1 Pasay Grade 4 Filipino Q1 W1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 4
QUARTER 1 – WEEK 1

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

A. Layunin :Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at

mabigyang-kahulugan ang mga pahayag

B. 1. Panimula:

Anong klaseng tagapakinig ka ba?

Basahin at tandaan ang mga sumusunod upang maging mabuting
tagapakinig ka:

1. Tumingin sa taong kausap o nagsasalita. Bigyang-pansin ang kanyang

sinasabi. Iwasan ang pag-iisip ng kung ano-anong bagay.

2. Hindi dapat gumawa ng kahit na anong ingay o gawain na makagagambala

sa iyo at sa kanya.

3. Pumili ng isang lugar kung saan makikita at maririnig na mabuti ang

nagsasalita.

4. Pakinggang mabuti ang kanyang mga sasabihin, tanong at maging ang

reaksiyon ng iba pang nakikinig.

2. Mga Gawain
Gawain 1: ATING TUKLASIN:
Panuto: Ipabasa ang kuwento sa kasama sa bahay. Pakinggan itong mabuti.

Si Grace, Ang Batang mahilig sa Cellphone

Araw-araw, pagkatapos ng kanyang gawaing-bahay, agad na siyang

pupwesto sa kwarto at magsisimula ng bumulatlat ng kanyang cellphone.
Mahilig siyang gumamit ng “earphone.” Habang nakasuksok ang “earphone” sa
kanyang tainga, naririnig din ang tugtog na kanyang pinapakinggan.
Minsan inutusan siya ng kanyang ina. “Grace, kunin mo ang timba sa
labas.” Sagot niya, “Ilan ang isasaing?” “Hindi ka na naman nakikinig. Iba naman
ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko,” wika ng ina.

Page 4 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

Tanong:
Ulitin niyo nga ang sinabi ng nanay ni Grace?
Ano naman ang sinabi niya?
Naranasan niyo na ba ang nangyari kay Grace?
Ano kaya ang problema ni Grace?
Ano kaya ang dapat niyang gawin kung may sinasabi ang
kanyang nanay?
Bakit mahalaga na makinig nang mabuti sa nagsasalita?
Ano ang dapat tandaan kapag mayroon tayong kausap? Bakit?

Gawain 2: Pakikinig sa isang awitin.

Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting tagalog na nakateyp na ipatutugtog ng

pwedeng maggabay sa bata sa kanyang pag-aaral. Ipasulat sa papel ang parirala o
linya sa kanta. (Awit: Imahe ni Magnus Haven)
Itanong ito:
Napakinggan mo ba ang awit?
Basahin ang inyong isinulat na parirala o linya mula sa awit.
Patugtuging muli ang awit. Itama kung ang inyong naisulat na parirala ay
wasto.

Gawain 3:
Papanoorin ang mag-aaral ng isang dula-dulaan sa telebisyon. Siguruhing pakikinggan
ng bata nang mabuti ang sasabihin ng mga tauhan. (Dula-dulaan: Project “Isang gabing
walang buwan walang bituin ni Alfred)
1. Isa-isahin ang mga tauhan sa dula-dulaang napanood at
napakinggan.
2. Ano-ano ang mga naganap sa dula-dulaan?
3. Ibigay ang mabuting gawain o gawi na dapat ninyong tularan sa
napanood at napakinggan.

Page 5 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

Gawain 4: Pagsagot sa tanong.

Panuto: Makinig nang mabuti sa sasabihin ng magbabasa ng tanong. Ipasulat ang sagot
sa kuwaderno ng mag-aaral.
1. Ano ang virus na laganap ngayon sa bansa at sa buong mundo?
2. Saan nagsimula ang virus?
3. Ano ang tawag sa virus na ito?
4. Ano ang inyong naramdaman ng magkaroon tayo ng Enhanced Community
Quarantine o ECQ?
5. Magbigay ng dalawang lamang bagay na inyong ginagawa habang kayo ay naka
quarantine.
6. Ano ang natatandaan mong bagay na gingawa ng gobyerno na
nakatulong sa mga mamamayan habang naka quarantine? Magbigay ng 2.
7. Magbigay ng mga alam mong dapat gawin upang maiwasan ang Covid-19?
8. Paano ka nakapag-enrol kahit hindi pumupunta sa paaralan?
9. Anong mahalagang bagay ang naidulot ng quarantine sa mga tao at sa bansa?
10. Ibigay ang kahalagahan ng pakikinig nang mabuti sa mga tagubilin.

