Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Luisiana Integrated National High School
Estrellado St. Brgy. Zone V Luisiana, Laguna

NAME:
_______________________________________________________________________________SCORE:___________
_____________
STRAND/LEVEL/SECTION:_______________________________________________________ DATE:
________________________

DIAGNOSTIC TEST IN AP 9-EKONOMIKS

1. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks ang iyong pag-aaralan upang makita ang
gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay ang pag-aaral tungkol sa ________________.
A. pamilihan
B. ekonomiya
C. maykroekonomiks
D. makroekonomiks

2. Kinakailangang magtagpo ang mamimili at nagbebenta sa pamilihan upang _______________.


A. bumili ng produkto
B. kumita ang nagbebenta
C. magbuwis ang mamimili at nagbebenta
D. magkaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta

3. Masasabing ito ay katangian ng sambahayan kapag ________________.


A. nagbabayad sa bahay-kalakal
B. bumibili ng kalakal ang sambahayan
C. may-ari ng mga salik ng produksiyon
D. Lahat ng nabanggit

4. Ang mga sumusunod ay layunin ng patakarang pang-ekonomiya maliban sa mapataas ang _______________.
A. presyo ng bilihin
B. sistemang politikal
C. antas ng produksyon
D. bilang ng may trabaho sa bansa

5. Mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya kung may _______________.


A. kita at gastusin ang pamahalaan
B. ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksyon ang mga institusyong pinansyal

6. Kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ng produksyon at pagkonsumo upang ______________.


A. umunlad ang bansa
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan

7. Sa modelong ito inilalarawan ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa dahil sa _____________.


A. ikatlong modelo ito mababasa
B. unang modelo ito ipinaliliwanag
C. ikaapat na modelo mo ito makikita
D. ikalimang modelo ito matatagpuan

8. Kung ikaw ay kumikita ng Php 20, 000 bawat buwan, ang bahagi ng iyong kinita na hindi ginagastos ay itinatabi mo at
ilalaan sa ______________.
A. allowance
B. pag-aaral
C. kinabukasan
D. insentibo sa sarili

9 .Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?


A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue

10. Saang gastusin nakapaloob ang pagbabawas ng niluluwas o export sa inaangkat o import?
A. Namumuhunan
B. Personal
C. Panlabas na sektor
D. Pamahalaan

11. Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
A. Hindi pampamilihang gawain C. Pormal na sektor
B. Kalidad ng buhay D. Externalities

12. Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross Domestic Product
isasama ang kanyang kinita?
A. China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
B. Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito.
C. Japan dahil mamamayan siya nito.
D. Wala sa nabanggit

13-14: Ipagpalagay na ang mga datos sa ibaba ay batay sa pambansang kita ng isang bansa. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
13. Ilan ang GNI ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
A. ₱200 M B. ₱204 M C. ₱548 M D. ₱550 M

14.Ilan ang GDP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?


A. ₱200 M B. ₱530 M C. ₱501 M D. ₱450 M
15. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa?
A. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya.
B. Magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan.
C. Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa.
D. Lahat ay tamang sagot.

16. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. Resesyon
B. Implasyon
C. Depresyon
D. Deplasyon

17. Ang Consumer Price Index ay isang economic indicator na gamit panukat. Ano ang sinusukat ng CPI?
A. Kawalan ng trabaho
B. Dami ng populasyon
C. Pagbabago sa halaga ng pera
D. Kita

18. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na alam mong maraming tindang asukal at nang malaman niya na tataas ang
presyo ay itinago niya ang mga ito upang muling itinda kapag mataas na ang presyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit tumataas lalo ang presyo ng mga produkto
B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa
C. Magkikibit balikat na lang
D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas

19. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang isuplay o
iprodyus ng pamilihan.
A. Demand pull inflation
B. Cost-push inflation
C. Hyperinflation
D. Great depression
20. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng implasyon.
A. Kakulangan sa enerhiya
B. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon
C. Pagtaas ng produksiyon
D. Pagtaas ng estado ng pamumuhay
21. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa cost-push inflation?
A. Mataas na halaga ng elektrisidad
B. Pagtaas ng sahod
C. Regulasyon ng pamahalaan
D. Mas mataas na demand ng mamimili

22. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay
kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng
dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
A. Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.
B. Ang Php 25, 000.00 noon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan.
C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
D. Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.

23. Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100 at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano
ang kahulugan nito?
A. Ang price index ng batayang taon ay 125.
B. Ang market basket ay 125.
C. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
D. Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa sa batayang taon.

24. Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.


A. Mga nagpapautang
B. Nangungutang
C. Taong di-tiyak na kita
D. Speculators

25. Piliin sa pangungusap ang TAMA.


A. Mababa ang halaga ng piso kung tumataas ang implasyon.
B. Mataas ang halaga ng piso kung tumataas ang implasyon.
C. Hindi naapektuhan ang halaga ng piso kahit may implasyon.
D. Tumataas o bumababa ang halaga ng piso kung ang implasyon ay
demand-pull o cost-push.

26. Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?


A. Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
B. Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ng ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga mangangalakal na magnegosyo.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggastasa ekonomiya.

27. Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong isda sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas
ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
A. Php 110.00
B. Php 95.00
C. Php 105.00
D. Php 100.00
28. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ako makatutulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili lamang . . . .
A. sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.
B. Ng sapat sa pangangailangan.
C. sa suking tindahan upang makahingi ng discount.
D. ng produktong bagsak ang presyo.

29. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng
nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa:
A. Malayang kalakalan sa bilihan
B. May kakaibang produkto
C. Maraming prodyuser at konsyumer
D. Malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon

30. Ang pamilihan ay sinsabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na
palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang Konsyumer at prodyuser.
B. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser
D. Hindi nakakahikayat sa ga prodyuser na magpasol ng produkto

31. Sa estrukturang ito hawak ng isang kamay lamang ang pagpagalaw sa presyo sa pamilihan.
A. Monopolyo C. Monopsonyo
B. Oligopolyo D. Ganap Na Kompetisyon

32. Katangian ng isang istrukturang ito na siya ang taga konsumo sa produkto atserbisyo ng maraming prodyuser.
A. Oligopolyo C. Monopolyo
B. Monopsonyo D. Monopolistikong Kompetisyon

33. Suriin ang sumusunod na larawan. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong istruktura ng pamilihan nabibilang ang mga
larawang nasa ibaba?

A. Monopolyo C. Ganap Na Kompetisyon


B. Oligopolyo D.Monopolistikong Kompetisyon

34. Ayon sa ipinakita sa larawan sa anong paraan nagkaroon ng kalayaan angmga mamimili sa pamilihan?
A. Kung maraming prodyuser na gumagawa ng maraming mapagpiliangprodukto
B. Kung iisa lang ang nagtitinda ng produkto
C. Mangilanngilan lamang ang nagtitinda ng magkaparehang produkto
D. Kapag natutugunan ang pangangailangan ng mamimili

35. Kung paghambingin ang dalawang estruktura ng pamilihan na monopolyo at monopsonyo, alin sa dalawang ito ang
sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa pamilihan?
A. Monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto
B. Monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer
C. Pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang sa hindi ganap na kompetisyon.
D. Wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili naman ng produkto at serbisyo ay nasa desisyon
pa rin ng konsyumer.

36. Sa ganap na kompetisyon ng istruktura ng pamilihan, may maraming mapagpipiliang produkto, nalilito ka sa pagpili
ano ang bibilihin mo, paano mo masabi na ikaw ay lumikha ng tamang desisyon sa pagbili ng nagustuhang produkto?
A. Binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan
B. Binibili ang produktong may murang presyo
C. Binibili ang produktong may magandang hitsura
D. Sinusuri kung nasa tama ba o wastong sukat at timbang ang produkto

37. Ito ay isang sektor ng pananalapi na tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang
deposito at nagkakaroon ng tubo pagdating ng panahon.
A. Mga intitusyong bangko C. Mga regulator
B. Mga institusyong di-bangko D. Mga kompanya ng seguro

38. Ano ang tawag sa mga sumusunod na institusyong pananlapi na napapalooban ng bangko sentral ng Pilipinas (BSP)
Phil. Deposit Insurance Corp. (PDIC), Securities and Exchange Commission (SEC) at Insurance Commission (IC)
A. Mga Institusyong Di-Bangko C. Mga Kompanya ng Seguro
B. Mga Regulator D. Mga Institusyong Bangko

