Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa silid aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahin ng mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Muling ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan
ang lahat ng pagsasanay.
Pinagkunan:https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 at https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3

Alamin
Sa araling ito, inaasahang natatalakay ang mga karapatan at tungkulin ng isang
mamimili. AP9MKE lh-18 MELC5Q1W8
MGA TIYAK NA LAYUNIN
1. naibibigay ang kahulugan ng mamimili
2. nailalarawan ang mga katangian ng isang matalinong mamimili
3.nasusuri ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamimili
4.natutukoy ang mga ahensya na nagbibigay proteksyon sa mga mamimili
5.nabibigyan ng pagpapahalaga ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga
mamimili

Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Suriin ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sa panahon ng COVID-19 mas maraming mamimili ang mas nawili sa online shopping tulad
ng Lazada at Shoppee. Hindi rin maikakaila na mas dumami ang mga anunsiyo at postings sa
iba’t ibang social media ngunit mas tiniyak ng mamimili na unahin ang kanilang pangunahing
pangangailangan. Anong katangian ng matalinong mamimili ang ipinakita sa sitwasyon?
A. mapanuri
B. may alternatibo o pamalit
C. hindi nagpapadala sa anunsyo
D. sumusunod sa badyet
2.Dahil panahon ngayon ng pandemya, mabilis na nauubos ang alcohol sa pamilihan bilang isa
sa pangunahing pangangailangan Ano ang pinakamainam na gagawin mo bilang isang
matalinong mamimili?
A. bumili lamang ng sapat na gagamitin ng pamilya.
B. bumili ng marami at ipagbili sa mga kakilalang hindi makabibili sa pamilihan
C. bumili ng reserbang alcohol bilang paghahanda sa mga susunod na araw.
D. bumili ng alcohol at ibenta online ng mas mataas na halaga para mas maraming
makabili ng produkto.

1
3. Ang surgical mask ay isa sa mga kinakailangan ng mga tao tuwing lumalabas ng bahay
ngayong panahon ng pandemya. Dumating sa panahon na nagkaroon ng maramihang pagbili
nito para sa kanilang proteksyon. Anong katangian ng mga mamimili ang ipinapakita ng
pangyayari?
A. matalinong mamimili
B. mamimiling nagpapanic buying
C. madiskarte pamimili
D. mapanuring mamimili
4. Bago nagkaroon ng isang pandemya ay nakabili ka ng damit sa isang mall ngunit iyong
napag-alaman na ang damit na iyong nabili ay may sira sa laylayan.Dahil sa nangyaring
Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay naibalik mo ang damit noong nag General Community
Quarantine (GCQ). Ipinakita mo lamang ang resibo ng biniling damit. Anong karapatan ng mga
mamimili ang ipinakita sa sitwasyon?
A. karapatan sa kaligtasan
B. karapatan sa representasyon
C. karapatan sa edukasyong pangkonsyumer
D. karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan
5. Dahil sa panukalang paggamit ng face shield, tumaas ang presyo nito sa pamilihan kaya
naman mas pinili mong bumili ng mas mura o gumawa ng sarili mong face shield. Anong
katangian ng matalinong mamimili ang ipinakita?
A. makatwiran
B. mapanuri
C. nagpapadala sa anunsyo
D. may alternatibo o pamalit

Balikan
Gawain 1: Ako Bilang Mamimili
Panuto: Ilarawan ang iyong sarili bilang isang mamimili. Isulat sa thought bubble ang
kasagutan.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga isinasaalang- alang ng isang mamimili sa pagbili ng mga produkto?
2. Bakit kinakailangan mong malaman kung ano ang mga dapat na unahin sa pagkonsumo
ng mga produkto at serbisyo?

