Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Region XII

Division of Sarangani
Sarangani Province

Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3


Ikaapat na Markahan

Bilang Bilang ng Antas Kabuuan Kinalalag


ng Aytem yan ng
Araw Aytem
Mga Kasanayan Madali Katamtama Mahirap
(60%) (30%) (10%)
KAALAMAN
PAGUNAWA SA NAPAKINGGA
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 2 2 1 1 2 1-2
napakinggang usapan
GRAMATIKA
Nagagamit ang angkop na pagtatanong 2 2 1 1 2 3-4
tungkol sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari
Nagagamit ang salitang kilos sa pag- 1 1 1 1 5
uusap tungkol sa iba’t ibang Gawain
tahanan, paaralan at pamayanan
PAG-UNAWA SA BINASA
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 2 2 1 1 2 6-7
tekstong binasa
KAMALAYANG PONOLOHIYA
Napagsasama-sama ang mga tunog 1 1 1 1 8
upang makabuo ng bagong salitang
may diptonggo
PROSESO/KAKAYAHAN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Napagsusunod-sunod ang mga 1 1 1 1 9
pangyayari ng kwentong napakinggan
GRAMATIKA
Nagagamit ang angkop na pagtatanong 2 2 1 1 2 10-11
tungkol sa tao, bagay, lugar at
pangyayari
Nagagamit ang mg salitang sa pag- 1 1 1 1 12
uusap tungkol sa ibat’t ibang Gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan
KAMALAYANG PONOLOHIYA
Napapalitan at nadaragdagan ang mga 1 1 1 1 13
tunog upang makabuo ng bagong salita
PAG-UNAWA SA BINASA
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 2 2 1 1 2 14-15
binasang teksto
ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
Nagagamit ang pangkalahatang 1 1 1 1 16
sangunian batay sa
pangangailangan
PAGUNAWA
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGA
Nasasagot ang mgatanong sa 2 2 1 1 2 17-18
napakinggang usapan

Nakasusunod sa panutong magtatlo 1 1 1 1 19


hanggang apat na hakbang
GRAMATIKA
Nagagamit ang angkop na 1 1 1 1 20
pagtatanong tungkol sa tao,
bagay,lugar at pangyayari
Nakagagamit ng wasto ang pang-abay 1 1 1 1 21
Nakakagamit ng mga pahiwatig upang 2 2 1 1 2 22-23
malaman ang kahulugan ng isang salita
Pagsagot sa mga tanong na bakit at 2 2 1 1 2 24-25
paano.
KAALAMAN SA LIMBAG AT AKLAT
Naikukumpara ang mga teksto sa 1 1 1 1 26
pamamagitan ng pagtatala ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
ito
PAG-UNAWA SA BINASA
Nasasagot ang mga tanong tungkol 2 2 1 1 2 27-28
sa binasang teksto
PAGSULAT AT PAGBABAYBAY
Nababaybay nang wasto ang mga 1 1 1 1 29
salitang natutuhan sa aralin
Nagagamit ang Wastong bantas, 2 2 1 1 2 30-31
malaki at maliit na letra sa pagsulat
KOMPOSISYON
Nakasusulat ng isang talata 1 1 1 1 32
ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
Nagagamit ang pangkalahatang 2 1 1 1 33
sangunian batay sa pangangailangan
PRODUKTO/PAGGANAP
WIKANG BINIBIGKAS
Naibibigay ang paksa ng kuwento o 1 1 1 1 34
tekstong napakinggan
Naisasalaysay muli ang 1 1 1 1 35
napakinggang teksto sa tulong ng
balangkas
GRAMATIKA
Nagagamit ang angkop na pagtatanong 2 1 1 1 36
tungkol sa tao, bagay, ligar at
pangyayari
Nagagamit ang mga salitang kilos sa 1 1 1 1 37
pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
Gawain sa tahanan,paaralan at
pamayanan
PAG-UNAWA SA BINASA
Naiuugnay ang binasa sa sariling 2 1 1 1 38-
karanasan
Nagbabago ang dating kaalaman base 2 1 1 1 39
sa natuklasan sa kaalaman sa binasang
teksto
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang 2 1 1 1 40
kuwento
TOTAL: 45 40 27 10 3 40
Region XII
Division of Sarangani
Sarangani Province

