Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

ISKOR:
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON ______
Sangay ng Lalawigan ng Quezon
Kanlurang Purok ng Calauag

DR. ARSENIO C. NICOLAS INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Pandanan Calauag, Quezon
Lagda ng Magulang: ___________

FILIPINO 9 Petsa: _______________________


Unang Markahang Pagsusulit

Pangalan ___________________________________ Petsa _____________________________


Seksyon ____________________________________ Guro CAMILO S. FRANCIA

I. PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungan. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa patlang bago ang bilang.

Para sa bilang 1-2 Ibigay ang kasalungat na kahulugan na salita ng pangungusap.

_______1. Ang kamangmangan sa batas ng sandaigdigan ay isa sa mukha ng kasamaan ng


sangkatauhan.
a. katalinuhan b. mapagbigay c. magdarahop d. nagsasalat

_______2. Ang pagiging sakim sa kapayapaan ay karaniwang bunga ng pagiging materyalistiko ng mga
tao.
a. katalinuhan b. mapagbigay c. magdarahop d. nagsasalat

Para sa bilang 3- 7, piliin kung anong padron ng pag- iisip o thinking pattern ang ginamit sa mga ideya
at opinion.
a. nakatutukoy ng mga impormasyon at datos
b. nakapagsisiyasat ng mga problema o suliranin
c. nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin o problema
d. nakapagmumuni sa mga pangyayari
e. nakapaglalahad ng mga sanhi at bunga
_______3.Ayon sa isinasaad ng sanaysay, may tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng
sinumang tao. Ito ay ang pagtanda, karamdaman, at kamatayan.
______ 4. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad
sa kanilang buhay? Ang hindi pagkakamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung
bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.
_______5. Batay sa aking sarilingn repleksiyon, ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga
ng sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa
sangkatauhan.
_______6. Ang sanhi o dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano
pagkakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitiwang puhunan.
_______7. Ang tanging solusyon upang maiwaksi ang paglaganap ng kasakiman sa mundo ay paghariin
natin sa ating mga puso ang pag- ibig at katarungan.

Para sa bilang 8-16, piliin ang titik na kukumpleto sa pangungusap.


a.araw b. araw-araw c. bungang-araw d. balang araw { bilang 8-10}
_______8. ay masayang pumapasok sa paaralan ang magkapatid na Mike at Shiela.
_______9. Hindi pa man sumisikat ang __________________ ay nasa paaralan na si Ligaya para
magturo.
_______10. Huwag kang maglagi sa initan upang hindi ka magkaroon ng ______________.
a. bago b. pabago-bago c. bagong panahon d. bagong- buhay
{ bilang 11-12}
_______11. Ayaw ng aking amang makipag- usap sa taong __________ ang isip dahil naaabala ang
kanyang trabaho.
_______12. pa ang aking sapatos kaya hindi muna ako magpapabili kay itay ngayong pasukan.
a. sakit b. pasakit c. masakit d. walang sakit { bilang 13-14}
_______13. Ang kanser ay isang uri ng malalng __________ na patuloy na hinahanapan ng lunas

_______14. Ang kanser ng lipunan na hanggang ngayon ay naghahari sa bansa ay tunay na _________
sa buhay. Ng maraming Pilipino.
a. dalaga . b dumalaga c. dalagang- ina d. dalagang- bukid {bilang 15-16}
_______15. Ang mga __________ng pilipina ay itinuturing na hiyas ng ating lahi.
_______16. Sa kasalukuyan, bunga na rin ng pagiging makabago ng kabataan ay ilan na sa kanila ang
nagiging _____________.
_______17. Taglay ng tulang ito ang paksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang- asal ng
mga magsasaka.
a. kababalaghan b. pag- ibig c. katatawanan d. pastoral
_______18. Sining ng panggagaya o pag- iimita ng kalikasan sa buhay na kinatha upang itanghal at
magsilbing salamin sa buhay.
a. dula b. karilyo c. imitasyon d. telebisyon
_______19. Mga pang- ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa _________
a. pang- abay b. pang- ukol c. pang- angkop d. pangatnig
_______20. Ito ang kuwentong nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.
a. katatawanan b. pag- ibig c. makabanghay d. tauhan
_______21. Akdang nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo.
a. dula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay
_______22. ay masayang ihain ang masarap na Indonesian Sate sa mesa upang masayang pagsaluhan
ng pamilya.
a. Sa wakas b. Sumunod c. Sa simula d. Pagkatapos

Para sa bilang 23-27, pagsunod- sunurin ang mga pangyayari sa ibaba batay sa “ Alamat ng
Padaythabin”. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 sa patlang.
_______23. Kaya’t dumating ang panahong inabuso ng mga tao ang mahiwagang puno.
_______24. Mistulang nasa paraiso ang mga tao noon dahil walang suliranin ang mga mamamayan.
_______25. Ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman sa buhay.
_______26. Noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay nakukuha sa puno ng
Padaythabin.
_______27. Sa huli ay tuluyan na itong naglaho at hindi n akita pa ng mga tao.
_______28. Tauhang sumasalungat sa pangunahing tauhan.
a. katunggaling tauhan b. tauhang bilog c. pantulong na tauhan d. tauhang lapad

Para sa bilang 30-32,


Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng modern”, iyong babaeng Malaya, nakapagmamalasaki’t
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan
ng buong sangkatauhan.
------ bahagi ng” Liham para kay Estella Zeenhadelar”
Mula sa Indinesia
Salin ni Ruth S. Mabanglo
_______30. Ito ang layunin ng akda
a. mangtwiran b. magsalaysay c. maglarawan d. maglahad
31. Magbigay ng sariling interpretasyon sa pahiwatig na may salungguhit sa talata. Ibigay ang
kahulugan nito. 2 puntos
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Para sa bilang 33-35, Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan.
____________33. Ang kababaihan sa ngayon ay mabubulaklak ang dila. { konotasyon}
____________34. Maraming magagandang bulaklak sa ating lipunan ngayon. {konotasyon}
____________35. Mabango ang mga bulaklak sa hardin. {denotatibo}
_______36. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na “ Napakagaling talaga ni Sitti Nurhaliza
ng Malaysia”?
a. paghanga b. pagkainis c. pagtataka d. pagmamataas

Para sa bilang 37- 40 . Pagsunod – sunurin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Debate. Lagyan
ng bilang 1 hanggang 4 ang linya.
______ Dagli _______Pangangalap ng datos _______ Pagtatanong
_______Panunuligsa

You might also like