Co Filipino 5 Quarter 3 Pang Abay Na Pamaraan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region XIII
Schools Division of Butuan City
West Butuan District II

BANGHAY ARALIN para sa CLASSROOM OBSERVATION sa


FILIPINO 5

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,
B. Pamantayan sa Pagganap
diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang pang-abay a pamaraansa paglalarawan ng kilos.
Pagkakatuto F5WG-IIIa-c-6
Isulat ang code ng
bawat kasanayan
PANG-ABAY NA PAMARAAN SA PAGLALARAWAN NG KILOS

Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO, MATEMATIKA


ARTS, MUSIKA,
II. NILALAMAN
HEALTH-CURRENT EVENTS/PANDEMYA

Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON

Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED LEARNING,


EXPLICIT TEACHING
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Most Essential Learning Competencies (MELCs) p. 163
ng Guro

2. Mga Pahina sa Metacards, manila paper


Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Alab ng Filipino pp. 123
Teksbuk

4. Karagdagang https://youtu.be/v-kdKPPCjfk
Kagamitan mula sa Projector, lapop
portal ng Learning
Resource
Filipino– Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan –
Modyul : Pang-abay na Pamaraan Unang Edisyon, 2021
B. Iba Pang Kagamitang
Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Preliminary
Activities
1.Panalangin
2. Attendance
3.Ehersisyo
B. Developmenal
Paggamit ng laro “HEPHEP! HOORAY”
Panuto: Ibigay ang angkop na impormasyon ng tula. Sabihin ang HEPHEP kung
titik A ang iyong sagot at HOORAY kung titik B.

Acivities
1. Balik-aral sa
nakaraang aralin
at/o pagsisimula a. Ako’y Batang Munti
ng bagong aralin b. Ang Pagkaing Sari Sari

a. Ang mga kulay


b. Ang Watawat

Paggamit ng ICT
Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
Panonood ng Video Presentation

Bago manood hayaan ang mga bata sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

-Kumakain ba akyo ng sabay-sabay sa hapag kainan?

C. Pagganyak

B.
https://youtu.be/v-kdKPPCjfk

-Tungkol saan ang iyong napanood?

Integrasyon sa Napapanahong Isyu/pandemya


-Ngayung panahon ng pandemya ano ang kahalagahan ng sabay-sabay kumain
sa hapag kainan?
D. (ACTIVITY) Pagbasa ng Kwento

Ang Pamilya Cruz


Ni: Rosalinda M. dela Cruz

Araw ng Sabado, maagang gumising si Aling Lina upang pumunta sa


palengke, habang si Mang Angelito ay matiyagang nag-aantay sa kanilang
traysikel. Sa bahay, masinop na inaayos ng bunsong si Shane ang kanilang
pinaghigaan. Si Ate Joy naman ay masayang naglilinis ng kanilang bahay at si
Kuya Lito ay masipag na pinakakain ang mga alaga nilang hayop sa kanilang
bakuran. Nang dumating na si Aling Lina ay agad na tinulungan ito ni Joy sa
pagluluto. Naghain nang mabilis sina Lito at Shane dahil sabik na nilang
matikman ang masarap na luto ng kanilang nanay. Bago kumain, sama-samang
nagdasal ang Pamilya Cruz at masaya silang nananghalian.

Paggamit ng laro “SAGOT MO! TANONG KO”

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino-sino ang kasapi ng Pamilya Cruz?
3. Ano ang ginawa ni Aling Lina at Mang Angelito sa palengke?
4. Paano ginawa nila Ate Joy, Kuya Lito at Shane ang kanilang mga gawain sa
bahay?
5. Ano-anong mabuting ugali ang pinakikita ng Pamilya Cruz?

Integrasyon sa Comprehensive sexuality Educaion(CSE)


-Nararapat lang ba na ang nagluluto ng pagkain ay ang mga nanay o babae
lamang?
-Ano ang kahalagahan ng pagkakapantay pantay sa mga trabaho sa bahay?

Basahin ang mga salitang nakasalungguhit sa kuwento


maagang gumising
matiyagang nag-aantay
masinop na inaayos
masayang naglilinis
Naghain nang mabilis

E. (ANALYSIS)
Malayang Talakayan
Pagpapakia ng sumusunod na larawan , magkakaroon ng talakaan tungkol sa
larawan

Ano ano ang mga kilos na ipinapakia sa larawan ? Paano isinagawa ang kilos?

