Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CHAD MARIO D.

TABON

Purok 1 Brgy. Dayhagan Ormoc City

tabonchad207@gmail.com

Octobre 23, 2023

GNG. CHARIZA P. JUNTONG

Store Manager

Jollibee Foods Corporation

Real St, Ormoc, 6541 Leyte

Mahal na Gng. Juntong:

Nabasa ko po sa post sa inyung Facebook Page sa petsang Octobre 21, 2023, na nangangailangan ng
isang tagapagluto/chef ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga
kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa naturang
trabaho.

Ako po ay isang binata, labing walo na taong gulang, at nagtapos po ako ng Senior High School sa Ormoc
City Senior High School noong Hulyo 16, 2023. Ako po’y masipag,matiyaga at marunong makihalubilo sa
kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng Senior High School.

Isa akong aktibong mag-aaral sa aming paaralan. Magaling ako sa pagluluto at sa mga kasanayan nito.
Marunong din po akong makipaghalubilo sa ibang tao. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito,
naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan parasa isang
panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.Maraming salamat!

Sumasainyo,

CHAD MARIO D. TABON

Aplikante

You might also like