Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKAAPAT NA MARKAHAN SA FILIPINO VI

Pangalan: _______________________________________________ Baitang: ________________

Paaralan:________________________________________________ Iskor:____________________

I.Panuto: Piliin ang wastong salita na angkop sa mga pangungusap at bilugan ang titk ng wastong sagot.

1. Kahit________ ipinagdiriwang ang kapistahan sa ating bansa, dinadayo ito


ng ating mga kababayan at ng mga turista.
A. alinman B. saanman C. ilanman D. gaanuman
2. Karamihan sa kanila ay nagiging matagumpay at may maganda _____________ pamumuhay.
A. sa B. na C. ng D. G
3. Sila ay ______ na sana ay lagging nasa ay lagging nasa mabuting kalagayan
ang kani-kanilang pamilya.
A. mataimtim na nananalangin B. tiklop-tuhod na umaasa
C. madalas na magdasal D. laging nag-iisip
4. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho
si Mang Jose. Siya ang _____________ sa kanila na nagtrabaho doon.
A. matagal B. pinakamatagal C. matagal-tagal D. higit na matgal
5. Nagkaroon siya ng sariling bahay at napagtapos ng pag-aaral ang mga anak,
kaya naman kaagad _______________ ang mga ito.
A. nagtrabaho B. nagsitrabaho C. magsitrabaho D. nakapagtrabaho
6. Ang halaga ng langis sa panahon ngayon ay pataas ____________ panig ng mundo.
A. anumang B. alinmang C. saanmang D. ilanmang
7. Ang ating pamahalaan ay____________ na kamakalawa sa bansang Amerika upang tayo ay
Makabangon sa ating ekonomiya.
A. Makipag-ugnayan B. nakipag-ugnayan C. makipag-ugnay D. nakikipag-ugnay
8. Nagtungo ang pangulo sa Amerika _______________ tanggapin ang alok na tulong sa ating bansa.
A. at B. nang C. ngunit D. upang
9. ________( akyat) si Julius sa puno upang kunin ang sumabit na saranggola.
A. An B. Um C. Ma D. In
10. Kaylawak ng papel na ginagampanan ng isang ina; tagapag-alaga doktora kusinera labandera
tagalinis kaibigan at taga-budyet ng gastusin. Anong angkop na bantas para sa pangungusap?
A. kuwit B. tuldok C. gitling D. panipi
11. Nangangasiwa ba si Precy sa palaro __________________ siya ay isang manlalaro?
A. at B. o C. kaya D. ngunit
12. Nang tanghaling kampeon si Manny Pacquiao nitong huling laban niya, nagbigay ____________ siya
ng tulong sa mga naging biktima ng bagyong “Frank.”
A. rin B. nga C. din D. pati
13. Para namang ______________ sa kanya ang swerte at biniyayaan pa siya ng supling na babae.
A. umasa B. umayon C. umuna D. umagapay
14. Sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao, ang kahusayan niya sa boksing
ay _____________ ng Sambayanang Pilipino.
A. hangaan B. hahangaan C. hinahangaan D. hinangaan
15. Hinikayat kayo ng inyong guro na magtulong-tulong na pagandahin ang paligid ng inyong
paaralan ngunit isa sa kamag-aral mo ay di lumabas ng silid-aralan .
Ano ang sasabihin mo sa kanya para hikayatin siya?
A. “Bakit di ka lumabas dyan?” B. “Naku, palagi na lang ba tayo ang maglilinis?
C. ”Halika na,kailangan sundin natin ang ating guro.”
D.“Napag-utusaan tayong lahat na pagandahin ang paligid.”
16. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng matinding damdamin?
A. Pagbutihin nating magkaroon ng medalyang ginto. C.Sana nga magkaroon tayo ng medalyang ginto.
B. Totoo nagkamit tayo ng medalyang ginto D. At sa wakas, nagkamit tayo ng medalyang ginto.
17. May pagsasanay na ginanap hinggil sa paggamit ng makina para sa mga bago_____ botante.
A. nang B. na C. ng D. sa
18. Sa mga kandidato sa pagkapangulo, si Senador Noynoy Aquino ang nakakuha ng ___________ boto.
A. maraming B. mas maraming C. pinakamaraming D. marami-raming
19. Kahit sa mock election na _______bago maghalalan, si Noynoy rin ang nanguna sa pagka-presidente.
A. isasagawa B. isagawa C. isinagawa D. isinasagawa
20. Ano ang kasingkahulugan ng pariralang “mababakas sa mukha”?
A. masasabi ng mata B. mababasa sa mata C. makikita sa mukha D. may bakas sa mukha
21. Ipinaglihim ni Analisa ang totoong nangyari sa kanyang amang maysakit. Ano ang kasalungat ng ipinaglihim?
A. ibinulong B. ibinunyag C. ipinagkaila D. ipinabigay

22. Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Bagiuo ang Panagbenga _________na


ipinaparada ang iba’t ibang uri ng mga bulaklak.