2
Tuklasin
Kahulugan ng Mamimili
Ang mamimili ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at
serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. Ang pagpili at
pagdedesisyon sa uri at dami ng produktong bibilhin ay nakasalalay sa kamay ng mga mamimili
sa paghahangad na masulit ang bawat sentimo na ipambabayad sa napiling produkto. Ang
puwersa ng mga mamimili ang dahilan ng pagpapabuti ng uri at kalidad ng mga produktong
makikita sa pamilihan.
Sa sistemang pang-ekonomiya, ang mga mamimili ay isang dahilan na nakaaapekto sa
pasya kung makikipagkalakal o hindi. Nagbabayad ang mamimili upang makagamit ng kalakal at
serbisyong nililikha. Dahil dito, ang mga mamimili ay may mahalagang ginagampanan sa
sistemang pang-ekonomiya ng isang bansa. Kung walang pangangailangan mula sa mamimili,
ang mga manlilikha ay mawawalan ng pangunahing motibasyon upang gumawa ng produktong
ibebenta sa mamimili. Ang mamimili ay bahagi rin ng kabit-kabit na pamamahagi
o distribusyon.
Katangian ng Mamimili
Ang paraang ginagawa ng tao sa kanyang pamimili ay naglalarawan kung anong uri ng
mamimili ito. May tinatawag na matalinong mamimili, na nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian.
A. Makatwiran- Kapag inuuna ng isang konsyumer ang mga bagay na mahalaga
kumpara sa mga luho lamang. Kaya sa pagpili ay isinasaalang- alang ang presyo at
kalidad ng isang bagay. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng
produkto. hal. isang bago at modernong cellphone.
B. Mapanuri- Tinitingnan ang sangkap, presyo, disenyo at timbang ng produkto.
Inihahambing ang mga produkto sa ibang produkto. hal. ang century tuna na delata ay
ikinumpara ang nutrient content sa 555 sardines.
C. May Alternatibo o Pamalit-Marunong humanap ng pamalit o panghalili na maaaring
makatugon na may katumbas na uri ng mga produktong dating binibili.
hal. sa pagluluto ng tinola ang pangunahing sangkap ay ang papaya ngunit kung mahal
ang papaya ay pwedeng pamalit ang sayote.
D. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo -Hindi nakapagbabago ng pagkonsumo ng isang
matalinong konsyumer ang pag-eendorso ng mga artista. Ang kalidad ng produkto ang
tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsyo na ginamit. hal. paggamit sa sabong
Ariel ni Lea Salonga upang maraming bumili at gumamit ng produkto
E. Sumusunod sa Badyet -Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang
badyet.Tinitiyak nyang magiging sapat ang kanyang salapi sa kanyang mga
pangangailangan. hal.tinitiyak ng mamimili na batay sa kanyang plano at ayon sa
kanyang listahan.
F. Hindi nagpa-panic buying - Alam ng matalinong mamimili na ang pagpapanic buying
ay lalo lamang nakapagpapalala sa artipisyal na kakulangan na bunga ng hoarding. hal.
pagbili ng alcohol na sapat lamang sa pagkonsumo ng pamilya

3
G. Hindi Nagpapadaya o nagpapaloko - Laging handa,alerto mapagmasid sa maling
gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.Halimbawa palaging binibilang
kung tama ang sukli.

Karapatan ng Mamimili
A. Karapatan batay sa pangangailangan - May Karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,
matitirhan pangangalagang kalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
B. Karapatan sa Kaligtasan- May Karapatang mabigyan ng katiyakang ligtas at
mapangangalagaan laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o
mapanganib sa kalusugan.
C. Karapatan sa patalastas o makatotohanang impormasyon- Karapatang
mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga
etiketa, at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
D. Karapatan sa representasyon -May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng
mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng pamahalaan.
E. Karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan -May karapatang
mabigyan ng kompensasyon sa anumang kasinungalingan at panlilinlang sa produkto o
paglilingkod na binili na nagdulot ng kapinsalaan.
Karapatan sa edukasyong pangkonsyumer - Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang
konsyumer na matamo ang kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbangin na
makatutulong sa desisyon ng mamimili.
Tungkulin ng Mamimili
A. Pakikiisa-Makiisa upang maging matatag sa pakikipaglaban ng kanilang karapatan. Ang
pagtatamo ng mga layunin , adhikain ng samahang pang mamimili ay nakasalalay sa
pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga kasapi.
B. Kamalayan sa kalikasan-Mabatid ang epekto sa kapaligiran ng maling pagkonsumo ng
kalakal o paglilingkod.
C. Mapanuring kamalayan- Pagiging mulat, mapagmasid at alerto sa mga nangyayaring
kapabayaan ng mga negosyante at ng pamahalaan.
D. Pagtangkilik -Pagtangkilik sa sariling produkto upang maging bahagi sa pagpapaunlad
ng mga lokal na industriya na kailangan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
E. Aksiyon -Pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng mga presyo na itinakda
para sa kapakanan ng mga mamimili.

