Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DEFINITION OF TERMS:

1. Heograpiya - Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal


ng daigdig.
2. Asya – Pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
3. Mga rehiyon sa Asya – Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Silangang
Asya, at Timog Silangang Asya.

 Hilagang Asya – Tajiskistan, Kyrgyzstan, Uzbekistan, Turkmenistan,


Armenia, Georgia, Azerbaijan.
 Kanlurang Asya – Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait,
Yemen, Oman, UAE, Qatar, Bahrain, Iran, Israel, Cyprus, Turkey.
 Timog Asya – India, Pakistan, Afghanistan, Bangladesh, Nepal, Bhutan
Sri Lanka, Maldives.
 Silangang Asya – China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan.
 Timog Silangang Asya – Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia, Maynmar,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor.
4. Historikal, Kultural, at Heograpikal ang mga aspektong dapat isaalang-alang
sa paghahati ng bawat rehiyon.
5. Timog Silangang Asya – Tinatawag na “Farther India” at “Little China” dahil sa
impluwensya ng dalawang bansang ito sa kultura ng mga bansa sa Timog
Silangang Asya.
6. 2 Sub-Regions ng Timog Silangang Asya – Mainland Southeast Asia at Insular
Southeast Asia
7. Ang hanapbuhay at paraan ng pamumuhay ng mga ng tao sa Asya ay
nakadepende sa kanyang kapaligiran kung kaya’t mahalaga ang ugnayan ng
mga tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.
8. Mt. Everest – Pinakamataas na bundok sa buong mundo
9. Indonesia – Pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo
10. Himalayas – Pinakamahabang bulubundukin sa buong mundo
11. Talampas - Kapatagan sa itaas ng bundok.
12. Kapuluan o Arkipelago – Pangkat ng mga pulo (Hal. Pilipinas)
13. Tangway o Peninsula – Anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya.
14. Klima – Tumutukoy sa pangkaraniwang panahon na nararansan sa isang lugar
sa mahabang panahon.
Elementong nakapaloob sa Klima:
 Temperatura, Ulan, Hangin
Salik na nakaaapekto sa klima ng isang lugar:
 Lokasyon
 Impluwensiya ng Topograpiya
 Layo o lapit ng isang lugar sa mga anyong tubig
15. Panahon – Mabilisan o pang-araw-araw na pagbabago ng atmospera na ating
nararanasan sa natatanging oras sa tiyak na lugar.
16. Northeast Monsoon – (Hanging Amihan) hangin na walang gaanong dalang
ulan.
17. Southwest Monsoon – (Hanging Habagat) hangin na may kasamang malakas
na ulan.
18. Mga uri ng klima sa Asya:
 Hilagang Asya – Sentral Kontinental, mahabang taglamig, maigsing tag-
init.
 Kanlurang Asya – Hindi palagian ang pagbabago ng klima, labis o ‘di
kaya ay katamtamang tag-init o taglamig.
 Timog Asya – Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
 Silangang Asya – Monsoon Climate
 Timog-Silangang Asya – Klimang tropical
19. Klimang Tropikal - Nakararanas ang mga bansa dito ng tag-init, taglamig, tag-
araw, at tag-ulan.
20. Vegetation Cover – Uri o dami ng mga halaman o pananim na makikita sa isang
lugar.
 Steppe – Uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted short
grasses
 Praire – Uri ng damuhang matataas a may malalim na ugat o deeply-
rooted grasses.
 Savanna – Pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
 Taiga – Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima.
 Tundra – Kakaunti ng mga halamang tumatakip at halos walang puno sa
lupaing nasasakupan dahil sa malamig nak lima.
 Tropical Rainforest – Makikita sa lugar na mainam ang klima at pantay
na panahon (puno,kagubatan, halaman, damo).
21. Likas na Yaman – Tumutukoy sa mga natural na bagay na makikita sa
kapaligiran.
22. Ang likas na yaman sa mga rehiyon ng Asya ay magkakaiba.
23. Hilagang Asya – Nangunguna sa may pinakamaraming deposito ng ginto sa
buong mundo.
24. Kanlurang Asya – Rehiyon sa Asya na may pinakamaraming deposito ng langis
at petrolyo.
25. Timog Asya – Palay ang pangunahing produkto.
26. Silangang Asya – Nagtataglay ng iba’t-ibang likas na yaman dahil sa lawak ng
lupain nito.
27. Timog-Silangang Asya – Mga kagubatan, langis, niyog, kopra, palay, atbp.
28. Ecology – Sangay ng agham na nag-aaral sa interaksyon ng mga may buhay sa
kanilang kapaligiran.
29. Biodiversity - Konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging
katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan.
30. Ecological balance – Balanse o pantay na ugnayan sa pagitan ng bagay na
may buhay at ang kapaligiran.
31. Ang Asya ay itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global biodiversity.
32. Salinization – Tawag sa proseso kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang
asin.
33. Bangladesh – Bansa sa Asya na may malubhang problema ng salinization.
34. Desertification – Tumutukoy sa pagkasira ng mga lupain sa mga rehiyong
bahagyang tuyo o lubhang tuyo Na kapag lumaon ay hahantong sa
permanenting pagkawala ng kapakinabangan o productivity ng lupa.
35. Deforestation – Tumutukoy sa pagka-ubos o pagkawala ng mga punong kahoy
sa gubat.
36. Siltation – Parami o padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na
tubig sa isang lugar.
37. Red tide – Dulot ng mga algae na dinoflagellates at dumarami ito sa mga
polluted na katubigan.
38. Climate Change – Panrehiyonal o pandaig-digang pagbabago ng klima na
bunsod ng likas na pagbabago ng daigdig o gawain ng mga tao.
39. Yamang tao – Bilang ng tao na kayang maghanapbuhay upang tustusan ang
kaiyang pangangailangan at makatulong sa pagpapaunlad ng bansa.
40. Itinuturing ang tao na yaman ng isang bansa sapagkat ang mga tao ang
nangangalaga at lumilinang sa mga likas na yaman para sa kapakinabangan ng
lahat.
41. Populasyon – bilang o dami ng mga tao sa isang lugar.
42. India – bansang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo.
43. Population growth rate – bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa
bawat taon.
44. Life Expectancy rate – Inaasahang haba ng buhay.
45. Gross Domestic Product – kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob
ng isang taon.
46. GDP per Capital – kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang
kaniyang panahanan.
47. Unemployment rate – Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang
hanapbuhay o pinagkakakitaan.
48. Literacy rate – tumutukoy sa bilang ng mga taong marunong bumasa at
sumulat.
49. Migrasyon – Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
 Panlabas na Migrasyon – Pandarayuhan sa ibang bansa upang doon
manirahan o mahanapbuhay.
 Panloob na Migrasyon – Pandarayuhan na nagaganap sa loob ng bansa.
SURIIN ANG MGA GRAPH SA IBABA:

You might also like