A. kung umiikot B. sana maagap


C. habang buong bugilas D. kapag nakalibot habang idinaraos
23. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga Iloilo sa buong Kabihasnan.
A. ubod ng husay B. mas kahali-halina C. sobrang maindayog D. totoong malikhain
24. Mas uunlad ang ating ekonomiya ___________ tuloy-tuloy ang pagdating ng mga
dayuhang turista sa bansa.
A. nang B. kapag C. kaya D. upang
25. Masaya silang namamasya lnang _____________ may umagaw sa kanyang shoulder bag.
A. agad B. biglang C. nag-aapurang D. nagmamadaling
26. Mahina lamang ang tinig ng kausap niya sa telepono ____________ hindi
sila lubusang nagkaintindihan.
A. bagama’t B. subalit C. kapag D. ka

27. Ang tao ay di dapat ____ {asa} sa mga suwerteng darating sa kanya bagkus
kailangan ang sipag at tiyaga.
A. an B. um C. i D. han
28. Ang mga taong may mabubuting gawa ay dapat ______ {tulad} ng mga kabataan.
A. an B. in C. um D. ma
29. Sabi ni Inay sa akin, ______ Anak patuloy mong tulungan ang iyong mga kapatid
kahit ako’y wala na.______
A. Gitling{-} B. panipi{“ “} C. tuldukkuwit { ; } D. tutuldok { : }
30. Ang paboritong pagkain ng aking Inay ay kasuy, sineguwelas ___________ at mangga.
A. kuwit { , } B. tutuldok { : } C. tuldukkuwit { ; } D. tuldok { . }
31. Nag-usap kaming magkikita sa lugar na ito, ___________ hindi siya dumating.
A. kasi B. dapat C. pero D. dahil
32. Hindi na kami nakarating __________ sa lakas ng ulan.
A. kasi B. dahil C. kaya D. pagka’t
33. Tuwang-tuwa si Mang Enteng sa kanyang mag-inang kambing na{gala} sa
kanilang manggahan tuwing umaga.
A. ma B. in C. an D. um
34. Madaling natapos ang botohan sa maraming lugar __________ sa ibang bahagi ng
bansa ay naantala dahil sa mga di-inaasahang pangyayari.
A. Dahil B. kaya C. habang D. ngunit
35. Mano po Itay Inay sabay na pagbibigay-galang nina Luis at Nita.
A. panipi at tuldok B. tuldok at kuwit C. panipi at kuwit D. tutuldok at kuwit
36. Magsipag-aral kayo ____________ kayong kabataan ang pag-asa ng bayan.
A. kaya B. para C. upang D. dahil
37. Nakabuti __________ ang pagkaantala ng parade dahil biglang bumuhos ang ulan.
A. muna B. nga C. man D. sana

Aklatang Pampubliko Kard sa Aklatan

Si Leticia Osmena na anak nina G. At Gng. Jose Osmena ng 26 Quezon Boulevard, Cebu City ay nag-aaral sa ika-6
na baitang sa Mababang Paaralang Sentral sa kanilang siyudad. Alin sa mga datos ang isusulat niya sa Library Card sa
ibaba.
A. Blg. _____________________________
B. Pangalan _________________________
C. Tirahan __________________________
D. Paaralan _________________________
E. Guro_____________________________
F. Baitang at Seksyon _________________

38. Anong datos ang dapat isult sa Titik D?


A. Cebu City Primary School C. Mababang Paaralang Sentral ng Lungsod ng Cebu
B. Mababang Paaralang Quezon Boulevard D. Mababang Paaralang Sentral

39. Alin dito ang dapat isulat sa Titik F?


A. 26 Quezon Boulevard, Cebu City C. RAMA, FERNAN C
B. Section St. Cecillia D. Ika-6 St. Cecillia

40.Kapag nabasa mo ang paalaalang POST NO BILL sa pader, ano ang kahulugan nito?
A. Huwag magdikit o magpaskel sa pader . C. Huwag magsulat sa pader.
B. Huwag magbayad ng perang papel. D. Huwag tumambay sa daan.

II. Tukuyin at bilugan ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

41. Ang mga matandang botante ay _____(A. laban sa B. alinsunod sa C.ayon sa ) politikong trapo.
42. (A. Ayon kay B. Alinsunod sa C. Laban kay) ____Quezon, ang wika ay kaluluwa ng bansa.
III. Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

Nagmamadali sa kanyang paglalakad si kaibigang Langgam bigla itong napahinto.


“Nauuhaw ako,” sabi ni Langgam. Pumunta ka sa sapa at uminom ng tubig. Mag-ingat ka lang at baka ka mahulog.
“paalala ni Kalapati.
Dali-daling pumunta sa sapa si Langgam. Biglang umihip ang malakas na hangin at siya ay nahulog sa tubig.
“Tulungan ninyo ako!” narinig ni Kalapati si Langgam.
“Kailangang tulungan ko si Langgam.” Wika ni Kalapati.
Sa pamamagitan ng kanyang tuka ay pumutol siya ng kapirasong tangkay mula sa puno.Binitawan niya ito
malapit sa kinaroroonan ni Langgam. Pilit itong inabot ni Langgam hanggang makakapit patungo sa pampang.
Hindi nagtagal, nakakita si Langgam ng isang mangangaso. “Aba, patibong para kay Kalapati iyon ah! Hindi ko
hahayaang mabitag si Kalapati.”
Dali-dali niyang pinuntahan ang mangangaso pinagkakagat sa paa.
“Aray!” sigaw ng mangangaso. Narinig ni Kalapati ang lalaki at ito ay biglang lumipad pabalik sa punongkahoy.
Laking pasasalamat niya kay Langgam.

