Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino IV

I – Layunin:
 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
 Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng uri ng pangungusap
 Nakakasulat ng mga iba’t ibang uri ng pangungusap
II – Paksang Aralin:
 Paksa : Iba’t ibang Uri ng Pangungusap
 Sanggunian : Aklat sa Filipino 4 p.78
 Kagamitan : Powerpoint at mga larawan
 Pagpapahalaga : Pagiging matulungin
III – Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
A. Pangunahing Gawain

1. Panalangin
Lahat magsitayo at manalangin tayo.
Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu
Sa ngalan ng Ama, Anak at espirtitu Santo, Amen. Salamat Santo, Amen. Salamat po Panginoon sa
po Panginoon sa lahat ng bagay na binibigay Niyo sa amin lahat ng bagay na binibigay Niyo sa amin
sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng lakas upang sa araw-araw. Nawa’y bigyan Niyo po
magawa po naming ang aming mga adhikain. Minamahal kami ng lakas upang magawa po naming
po namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa Ngalan ni ang aming mga adhikain. Minamahal po
Kristo. Amen. namin Kayo. Hinihiling po namin ito sa
Ngalan ni Kristo. Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga sa lahat - Magandang umaga din po Teacher!

Kamusta kayo? - Mabuti po.

B. Paghahawan ng balakid

Ipaayos sa mga bata ang titik upang mabuo ang salita.

rosombre - ito ay ginagamit pang lagay sa ulo. - sombrero


doreka - ito ay mga sangkap na nilalagay sa - rekado
pagluluto.

C. Paghahabi ng Layunin ng Aralin

 Magtanong sa mga bata.

 Tinutulungan nyo ba ang inyong mga magulang sa


paghahanda ng pagkain? - Opo Teacher!

 Anong pagkain ang kadalasang inihahanda o


niluluto ng inyong Nanay/Tatay? - kanin po.
 Ano pa? -Pritong ulam po katulad po ng itlog.
- Mga gulay po.
Magaling!
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong Aralin

Meron ako ditong isang kwento ang pamagat ay " Ang


sikretong rekado" pero bago kayo magsimula sa pagbasa
ano ang mga dapat gawin o isaalang-alang kapag
nagbabasa? - Wag pong maingay!
- Unawain pong mabuti ang binabasa.
Pero bago kayo magsimulang bumasa. Ano kaya ang
sikretong rekado sa ating kwento? Alamin natin yan
pagkatapos ninyong bumasa.

(Magbabasa ang mga bata)

 Itanong:

 Ano ang pamagat ng kwento? - Ang pamagat po ng kwento ay Ang


sikretong rekado.
 Ano ang sikretong rekado sa kwento? - Kung kayo'y kumakain o umiinom, o
anuman ang inyong ginagawa, gawain
ninyo sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Corinto 10:31 Bible Verse
 Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? - Ang mga tauhan po sa kwento ay sina
Mang Ador, Teo, Dr. Soriano, Chef
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Mateo, Nanay.
ng bagong kasanayan
Basahin ng malakas ang mga pangungusap nang may
wastong intonasyon bilis at diin.

" Teo, naririnig mo ba ako?"


" Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may
sombrero!"
" Manood ka nalang muna anak at maghugas ng
plato"
" Teo, hiwain mo..."

 Itanong:

 Ano ang ipinahihiwatig ng unang pangungusap? - Ang ipinahihiwatig po ng unang


pangungusap ay nagtatanong.

 Ikalawang Pangungusap? - Sa ikalawang pangungusap po ay


nagpapahiwatig ng matinding
damdamin.

 Ikatlong Pangungusap? - Sa ikatlong pangungusap po ay nag-


uutos.

 Anong uri ito ng pangungusap? - Ito po ay pangungusap na Pasalaysay,


Pautos, Patanong at Padamdam.

 Ano ang ibig sabihin ng Pasalaysay? - Ang pasalaysay po ay naglalarawan o


nagkwekwento at nagtatapos po ito sa
tuldok.

 Ano naman ang Pautos? - Ito po ay pangungusap na nag-uutos at


nagtatapos din po ito sa tuldok.
 Ano naman ang ibig sabihin ng Patanong? - Ang pangungusap na patanong po ay
nagtatanong. Ito po ay nagtatapos sa
tandang pananong.

 Ano naman ang Padamdam? - Ito po ay nagsasaad ng matinding


damdamin katulad po ng pagkabigla,
naiinis, natutuwa at natatakot. Ito po ay
nagtatapos sa tandang padamdam.

 Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain hahatiin


ko kayo sa apat na pangkat.

Pangkat 1

 Sumulat ng 3 pangungusap na maaari


ninyong itanong sa Pangulo ng Pilipinas.

Pangkat 2

 Sumulat ng 3 pangungusap na maaari


ninyong iutos sa Pulis.

Pangkat 3

 Base sa Larawan. Sumulat ng 3 pangungusap


gamit ang bantas na padamdam.

Pangkat 4

 Sumulat ng 3 pangungusap naglalarawan sa


guro.

 Itanong:

 Ano ang inyong damdamin habang gumagawa ng


gawain?
 Ano pa?
- Masaya po
- Nagtutulungan po

(Pag check o pagtama sa mga ginawa ng bawat pangkat) (Ipriprisinta ng bawat pangkat ang
(Ipapaliwanag ng guro ang salitang pagtutulungan) kanilang ginawa
F. Paglinang sa Kabihasnan

Ilarawan si Cardo sa isang pangungusap lang.

 Itanong:
- Si Cardo ay matapang.
 Anong ugali ba mayroon si Cardo?
- Kailan po magwawakas ang
 Kung nandito ngayon si Cardo ano ang maaari Probinsyano?
ninyong itanong sakanya?
 Kung sakaling makikita ninyo si Cardo ano ang - Kuya Cardo pwede po magpapicture?
maaari ninyo sakanyang ipagawa?

 Kung sakaling makasalubong ninyo si Cardo sa - Wow! Si kuya Cardo!


daan anong damdamin ang maibibigay ninyo?

G. Paglalahat ng Aralin - Ang iba’t ibang uri po ng pangungusap


 Ano ang iba’t ibang uri ng Pangungusap? ay Pasalaysay, Patanong, Pautos at
Padamdam.

IV. Pagtataya:
Suriin ang mga pangungusap. Isulat kung ito ay pangungusap na Pasalaysay, Patanong, Pautos
o Padamdam.
___________1. Dalhin mo ito bukas sa simbahan.
___________2. Magkano ang isang kilong bigas?
___________3. Naku! Nalimutan ko ang ID ko.
___________4. Magdala kayo ng mga walis at basahan bukas.
___________5. Alin kaya dito sa mga damit ang magugustuhan ni Lucy.

V. Takdang Aralin
Ilarawan ang sarili. Sumulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap.

You might also like