C. Paglalahat

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…

DAPAT NA MAKINIG NANG MABUTI UPANG:
✓ mapag-isipan ang sinasabi ng nagsasalita. Tingnan kung ang kanyang
sinasabi ay may katotohanan o wala.
✓ makasagot sa tanong na maaaring ibigay ng kausap o ibang tagapakinig.
✓ makasali sa usapan at tuloy ay makapagbigay ng reaksiyon.
Magbigay ng karagdagang ideya…
Handa na upang ituloy ang Aralin…

Paglalapat.
Panuto:Pakikinig sa kuwento. Babasahin sa mag-aaral.
Itanong sa bata:
1. Saan nagbakasyon si Sammarah at ang kanyang Kuya Timmy?
2. Paano sila nakarating sa Antique?

Page 6 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

3. Alalahanin ang magagandang tanawin na nabanggit ni Sammarah.

4. Ano-ano ang magagandang karanasan ni Sammarah na hindi niya
makalilimutan?
5. Kung tatanungin si Rosie sa ikinuwento ni Sammarah, makasasagot
kaya siya? Bakit?
6. Sino sa mga kaibigan ni Sammarah ang hindi marunong making?
7. Bakit hindi niya itinuloy ang pagtatanong?
8. Kung ikaw, ang napagtanungan niya, ano ang sasabihin mo sa
kanya?
9.Kung ikaw ang magtatanong tungkol sa kuwento ni Sammarah, ano
ang maari mong itanong?
10. Ano ang mabuting naidudulot ng pakikinig sa nagsasalita?

Ang Sabi ni Sammarah Nicole

Sa Culasi, Antique nagbakasyon si Sammarah. Kasama niya ang kanyang Kuya
Timmy sa pagpunta roon.
“Nakakapagod dahil sa mahabang oras ng biyahe sa Roro. Pero sulit dahil sa
magagandang tanawin na makikita at nadadaanan sa paligid. Napakatahimik ng dagat.
Napakalamig sa mata ang kulay asul nitong tubig. Nakatutuwa rin ang mga malalaking
isdang sumasabay sa barko,” ang masaya niyang pagkukuwento sa mga kaibigan.
“Pagkadaong namin sa Kalibo, Aklan, tanaw ko ang kumislap na buhangin ng
Boracay. Parang kumakaway sa akin ang maputing buhangin nito, dugtong pa niya.
Pati ang kaibigan niyang si Rosie ay taimtim na nakikinig sa kanyang
pagkukuwento tungkol sa naging karanasan sa pagbabakasyon sa Antique.
“Pero ang hindi ko makalilimutan ay ang kamuntikan akong matusok ng “sea orchin” ng
madulas ako sa malaking bato noong bumababa ang tubig dagat”, wika niya.
Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan.
“Napakaraming pamilya ng makukulay ng isda ang masisilayan sa napakababaw
na tubig lamang. Meron din starfish. Nanguha nga kami ni kuya e,” sabi niya.
Namangha ang lahat.
“Hoy,” sabi ni Brent kay Lucy. Saan nagbakasyon si Sammarah?
“Hindi ka nakikinig sa kanyang kuwento,” halatang nagtataka na tanong ni Lucy.
Ngumiti na lamang na lumayo si Brent na hindi na itinuloy ang itatanong sana
kay Sammarah.

