Module 5 Komunikasyon Sa Akad Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KOLEHIYO NG MAASIN

Maasin City
Nisi Dominus Frustra

GEO5 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

MODULE 5 – WEEK 5 – MGA MAKRONG KASANAYAN

A. PAKIKINIG
1. Mga Layunin:
Sa katapusan ng module
a. maitalakay ng mga bata ang mga dapat tandaan sa isang mabuting pakikinig;
b. maipaliwanag ang kahalagahan ng tamang pakikinig para sa isang mag-aaral, sa
pamilya at sa tanggapan.

2. Mga Nilalaman
a. Panimula

“Hearing is a natural process, while listening is a skill.”

Malaki ang pagkakaiba n ng pandinig sa mga tunog, samantalang ang listening ay


kinapapalooban din ng pagkilala sa mga tunog, pag-alala sa narinig at pagbibigay-
kahulugan sa tunog na narinig.

Sa wikang Filipino, pareho ang katumbas ng dalawang salita- pakikinig. Matapos


matanggap ng tainga ang isang tunog, agad na iinadala ng auditory nerves ang
signal ng tunog sa ating utak. Lalaapatan n gating utak ng kahulugan at kanya
iyong tatandaanan. Sa madaling salita, ang pakikinig ay kumbinasyon ng pandinig,
ng pagpapakahulugan at ng pagalala.

Ang pakikinig kung gayon ay isa sa makrong pangkasanayan ng komunikasyon na


kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Sinasabi na sa apat na
kasanayang pangwika, ang pakikinig ang may pinakamalaking porsyento ng
panahon na kinukumsumo ng tao.

.- 9% sa pagsusulat 30% sa pagsasalita


-.16% sa pagbasa 45% sa pakikinig
Ang sining ng pakikipagtalastasan ay binubuo ng pagsasalita at pakikinig. Ang
dalawang ito ay magkakaugnay at hindi dapat paghiwalayin.

Sadyang malaki ang naitutulong ng pakikinig sa buhay ng tao:

.1 Nadaragdagan ang kanyang kaalaman na magagamit niya sa pang-araw-araw na


pamumuhay;

.2 Makakatulong din ito upang maunawaan ang kaisipan at saloobin ng ibang tao
nang sa gayon ay mabigyan ng katuwiran ang kanyang gawi, kilos at paniniwala;

.3 Sa loob ng klase, nakatutulong ito upang makakuha ng mataas na marka ang


mag-aaral na tamang nakikinig sa guro at sa mga talakayan sa klase;

.4 Nakasusunod din siya sa mga panutong ibinibigay ng guro at naiiwasan niyang


magkamali o makalimutan ang inaatas na gawain sa kanya.
Sa tanggapan o pagawaan ang mga impormasyon ay karaniwang ibinibigay nang
pasalita. Ang pagbibigay ng buong atensyon, pagtanda at paggunita sa mga
narinig ay napakahalaga. Alin man sa tatlong ito ang mawala, maaring magbunga
ng di pagkaunawaan na maaring makakasira sa maayos na daloy o sstema ng
mga gawain sa tanggapan.
Sa tahanan, mahirap matamo ang pagkakaunawaan, pagkakaisa, pagtutulungan
at pagmamahalan sa pamilya kung ang bawat isang kasapi ay hindi marunong
makinig.

b. Kahulugan at Kahalagahan ng Pakikinig

Ang pakikinig ay paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating


pandinig.

c. Proseso ng pakikinig:

1. Pagtanggap ng mensahe
Ginagamit ang tainga bilang mahalagang kasangkapan sa pagtanggap ng
mensahe. Ang deperensya sa kondisyon ng tainga ay nagdudulot ng kamalian
sa tanggaping mensahe.

2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe


Ang mensahe ay maging malinaw kung pakinggang mabuti ang tinatanggap na
mensahe. Ito,y maisasagawa sa pamamagitan ng tamang pagtuon ng
atensyon sa sinasabi ng tagapagsalita. Masdan ang di verbal na
komunikasyon ng kausap gaya ng ekspresyon ng kanyang mukha at galaw ng
kanyang katawan.

3. Pagbibigay kahulugan sa mensahe


Pag-unawa sa mensaheng tinanggap ay nakasasalay sa interpretasyon o
pagbibigay-kahulugan ng nakikinig.

