Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ENTREPRENEURSHIP BUSINESS REPORT SCRIPT

BEGINNING
News Anchor 1: Para makabagong pagtatalakayan

News Anchor 2: Para sa makabagong pangangalakal

News Anchor 1: Ito ang mga balitang Jolli..

News Anchor 2: Na buong pusong ating sasabeehin!

News Anchor 1: Ito ang Radyo Jolli!

HEADLINES
News Anchor 2: Narito ang mga nagbabagang balita!

News Anchor 1: Ginang sinermunan ang Jollibee crew dahil umano sa maling pagtrato nito sa customer.

News Anchor 2: Jollibee Makiling Branch tila nauubusan na ng supply?

News Anchor 1: Chickenjoy nakitaan umano ng maliliit na uod?

News Anchor 2 : Muli ito ang Radyo Jolli!

News Anchor 1: Ano ang naging ugat ng taasan ng boses sa pagitan ng matanda at ng Jollibee crew? Alamin yan ngayon sa Radyo Jolli!

News Anchor 1: Spag Hetty, iyo ang mikropono!

NEWS
Spag Hetty: Isang video ang nagva-viral ngayon sa social media kung saan makikita ang isang ginang na tila mataas ang boses habang kausap ang isang Jollibee crew.
Ayon sa mga saksi, ay bastos raw ang pakikitungo ng naturang Jollibee crew sa isang customer na sinundan ng ginang sa pila. Narito ang panayam ng aming team sa
ginang na nasabing video:

S: Ma'am, ano ho bang nangyari?

C: (w/ accent) Aba'y bastos areng crew na are e! Ako'y nakikinig lamang sa kanilang usapan habang kausap nya 'yung customer na nauna sa akin. Ikaw baga nama'y
sabihan na, "Pakibilisan ang pagpili ng order at maraming nakapila." 'Pag ka ba ikaw nakarinig no'n e matutuwa ka ba? Tama baga iyon eh 'di ga dapat ay magalang at
mapagpasensya tayo sa customer natin? Porke't hindi gaanong maayos ang pananamit nung isa at medyo mahina sa pagbabasa e bastos na ugali nya? Aba'y
diskriminasyon yo'n! (end of interview)

S: At ayan nga daw ho ang naging dahilan ng Ginang kung bakit nya napagtaasan ng boses ang Crew sa naturang viral video. Napag-alaman rin ng aming team na
nakausap na 'di umano ng ginang ang manager ng Jollibee branch at nangakong bibigyan ng disciplinary action ang insidente.

S: Muli, ako si Spag Hetty, nakatutok!

Spag Hetty: Ako si Spag Hetti, nakatutok!

News Anchor 2: Nang dahil sa implasyon, tunay nga bang nauubusan na ng suplay ang Jollibee Makiling Branch? Alamin yan sa tulong ni Yum Burger, Yum Burger
pasok!

Yum Burger: Ito na nga, kamakailan lamang ay umiral ang balita na nagsasabing kinukulang na raw ng suplay ang Jollibee Makiling. Ani pa nila na dahil daw ito sa
nakikita nilang pagbaba o kakulangan ng mga sangkap sa kanilang pagkaing hinahain. Ngayon, hanapin natin ang katotohanan sa panayam kasama ang may ari ng
naturang branch.

May ari: So yung mga usap-usapan na kinukulang kami ng suplay ay masasabi natin totoo. Pero hindi niyo kami masisisi lalo na laganap ngayon ang inflation which
plays a paticular circumstances for us. As a business manager, hindi po kami ang dapat sisihin, ang ekonomiya po. Kung hindi niyo po kayang maatim ang ganitong
service is wala po tayong magagawa kundi maghintay na lang ng pagbabago sa ekonomiya. Ayon lamang po at salamat.

Yum Burger: Talagang laganap ngayon ang implasyon, bilang Pilipino ang magagawa na lang natin ay kundi maghintay kung kailan bababa ang implasyon at makiisa
sa mga ginagawa ng ating lipunan para tayo ay guminhawa.

Yum Burger: Ako si Yum Burger, nakatutok!

News Anchor 1: Abangan ang mga sumusunod na balita, muling magbabalik ang Radyo Jolli!

INFOMERCIAL

(script)
NEWS
News Anchor 2: Muling magbabalik ang Radyo Jolli!

News Anchor 1: Sa dakong huli, tunay nga bang na di umano'y may uod ang Chickenjoy na nakita ng isang customer? Alamin natin yan sa tulong ni Sundae Twirlie!

News Anchor 1: Sundae Twirlie, pasok!

Sundae twirlie: Nitong nakaraan lamang ay pinagkaguluhan ng mga netizen ang nagrereklamo na diumano’y mayroon nga raw s’yang nakitang uod sa manok na
ibenebenta nitong jollibee. Ito ang naging panayam namin sa kaniya.

Sa paanong paraan n’yo ho ba nakita ang uod? Siguro po ba kayo na uod yon at hindi kung ano lang?

Nagreklamo: Sigurado ako. Habang kumakain ako rito nung isang araw napansin ko na parang may gumagalaw sa pagkain ko. Nung tiningnan ko merong uod! Pinost
ko na yan sa social media para magkaroon ng awareness ang lahat na wag na silang kakain sa jollibee kasi madumi talaga.

Sundae twirlie: Sa mga nababasa nating comment ng netizen patungkol sa post n’ya kung gaano nga ba karumi ang jollibee, masasabi ko na marami ang nagagalit at
nagsasabi na hinding-hindi na raw sila kakain sa jollibee. May nakikita nga rin tayo ano? Mga taong nag po-post na rin na dapat ipasara na lang ang jollibee dahil sa
pagiging unhygienic nito. Ang sabi pa e baka raw bulok na ang mga binebenta bago ipakain sa mga customer.

Manager: Gusto kong sabihin na hindi totoo lahat ng binibintang n’ya samin. S’ya po ay dati naming impleyado na tinanggal namin dahil sa masamang mga gawain
(dinidiscribe si nagreklamo). Mas’yado na pong naapektuhan ang kita ng jollibee dahil sa pagpapakalat n’ya ng hindi makatotohanang balita kaya po ako magsasalita.
Huli na namin nareview ang CCTV pero kitang-kita doon kung pano n’ya nilagyan ng uod ang manok at kinuhanan ito ng litrato. Hindi po totoong marumi ang mga
binebenta naming pagkain dahil kada 1 or 3 araw ay pinapalitan na po namin ang aming mga pagkain ng bagong produkto. Ayon lang po at maraming salamat

Sundae twirlie: Ayon naman pala mga ka radyo jollie! Hindi totoo ang ipinakalat na balita patungkol sa uod ng jollibee. Nag iisip pa ang mismong establishimento ng
jollibee kung kakasuhan ba ang lalaking nagpakalat ng fake news dahil sa paninirang puri nito.

Sunday twirlie: Ako po si Sunday twirlie, nakatutok!

Sundae Twirlie: Ako si Sundae Twirlie, nakatutok!

END
News Anchor 1: Salamat sa pakikinig, nawa'y aming kayo'y nabigyan ng mga sapat na impormasyon ngayong araw!

News Anchor 2: Asahan niyong kami ay magbabalita hanggat may ibabalita!

News Anchor 1: Muli ito ang Radyo Jolli!

You might also like