Panahon NG Amerikano

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

KASAYSAYAN NG

WIKANG PAMBANSA
SA PANAHON NG
MGA AMERIKANO
WIKANG INGLES
Ginamit ito bilang wikang panturo at
pantalastasan sa panahong iyon.
Ito ay upang:
Maisakatuparan ang mabuting
pakikipag-ugnayan.
Magtuturo sa mga Pilipino ng
pamamahala sa sariling bayan.
Mabigyan ang mga Pilipino ng wikang
mauunawaan ng lahat.
BATAS BLG. 74
Itinatag noong ika-21 ng marso, 1901
Nagtatag ng mga paaralang pambayan
Nagpapahayag ng ingles ang gagawing
wikang panturo

JACOB SCHURMAN
Siya ang nanguna sa komisyong naniniwalang
kailangan ng ingles sa edukasyong primarya
LUPON NG SUPERYOR NA TAGPAYO
Pinagtibay ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong
pangprimariya na ingles-ilocano, ingles-tagalog, ingles-bisaya, ingles-
bikol.

1906- pinagtibay ang isang kurso sa wikang tagalog para sa mga


gurong amerikano at pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-
aaral.
Nang sumunod na taon, may
ipinakilalang bill sa
asembleya na
nagmumungkahi sa
paggamit ng mga diyalekto
sa pambayang paaralan Nang mapalitan ang direktor ng
Kawanihan ng Edukasyon,
ngunit ito’y hindi napagtibay.
napalitan din ang pamamalakad at
patakaran. Ipinahayag ng bagong
direktor na wikang Inggles lamang
ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng
bernakular.
Inaasahang ang bawat kagawad ng
ANG SUMUSUNOD kawanihan ay magdaragdag ng
kaniyang impluwensya sa paggamit
AY NAKASAAD SA ng opisyal na sistema sa inggles at
maipaunawa ang kadahilanan ng
SERVICE MANUAL pagsasakatuparan nito. Tanging
inggles lamang ang dapat gamitin
NG KAWANIHAN NG sa pag-aaral, sa bakuran ng
paaralan, at sa gusali ng paaralan.
Ang paggamit ng Inggles sa
EDUKASYON; paaralan ay nararapat bigyang
sigla.
Naniniwala ang mga kawal na Amerikano
na mahalagang maipalaganap agad sa
kapuluan ang wikang Inggles upang
madaling magkaunawaan ang mga
Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang
unang nagsipagturo ng Inggles at
sumunod ang grupong kinilala sa tawag
na Thomasites.
BISE-GOBERNADOR HENERAL GEORGE BUTTE (KALIHIM
NG PAMBAYANG PAGTUTURO)
-Nagpahayag siya noong 1931 ng kaniyang panayam ukol sa paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.
-”Hindi kailanman magiging wikang Pambansa ng mga Pilipino ang Inggles
sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan.”
-Sinang-ayunan siya nina Jorge Bacobo at Maximo Kalaw

Ngunit matibay ang pananalig ng Kawanihan


ng Pambayang paaralan na nararapat
lamang na inggles ang ituro sa pambayang
paaralan.
ay ila n sa m ga
n g sum us un od
A agg amit
a ta guy od ng p
dahilang nag t
ng Inggles;

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magreresulta sa suliraning


administratibo.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang
ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
3. Hindi maganda pakinggan ang magkahalong wikang inggles at bernakular.
4. Malaki na ang nagastos ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at
paglinang ng Inggles upang maging wikang pambansa.
5. Inggles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang
pagkakaisa.
6. Inggles ang wika ng Pandaigdigang pangangalakal.
7. Ang Inggles ay mayaman sa katawagang pansining at pag-agham.
8. Yamang nandito na ang Inggles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
KATWIRAN NG MGA NAGTAGUYOD NG PAGGAMIT NG BERNAKULAR
1. Walumpung porsyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ika-5 grado
lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila
ng Inggles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na
pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo
sa primarya.
3. Kung kailangan talaga linangin ang wikang komon sa Pilipinas nararapat
lamang na Tagalog ito sapagkat isang porsyento lamang ang tahanang
Pilipino ang gumagamit ng Inggles
-limampung porsyento ng mamamayan ay hindi nakakaunawa ng Inggles
-apatnapung porsyento ng mga bata ang hindi natatanggap sa paaralang
pambayan taon taon
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Inggles ang
gagamitin
KATWIRAN NG MGA NAGTAGUYOD NG PAGGAMIT NG BERNAKULAR

5. Ang paglinang ng wikang Inggles bilang wikang pambansa ay hindi


nagpapakita ng nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng
lahat katulad ng paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang inggles ang mga
Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit
ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
ALINSUNOD SA LAYUNING MAITAGUYOD ANG WIKANG INGGLES, NAGSAGAWA ANG
KAWANIHAN NG PAMBAYANG PAGTUTURO NG MGA ALINTUNTUNING DAPAT SUNDIN
1. Paghahanap ng guro na Amerikano lamang.
2. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng
Inggles at iba pang aralin.
3. Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang
Inggles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon.
4. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng
paaralan.
5. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Inggles.
6. Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa
paaralan.
7. Pag-aalis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan.
HENRY JONES FORD
(Unang nagsiyasat kung gaano kaeepektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Inggles)

“Gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumastos ng


milyon-milyon para maisulong ang paggamit ng
Inggles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol
at mga dayalek na Inggles na nga.”
Ganito rin ang obserbasyon nina Propesor Nelson at
Dean Fansler (1923) na maging ang mga kumukuha ng
mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng
wikang Inggles.
Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri
Saleeby at ng Educational Survey
Commission na pinamunuan ni Doctor Paul
Monroe, natuklasan nila na ang kakayahang
makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay
napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila
malilimutan paglabas nila ng paaralan.
1925 MONROE SURVEY COMMISSION
Makikita dito ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Inggles sa
pagtuturo.
Sa kadahilanang;
Maraming bata ang huminto sa pag-aaral sa loob ng limang taon
Nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagpadala ng
mga Amerikanong guro upang magturo ng inggles dahil hindi
mapapantayan ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang
kakayahang magturo ng inggles ng isang Amerikano
-Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipinas noong
1933 hanggang 1935, ang sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit
tinanggap din niyang wikang katutubo ang ginagamit ng karaniwang Pilipino
kapag hindi kailangang may Inggles.
-Iginiit ni Saleeby na makabubuti ang magkaroon ng isang pambansang
wikang hango sa katutubong wika nang sa ganon ay maging malaya at mas
epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.
Noong nagkaroon ng kumbensyong konstitusyunal, naging paksa ang pagpili ng wikang pambansa.

Lope K. Santos
Minungkahi niya na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang
pambansa
Sinang-ayunan naman ito ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Nakasaad ang probisyong pangwika sa artikulo XIV seksiyon 3 ng saligang batas ng 1935.
BATAS KOMONWELT BLG. 184
Nilikha ng batasang pambansa
nagsasaad ng opisyal na paglikha sa surian ng wikang pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre 1936.
Tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin sa magiging batayan
sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Napili nila ang tagalog bilang batayan ng wikang tatawagin wikang pambansa.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134
Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon
Nag-aatas na Tagalog na magiging batayan ng
wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
pambansa.

You might also like