Page 7 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

D. PAGTATAYA
Panuto: Itala ang Sampung natutuhan mo at dapat mong tandaan sa panahon ng
pandemya. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________
6. _______________________________________________
7. _______________________________________________
8. _______________________________________________
9. _______________________________________________
10. ____________________________________________

Reference for Enhancement:

1. Santos, Marita S., et. al.
2. Sining sa Wika 4, pahina 1-4 MISOSA Filipino. Module 21. pahina 2-4
3. Ang Pambihirang Sombrero ni Mia youtube.com/watch?v=-rLNF_2W5Ds
4. MISOSA Filipino 5. Kahulugan ng matatalinhagang salita. Pp 4-7
5. Project “Isang gabing walang buwan walang bituin ni Alfred”
youtube.com/watch?v=iaTKKCct-
Inihanda ni: ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

Page 8 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
UnangMarkahan / UnangLinggo / Ikalawang Araw

A. Layunin : Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang

sitwasyon tulad ng pagbili sa tindahan.

B. 1. Panimula

• Ang mga katagang po. Opo, at ho na kasama sa pangungusap ay

nagsasaad ng paggalang o pagpipitagan..
• May iba pang magagalang na pananalitang magagamit sa iba’t ibang
sitwasyon o pagkakataon.

Halimbawa:
Magandang umaga (tanghali, hapon, gabi, araw) po.
Mano po
Mawalang-galang na nga po
Makikiraan nga po
Makiabot na nga po
Maari po bang makapagtanong?
Anong oras na po?
Salamat po
Wala pong anoman
Hindi ko po sinasadya.

Page 9 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

2. Mga Gawain
Gawain 1: SUBUKIN NATIN
Panuto: Basahin sa sarili ang mga pangkatang salita, lagyan ng ekis ang
naiiba ang bigkas.
1. Salamat Salamat Salabat Salamat

2. Umaga umupa umaga umaga

3. Hapon kahapon kahapon kahapon

4. Paalam paalam palaka paalam

5. Opo Opo Upo Opo

6. Tanghali tangahalan tanghali tanghali

7. Araw Apaw Araw Araw

8. Marami marami marumi marami

9. Tao po! Tao po! Tao ho! Tao po!

10 . Gabi Gapi Gabi Gabi

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang pangungusap na ito.

Opo. Natapos ko na po ang aking gawain, Salamat po

sa pagtulong ninyo sa akin.

A. Sagutin ang tanong.

1. Anong mabuting ugali ang ipinapakita sa mga pangungusap na ito?
_____________________________________________
2. Paano maipapakita ang pagiging magalang?
_____________________________________________

Page 10 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

B. Pagtambalin ang magkaugnay na pananalita. Isulat sa patlang ang

letra ng tamang sagot.

___3. Magandang tanghali po. a. Bati sa pagbili

___4. Magandang umaga po. b. Bati sa tanghali

__ 5. Salamat po. c. Bati sa umaga

___6. Pabili nga po ate. d. Sinasabi kung

nagpapasalamat.

C. Lagyan ng tsek (✓) ang tapat ng bilang kung tama ang isinasaad ng
pangungusap.

7. ___ Tumitigil sa paglalakad sa tuwing umaawit ng pambansang awit.

8. ___ Inaaway at inaagawan ng laruan ang kaibigan.
9. ___ Nag-aagawan sa upuan.

10___ Bumabati sa mga taong nakasasalubong.

PAGLALAHAT:
Tandaan...
• Ang paggamit ng mga magagalang at mapitagang salita ay tanda
ng isang pagka-pilipino, nagpapatunay ito ng may mababang
kalooban at maraming ang sa iyo ay mawiwili.
• Gamitin ang Magagalang na salita sa kahit na kahit anong
pagkakataon.

Gawain 3:
Panuto: Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na mga sitwasyon? Tandaan
ang paggamit ng mga magagalang na salita.