Unawain
Suriin ang talahanayan na nagbibigay ng proteksyon sa mamimili.

Mga batas Mga ahensya


1. Batas sa Price Tag- Ang mga retailers
o mga nagtitinda nang tingian ay
dapat maglagay ng price tag sa mga
paninda upang mabatid kung sila ay
hindi lumalabag sa itinakdang presyo Pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng
ng mga bilihin. produkto
Nagmomonitor ng mga paninda
(bigat,timbang,warranty,price tag)

4
2. Batas Republika Blg. 3740-
Pagbabawal sa pag-aanunsyo ng mga
pekeng produkto at serbisyo.
Tiyakin ang kalidad ng pagkain, gamot,
cosmetic, at pamamaraan ng pagmomonitor
ng anunsiyo
3. Batas Republika Blg. 3452 - Ito ang
batas na nagtatag ng National Grains
na may tungkuling bumili ng mga
palay sa mga magsasaka at ipagbili
ang mga ito sa mga mamimiling Kalidad ng produktong agrikultural
Pilipino sa murang halaga. Ang Pagtiyak ng tamang labeling at packaging
tungkuling ito ay ginagampanan ng
National Food Authority ngayon. Ito rin
ang nakakaalam kung may sapat na
suplay ng bigas sa bansa.

4. Artikulo 1546 (Kodigo Sibil ng


Pilipinas) - Ang sira, depekto at
pinsala ng produkto ay hindi dapat
itago sa mga mamimili. Ang batas na
ito ang nagbibigay-garantiya na
walang nakatagong pinsala ang isang Tumutulong sa pagpapatupad ng
produkto. Consumer Act
5. Artikulo 188, 189 (Kodigo Penal) -
Batas na nagbibigay- parusa sa
sinuman na gagamit ng tatak,
lalagyan at gagayahin ang balot ng
ibang produkto.
Regulasyon ng Gasolina at LPG

6. Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng


Pilipinas) - May pananagutan ang
mga prodyuser ng mga pagkain,
inumin at iba pang produkto na
nakakapinsala sa katawan, kalusugan
at buhay ng mga mamimili bunga ng Pinagpapatalaan ng mga produkto upang
mga sangkap na ginagamit sa makaiwas sa mga pinsalang maaaring
paglikha ng produkto. madulot sa mga konsumer.

5
Pagyamanin
Gawain 2: Anong Uri ng Mamimili Ako?
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin ang katangian ng isang mamimili na inilalarawan.
1. Nahinto pansamantala sa kanyang trabaho si Juan. Umasa ang kanyang pamilya sa
ayuda ng pamahalaan upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.
Nang makatanggap ng ayuda si Juan, inuna niyang bilhin ang pagkain ng pamilya. Anong
uri ng mamimili si Juan?____________________________________________________
2. Dahil sa kailangan ang alcohol sa kasalukuyan na nararanasang pandemya, nagkalat sa
merkado ang pekeng produkto.Si Aling Maria ay madalas na bumibili ng alcohol para sa
kanyang pamilya ngunit masusi niyang tinitingnan bago siya bumili. Si Aling Maria
ay_________________na mamimili.
3. Muling ibinalik ni Pangulong Duterte ang National Capital Region sa Modified Enhanced
Community Quarantine (MECQ) dahil dito marami sa mga Pilipino ang muling nabahala sa
kanilang pangangailangan at nagtungo sa pamilihan. Ngunit si Gina ay nanatiling
kalmado at pinag-isipang mabuti ang mga bagay na dapat bilhin. Si Gina ay__________.

Gawain 3: Karapatan o Tungkulin!


Panuto: Lagyan ng check (/) ang hanay kung ang inilalarawan ang karapatan o tungkulin ng
isang mamimili.