4. Pagmemorya
Ang pagtanda sa mensaheng tinanggap dahil ditto nakabatay ang itutugon na
sagot.

5. Pagtugon sa mensahe
Ang reaksyon o sagot sa mga sinabi o itinanong ng kausap

d. Mga layunin ng pakikinig:

.1 Upang malibang – pinakamadaling uri ng pakikinig dahil hindi ito


nangangailangan ng masusing pakiking gaya ng dula sa radio, TV at iba pang
palabras, gayundin ang pagkukuwentuhan sa mga kaibigan at kakikilala.

.2 Upang makapagnilay-nilay o makapag-isip


Hal. Sermon ng pari o pastor sa simbahan

.3 Upang makalikom ng mga impormasyon o kaalaman


Ito’y nangangailangan ng buong atensyon gaya ng sa mga panayam, seminar o
leksyon ng guro sa klase

.4 Upang magsuri
May mga pagkakataon na ang pinakinggan ay humiling ng ideya, opinion o
reaksyon. Bago ito mabigyan ng aksyon ng nakikinig, kailangan muna niyang
suriin ang kanyang mga napakinggan.

Hal. Debate/pagtatalo
e. Mga uri ng pakikinig

1. Di aktibong pakikinig o passive listening


Hindi gaanong binibigyan ng mtamang atensyon ang mensaheng naririnig. Ang
pakikinig ay isinasagawa kasabay ng iba pang Gawain gaya ng pakikinig
habang naglalaba, nanood ng TV, kumakain, ibp.

2. Masigasig o matamang pakikinig


Ang hangarin ay mauunawaan nang lubos ang nilalaman ng usapan upang
makuha ang mahalagang detalyeng binabanggit ng tagapagsalita.

3. Kritikal o mapanuring pakikinig


Masusi o maevalwet ang katotohanan at kawastuan ng mensaheng
Napakinggan

4. Masaya o malugod na pakikinig


May saya o lugod gaya ng pakikinig sa musika, dula, kwento, ibp.

c. Mga bagay na may Kinalaman sa Pakikinig

1. Ang kapaligiran ng silid


Tumutukoy sa lugar, panahon at kalagayan ng nakikinig. Ang malamig at
tahimik na kapaligiran ay nakakatulong sa pakikinig samantalang ang maingay
at magulong kapaligiran ay nakasisira sa pakikinig. Ang iba pang bagay na
maka abala sa pakikinig ay ang paglabas-masok ng mga tao, pagdaraan ng
tao sa tapat ng silid, hindi mapakaling katabi sa upuan at ang mga gawi at kilos
ng tagapagsalita.

2. Kakayahan ng nakikinig
Ang kalusugan at pangkaisipan ay mahalaga sa pakikinig. Ang mahinang
pandinig, antok, gutom at pagod ay mga sagabal sa mabuting pakikinig.

Ang katalinuhan ng nakikinig ay may kinalaman sa kanyang kakayahang


umunawa sa sinasabi ng nagsasalita. Ang taong matalino ay mabuting
tagapakinig kaysa may mahinang kaisipan.

3. Kakayahan at katangian ng tagapagsalita


Tumutukoy sa tinig at paraan ng pagsasalita. Ang may magandang tinig,
malinaw at wastong pagsasalita, maayos na tindig at magiliw na personalidad
ay nakaakit sa pakikinig.

4. Oras
Sadyang may oras na an gating pandinig ay handing making, ngunit may oras
ding kulang iyon sa kahandaan. Paano kung isang hatinggabi ay nakikipag-sap
ka sa iyong kapatid na inaantok na? Maifokus pa kaya ang kanyang atensyon
sa iyo ?Tawagan mo ang kaibigan mo sa madaling araw at ibilin mo ang nga
kailangan niyang dalhin sa kanyang klase. Madadalakaya niya ang lahat ng
mga iyon?

5. Tsanel
Pinaka epektebo ang personal na pakikipag-sap kay sa sa paggamit ng cell
phoe o telefono.. Kapag ika’y nakipag-usap sa cell phone o sa telefono
nagiging malabo ang pagkakarinig mo sa mensahe. .

