Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Petsa:

Taon/ Seksyon: Marka:

IKAW
pamagat

Ikaw ang nagpalit sa mga luha na naging ngiti.


Ngiti na hindi ko matanggal na tila nakakubli.
Nakakubli sa katotohanang tayo ang itinadhana.
Itinadhana na magmamahalan sa tuwina.

Ikaw ang naging sandalan sa panahon ng kalungkutan.


Kalungkutang bumabalot sa inaasam na kasiyahan.
Kasiyahang gustong madama magpakailanman.
Magpakailanman tayong dalawa ang magdadamayan.

Ikaw ang isa sa mga ibinigay na solusyon.


Solusyon na makawala sa naging buhay ko kahapon.
Kahapon na ayaw ko nang maulit mangyari sa iyo.
Sa iyo na gusto kung makapiling umulan man o bumagyo.

Ikaw ang nagturo kaya't tumibok muli ang aking puso.


Puso na nawasak noon at di ko gustong mangyari sa ngayon.
Ngayon na ikaw ang nilaan ng Poong Makapangyarihan.
Makapangyarihan at walang makakabuwag sa taong totoong nagmamahalan.

You might also like