HOTS QUESTION
Bakit kailangang gumisng ng maaga?
Ano ang kahalagahan ng pagiging masinop sa paggawa?
Discovery Learning
Paggamit ng laro “JUMBLED LETTERS”

NPAG–BAAY
NA
PARAAAMN

Ang Pang-abay na Pamaraan ay naglalarawan ng paraan ng paggawa ng kilos o


galaw (Pandiwa).

Ito ay sumasagot sa tanong na paano.

Narito pa ang ilan pang mga halimbawa ng mga pangabay na pamaraan na


ginamit sa pangungusap.

F. ABSTRACTION)

Paggamit ng laro “SAGOT MO, SHOW MO”


Panuto: Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa show-me-board.
1. Tahimik na nakinig si Betina sa kanilang guro.
2. Maayos na tiniklop ni Aling Nena ang kanilang mga damit.
3. Magalang na binati ng mga mag-aaral si Bb. Reyes.
4. Si Juan ay nag-aral nang mabuti para sa kanilang pagsusulit.
5. Naglakad nang matulin si Rene para di mahuli sa klase.

G. (APPLICATION)
Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities
Pangkatang gawain

Pangkat 1 Team ARTS


Panuto: Gumuhit ng mga bagay na inyong ginagawa sa bahay. Ipaliwanag at
gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng isang kilos o gawi.

Pangkat 2 Team MUSIKA


Panuto: Sumulat ng isang awit at gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng
isang kilos o gawi.

Pangkat 3 Team HEALTH/DRAMA


Panuto: Magpakita ng isang dula-dulaan at gumamit ng pang-abay sa
paglalarawan ng isang kilos o gawi. Pangkat

Pangkat 4 “PAGTAMBALIN MO”

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa B. Piliin ang angkop na pang-abay na


pamaraan sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang titik sa patlang.

Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills


Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga:
Itanong:

-Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?


-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

Numeracy: Integrasyon sa Matematika


Basahin ang pangungusap.
Mahusay na ipinakita ni Nena ang tamang paghuhugas ng kamay sa kanyang
mga kamag-aral. Magaling rin niyang ipinakita ang wastong pagsusuot ng
facemask.

Itanong:
-Ilan ang pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi ang ginamit sa
pangungusap?
-Ano ito?

Paggamit ng laro “YEHEY o WOW”


Panuto: Punan ng angkop na pang-abay na pamaraan ang mga pangungusap.
Sabihin ang YEHEY kung titik A ang iyong sagot at WOW kung titik B.
1. Si Ana ay (a. magaling b. mabilis) sumayaw at umawit.
2. Si MJ ay (a. dahan-dahan b. maagang) gumising para mag-jogging.
Pag-uugnay sa pang
3. Umiyak nang (a. matulin b malakas) ang sanggol dahil sa ingay na kaniyang
araw-araw na buhay
narinig.
4. Isinara nang (a. dahan-dahan b. mabilis) ni Roger ang kanilang pinto upang
hindi magising ang kanyang ina.
5. Kahit walang handa sa kaarawan si Maggy, (a. masaya b. mabagal) pa rin nila
itong ipinagdiwang.

G. Paglalahat ng Aralin
(GENERALIZATIO Paggamit ng laro “PUNAN MO”
N)
Ano ang ating pinag-aralan?

Ang pang-abay na naglalarawan o _______________ ay naglalarawan sa paraan


ng paggawa ng ______________ o _______________ (pandiwa). Ito ay
sumasagot sa tanong na _______.

Panuto: Piliin ang wastong pang-abay na pamaraan sa loob ng panaklong upang


mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ang aking ina ay ( maayos , masarap ) magluto ng pansit.
H. Pagtataya ng Aralin
2. Si Nelson ay ( magaling, matiyaga ) sa paglalaro ng basketbol.
(EVALUATION)
3. Sinulat nang ( maayos, masipag ) ni Sally ang liham para sa kaniyang
kaibigan.
4. Si Madel ay ( matahimik, mabilis )na ginawa ang kaniyang Proyekto sa
Filipino dahil pasahan na nito.
5. Sinalubong ni Kate nang ( masaya, matiyaga ) ang bagong dating na ina.

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang pang-abay na pamaraan batay sa


larawan. Isulat mo sa iyong sagutang papel.

I. Karagdagang gawain
para sa takdang aralin
at remediation

Inihanda ni:
MARJORIE S. RAMOS
Ratee
Noted:
ODON L. CONSUEGRA
Head Teacher II
Rater

You might also like