1. Ngayon ay kaarawan ng iyong matalik na kaibigan. Paano mo siya babatiin?

___________________________________________________________

Page 11 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

2. Naiwan mo ang iyong pencil case sa bahay. Nais mong hiramin ang lapis ng
kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
___________________________________________________________

3. Binigyan ka ng bagong damit ng iyong Tatay. Ano ang sasabihin mo sa

kanya?
___________________________________________________________

4. Dumating ang tatay mo galing sa trabaho nang hapong iyob. Inabot mo ang
kanyang kamay, Ano ang iyong sasabihin?

____________________________________________________________

5.Nagmamadali ka sa paglakad patungo sa paaralan, pagkat ayaw

mongmahuli sa klase. Nabunggo mo tuloy ang isang batang babae, nabagsak
ang mga aklat na dala-dala niya. Ano ang gagawin mo? Ano ang sasabihin
mo?
____________________________________________________________

6. Birthday mo. Binigyan ka ng regalo ng iyong tiyahin. Ano ang sasabihin mo?

7. Hirap na hirap kang abutin ang iyong kailangang aklat sa shelf. Nakita mong
may mag-aaral na mas mataas kaysa sa iyo na naroon sa silid-aklatan. Ano
ang iyong sasabihin?
____________________________________________________________

8. Dadalawin mo ang isang kamag-aral na may sakit. Pero di mo matiyak kung

alin sa mga bahay sa pook na iyon ang sa kanila. Paano mo itatanong sa
isang tricycle driver kung alin ang bahay ng iyong kaklase?
____________________________________________________________

9. Nakikipaglaro ka ng badminton. Sa lakas ng pagpalo ng iyong kalaro, ang

bola ay nalipat sa kabilang bakuran. Nakita mo ang kanilang hardinero na
nagdidilig ng mga halamanan. Ibig mong hingin sa kanya ang bola. Ano ang
sasabihin mo?
____________________________________________________________

Page 12 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D1

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________

Pangalan ng Guro: ______________________________________

10. Pasko na. Dumalaw kayo sa inyong lola. Humalik kayo sa kamay niya.
Binigyan kayo ng pera. Ano ang sasabihin mo?
____________________________________________________________

PAGTATAYA:
Gawain 4:
Panuto: Itiman ang☺ kung ang pahayag ay gumagamit ng magagalang
napananalita. Itiman ang ☹ kung hindi.
☺ ☹ 1. “Maaari po ba akong makihingi ng tubig?”
☺ ☹ 2. “Bakit, Lolo? Ano ang nangyari?”
☺ ☹ 3. “Magandang umaga po, Bb. Marisa.”
☺ ☹ 4. “Paraan nga dyan, Gio!”
☺ ☹ 5. “Tumabi ka nga dyan.”
☺ ☹ 6. “Pakiabot naman po iyong tinapay.”
☺ ☹ 7. “Pakikuha naman ang aking aklat.”
☺ ☹ 8. “Maaari nyo po ba akong turuang magluto?”
☺ ☹ 9. “Gusto ko ng tsokolate!”
☺ ☹ 10. “Bayad po.”
Inihanda ni:
ANGELICA E. SERGIO
Kalayaan Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Hiyas saWika 5, 1999 pp. 39-40,44-46, 61-73
2.) Rex Interactive online educational portal for teachers and students.

Page 13 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin : Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita

tungkol sa –sarili, -ibang tao sa paligid.

B. 1. Panimula:

• Pangngalan- bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao hayop,

bagay, pook o pangyayari.

Dalawang Uri ng Pangngalan

• Pantangi – tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop bagay
o pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
• Pambalana- tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay o
pangyayari, Nagsisimula itosa maliit na titik maliban kung ito’y ginagamit
sa simula ng pangungusap.

Dalawang uri ng Pangngalang Pambalana

• Pangangalang Konkreto o Tahas- tumutukoy sa mga
pangngalang material o yaong mga bagay na nakikita at nadarama
n gating mga pandama.
• Pangngalang Di-konkreto o Basal- tumutukoy sa mga
pangngalang di material. Ito’y nagsasaad ng mga bagay na
matatagpuan lamang sa diwa o kaisipan at di-tuwirang nadarama n
gating mga pandama.

