Activity w4 Mapeh

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MAPEH

MUSIC
MELC: performs similar and contrasting phrases in music (melodic , Rhythmic) (MU4FO-IIId-5)
TANDAAN: Sa musika, ang pagsasama-sama ng mga note at rest ay humahantong sa pagbubuo ng mga melodic
at mga rhythmic phrase na siyang nagiging mahalagang bahagi ng isang likhang pangmusika.
Ang mga phrase ng isang awit ay binubuo ng mga himig at rhythm na may iba’t ibang uri. Ito ay ang
magkahawig na parirala na binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit sa mas mababa o mas mataas na tono at di-magkatulad
na parirala na binubuo ng magkaibang rhythmic at melodic phrase. Ang himig at rhythm ay naiiba sa mga naunang
phrase o sumasalungat sa daloy ng himig.
Melodic phrase ang tawag sa pangkat ng mga tono o himig na bahagi ng isang awit. Rhythmic phrase ang
tawag sa pangkat ng mga note at rest batay sa palakumpasan sa isang bahagi ng awit o komposisyon.

ARTS
MELC: creates simple, interesting, and harmoniously arranged relief prints from a clay design
Relief Printing makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa ang mga
disenyong may etnikong motif. Napapaganda nito ang mga kagamitan.
Ang etnikong motif ay binubuo ng mga hugis at linya. Sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na
ayos (paikot) ng mga hugis at linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif designs.
Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba pang
materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief
master o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.

Gawain 1
Tukuyin kung ano binabangit sa bawat pangungusap. Pilliin ang tamang sagot sa loob kahon.
Etnikong motif Relief prints
Relief Printing Hugis at linya
Relief Master o molde
1. Ito ay isang uri ng disenyo na makikita sa bagay tulad ng banga,tela, sarong, damit, malong cards at iba pa.
________________________
2. It ay ang mga disenyo, letter print, slogan o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba pang mga
materyales. ________________________
3. Ito ay binubuo ng mga hugis at linya sa pamamagitang ng paguulit, pagasasalit-salit at radial na ayos ng mga
linya o hugis. ________________________
4. Ito ang ginagamit sa relief print upang mabuo ang mga disenyo. _____________________
5. Ito ang mga element na bumubuo sa etnikong motif. ____________________
Gawain 2
Disenyong Panggilid (Border Design)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hairclip, barbecue sticks, barya ng iba’t ibang
halaga, mga dahon na may iba’t ibang hugis at tekstura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo at lumang
plastik.
Mga Hakbang Sa Paggawa:
1. Pumili ng mga dahon na may iba’t ibang laki at tekstura.
2. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaaring katulad ng mga disenyo sa
inyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw ng mesang panggagawaan.
3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng dahon na may tekstura para
lumitaw ang disenyo).
4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang mga dahon, maaari ng ipatong
ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim nito.
5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang mga tekstura nito na nasa
ilalim.
6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim nito).
7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid.
8. Linisin at ayusin ang lugar na pinag gawaan ng proyekto o disenyo.
9. Maglagay ng paliwanag sa likod ng iyong proyekto tungkol sa inyong natutuhan sa gawaing ito. Ipasa
sa guro ang natapos na proyekto.
Mga Sukatan Lubos na nasunod ang Nasunod ang pamantayan Hindi nasunod ang
pamantayan sa pagkabuo sa pagbuo ng likhang pamantayan sa pagbuo ng
ng likhang sining (3) sining (2) likhang sining (1)
Nasunod ang pamamaraan
sa paglilimbag at nakabuo
ng sariling disenyo
Gumamit ng mga bagay
na iba’t ibang tekstura sa
pagbuo ng disenyo
Naipaliwanag ang natapos
na likhang sining
Naipakita ang
pagpapahalaga sa likhang
sining sa pamamagitan ng
pagbahagi ng kahalagan
nito sa iba
Gawain 3
Basahing mabuti at gawin ang isinasaad sa bawat bilang.
1. Nais mong lumikha ng isang kakaibang disenyo para sa inyong proyekto sa sining. Gamit ang mga etnikong
motif sa ibaba paano mo maipapakita ang iyong disenyo sa pamamagitan ng pagsasalit-salit. Iguhit ang naisip na
disenyo
PHYSICAL EDUCATION
MELC: assesses regularly participation in physical activities based on physical activity pyramid (PE4PF-IIIb-h-18)
TANDAAN: Ang health-related components ay mga sangkap ng physical fitness na kadalasang ginagamit sa
pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan. Ang limang sangkap ng health-
related fitness ay ang sumusunod:
• Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) – kakayahang makagawa ng pangmatagalang
gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa
• Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang
paulit-ulit at mahabang paggawa
• Muscular Strength (Lakas ng
kalamnan) – kakayahan ng kalamnan
(muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa
isang beses na buhos ng lakas
• Flexibility (Kahutukan) –
kakayahang makaabot ng isang bagay
nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat
ng kalamnan at kasukasuan
• Body Composition – dami ng
taba at parte na walang taba (kalamnan,
buto, at tubig) sa katawan