IKA-APAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Pangalan: __________________________________________ Petsa: ____________________


Paaralan: ____________________________________________________________________

Basahin ang usapan at sagutin ang katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Tamang Gawi sa Pagtatanong at Pakikipag-usap


Modesta R. Jaurigue
Tunghayan ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa kanilang guro.

Cha at Che :Magandang umaga po, gng. Jessica Lavarez


May sadya po kami sa inyo.
Gng Lavarez :Magandang umaga naman. Maupo kayo.
Theo :Ma’am, bago po lamang kami sa paaralang ito.
Ibig o sana naming malaman kung saan po ang daan papuntang silid-
aklatan.
Sid : Ibig po naming naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.
Gng. Alvarez : Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong gagawin na pagpunta sa
silid-aklatan.Makatutulong ito sa inyong pag-aaral at makapag-papaunlad
sa pagbasa nang mabilis. Ang silid-aklatan ay katapat ng silid ng
ikatlong
baiting.
Mga mag-aaral : Maraming salamat po, Ma’am

1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez?
A. magtatanong kung saan ang papuntang silid-aklatan
B. manghihiram ng aklat
C. bibili ng pagkain
D. magbibigay ng proyekto
2. Bakit kailangang humiram nila Cha, Che at Sid ng aklat sa silid-aralan?
A. para maymasulatan
B. Para basahin
C. para maymabitbit na aklat sa bag
D. para my mapaglaruan
3. Sino ang nagsasabi ng “ ibig po naming manghiram ng mga aklat upang mabasa.”
A. Cha
B. Che
c. Theo
D. Sid
4. “ Saan po ang papuntang silid-aklatan?” Anong panghalip pananong ang ginamit?
A. po
B. papunta
C. saan
D. silid-aklatan
5. “ Ibig po naming manghiram ng aklat.” Anong salitang kilos ang ginagamit sa pangungusap?
A. aklat
B. ibig
C. naming
D. manghiram
Basahin ang talata upang masagot ang mga tanong tungkol ditto

Mahalaga ang Pagkain nang Tama


Modesta R. Jaurigue

Ang pagkain ng gulay, karne, isda,itlog, prutas, kanin, tinapay, at iba pa at ang pag-inom
ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng resistansiya upang tuluyang
makaiwas sa anumang karamdaman at tumulong sa paglaki.
Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong maghapon,
kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw: agahan, tanghalian at hapunan.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.

6. Anong pagkain ang nakapagpapatibay ng resistensiya?


A. French fries C. sitsirya
B. gulay D. popcorn
7. ano ang dapat gawin upang lumusog ang katawan?
A. kumain ng tamang pagkain.
B. Kumain ng maling pagkain.
C. Maglaro maghapon.
D. Magbasa ng aralin.
8. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang lumakas?
A. Lumabas C. malakas
B. lumayo D. Malaya
9 Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa talata.

1. Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong maghapon

2.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan

Ang pagkain ng gulay, karne, isda,itlog, prutas, kanin, tinapay at iba pa at ang
pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng
3. resistansiya upang tuluyang makaiwas sa ano mang karamdaman at tumulong

sa paglaki.

4. Kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw: agahan, tanghalian at


hapunan.

A. 4,3,2,1 C. 2,1,3,4
B. 1,2,3,4 D. 3,1,4,2
10. Ano ang kailangan natin upang maging malakas at puno ng enerhiya?
A. kumain C. magsasayaw
B. maglaro D. mamasyal
11. Alin sa sumusunod na mga inumin ang nagpapalakas ng katawan at nakakapagtibay ng
resistansiya?
A. coke C. juice
B. gatas D. kape
12. Sa inyong palagay ano ang maidudulot ngpagkain ng agahan?
A. Magiging alisto sa klase.
B. Hindi mahuhuli sa klase.
C. Magkakaroon ng bagong laruan.
D. Matatapos nang maaga ang mga Gawain.