Kasarian ng Pangngalan
• Pambabae- mga pangngalang tumutukoy sa kasariang pambabae.
• Panlalaki- mga pangngalang tumutukoy sa kasariang panlalaki.
• Di-Tiyak- mga pangngalang maaring tumutukoy sa babae o lalaki

Page 14 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

• Walang Kasarian- mga pangngalang tumutukoy sa mga bagay na

walang kasarian

2. SUBUKIN NATIN:
Gawain 1: Pagsasanay
Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang mga
pangngalan sa pamamagitan ng pagkahon sa mga ito.

1. Napakalamig ngayong Disyembre.

2. Ipinagdiriwang natin ang Araw ng Pasko

3. Naglalagay ng mga Parol at iba’t ibang dekorasyon ang mga tao sa

kanilang bahay.

4. Ito ang buwang kinasasabikan ng bawat bata.

5. Maraming nagtitinda ng puto bumbong, bibingka at tsaa sa tabi ng

simbahan.

6. Bata’t matanda ay naghihintay ng pagsapit ng Simbang Gabi.

7. Ang bawat tahanan ay may iba’t ibang handa tulad ng pansit, cake,
hamon, keso de bola at marami pang iba.

8. Nagpupunta rin tayo sa ating mga ninong at ninang upang humalik

sa kanilang mga kamay.

9. Ang maririnig mo sa kapaligiran ay pawing mga awiting pamasko.

10 . Nagsasama-sama ang boung pamilya sa oras ng Noche Buena.

Page 15 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

Gawain 2: Pagsasanay

Panuto: Basahin ang talata at bilugan ang mga pangngalan.

Ang mga tao ay nakatira sa mundo. Binubuo ang paligid nito ng

bahaging lupa at bahaging tubig. Binubuo ng mga karagatan ang bahaging
tubig. Pinakamalaki ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko,
Karagatang India at Karagatang Artiko. Binubuo ng mga kontinente at mga
pulo ang bahaging lupa ng mundo. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking
bahaging lupa. Ang Asya, Europa, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika,
Antartiko at Australya ang pitong kontinente sa mundo.

PAGLALAHAT:
Tandaan...
• Ang pangngalan ay salitang tumutukoy o pantawag sa tao, bagay,
lugar o pook at pangyayari.
• Iba-iba ang gamit ng pangngalan sa pangungusap. May mga
pangngalang ginagamit bilang simuno ng pangungusap.
• May mga pangngalang ginagamit nang wasto sa pagsasalita
tungkol sa –sarili, -ibang tao sa paligid.

Page 16 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

Gawain 3: Pagsasanay

Panuto: Isulat ang mga pangngalang nasa Pangkat A sa kasariang

kanilang dapat kalagayan sa Pangkat B.

PANGKAT A.

Gulay Mesa gamot

Kuya Lourdes daigdig
Katulong Pulis doktor
Liham lapis kama
Tindera mangga bundok
Pedro pag-ibig pamangkin
Abogado nars bansa
Kagawad bayani simbahan
Palengke baboy kartero

PANGKAT B.

Panlalaki Pambabae Di-Tiyak Walang kasarian

Page 17 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

PAGTATAYA:

Gawain 4:
Panuto: Itambal ang pangngalang pambalana na nasa Hanay A sa
angkop na pangngalang pantangi na nasa Hanay B.\. Isulat ang letra ng
sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

___1. Tula A. Mall of Asia

___2. Paaralan B. Katryn Bernardo

___3. Manggagamot C. Ako’y Pinoy

____4. Aklat D. Philippine General Hospital

____5. Bansa E. Dr. Willie Ong

____6. Pangulo F. Yaman ng Lahi

____7. Mall G. Bulkang Mayon

____8. Bulkan H. Pang. Duterte

____9. Ospital I. Padre Zamora Elementary School

____10. Artista J. Pilipinas

ANGELICA E. SERGIO
Kalayaan Elementary School

References for Further Enhancement:

1.) Books: Hiyas saWika 5, 1999 pp. 39-40,44-46, 61-73
2.) Pangngalan at Panghalip: bstlesson.blogspot.com
3.) Pangngalan at Panghalipni Jam Jumawon: prezi.coM

Page 18 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D4

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Unang Linggo / Ikaapat na Araw

Layunin:
• Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na
depinisyon .
• Natutukoy ang mga elemento ng kwento.
- Tagpuan
- Tauhan
- Banghay
1. Panimula:

• Pagbibigay depinisyon o pabibigay-kahulugan.