6. Edad
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil
masyadong maikli lamang ang kanilang interes, bukod pa sa kakulangan ng
pag-unawa. Sa mga may edad naman, ang mahabang pakikinig ay di rin
mabuti. Ang kanilang problema ay mahina na ang pandinig. . Kaya
kailangang maging maingat sa pagpili ng salitang gagamitin at bagalan nang
kaunti ang iyong pananalita kung nais mong maging malinaw sa isang bata
ang pagdinig ng isang mensahe. Kailangan ding lakasan at bagalan ang
pagsasalita kung ang nakikinig ay isang matanda.

7. Kultura
Sa pagbibigay kahulugan sa mga naririnig, ang isang tao ay laging
naiinfluwensya sa kulturang kanyang kinalakhan. Ang paghiyaw ng ating mga
kapatid na miyembro ng ibang relihiyon sa kanilang mga seremonyas sa
pagsamba ng ating Diyos ay nanganga hulugan ng kataimtiman ng kanilang
mga panalangin. Ngunit para sa iba nawawala ang kataimtiman ng kanilang
panalangin kapag may naririnig na maingay. Pareha silang mga Pilipino ngunit
magkakaiba ang kanilang pagpapakahulugan sa mga tunog na kanilang
naririnig.

Sa isang Pilipino, ang maingay na pagnguya ng isang kostumer sa isang


restawran ay maari niyang ipalagay na kabastusan o kawalan ng modo. Ngunit
para sa isang Intsik na may-ari ng restawran, ipinapalagay niyang ang ingay sa
pagnguya ay pagpapahalaga sa sarap ng nakahaing pagkain. Magkaiba sila
ng lahi at magkaiba rin ang kanilang pagpapakahulugan depende sa kanilang
kinalakhan.

8. Konsepto sa sarili
Ito ang pansariling pang-unawa ng tagapakinig sa napakinggang pahayag.
May mga salita na di maganda ang dating sa nakikinig kaya nagiging dahilan
sa alitan o di pag kakaunawaan . Ang sariling pagpapakahulugan ng
tagapakinig sa mensahe na kanyang nadinig ay maaring magwakas sa mabuti
o di mabuting katapusan.

Tagpo I
Lalaki: Ang bango mo ngayon ah!
Babae: Talaga? Salamat naman at napansin mo.

Tagpo II
Lalaki: Ang bango mo ngayon ah!
Babae: Ang ibig mong sabihin ngayon lamang ako mabango?

f. Mga Uri ng Tagapakinig


Ang mga tagapakinig ay maiuri batay sa kanilang mga reaksyon habang
nakikinig lalo na sa isang klase o talakayan.

1. Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o niya ang kanyang narrinig tango
nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung
naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.Makikita
kasi sa kanyang mga mata ang kawalan ng focus kahit na pilit ang
pagpapanggap na siya’y masugid na nakikinig.

2. Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nakaupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
Wala siyang tunay na intensiong makinig. Dahan-dahan niyang ipipilit ang
kanyang mga mata habang inihihilig ang ulo at maglalakbay sa daigdig ng
panaginip
3. Tiger
Siya ang tagapainig na handing mag reak sa anumang sasabihin ng
nagsasalita, Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay parang tigreng susugod at mananagpang.

4. Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
Kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niyang malay sa kanyang mga naririnig.

5. Relaxed
Kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas nauupo
siyang para bang nasa sala ng sariling bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang
bagay o tao.

6. Busy Bee
Isa siya sa pinaka ayawang tagapakinig. Hindi lamang siya nakikinig , abala pa
siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklay o iba pang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.

7. Two-eared Listener
Siya ang pinaka epektibong tagapakinig. Nakikinig siya gamit hindi lamang ang
kanyang tainga ngunit pati ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa
pakikinig Makikita rin sa kanyang mukha ang kawiihan sa pakikinig. Siya ang uri
ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat.

,3 Gawain
.4. Pagsasanay (Tatalakayin sa klase)
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Gaano kahalaga ang pakikinig sa isang mag-aaral, sa tanggapan at sa buong
pamilya? Ipaliwanag ang inyong mga sagot.
2. Sinasabing ang tainga ang pinaka importanteng bahagi ng katawan na may
malaking papel sa mabuting pakikinig. Paano ba natin maalagaan ang ating mga
tainga?.

.5 Ebaluwasyon
Pasubok
.

You might also like