Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN sa Filipino 4

Taong Panuruan: 2022-2023 Petsa: Agosto 23-25,2022


Kwarter: Unang Kwarter Bilang ng Araw/Oras: 2 araw/ 4 oras
Linggo: 1
Nilalaman:  Ang Apat na Panahon sa Buhay ng Isang Puno
 Pangngalan at Dalawang Uri Nito

Pamantayang  Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa


Pangnilalaman sa napakinggan.

Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay inaasahang….

 Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisadula ang isang


isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.

Pamantayan
Nabibigyang-kahulugan ang salita sa pamamagitan ng;
-Pormal na depinisyon
F4PT-Ia-1.10

-Kasingkahulugan
F4PT-Ig-1.4

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili,


sa mga tao, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

F4WG-Ia-e-2

Target na Pagpapahalaga:  Pagharap sa problema at Mahihirap na Sitwasyon.

EBIDENSYA SA PAGTATAYA

Pormatib: Samatib: Gawaing Pagganap:

Pagsusulit Sumatibong Pagsusulit Isahang Pagsusulit

Materyales sa Pag-aaral laptop, pentel pen, forms(Birth/School Forms)at mga kagamitang biswal,

Estratehiya Unang Araw (Agosto 23, 2022)

Lesson Development Paksa: Akda: Ang Apat na Panahon sa Buhay ng Isang Puno

I. Introduksyon
A. Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

 Think-Pair-Share ang bawat mag-aaral ay hahanap ng isang


kasama upang magbahagi sa kanilang karanasan noong
dalawang buwan ng bakasyon. Bibigyan lamang sila ng 5
minuto upang magbahagi sa kanilang kasama.
 Pagkatapos nilang magtalakayan ay bubunot ang guro ng mga
pangalan bilang maging representante sa pagbabahagi sa
klase.Kasabay ng mga katanungan sa ibaba;
 Ano-anong mga problema o mahihirap na sitwasyon
ang napagdaanan mo sa nagdaang bakasyon?
 Lumipas din bai to o dala mo pa rin hanggang ngayon?
 Naniniwala ka bang ang anumang problema o
mahihirap nasitwasyon ay hindi permanente at
lumilipas din?

II. Interaksyon

 Ipababasa ng guro akda. Pagkatapos ay ipatatala ng guro ang mga


salitang hindi nila naintindihan sa binasa.
 Maaaring gumamit ng diksyunaryo ang mga mag-aaral upang
maisaliksik nila ang mga salitang hindi nila naintindihan.
 Tatalakayin ng guro ang paksa.

III. Integrasyon

 Bakit kailangang maging mahinahon sa harap ng anumang hirap na


kalagayan o problema?
 Bakit mahalagang huwag agad sumuko o huwag basta mawalan ng
pag-asa sa harap ng isang mahirap na kalagayan o problema?

IV. Pagtatapos

 Tatanungin ang mga estudyante kung ano ang natutuhan nila sa


buong talakayan.

Remarks: “Distance Learning” (Agosto 23,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isahang pagsusulit/gawain na maaari


nilang gawin sa kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang
gabay/ panuto tungkol sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group
chat.

Mga Gawain:

 Payabungin Natin A at B pahina 4-6.

Pangalawang Araw (Agosto 25, 2022)

 Paksa: Pangalan at Dalawang Uri Nito

I. Introduksyon
A. Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B. Pagbabalik-Aral
- Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa nakaraang
talakayan.

II. Interaksyon
1. Tatalakayin ng guro ang paksa.
2. Magbibigay ng ilang halimbawa ang mga mag-aaral tungkol sa
paksa.

II. Integrasyon

 Ang guro ay magpapakita ng ilang forms o pormularyong


madalas pinupunan ng mga tao gaya ng “Birth
Certificate,School Forms etc.”
 Pagkatapos itanong sa mga mag-aaral;
 Ano-anong mga impormasyon ang karaniwang
ipinapasok sa mga pormularyong katulad nito?
 Ano ang maaaring mangyari kung hindi ito mapupunan
nang maayos?

Pagtatapos:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga


mahahalagang natutuhan nila sa aralin.

Remarks: “Distance Learning” (Agosto 25,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gawain na maaari nilang gawin sa


kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang gabay/ panuto tungkol
sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group chat.

Gawain

 Sasagutan ang “Tiyakin Na Natin” bilang (1-5) sa


pahina 19-20.

Remarks Dadako sa susunod na paksang aralin.

You might also like