Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

446 - SA PAGSAMBA, TAYO AY MAGBALIK NA LAGI NA

Tayong mga hinirang ay muling maglalakbay Sa sanlibutang puspos ng kasamaan


O kaya naman, sa Diyos na mga aral Ay ingatan at siyang ibuhay.
Chorus.
Atin ngang layuan ang gawang kasamaan, ngunit marapat sundin lahat niyang kautusan,
At Ang pagsamba ay huwag pabayaan, Tayo’y magbalik na lagi na.
Siya’y papurihan natin sa gawang kabanalan,
Aral Niya’y mahalin ating ipagsanggalang
At ang pagsamba ating kailangan
Tayo’y magbalik, Tayo’y magbalik, Magbalik na lagi na.
Magbalik na lagi na.

Sa pagsamba sa Kaniya, aral Niya ay nakamtan, Sa paglalakbay ay Siyang maging tanglaw,


At sa atin ay magpagunita naman, Pagkakatipon nati’y huwag iwan.
Ang mga aral ng Diyos, lagi nating taglayin Ang mga utos ang siyang laging sundin
At sa pagsamba, tayo’y hihintayin Tayo’y magbabalik na lagi na.

447 – SA KANIYANG IGLESIA AY MANATILI


Manatili nawa tayo IGLESIA NI CRISTO
Na nagtatapat na tunay Habang nabubuhay
Chorus.
Tayo’y dapat mag ingat At sa mga kasalanan Ay huwag padaig
Tayo ay magtagumpay At maging dapat.
Si Jesus ay ating sundin, Aral Niya ay ating dalhin,
Paglingkuran natin Siya, Huwag nang lumayo pa,
At sa Kaniyang Iglesia Ay manatili.
448 – O KAMI AY IYONG SAMAHAN NANG MATAPOS ANG AMING
TAKBUHIN

Ang buhay sa Mundo ay may hirap at tiisin


Ngunit pag asa namin sa Iyo’y matatag parin
O Diyos purihin Ka! Salamat po sa Iyo, Ama
Dahil pag ibig Mo sa Iglesia’y damang dama.
Chorus.
O kami ay nangangako na sa Iyo’y magtatapat
Sambahin, parangalan Ka magpakailan paman
Ang lahat ng Utos Mo ay Amin long susundin
O Kami ay Iyong samahan nang matapos ang aming takbuhin

Pagsampit ng Araw Bayang Banal mararating


Di namamatay ang hapis ay mapapawi
Sa araw na iyon, pag -asa nami’y matatay
Makakapiling Ka, dahil pangako Mo’y tapat!

449 – AKING MAIPAGTAGUMPAY ANG PAGKA IGLESIA NI CRISTO


O Jesus, Ikaw’y tutularan ko Sa akon pong pamumuhay
At ang pananampalataya Mo Ang siyang aking ibubuhay
Tunay kong kailangan ang tulong Mo Nang ako’y makapagbago
At buong katapatang masundo Ang lahat ng utos ng Diyos
Chorus.
Nais kong laging masundan Ang Iyong mga hakbang
Sa gayon maipagtagumpay ko Ang aking pag ka IGLESIA NI CRISTO.
O ako’y nakahandang magtiis Masayang mag-pakasakit
Sapagkat ang hirap ko’t hinagpis Mapaparam na sa langit.

450 – ANG DIYOS ANG UNAHIN SA IYONG BUHAY


Masdan mo’ng mga bulaklak sa parang Sa kanilang kagandahan
Kahit na sila’y ay di nagpapagal pinararamtan ng Ama
Iniingatan ng ating Diyos ang damong natutuyo
Lalo Niyang pakaiingatan ka na anak na iniibig Niya

Di mo pa nasasabi ang iyong nais, Kaniya nang nalalaman


Kung ikaw, ngayon ay may ligalig Di Ka Niya pababayaan
Sa Kaniya mo lagi nang ilagak Ang lahat mong bagabag
Ang kaharian at katuwiran Niya Ang dapat mong ipagpauna.
Coda.
O ang Diyos ang unahin sa iyong buhay, Siya sa iyo’y aakbay.