39. Alin sa mga sumusunod na institusyon ng pananalapi ang tumatanggap ng kontribusyon mula sa mga miyembro,
pinalalago at muling ibinabalik sa mga kasapi upang ito ay mapakinabangan pagdating ng panahon?
A. Mga Kompanya ng Seguro C. Mga Institusyong Di-Bangko
B. Mga Institusyong Bangko D. Mga Regulator

40. Anong uri ng institusyong pinansyal ang may kakayahang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga
malalaking negosyante?
A. Thrift banks
B. Commercial banks
C. Rural banks
D. Specialized government banks

41. Alin sa mga sumusunod na specialized government banks na itinatag sa pamamagitan ng R.A No, 3844 na ang layunin
ay mapagkalooban ng pondo sa mga programang pansakahan at iba pang negosyante para sa kanilang puhunan?
A. Land Bank of the Philippines
B. Development Bank of the Philippines
C. Al-Amanah Bank
D. Rural Banks

42. Kung ikaw ay isang mamamayan na dagliang nangangailangan ng pera para sa isang emergency na pangangailangan
at walang paraan upang makalapit sa mga bangko ngunit mayroon kang mga alahas at kasangkapan na maaaring isangla,
saan ka dapat magtungo upang matugunan kaagad ang iyong pangangailangan?
A. Kooperatiba B. GSIS C. SSS D. Pawnshop
43. Kabilang ito sa institusyong di-bangko na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang pangkabuhayang layunin, nag-
aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pa pang benepisyo. Iba-iba ang kita ng mga kasapi nito
base sa laki ng naiambag na puhunan. Ano ang tinutukoy dito?
A. Insurance Companies C. GSIS
B. Kooperatiba D. SSS

44. Bawat pension funds ay may magandang layunin at benepisyo. Alin sa mga sumusunod na ahensiya and nagbibigay
ng seguro sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga guro ng
pampublikong paaralan?
A. GSIS B. SSS C. Pag-IBIG D. Pre-Need

45. Ang Pilipinas ay nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto sa ibang


bansa para sa ikabubuti ng ekonomiya. Ano ang tawag sa pagbabawas ng
halaga ng kalakal na iniluluwas ng bansa?
A.Balance of trade B. Balanseng Kalakalan
C.Sistemang barter D. Balance of payment

46. Kasabay ng pag-unlad ng sibilisasyon ay ang pagdiskubre ng ibat-ibang makabagong teknolohiya. Paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng isangbansa ?
A. Ito ay kumakatawan sa pagbuo ng mga bansa sa mundo upang
maisulong ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Ito ay mahalaga para sa mga pag-unlad ng maliit na negosyo
C. Nakatutulong sa pagpapabilis ng paggawa ng mga produkto
at serbisyo.
D. Lahat ng nabanggit.
47. Ang Kalakalang Panlabas ay may malaking papel sa ekonomiya ng bansa. Papaano ito nakakatulong sa pag-angat ng
ating ekonomiya?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bansa.
B. Napapabilis ang paglago ng ekonomiya
C. Nalulugi ang negosyong lokal.
D. Nagaganyak ang marami na lumikha ng mas mataas na kalidad ng
produkto

48. Kung ikaw ay isang mangangalakal na Pilipino, paano mo matutulungan ang mga produktong tatak Pinoy upang
umangat ang bansa?
A. Bumili ng mga mamahaling gamit mula sa ibang bansa.
B. Ipagmalaki ang gawang pinoy at bumili ng mga imported na kagamitan.
C. Tangkilikin at ipagmalaki ang gawa nating sariling produkto.
D. Bumili ng gamit at gawing dekorasyon.

49. Ang kumakatawan sa pagbuo ng mga bansa sa mundo upang maisulong


ang pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng maliliit
na negosyo lalo na sa paggamit ng mga kasangkapan at proseso.
A. Ideolohiya B. Sosyolohiya
C. Kapitalismo D. Teknolohiya
50. . Ano ang tawag sa sistemang pakikipagpalitan ng produkto ng mga
sinaunang Pilipino?.
A. Sistemang Pangkabuhayan B. Sistemang Pulitikal
C. Sistemang Sosyal D. Sistemang Barter

You might also like