Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 4

Taong Panuruan: 2022-2023 Petsa: Agosto 30 at Setyembre 1-15,2022


Kwarter: Unang Kwarter Bilang ng Araw/Oras: 480 minuto
Linggo: 2-4
Nilalaman:  Naging Maagap si Wasana
 Uri ng Pangngalan
 Kasarian ng Pangngalan

Pamantayang  Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa


Pangnilalaman sa napakinggan.

Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay inaasahang….

 Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisadula ang isang


isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.
 Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento,
pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento.
Pamantayan Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod ang
napakinggang teksto gamit ang larawan, signal words at pangungusap.
F4PS-Ib-h-6.1

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at


ibang tao sa paligid.
F4WG-Ia-e-2

Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sat ono, diin, bilis at


intonasyon.
F4PN-Ib-i-16)

Target na Pagpapahalaga:  Pagpapahalaga sa kalikasan.


 Muling Panunumbalik ng kagandahan sa kalikasan.

EBIDENSYA SA PAGTATAYA

Pormatib: Samatib: Gawaing Pagganap:

Pagsusulit Sumatibong Pagsusulit Isahang Pagsusulit

Materyales sa Pag-aaral laptop, pentel pen,flash card at mga kagamitang biswal,

Estratehiya Unang Araw (Agosto 31, 2022)

Lesson Development Paksa: Akda - Naging Maagap si Wasana

I. Introduksyon
A. Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

- Ang guro ay magdidikit ng isang flash card na may nakasulat


na salitang “KABUTIHAN” pagkatapos ay tatanungin ng guro
ang mga mag-aaral ng ilang katanungan.
Mga katanungan:

 Sino ang nakasubok nang gumawa ng kabutihan sa kapwa?


 Ano-anong mga kabutihan na ang nagawa ninyo?
 Ano ang nararamdaman ninyo nang makagawa nang kabutihan sa
iba?
- Magbibigay ng ilang karagdagan ang guro, na ang kabutihan ay
hindi sa tao lamang kundi gayundin sa mga hayop, halaman, o
sa kapaligiran o kalikasan.

II. Interaksyon

 Ipababasa ng guro akda. Pagkatapos ay ipatatala ng guro ang mga


salitang hindi nila naintindihan sa binasa.
 Ipaliliwanag ng guro ang paksa
III. Integrasyon
 Paano nakatulong ang mabilis nap ag desisyon at pagkilos ni
Wasana?
 Kung ikaw si Wasana at may Nakita kang kahawig na sitwasyon,
gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit oo o hindi?
 Ano-anong mumunting kabayanihan ang maaaring magawa ng
isang batang katulad mo at bakit mahalagang gawin mo ang mga
ito?

IV.Pagsusulit

Sagutin Natin – B (Pahina 29)

- 1-5 aytems lamang

Pangalawang-Araw

Remarks: “Distance Learning” (Agosto 30,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isahang pagsusulit/gawain na maaari


nilang gawin sa kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang
gabay/ panuto tungkol sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group
chat.

Mga Gawain:

 Sagutin Natin C, pahina 30.

Pangatlong Araw (Setyembre 1, 2022)

 Paksa: Uri ng Pangngalan

I. Introduksyon
A. Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B. Pagbabalik-Aral
- Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa nakaraang
talakayan.
II. Interaksyon

1. Tatalakayin ng guro ang paksa.


2. Magkakaroon ng last girl/boy standing na estratehiya, na kung
saan ang huling makatatayo ang siyang magbibigay ng ilang
halimbawa sa paksang tinatalakay.

III.Integrasyon

 Ang guro ay maghahanap ng mga mag-aaral na magiging


boluntaryo sa pagbigay ng tagdadalawang halimbawa sa bawat uri
ng pangngalan(Kongkreto o Tahas, Palansak at Basal o Di
Kongkreto).
- Pagkatapos ay magbibigay ng feedback ang guro kung tama o
hindi ang kanilang isinulat na mga halimbawa.

IV.Pagtatapos:

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga


mahahalagang natutuhan nila sa aralin.

Pang-apat na Araw

Remarks: “Distance Learning” (Setyembre 1,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gawain na maaari nilang gawin sa


kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang gabay/ panuto tungkol
sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group chat.

Gawain

 Sasagutan ang “Tiyakin Na Natin” A at B (10 aytems).


Sa aklat na isusulat ang mga sagot.

Pang-limang Araw (Setyembre 6, 2022)

I.Paksa: Kasarian ng Pangngalan

II.Introduksyon

A.Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B.Pagbabalik-Aral
- Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa nakaraang
talakayan.
II.Interaksyon

 Tatalakayin ng guro ang paksa.


 Hihingi ang guro ng ilang halimbawa sa bawat uri ng kasarian ng
pangngalan. Ipasusulat ng guro ang kanilang sagot sa pisara.
Magbibigay din ang guro ng ilang feedback kaugnay sa kanilang
mga isinulat sa pisara.

III.Pagtatapos

 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang


mga natutuhan sa talakayan?

Pang-anim na Araw

Remarks: “Distance Learning” (Setyembre 6,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gawain na maaari nilang gawin sa


kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang gabay/ panuto tungkol
sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group chat.

Gawain

 “Madali Lang Iyan” pahina 54-55 (1-10 aytems


lamang).

Pang-pitong Araw (Setyembre 8,2022)

I.Paksa: Kasarian ng Pangngalan

II.Introduksyon

A.Paunang Gawain
 Panalangin at Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng mga liban sa klase

B.Pagbabalik-Aral
- Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa nakaraang
talakayan.
II.Interaksyon

 Pagpapatuloy sa talakayan ng paksang “kasarian ng pangngalan”


 Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng ilang halimbawa hinggil sa
paksa sa pamamagitan ng estratehiyang “last girl/boy standing” na
kung saan ang huling makatatayo depende sa categorya na ibinigay
ng guro ay siyang magbibigay ng mga halimbawa.

III.Pagtatapos

 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang


mga natutuhan sa talakayan?

Pang-walong Araw

Remarks: “Distance Learning” (Setyembre 8,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gawain na maaari nilang gawin sa


kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang gabay/ panuto tungkol
sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group chat.

Gawain

 Pag-aaralan nila ang lahat ng paksang tinalakay


bilang paghahanda sa darating na eksaminasyon.

Pang-siyam na Araw (Setyembre 13, 2022)

- Magkakaroon ng rebyu sa lahat ng mga paksang tinalakay.


- Magbibigay din ang guro ng ilang pointers sa exam
Remarks: “Distance Learning” (Setyembre 13,2022)

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gawain na maaari nilang gawin sa


kanilang tahanan. Ang guro ay magbibigay ng ilang gabay/ panuto tungkol
sa kanilang aktibidad na gagawin sa kanilang group chat.

Gawain

 Ang mga mag-aaral ay mag rerebyu sa mga paksang tinalakay para


sa darating na eksaminasyon.

Pang-sampung Araw (Setyembre 15,2022)

- Magkakaroon ng mahabang pagsusulit (sumatibong pagsusulit)


hinggil sa lahat ng paksang tinalakay.

Remarks Dadako sa susunod na paksang aralin.

You might also like