Batayan Karapatan Tungkulin


1. Makiisa sa isang
layunin at adhikain na
may kaugnayan sa
kapakanan ng
mamimili.
2. Mabigyan ng
kompensasyon sa
anumang produkto na
nakakapinsala.
3. Magbantay sa
di-makatarungang
pagtaas ng presyo sa
panahon ng
pandemya.
4. Malaman ang kalidad,
disenyo at tamang
presyo ng produkto.
5. Ipaalam sa
kinauukulan ang
pagsasamantala ng
negosyante.

6
Isagawa
Gawain 4: Ipaglaban Mo!
Panuto: Suriin ang sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isa sa mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng pandemya ay ang surgical mask
at alcohol. Dahil sa pangamba mong pumunta sa mga pamilihan ay mas pinili mong bumili na
lamang sa online shop. Pagkatanggap mo ng mga produkto sa inyong tahanan ay nakita mong
may sira ang ilang surgical mask at hindi puno ang bote ng alcohol na iyong binili. Bilang
mamimili, anong hakbang ang iyong gagawin?
Pamprosesong Tanong
1.Anong karapatan mo bilang mamimili ang nilabag?
2.Anong ahensya ang maaaring tumugon ?
3. Ipaliwanag ang batas na may kaugnayan sa paglabag na ito.

Tayahin
Pangwakas na Pagsusulit
I. Panuto:Tukuyin kung anong katangian ng mabuting mamimili ang tinutukoy sa bawat bilang.
______1. Ang isang mamimili ay nagsusuri sa kalidad ng produkto bago niya ito bilhin.
______2. Hindi agad naniniwala sa mga patalastas o komersyal ang isang mamimili.
______3. Sinisigurado ng mamimili na sapat ang timbang ng bigas na kanyang binibili.
______4. Pinagpaplanuhan ng mamimili ang mga gagastusin niya sa bawat linggo upang
magkasya ang kanyang kita sa kanyang mga pangangailangan.
______5.Alam ng isang mamimili ang mga produktong maaaring bilhin bilang kapalit ng isang
produktong wala sa pamilihan.
II. Panuto: Tukuyin ang ahensya na inilalarawan sa bawat bilang.Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
_______1. Tumitiyak sa kalidad at kaligtasan ng produkto at pagmamatyag ng mga paninda.
_______2. Nangangalaga sa mga produktong agrikultural
_______3. Tumitiyak sa kalidad ng mga produktong agrikultural.
_______4. Nagtatakda sa regulasyon ng gasolina sa pamilihan.
_______5. Namamahala sa pagpaparehistro ng mga produkto upang maiwasan ang paglikha ng
mga pekeng produkto.

7
Karagdagang Gawain
Comic Strip
Panuto: Gumawa ng “comic strip” na magpapakita ng pagiging matalinong mamimili ngayong
panahon ng pandemya.
Rubriks sa Paggawa ng Comic Strip
Kraytirya Puntos Marka
A. Pagkamalikhain 40
B. Kaangkupan sa Tema 30
C. Kabuuang Presentasyon 20
D. Orihinalidad 10
Kabuuan 100

Sanggunian:
● Department of Education (2015), Ekonomiks 9- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon pahina 60-68
● C Bon et.al,2015 Ekonomiks at Pambansang Pag-unlad JO-ES Publishing House Inc.
pahina 65-75]
● Francisco V. et.al,2015 Ekonomiks K to 12 The Library Publishing House Inc. pahina
41-46
● Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished

Susi sa Pagwawasto

Komite sa PagsulatBb.ng Modyul


Janeth Salmeron, Guro I
Manunulat: Gng. Regina D.Angeles, Dalubguro II at
Tagalapat : G. Marvin Bryan S. Ortiz, Guro I
Tagasuri ng wika: Bb. Trinidad E. Romero, Guro II
Gng. Nerisa M.Roxas, Dalubguro I
Tagasuri ng Nilalaman : Gng. Regina D.Angeles, Dalubguro II
Tagasuri: Gng. Aireen R. Zipagan, Dalubguro I/ OIC
Tagapamahala: Dr. Eladio H. Escolano, Principal IV