451 – TAYO’Y DAPAT MAGHANDA SA PAGHUHUKOM


Malapit na ngang wakasan ang mundong ito
Tayo ba’y naghahanda sa paghuhukom?
Tayo’y dapat na datnan sa araw na iyon
Nakarapat dapat na iligtas ng Diyos.
Chorus.
Atin nang italaga nang lubos sa Diyos
Ang isipan, kaluluwa, at buong puso,
Nang sa ati’y matupad ang pangako Niya
Kaligtasang sa ati’y nakalaan.
Sa ating Amang mahal ay huwag magtaksil
Ang lahat ng sala ay ating itakwil
Tayo ay magbagong buhay, magtapat tuwina
Upang ang dalangin ay laging pakinggan.
Coda.
At makakapiling na natin ang Ama
At si Cristo magpakailan kailanman.

452 – ANG TUNGKULING PAGHAHANDOG


Ang ating tungkulin Na paghahandog
Ito’y sa Diyos na habilin, At ating susundin
Chorus.
O ang handog natin Ay ialay sa Diyos.
Upang Kaniyang pagpalain At Siya ay malugod

Dahil sa mga handog Siya’y naitatanyag


Gawai’y nagpapatuloy At lumalaganap.

453- ANG MGA BANAL NIYANG SALITA


Halina tayo ay maghanda Sa pag aaral
Ng mga banal Niyang salita Katotohanan
Chorus.
Si Cristo ay lapitan Upang tanggapin,
Salita Niyang dalisay, Aral sa atin.
Ang lahat ng Kaniyang salita Ang mag aakay
Sa atin na sumunod sa Kaniya, Magbagong buhay.

454 – SA PAKIKILABAN
Sa pakikilaban ikaw’y magtagumpay Ang mga kaaway huwag kang maibuwal
Puso’y pagtibayin, huwag manlupaypay Ang aral ni Cristo ay iyong taglay.
Chorus.
O huwag, huwag kang padadaig O huwag, huwag kang palulupig
Nasa iyo ang aral, aral ni Jesus Iyong ipagsanggalang, huwag kang matakot.

Sa pakikilaba’y huwag kang masisindak Ang mga aral Niya’y gamitin mong tabak
At iyong iwasak ang maling aral Na siyang naghahari sa sanlibutan.

Lagi kang manghawak sa aral ni Jesus Huwag mong bibitiwan, ingatan mong lubos
Sa pakikilaban lagi kang handa Ang mga kaaway ay mawawala.

455 – KUMPLETUHIN NATIN ANG TAKBUHIN NA BIGAY NG DIYOS SA


ATIN
Ang ating pag asa’y hangarin Huwag magkulang sa tungkulin
Nang bigyang kaluguran ang Diyos at karangalan din si Jesus

Buong tapang na itaguyod Kasiglahan at pagsunod


Sa paglilingkod, magtalaga, Huwag pumayag na mawalay pa
Chorus.
Ang bayang maluwalhati at maningning Ay malapit nang kamtin.
Ating kumpletuhin itong takbuhin na bigay ng Diyos sa atin.
Kay palad ng magtatagumpay Sa pagsubok at kasalanan
Kaligtasan ay makakamtan, Magmamana ng kaharian

Kaya sa Ama magtiwala Tayo ay tutulungan Niya


Kay Jesus humiling ng lakas at tiyak matitiis ang lahat.
Coda.
Ating kumpletuhin itong takbuhin na bigay ng Diyos sa atin.

456 – DARATING DIN ANG KAGALAKAN


Nagbabalik loob sa Iyo Ama, At nagsising tunay

Sa Iyo’y inaamin ang sala ko Patawarin ako

Chorus.

Ang galit Mo ay saglit lamang Walang hanggan Iyong Kabutihan

Ang pagkuha ay di magtatagal

Dumating din ang kagalakan.

Ikaw ang kaligtasan ko Ama Sa aki’y maawa ka

Tunay akong magbabagong buhay, Magpapakabanal.

You might also like