Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Physical Education 1

I. Layunin

Naisasagawa ang pagbalanse ng isa, dalawa, tatlo, apat at limang bahagi ng katawan.
(PE1MB-Ie-f-3)

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagsasagawa ng Pagbalanse ng Isa, Dalawa, Tatlo, Apat at Limang Bahagi ng


Katawan.
B. Sanggunian: Budget of Work sa PE Quarter 1, PE LM Q 1, pahina 11-12
C. Kagamitan: tarpapel, larawan, laptop, tablet
D. Pagpapahalaga: Mag-ehersisyo araw-araw
E. Integrasyon: Health, Musika, Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbilang sa mga mag-aaral na pumasok
3. Balitaan
4. Balik-aral
Bumuo ng mga hugis gamit ang ibat-ibang bahagi ng katawan.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagawit: tayo’y Mag-ehersisyo

Tanong:

• Bakit mahalga ang pagbalanse ng katawan?

2. Paglalahad
Basahin ang tula
3. Pagtalakay

• Ano ang mga dapat gawin tuwing umaga upang maging malakas ang
ating katawan?
• Ano-ano ang mga ehersisyong nakahinto ang katawan?
• Ano-ano ang ginamit sa pagbalanse?
• Bakit mahalaga ang pagbalanse ng katawan?

4. Paglalahat

• Pagbalanse – ay kakayahang kontrolin ang katawan upang hindi matumba.

5. Paglalapat

Gayahin ang nasa larawang nagbabalanse ng katawan.

C. Pangwakas na Gawain
Pangkatang Gawain

I. Unang pangkat
Kulayan ang batang nagbabalanse at isagawa ito.
II. Pangalawang Pangkat
Bilugan ang wastong nagbabalanse at isagawa ito.

III. Pangatlong Pangkat


Lagyan ng kulay asul na tsek (/) ang wastong pagbabalanse at isagawa ito.

IV. Pagtataya

Ikahon ang mga naisagawang wastong pagbalanse gamit ang ibat-ibang bahagi ng
katawan
V. Kasunduan
Magsanay tuwing umaga sa pagbalanse ng katawan gamit ang ibat ibang bahagi ng
katawan. Mag-ingat po!

You might also like