Itinatag niya ang Missionaries of
Charity sa India noong 1950, at sa loob ng mahigit 45 taon, naglingkod siya sa
mga mahihirap, maysakit, naulila at namamatay.

MGA ARAL:

“Madaling maging Tao pero Mahirap magpakatao, kaya sa bawat pasya na


isasakilos natin ay dapat piliing gumawa ng isang hakbang sa pagbabago.”

You might also like