Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO LESSON PLAN

GRADE:_8__ QUARTER: __2__ WEEK: __7_ DAY: __1__

COMPETENCY Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at


& OBJECTIVES tagasunod. EsP8P-Ilg-8.1
:
 Naipahahayag ang natukoy na kahalagahan ng pagiging
mapanagutang lider at tagasunod sa pamamagitan ng isang
tagline.
CONTENT : Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno At Pagiging Tagasunod
LEARNING Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 98-104
:
RESOURCES Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 195-205
PROCEDURE A.Paghahanda: (Preparation)
:
 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban sa klase
 Pagbabalik-aral

B.Pagganyak: (Motivation)

Unawain ang isinasaad ng talata.

Si Cris “Kesz” Valdez ay tumanggap ng International Children’s Peace


Prize, isang pagkilala sa mga kabataang nagpapakita ng bukod-
tanging paggawa at ideya upang makatulong sa paglutas ng mga
suliraning kinakaharap ng iba pang mga kabataan sa buong mundo.
Sa gulang niyang pito, pinamumunuan ni “Kesz” ang Championing
Community Children na binubuo ng mga batang lansangan. Tinawag
nilang Gifts of Hope ang ipinamimigay nila na naglalaman ng
tsinelas, laruan, toothbrush, kendi at iba pa. Tinuruan din nila ang
mga kabataang ito na maging malinis sa katawan, kumain ng
masustansyang pagkain, alamin at ipaglaban ang kanilang mga
karapatan. Ipinaunawa rin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan
at pagtuturo sa isa’t isa upang lumawak ang kanilang kaalaman at
kasanayan.
C.Paglalahad: (Presentation)

Tumawag ng 3 mag-aaral na sasagot sa mga katanungan.

1. Ano-anong katangian ng mapanagutang lider ang ipinakita ni


Kesz?
2. Bakit mahalagang maunawaan at gampanan ang tungkulin bilang
lider at tagasunod?
3. Ano ang maaari monh maibahagi sa lipunan bilang mapanagutang
lider at tagasunod?
D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

1. Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa


salitang LIDER at TAGASUNOD. Isulat sa notbuk ang iyong sagot
2. Sumangguni sa dalawang kamag-aral. Pag-usapan ang mga
isinulat na salita o grupo ng salita tungkol sa lider at tagasunod.
Itala ang mga salita o grupo ng mga salita sa angkop na kahon: kung
Lider o Tagasunod.
LIDER TAGASUNOD
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
E.Paghahasa (Exercises)

A. Sumulat ng isang Tagline tungkol sa kahalagahan ng pagiging


mabuting lider at tagasunod.

Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 40%
c. Orihinalidad 20%
F.Paglalahat: (Generalization)

Ikaw man ay isang lider o tagasunod mahalagang malinaw


sa iyo ang mga tungkulin na kailangan mong gampanan. Kahit ano
pa man ang iyong gampanin, ang tagumpay ng pangkat ay
nakasalalay sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang kasapi nito.
Nararapat mong taglayin ang mga katangiang kinakailangan upang
maging isa kang mapanagutang lider o tagasunod.
G. Paglalapat (Application)

Sa iyong journal, sumulat ng pagninilay tungkol sa mga tungkuling


iyong ginagampanan bilang lider at bilang tagasunod. Gamiting
gabay sa pagsulat ang sumusunod na katanungan.

a. Suriin ang mga tungkuling ginagampanan mo sa mga samahang


iyong kinabibilangan. Ano ang mas marami, ang iyong pagiging lider
o ang pagiging tagasunod?
b. Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong
pinahahalagahan? Bakit?
c. Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan?
Paano mo tatayahin ang antas ng iyong pagganap sa iyong
tungkulin? (Mula 1 hanggang 10; iskor na 1 kung pinakamababa at
10 kung pinakamataas). Ipaliwanag ang iskor na ibinigay.
d. Ano sa palagay mo ang dapat mo pang gawin upang mapaunlad
ang pagganap mo sa mga tungkuling kasalukuyang nakaatang sa
iyo?
H. Pagtataya: (Evaluation)
Gumawa ng tula na may 2 o higit pang saknong tungkol sa sariling
karanasan ng epekto nang wasto at hindi wastong pamamahala ng
emosyon sa iyong sarili at pakikipagkapwa. I-post ito sa iyong
Facebook o I-post sa bulletin board sa loob ng silid-aralan upang
maging inspirasyon at paalaala sa iba.

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Magsaliksik sa internet, magasin, diyaryo o mga artikulo ng mga
kilalang lider. Itala ang kanilang mga katangian bilang isang
mapanagutang lider. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
Prepared by:
Name: GRACE A. GALOLO School CONCEPCION NATIONAL HIGH SCHOOL
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09606160039 Email grace.galolo@deped.gov.ph
Address

You might also like