Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IGOROT AKO -Moshe P. Dacmeg Igorot! Ano agad ang pumapasok sa isipan niyo pag narinig niyo ito?

Lahat po tayo ay may kanya kayang kultura at etnikong kinabibilangan. Mayroong Kapangpangan, Ilokano, Tagalog at iba pa. Bawat etniko ay may sariling pagkakilanlan, sa pisikal na anyo, sa salita, sa pananamit, sa paniniwala at hanapbuhay. Tulad ko, ako ay isang Igorot. Igorot ang tawag sa mga katutubo dito sa Cordillera. Kami ay mas kilala sa pananamit ng bahag o wanes sa diyalekto namin. Pero sana, hindi lang po dahil dito, kundi dahil sa ating mga magagandang gawain at tulong sa ating mga kapwa. Sa ngayon, maraming mga Igorot, hindi lang dito kundi kahit sa labas ng bansa. Ang pagka-Igorot ay hindi lamang sa panlabas na hitsura kundi ito ay sa asal at ugali o saloobin. Karamihan, pinapanindigan nila ang pagka-Igorot nila mas lalo pag matatanda.Sa mga kabataan, gustong gusto nilang magsuot ng wanes sa mga lalaki o tapis sa mga babae, lalong lalo pag may mahahalagang okasyon. Pero ang iba, ikinakahiya nila o ayaw nilang aminin na sila ay Igorot. Minsan, para maka-iwas ng diskriminasyon kaya nila ginagawa ito. Tulad ng mga sinabi nila noon, na Igorots are not Filipinos, Igorot, may bontot, Tao po ako, hindi po ako Igorot. Nakakainsulto po diba. Paano kaya pag sa inyo sinabi ang mga ito,ano ang gagawin niyo? Siguro, pag hindi sila ignorante o inosente kung anu ang Igorot, hindi nila nasabi ang mga ito. Pero hindi dapat gawin itong rason ng kahit kanino. Mahirap magsalita tungkol sa isang bagay mas lalo pag hindi natin alam kung ano ito o wala man lang tayong ideya tungkol dito. Alam ko, may sari-sarili tayong karanasan ukol sa diskriminasyon pero sa ibat ibang paraan at aspeto tulad sa kung anu man ang hitsura natin o kung sino tayo. Pero sana maging daan ang mga ito para lalong tumibay ang ating mga kalooban. Maging daan para lumawak ang ating mga pananaw sa buhay at matupad ang ating mga pangarap. Ito din ay para sa ating mga anak at sa susunod na henerasyon. Matatandaan ko pa noong kami ay nasa Manila Hotel, para sa isang furom, na may temang Embracing our Common Humanity. Ako ay nakabahag noong oras na iyon ng ako ay sitain at sabihan ng isang guwardiya na pag ako daw ay gagawa ng kakaiba, ay papalabasin ako sa lugar na iyon. Naging balita na ang insidenteng iyon. Pero mayroong public apology pagkatapos. Gusto ko lang maging tooto tayo kahit kanino. Mahalin natin ang ating kultura pagkat ito ang pundasyon natin bilang isang mamamayan sa ating lugar. At kilalanin natin din ang ating lahi o pangkat pagkat sila din ang tutulong at magmamalasakit sa atin. Ako ay purong Igorot, sa dugo, sa gawa at saloobin. May ibat ibang diyalekto ang mga Igorot tulad ng Ibaloi, Kalinga, Ifugao, Isneg at iba pa. Kankanaey ang sa amin. Lahat tayo dito ay mula sa magkakaibang etniko. Ating igalang at respetuhin ang bawat isa. Ating pag-aralan at intindihin ang bawat tradisyon o kultura ng isat isa. Sa ganoon, mabubuo ang isang maganda at matatag na samahan pag nagkakilala tayo ng husto, hindi lamang sa pangalan, kundi sa ating mga pinagmulan. Dito, maiiwasan ang diskriminasyon sa kapwa natin, dahil hindi na tayo ignorante, kundi edukado at may alam na tayo tungkol sa kung anu o sinu ang mga ito. Sa aking mga nararanasan, positibo man o negatibo, lalong tumatatag ang aking loob, lalo sa aking pagka-Igorot. Ngayon, may ideya na siguro kayo, tungkol sa mga Igorot. Magsaliksik kayo o makisalamuha sa amin para mas malawak ang inyong kaalam tungkol sa aming mga Igorot. Maraming salamat po! Matagotago Tako Amin!...............Mabuhay Tayong Lahat!...............God Bless!...............

You might also like