PI 100 Asaynment 1 - Anastacio

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Anastacio, Xyrille H.

PI 100 THR
2019-03209 Propesor Tilde

Asaynment 1: “Ano para sa iyo ang nasyonalismo?”

Para sa akin, ang nasyonalismo ay ang pagmamahal sa sariling bansa. At ang magmahal sa bansa
ay may kaakibat na paggalang at pagtanggap matapos mong matutunan ang kung ano man ang
tungkol dito, kasama na ang mga bahid at pagkukulang—ang masalimuot na kasaysayan at
kasalukuyang estado ng bansa. Ang magmahal sa bansa ay ang boluntaryong pagmamahal dito at
sa mga mamamayan nito nang hindi humihingi ng kapalit, lalo na sa panahon ngayon na bawat
araw ay sinusubok ng bansa ang kanyang mga mamamayan na lumaban at magpursigi upang
mabuhay nang matiwasay. Ang magmahal sa bansa ay maging handa na ipaglaban ito hanggang
sa dulo at tahakin ang kahit anupamang balakid upang protektahan ito at mapanatili ang
kapayapaan. Kung tutuusin, madali lamang sabihin na mahal mo ang Pilipinas. Maaring dahil ito
ay inaasang natural nang maramdaman ng mga Pilipino bilang ito ang lugar ng kapanganakan at
tirahan, o kaya dahil sa mga bagay na nag-uudyok ng “Pilipino Pride”, o maari din dahil sa mga
kultura ng bansa na nakakapagpasaya o nakakapagpagaan ng loob, etc. Ang totoong hamon ay
nasa kung papaano ipapakita ang nasyonalismo o pagmamahal na ito at kung hanggang saan ito
aabot.

Sa bawat pagtalakay ng nasyonalismo, hindi maaring hindi pag-usapan ang mga tao na lumaban
para sa kasarinlan ng ating bayan, ang mga simbolo ng nasyonalismo—ang mga bayani ng
bayan. Sa mga binasang artikulo nila Iniego, Ocampo, at Joaquin, si Rizal at Bonifacio ang mga
bayani na pinagtoonan ng pansin sapagkat sila ang mga tumayong kinatawan ng tila dalawang
magkasalungat na ideya o kaisipan tungo sa pagbabago ng lipunan: ang reporma at rebolusyon.
Si Rizal na nangampanya para para reporma at si Bonifacio na nanguna na kilusang rebolusyon;
dalawang bayaning nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa magkaibang paraan. Ngunit base sa
estado ngayon, makikitang mas nanaig si Rizal sa kasaysayan.

Noon pa man, sa tuwing nababanggit ang nasyonalismo at pagkabayani, ang dakilang si Rizal
agad ang sentro dahil sa kabayanihang pinakita sa kanyang pagkamatay at sa pagkakaisa sa mga
Pilipino bilang isang nasyon. Dahil dito, hindi maikakaila ang pagmamahal niya sa bayan.
Ngunit sa artikulo ni Ocampo, kinilatis at hinamon ang pagmamahal na ito ni Rizal. Gaya ng
pahayag ni Constantino sa artikulo, “Minahal niya ang kanyang bansa, oo, ngunit sa sarili niyang
paraang makailustrado.” Kahit saan man natin tingnan, si Rizal ay parte ng gitnang uri, isang
ilustrado na namuhay sa pribiliheyo kung kaya, kailan ma’y hindi niya maiintindihan nang buo
ang mga paghihirap at pakikibaka ng isang ordinaryong mamamayan o ng masa, katulad ni
Bonifacio. Naging instrumento siya sa pagpapanatili ng “status quo” dahil ang interes ng gitna at
naghaharing uri ang kanyang pinagsilbihan sa pamamagitan ng kanyang ideyang reporma.
Hindi lagi’t lagi madadaan sa repormista at kahinahuan upang makamit ang naisin para sa bansa.
At ganoon din sa rebolusyon at mga bayolenteng aksyon. Walang isang depinisyon ng
nasyonalismo dahil iba iba ang maaring pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Ngunit gaya ng
ipinahayag sa simula, madaling sabihin na mahal mo ang bansa ngunit hindi sapat na mahal mo
lang ito. Kailangan suriin kung saan ang pinanggagalingan nito at alamin kung ano ang akmang
kailangan ng bansa sa oras na iyon.

You might also like