Si Tom
Modesta R. Jaurigue

Kring……..! “Yehey! Labasan na!” sigaw ng mga mag-aaral ng ikatlong baiting. Lahat ay
nagmamadaling nagliligpit ng mga gamit. Nakita ni tom na itinapon ng mga kaklaseang mga
papel sa basurahan. “ Bakit itinapon ninyo ang mga papel na wala pangsulat?Sayang naman.”
Ang sabi ni Tom.” Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga yan.” Ang sagot ni cloe.
Kinuha ni Tom ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelope.Nagtasa ng
kaniyang lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis. Nang Makitang maayis na ang kaniyang mga
gamit, saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi.

13.”Itinapon ang mga papel sa basurahan.” Anong salitang kilos ang ginagamit sa
pangungusap?
A. basurahan C. mga
B. itinapon D. papel
14 Anong salita ang mabubuo kapagpinalitan ang hulihang pantig ng salitang ginamit?
A. naayos C. natuwa
B. nagalit D. nawala
15. Saan inilagay ni Tom ang mga papel na kinuha sa basurahan?
A. sa basurahan C. sa ilalim ng bangko
B. sa envelope D. sa bag
16.Ano ang ginagawa ni tom nang marinig ang tunog ng bell?
A. inayos ang gamit C. tumakbo
C. nakikpag-usap sa klase D. tumayo
17.Ano ang sinabi ni Tom sa kaklase na nagtapon ng papel sa basurahan?
A. Bakit ninyo itinapon ang mga papel na wala pangsulat?Sayang Naman.
B. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan?
C. Bakit hindi ninyo itabi ang mga hindi nagamit na papel.
D. Bakit kayo tumakbo kaagad?
18. Ano ang sagot ni Cloe sa tanong ni tom kung bakit nila tinapon ang mga papel?
A. Wala kang pakialam.
B. Hayan mo na Tom marami kaming papel.
C. Bibili nalang kami bukas at saka yukos na ang mga yan.
D. Ikaw na pumulot ng mga papel nayan Tom.
19.Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel?
A. Itabi ang sulatang papel na hindi pa nagagamit o nasusulatan.
B. Itapon ang gusot na papel na wala pang sulat.
c. Maglagay ng karton sa ilalim ng papel upang di bumakat ang kasunod na sulatan
D. Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.
20. Saan nangyari ang Kuwento?
A. hardin C. Palaruan
B. klinika D. silid-aralan
21. Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ay __________ ng mga gamit
Punan ng wastong pang-abay na may kilos upang mabuo ang pangungusap
A. nagmamadaling nagligpit
B. umalis nang maingay
C. itinapon ang papel
D. inayos nang mabuti
22. Kring……” Labasan na!” sigaw ng mga mag-aaral sa ikatlong Baitang. Anong salita ang
maaaring ipalit sa salitang labasan na?
A. Pasukan na. C. Rises na
B. Uwian na. D. Maglalaro na.
23. “ bibili nalng kami ng papel bukas at saka gusot na ang mga yan.” Ano ang kahulugan ng
salitang may guhit
A. ayos C. puti
B. punit D. lukot
24. Bakit nagsigawan ang mga kaklase ni Tom?
A. dahil labasan na
B. dahil kainan na
C. dahil may nagaway
D. dahil may nanalo sa paligsahan
25. Paano ang ginawa ni Tom sa papel na itinapon ng mga kaklase?
A. pinulot at itinapon ulit sa basurahan
B. kinuha ni Tom ang papel at inilagay sa envelope.
C. hinayaan lang ni Tom ang papel na nagkalat.
D. pinulot at ibinigay sa Guro
26” Bibili na lang kami bukas at saka gusot na ang mga iyan,” ang sagot ni Cloe. Inayos ni Tom
ang mga aklat at inilagay sa envelope ang sulatang papel na hindi nagamit.” Ano ang
pagkakaibang gawi ni Cloe4 at ni Tom sa pagliligpit ng sulatang papel?
A. Si Tom ay Matipid samantalang si Cloe ay hindimatipid sa sulatang papel.
B. Si Tom ay hindi matipid samantalang si Cloe ay matipid sa sulatang papel.
C. Si Cloe at si Tom ay matipid sa sulatang papel
D. Si cloe at si Tom ay parehong hindi matipid sa sulatang papel