8
Pangalan: _______________________________ Year and Section:_______________ Marka:___________
I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Sa araw-araw nahaharap tayo sa mga suliraning bunga ng pagiging limitado ng mga
pinagkukunang-yaman at patuloy na pagdami ng pangangailangan. Sa ganitong kalagayan lalong
mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks. Piliin sa mga sumusunod ang kahulugan ng agham
panlipunan na ito.
A. Ito ay ang pag-aaral sa paraan ng pagpaparami sa nga pinagkukunang-yaman at pagpigil sa
pagdami ng mga pangangailangan.
B. Ito ay ang pag-aaral sa pagpapasya ng mga indibidwal at lipunan sa paggamit ng limitadong
pinagkukunan sa pagtugon sa mga pangangailangan.
C. Ito ang agham na nagsusuri sa pinagmulan ng kayamanan at paraan ng pamamahagi nito.
D. Ito ay ang pagsusuri sa kawastuhan ng mga batas pang-ekonomiya sa paglutas ng kakapusan
2. Dulot ng land conversion nawala ang lupang sinasaka n i Mang Pedring, sa pabrikang. Itinayo
malapit sa kanila ang naging panibagong pinagkukunan ng kabuhayan ni Mang Pedring. Paano
naipakita ang ugnayan ng agrikultura sa industriya sa ganitong sitwasyon?
A. Ang industriya ang salik sa land conversion ng lupang agrikultural
B. Ang industriya ang sumasalo sa mga manggagawang agrikultural na nawalan ng hanapbuhay
C. Ang industriya ang pangalawang sektor sa agrikultura
D. Industriya ang sagot sa mga problema ng agrikultura
3. Dahil sa kakapusan napipilitan tayong pumili sa mga alternatibong paggagamitan ng kapos na
pinagkukunang yaman. Ano ang kahulugan ng ganitong sitwasyon?
A. Limitado ang ating mga pangangailangan sa buhay
B. Magdudulot ng kaguluhan sa buhay
C. Hindi natin matugunan ang lahat ng ating mga pangangailangan
D. Walang kalayaan ang mgatao na gumawa ng pagpapasyang pangkabuhayan
4. Nakararanas ng kakapusan sa piangkukunang yaman ang isan ekonimiya. Alin sa mga
Sumusunod ang hindi nagpapakita ng kadahilanan ng kakapusan?
A. Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman
B. Hindi napapalitang pinagkukunang-yaman
C. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
D. Limitadong pangangailangan at hilig ng tao.
5. Ang mga bansa sa Aprika at ilang bansa sa Asya ay dumaranas ng kahirapan bunga ng pagkaubos
ng likas na yaman. Anong hakbang ang hindi dapat nating isagawa kaugnay dito?
A. kumilos at makiisa sa paglulunsad ng clean and green project ng paaralan
B. Magtapon ng basura sa bakanteng lote
C. Itapon ang gamit na krudo sa estero
D. Gumamit ng palstik sa pamimili
6. Kung ikaw ay kasapi ng sistemang tradisyunal na ekonomiya, Alin sa mga sumusunod ang iyong
tungkulin?
A. Wala,sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain

9
7. Ang patuloy na pagdami ng mga produktong dayuhan sa ating bansa ang ilan sa mga dahilan
kung bakit unti unting nanghihina at tuluyang nawala ang mga maliliit na industriya sa ating
bansa. Alin sa mga pahayag ang makakatulong upang makaagapay ang ating mga maliit
naindustriya sa mga dayuhan?
A. Pigilin na pumasok ang mga dayuhang produkto
B. Paigtingin ang mga batas at proyektong sumusuporta sa mga lokal na industriya
C. Pagsama samahin ang mga maliit na industriya upang lumakas
D. Magpaturo sa mga dayuhan sa paggawa/ pagbuo ng mga produkto
8. Ang pagbubuwis ay mahalagang tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino. Ang patakaran sa
pagbubuwis ay makatarungan kung itinakda ayon sa:
A. Kapakinabangan ng mga negosyante
B. Kapakinabangan ng pamahalaan
C. Kakayahang magbayad ng mga mamamayan
D. Organisasyong kinabibilangan ng tao
9. Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nahaharap sa suliranin ng limitadong
pinagkukunang-yaman bunga ng walang hanggang kagustuhan ng tao. Tulad ng Agham, ang
Ekonomiks ay gumagamit din ng siyentipikong pamamaraan upang:
A. magsaliksik ng gamot para sa covid 19 sa laboratoryo
B. makiisa sa isinagawang enhanced community quarantine
C. masuri ang dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho sa panahon ng ECQ
D. mapaghambing ang mga pangyayari sa kasaysayan noong 1918 at 2019
10.Ayon kay Gregory Mankiw, kailangan maging epesyente ang plano ng produksyon
at epektibong mapamahalaan ang limitadong pinagkukunang yaman na iginuhit sa kurba ng:
A. Production Possibilities Frontier C. Trade-off
B. Production Function D. Opportunity Cost
11. Ang hilaw na materyal ay hindi maaaring ikunsumo kaagad. Kailangan pang iproseso
ang mga ito upang higit na mapakinabangan. Ang mga salik na ginagamit upang maging produkto
ay tinatawag na:
A. input B. output C. proseso D. produksyon
12.Si Rose Ann ay naniniwala na nasa wastong pagkonsumo ang kinabukasan ng kalikasan sa
kaakibat ng pananagutan ng mamimili. Ito ay maipapamalas sa pamamagitan ng:
A. pagkilos B. pagmamalasakit na panlipunan
C. kamalayan sa kapaligiran D. mapanuring kamalayan
13. Ang pamilihan na may malayang pagkilos subalit maaaring makialam ang pamahalaan sa
usaping may kinalaman sa kalikasan, katarungang panlipunan at pagmamay-ari ng estado ay ang:
A. market economy B. mixed economy
C. command economy D. Central Planning Agencies
14. Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng sistemang market economy na nagpapatupad ng patakaran na:
A. ang gagawing produkto ay itinatakda ng pamahalaan
B. presyo ang nagtatakda sa dami ng produkto
C. may komprehensibong control ang pamahalaan
D. ganap ang awtonomiya ng pamahalaan sa pamilihan.
15. Ang katangian ni Gng. Gomez bilang mamimili nab ago bilhin ang produkto ay nais muna
niyang malaman ang presyo, sangkap, timbang at kalidad ng pagkakagawa nito ay tinatawag na:
A. may alternatibo B. makatwiran C. mapanuri D. hindi nagpapadaya
16. Ang hilaw na sangkap mula sa likas na yaman ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi
gagawing produkto. Ang transpormasyon ng mga hilaw na materyales ay nasa kamay ng:
A. proprietor B. entrepreneur C. lakas paggawa D. negosyante
17. Si Jaz ay nakaranas ng madayang pagtitimbang at mapanlinlang na pagsukat ng produkto.
Saang ahensiya ng pamahalaan maaaring ipabatid ni Jazz ang kanyang reklamo?
A. City / Provincial / Munisipal Treasurer C. Bureau of Food and Drugs
B. Department of Trade and Industry D. Environment Management Bureau
18. Ang Republic Act 7394 batas na nagbibigay proteksiyon sa mga mamimili at nagtatakda sa
operasyon ng mga negosyo at industriya na ang hangarin ay:
A. kaligtasan ng prodyuser sa panganib sa kalusugan
B. marinig ang reklamo ng mga entrepreneur
C. proteksiyon ng konsyumer laban sa tiwaling negosyante
D. representasyon sa pagbuo ng batas pangkabuhayan

10
19. Ang lahat ay batayang suliraning pang-ekonomiya maliban sa isa:
A. Anong produkto ang gagawin? C. Paano gagawin?
B. Saan dadalhin? D. Gaano karami
20. Mas pinili ng pamahalaan ng Pilipinas na gumamit ng mga manggagawa kaysa sa makinarya sa
produksyon. Ang sitwasyong ito ay sumasagot sa tanong na:
A. ano ang gagawin? C. paano gagawin?
B. Kailan gagawin? D. ilan ang gagawin?

GODDLUCK!

11

You might also like