Pinakamalimit itong gamitin at pinakakaraniwang uri ng pagpapaliwanag.

Maibibigay ang kahulugan ng isang salita o bagay, sa pamamagitan ng mga

sumusunod:
- Kasingkahulugan/ Kasalungat.
- Pormal na depinisyon.
- Paggamit ng ilustrasyon o paghahalimbawa.
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat
nila para sa hapag-kainan.

• Pagtukoy sa mga Elemento ng kuwento.

Bawat kwento ay binubuo ng pangunahing pangyayari, papataas na
aksyon, kasukdulan, pababang aksyon at wakas ng kwento.
Tagpuan: Ang panahon at lugar kung saan nangyayari ang maikling
kuwento.
Tauhan: Ang nagbibigay –buhay sa maikling kuwento.
Banghay: Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang malutas
ang mga suliranin ng mga tauhan.

Page 19 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D4

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

SUBUKIN NATIN:

Gawain 1: Pagsasanay

Panuto: Basahing mabuti ang mga Pangungusap. kahunan ang kahulugan ng

salitang may salungguhit.
1. Naalimpungatang sumunod si Ruth sa utos ng kanyang ina.
A.inaantok B.galit C.naiinis D. masaya

2. Nangangailangan si Mang Baste ng Asarol

A. palamuti B. panghukay sa lupa C. damit D. pagkain

3. May mga paaralang nagpapaaral ng libre sa mga matatalinong mag-

aaral
A. abogasya C.walang bayad
B. mahal ang bayad D. may bayad

4. Hindi nagbabayad ng martikula ang mga magulang ni Nena dahil siya ay

iskolar.
A.matalinong bata C. tahimik na bata
B.mayamang bata D. mahirap na bata

5. Hindi nagbabayad ng martikula ang mga magulang ni Nena dahisiya ay

iskolar
A. tubig C.pagkain
B. bayad sapag aaral D. bayad sa kuryente.

6. Naaliw sila sa mga magagandang tanawin sa bukid

A. napagod B.nabigla C.nainis D.nalibang

7. Malamig ang simoy ng hangin sa bukid.

A. hagupit B.ihip C. hampas D. amoy

8. Takipsilim na nang sila ay makauwi.

A. may araw pa C. hatinggabi na
B. maliwanag pa D. malapit ng gumabi

9. malugod silang sinalubong ng mga magulang ni Nena

A. tuwang tuwa C. tawa nang tawa
B. inip na inip D. bigla bigla

10. mahimbing na nakatulog si Nena ng gabing iyon

A. balisa C. Malalim na pagkatulog

B. hinde nakatulog D.umaga na natulog.

Page 20 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D4

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

Gawain 2: Pagsasanay

Panuto: Bilugan sa panaklong ang kasingkahulugan ng salita sa kaliwa.

1. Malugod sa lahat . . . . . . . (mayaman, malakas, masaya)
2. Matipunong katawan. . . . . (mayumi, mataas, malusog)
3. Tahimik na ilog. . . . . . . . . (mayumi, payapa, busilak)
4. Matarik na bundok. . . . . . .(madulas, matinik, mataas)
5. Maaliwalas na sala. . . . . . (maliwanag, malaki, maluwag)
6. Maringal na gamit. . . . . . .(mamahalin, maganda, maliwanag)
7. Payak na pamumuhay. . . .(espesyal, simple, tapat)
8. Malambing na bata. . . . . . (mabait, maganda, malamyos)
9. Mayaman sa buhay . . . . . (maykaya, masikap, marunong)
10. Masinop na tao. . . . . . . (tamad, masipag, matipid, matikas)

PAGLALAHAT:
Tandaan...