GAWAIN 1
Activity Pyramid Guide
Isulat at itala ang bawat
gawaing pisikal na iyong gagawin sa
bawat araw.
ARAW GAWAING PISIKAL ORAS
LUNES
MARTES
MIYERKULES
HUWEBES
BIYERNES
GAWAIN 2
Magtala ng limang pisikal na gawain sa pangaraw-araw na iyong ginagawa, tukuyin kung saan ito na
bibilang sa Activity Pyramid Guide.
Gawaing Pisikal Activity Pyramid Guide

GAWAIN 3
Gawin ang mga sumusunod na gawain at punan ng mga impormasyon ang tsart na nasa ibaba.
Mga Gawain Ilang beses nagawa
Jumping Jack
Push-up
Paglalakad
Pagtakbo

Health
MECL: describes the potential dangers associated with medicine misuse and abuse (H4S-IIIde-4)
Antibiotic May hangganan ang paggamit sa lahat ng gamot lalo na sa mga antibiotic dahil sa sumusunod:
 Pagkalason at reaksiyon. Bukod sa pinapatay ang bacteria, nakapipinsala rin sa katawan ang antibiotic,
makalason, o maging sanhi ng allergy. Maraming namamatay taon-taon dahil gumagamit sila ng antibiotic na hindi nila
kailangan.
 Pagkasira ng balanse ng katawan. Hindi lahat ng bacteria sa katawan ay nakapipinsala. Ang iba ay kailangan ng
katawan upang normal na gumawa ito. Kadalasan, parehong pinapatay ng antibiotic ang masasama at mabubuting
bacteria. Ang mga sanggol na binibigyan ng antibiotic ay nagkakaroon kung minsan ng impeksiyon sa bibig sanhi ng
fungus (agihap) o sa balat (moniliasis). Nangyayari ito dahil pinapatay ng antibiotic ang mga bacteria na pumipigil sa
fungus.
 Hindi na tatablan kapag tumagal. Sa katagalan, ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat magkaroon ng
limitasyon sa paggamit ng antibiotic ay ang pagkabawas ng bisa nito.

Basahin ang komiks strip at sagutin ang mga tanong.


Mga Tanong:
1. Ano ang dahilan ng pagsugod kay Karen sa ospital?
2. Ano ang nangyari kay Karen pagkatapos uminom ng sobrang dosis ng gamot?
3. Bakit kailangan ang reseta ng doktor bago uminom ng gamot?
4. Paano nakaaapekto sa ating kalusugan ang maling paggamit ng gamot.

Gawain 1
Punan ang tsart ng mga epekto ng maling paggamit ng gamot.
Epekto ng maling paggamit ng gamot
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2
Tukuyin kung tama o mali ang nilalaman ng mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang nilalaman ng
pangungusap at MALI kung hindi ito wasto.
1. Isang pisikal na epekto ng maling paggamit ng gamot ang pagkabingi. ____________
2. Ang maling paggamit ng gamot ay nagdudulot ng panghihina ng immune system. ______________
3. Nakabubuti sa mga bata ang pag-inom ng gamot kahit hindi kumukunsulta sa doktor. _____________
4. Ang pamamaga ng labi, mukha, at dila ay sanhi ng sobrang paginom ng gamot. _____________
5. Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay epekto ng sobrang paggamit ng gamot. ___________
Gawain 3
Gumawa ng isang maikling talata na mayroong apat ( 4 ) na kumpletong pangungusap kung papaano maiiwasan ang
maling paggamit ng gamot.
(5 puntos)

v
MELC: Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay (EPP4HE-0b-3)
TANDAAN:
Mga Gamit sa Pananahi

May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa ay may angkop na gamit. Dapat din na tandaan natin kung
paano ang mga ito itatago sa tamang paraan upang magamit sa oras na kailangan.
 Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay
sukatin muna ito gamit ang medida upang
maging akma ang sukat nito.

 Gunting. Gumamit ng angkop at matalas na


gunting sa paggupit ng telang itatapal sa damit
na punit o damit na susulsihan.

 Ang karayom at sinulid ay ginagamit sa


pananahi. Dapat magkasingkulay ang sinulid at
tela o damit na tinatahi.

 Kapag ikaw ay nagtatahi lalo sa matigas na


tela, gumamit ng didal. Ito ay isinusuot sa
gitnang daliri ng kamay upang itulak ang
karayom sa pagtatahi. Sa ganitong paraan
maiiwasan matusok ng karayom ang mga daliri

 Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtahi,


mainam na ito ay ilagay sa pin cushion.

 Itusok ang karayom sa emery bag kapag hindi


ginagamit upang hindi ito
kalawangin.

GAWAIN 1
Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.
a. medida b. didal c. gunting d. emery bag
2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
a. sewing box b. pin cushion c. emery bag d. didal
3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.
a. medida b. didal c. gunting d. emery bag
4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
a. medida b. didal c. gunting d. emery bag
5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
a. karayom at sinulid b. didal at medida c. gunting at lapis d. emery bag at didal
GAWAIN 2
Magbigay pa ng ibang kagamitan na ginagamit sa pananahi.
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 3
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit mo kailangan matutunan ang mga ibat- ibang kagamitang Panahi?
2. Ano ang kahalagahan na malaman kung papaano manahi?

You might also like