Si Puti
Modesta R. Jaurigue

Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko sa kaniya. May apat na anak. Kulot na kulot
at putting-puti ang balahibo niya. Masarap siyang kalaro. Tinuruan ko siya ng iba’t ibang tricks
tulad ng pag-upo, paglundag at pagkuha ng tsinelas.
Nakatutuwa ang aking alagang aso!

27. Ano ang alaga na nabanggit sa talata?


a. agila b. aso c. kambing d. pusa
28. Ilan ang anak ni Puti ?
a. isa b. tatlo c. apat d. wala
29. “Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko”. Ang kahulugan ng salitang may
salungguhit ay __.
a.Kulay asul b. kulay berde c. kulay bulak d. kulay itim

30. Nakakatuwa ang aking alagang aso ! Anong bantas ang ginamit sa katapusan ng
pangungusap ?
A. kuwit B. padamdam C. pananong D. tuldok
31. Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at pagkuha ng tsinelas.
Anong salitang hiram ang ginamit sa pangungusap?
A. pag-upo B. tricks C. tinuruan D. tulad
32. Sumulat ng talata na kahalintulad ng paksa ng kuwentong “Si Puti.”
33. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng sangguniang aklat?
A. Paghanap ng mabibili.
B. Paghanap sa kahulugan ng salita
C. Paghanap sa araling pinag-aralan
D. Paghanap sa mga takdang aralin.
34.Nais ni Rosheen malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian maliban sa
aklat na kaniyang ginagamit, sa iyong palagay saan siya makakikita?
A. diksyunaryo
B. indeks
C. pabalat
D. talaan ng nilalaman

Ang Batang si Maria


Modesta R. Jaurigue

Sina Maria ay naninirahan sa


tabi ng ilog. Marami silang tanim sa
paligid ng kanilang bahay. Siya ay mabait, masunurin, masipag at
matulungin. Kapag araw ng Sabado, tumu
tulong siya sa gawaing bahay at
sumisimba naman tuwing araw ng Linggo kasama ang kaniyang ama’t ina.
Isang araw, habang si Maria ay
nagwawalis ng kanilang bakuran,
may lumapit na mga batang naglalaro.
“Maria , nagugutom kami, maaari bang makahingi ng bunga ng puno
ng kaimito?”
Aba!Oo kumuha na kayo pero mag-ingat kayo baka kayo ay
mahulog,” ang sagot ni Maria .
Maraming bata at matanda ang humihingi kay Maria ng prutas.
Binibigyan niya ito at hindi
pinagdadamutan kahit kailan.
“Talagang mapagbigay na bata
si Maria,” wika ng mga tao.

35.Gumawa ng balangkas ng binasang kuwento.

36.Ano ang nilalaman ng kuwento ?

37.Anong magandang ugali ni Maria ang nagustuhan mo ?

38.Ano ang magandang gawi ang ipinakita ni Maria nang humingi ang mga batang nagugutom?

39. Kung ikaw si Maria, ano ang mararamdaman mo sa mga nanghihingi ng bunga ng kaimito?
Isulat sa isang pangungusap ang kasagutan.

40..Sumulat ng isang pangungusap sa naging wakas ng kuwento.

You might also like