PAHIWATIG NA KAHULUGAN

Ang pamamaraan upang maunawaang lubos ang isang bagong salita ay

ang iugnay ito sa nilalalaman ng salita alinsunod sa gamit at hanapin ang akmang
kahulugan .

Gawain 3: Pagsasanay
Panuto: Narito ang isang kuwento. Basahin nang tahimik at punan ng sagot ayon
sa elemento ng kwento.

Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay.

Maghahatinggabi na noon. Tahimik na ang boung paligid. Handa nang
matulog ang pamilya ni Sen. Cipriano Primicias.

Page 21 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D4

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos nag-
iika 12 na ng hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa
ibaba. Sinisilip niya kung sino ang taong kumakatok sa trangkahan.

Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pang. Ramon

Magsaysay ang nakita niyang kumatok.

Hindi nga nagkamali ang drayber, pinasundo ni Gng. Primicias ang pangulo
sa kanilang drayber.

Dali-dali namang ginigising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias.

Tumagal nang mahigit na dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa.

Habang sila’y nag-uusap , kumalat na ang balita sa boung kapitbahayan ng mga
Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo.

Nagulat si Pang. Magsaysay nang sa kaniyang paglabas ay napakaraming

tao ang nakaabang sa kniya sa tarangkahan.

Punan ng sagot ang mga Elemento ng kuwento

I. Tauhan:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
II. Tagpuan:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
III. Banghay:
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Page 22 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D4

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

PAGTATATAYA:

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng pangyayari ayon sa Elemento ng kuwento.

1. Sina William ay mahirap lamang. Madalas siyang iniiwan ng kanyang mga

kaklase sa paaralan. Walang gustong sumama sa kanya dahil wala naman
daw itong pera. Nang makatapos siya sa mataas na paaralan nagsumikap
pa rin si William na igapang ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Pagkaraan
nga ng ilang taon maganda na ang kanyang bihis. Samantalang ang ilan sa
mga dating kaklse niya ay mga istambay lamang.

Punan ng sagot ang mga sumusunod na Elemento ng kuwento

I. Tauhan:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
II. Tagpuan:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
III. Banghay:
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Inihanda ni:
ANGELICA E. SERGIO
Kalayaan Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Hiyas saWika 5, 1999 pp. 39-40,44-46, 61-73
2.) Pangngalan at Panghalip: bstlesson.blogspot.com
3.) Pangngalan at Panghalipni Jam Jumawon: prezi.com

Page 23 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

Layunin:
• Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili.
• Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sa tono, diin, bilis
at intonasyon.

1. Panimula:

• Ang Pagsulat ng talata ay isang mabisang paraan ng pagsasanay

Dito nagagamit ang kaalaman sa pagsulat ng mga bantas.wastong
pagbabaybay at mga pamamaraan sa paggamit ng mga malaking letra.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata:

a. Sinisimulan ang talata sa pagsulat sa malaking letra.

b. Bawat pangungusap ay dapat magtapos sa bantas.
c. Dapat maging wasto ang baybay ng mga salita ayon sa pagkakabigkas
d. Humihikayat sa bumabasa para magtanong tungkol sa paksa.

• Ang pagtukoy ng damdamin ng tagapagsalita ay naayon sa tono, dii,

bilis at intonasyon.

a. Ang mga salitang iisa ang tono, diin, bilis at intonasyon ay nabibigyang
kahulugan nang naayon sa nagsasalita, ang kahulugan ng salita ay
batay sa damdamin at pagkakagamit nito sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Nagtanim siya ng (tubò, tubo) na malapit sa (tubo, tubò) ng tubig.
2. (Puno, Punò) na ang alkansyang kanyang inipon.

Page 24 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

2. SUBUKIN NATIN:

Gawain 1: Pagsasanay

Panuto: Basahin at Pag-aralan.