43. Ano ang kaisipang inihahatid ng kuwento?


A. Huwag maglagay ng patibong nang di ka malagay sa alanganin.
B. Ang mabuting gawa ay may katapat sa kabutihan.
C. Mag-ingat sa pag-inom sa sapa upang di magkasakit.
D. Tumulong sa kapwa tuwina
44. Ano ang mabuting katangian ni Kalapati sa simula ng kuwento.
A. Matalino B. Matulungin C. Mapagbigay D. Maalalahanin
45. Ano ang katangiang ipinakita ni Langgam nang sabihin niyang, “Hindi ako papayag na
mabitag sa patibong si Kalapati.”
A. Makisig B. Mayabang C. Mapagmasid D. Matapang

46. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


1. Dahil sa lakas ng hangin nahulog sa tubig si Langgam.
2. Nakaramdam si Langgam ng uhaw habang naglalako
3. Langgam si Kalapati pinagkakagat niya sa paa ang mangangaso.
4. Pinapapunta siya ni Kalapati sa sapa upang makainom.
5. Nakita ni Langgam ang isang mangangaso na naghahanda ng patibong para kay Kalapati.
6. Gamit ang tuka at kaputol na kahoy naiahon ni Kalapati si Langgam.

A. 2-4-1-6-5-3 B. 1-3-5-6-2-4 C. 2-4-6-1-3-5 D. 1-2-3-5-4-6

47. Ano ang naging bunga sa pagkakagat ni Langgam sa mangangaso?


A. Nagulat ang mangangaso B. Nagpasalamat si Langgam
C. Nailigtas niya si Kalapati D. Nabitag si Kalapati
48. Ano ang maaaring mangyari kay Langgam kung di siya tinulungan ni Kalapati?
A. Nadulas siya sa sapa. B. Nalunod siya sa sapa
C. Nadala siya ng tubig D. Naapakan siya ng mangangaso
49. Kung hindi narinig ni Kalapati ang sigaw ng mangangaso, ano ang maaaring mangyari sa kanya?
A. Nahulog siya sa sapa B. Nakagat siya ng Langgam
C. Nakalipad sa kalawakan D. Nabaril siya ng mangangaso
50. Alin ang pangyayaring sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng kuwento?
A. Naligtas ni Kalapati si Langgam at natulungan din ni Langgam si Kalapati.
B. Naging matalino si Kalapati sa pagliligtas kay Langgam.
C. Naging mabilis si Langgam sa pagliligtas kay Kalapati.
D. Nakita ni Kalapati ang isang gawaing di –kanais-nais ng mangangaso.
Region XII
REGION XII
Division of Sarangani
ALABEL, SARANGANI PROVINCE

TALAAN NG ISPESIPIKASYON SA FILIPINO VI


Layunin/Kasanayan Bilang ng Bilang ng Madal Kata
Araw Aytem i
Nagagamit sa pangungusap ang mga panghalip at pang-uri. 5 5 5
Nagagamit sa pangungusap ang pang-abay. 2 3 3
Nagagamit ang angkop na pangungusap para sa sitwasyon.(Uri ng pangungusap ayon 2 2 2
sa gamit.
Natutukoy ang pangunahing kaisipan at mahalagang detalye sa binasa. 2 2
Nagagamit sa pangungusap ang mga pandiwa at panlapi. 8 9 9

Natutukoy ang sanhi at bunga sa kuwento. 1 1 1


Nailalarawan ang katangian ng tauhan batay sa kilos o pananalita. 2 2 2
Nagagamit nang wasto ang mga pang-angkop, sa pagpapahayag. 1 2 2
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. 1 1
Nagagamit sa pangungusap ang mga pangatnig at pang-ugnay. 7 8

Natutukoy ang mga pang-ukol sa pangungusap. 2 2 2


Nakapagbibigay ng palagay sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari batay sa 2 2
ikinilos ng tauhan sa kuwento.
Nagagamit ang panipi at kuwit sa tuwirang sinabi ng tauhan. 3 2
Nakapagpapalawak ng mga pangungusap gamit ang pang-abay na ingklitik. 2 2
Napupunan nang wasto ang pormularyong pampaaralan tulad ng ID at kard na pang- 2 2 2
aklatan.
Nagagamit ang grapikong pantulong sa pag-unawa ng teksto. 1
Natutukoy ang kahulugan ng salita.(Kasinkahulugan o kasalungat) 2 2 2
Total 45 na araw 50 30
Inihanda ni:
JUDITH C. DOMINGO,T-III

JUDITH C. DOMINGO, T-III

You might also like