Ang pagre-recycle o muling paggamit ng mga bagay ay isang mabuting

paraan ng pagbabawas ng basura. Ang mga plastic na mula sa mga
supermarket ay itabi at tiklupin nang maayos upang muling magamit. Mabuting
tamnan ng halaman ang mga lumanggulong na sasakyan. Ang mga gamit na
maayos pa subalit napagliitan na ay pakikinabangan pa ng ibang tao kung ang
mga ito ay ipamimigay sa mga nangangailangan.

Dugtungan mo ito ng mga katulong na pangungusap upang makasulat ka ng

isang talata:

1. Isang maganda at makabuluhang libangan ang pagre-recycle.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Maraming maaring gawin ang isang batang katulad mo upang

mabawasan ang basura sa tahanan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Page 25 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

3. Naririto ang mga bagay-bagay na maaring i-recycle.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

4. Ang Magagawa ko upang mapangalagaan ang kapaligiran.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Ang mga paraan ko na gagawin upang mapakinabangan pa ang mga

bagay na luma na.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Gawain 2: Pagsasanay

Panuto:
Ilahad sa pamamagitan ng iyong pagsasalaysay ang isang pasasalamat
sa iyong magulang o sa iyong guro o sinumang may nagawa para sa iyo.
Isulat mo ang lahat ng kabutihang na ginawa niya at bilang ganti ay idalangin
mo siya sa Panginoon upang mabigyan siya ng masaganang pagpapala rito
sa lupa.

Page 26 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

__________________________________________________________
______________________________________________________________

• Ang talata ay binubuo ng mga magkakaugnay na pangungusap tungkol
sa isang paksa. Nakapasok ang unang pangungusap (indented) at
nagsisimula sa malking letra.
• Nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa diin, tono, bilis at
intonasyon base sa damdamin ng tagapagsalita.

Pagsasanay:
Panuto: Bilugan ang wastong salitang angkop sa pangungusap ayon sa tono,
diin, bilis, at intonasyon.
1. Ang magkapatid ay (bakas, bakàs) sa negosyong kanilang itinatayo.
2. Ang (sayà, saya) ng kasal nina Tiyo Jun at Tiya Lin.
3. Halos mahilo ang magpinsan sa makapal na (àso, aso).
4. (Bukas, Bukàs) kami pupunta sa Tagaytay
5. Matagal nang (sikat, sikàt) si Fernando Poe Jr. sa pelikula.
6. Baro’t (saya, sayà) ang suot namin sa palatuntunan.
7. (Hapon, Hapòn) ang mga dumating na bisita kahapon.
8. May (dala, dalà) siyang matatamis na suha galing sa Davao.

Page 27 of 28
Module Code: PASAY FIL4-Q1-W1-D5

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______

Pangalan ng Guro: ______________________________________

9. Masarap kumain ng (hamon, hamòn) lalo na kapag Pasko.

10. Masarap inuman ang sabaw ng (bukò, buko) kung malamig.

PAGTATATAYA:

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng salita/ pariralang nagsasaad ng

kahulugan ng salitang may salungguhit ng may wastong diin, tono, bilis at
tamang intonasyon.

1. Maraming akong alagang aso ___ A. Hayop

2. Masakit sa mata ang asò ng kalan ___ B. Usok

3. Masarap inumin ang tubig ng buko ___ A. Niyog

4. Matigas ang bukò ng kawayan ___ B. Tangkay

5. Itapon mo ang balàt ng suman sa basurahan ___ A. Pambalot

6. May bàlat sa pisngi Si Ate. ___ B. Mantsa

7. Ang anak ng aso ni Butch ay pitò ___ A. Silbato

8. Malakas ang tunog ng pito ng pulis ___ B. Bilang

9. Ang gàling mo naman sumayaw? ___ A. Lugar

10. Saan ka ba galíng? ___ B. Mahusay

Inihanda ni:
ANGELICA E. SERGIO
Kalayaan Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Sanayang Aklat sa Filipino 4 pg. 30-33,
2.) Sambitla 4, Pluma 4: WIka at Pagbasa.

Page 28 of 28

You might also like