Professional Documents
Culture Documents
RLA Fil Grade 11 Final
RLA Fil Grade 11 Final
11
Paunang Pagtataya
Gawain 1 (Kahon ng mga Pangungusap)
MGA PANGUNGUSAP
Kinawiwilihan ni Marites ang paggamit ng social media dahil sa mabisa itong
pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon at napapadali nito ang komunikasyon. Para
sa kaniya, di-matatawarang benepisyo ang dulot nito sa pag-aaral niya dahil pangunahing
pinagkukuhanan ito ng mahahalagang datos sa kaniyang pananaliksik. Taliwas naman
sa nararamdaman niyang kasiyahan ay ang pagkabahala ng kaniyang guro sa pagbaba
ng antas ng kasanayan sa pagbabasa nang may pang-unawa. Napansin niyang iilan na
lamang ang mga mag-aaral na pumapasok sa silid-aklatan para magbasa, sa halip,
ginugugol na nila ang kanilang oras sa pagbababad sa internet. Ipinaliwanag din ng guro
ang ilan sa mga positibo at negatibong epekto nito sa kanila. Isa rito ay ang walang-patid
na suplay ng kaalaman at hindi na kailangan pang magtungo sa ibang lugar. Pinag-iingat
din sila sa laganap na cyber-bullying at ang talamak na cybersex na nagdudulot ng
kapahamakan sa mga kabataan, manloko at manggamit ng ibang tao. Nagbunga man ng
maganda ang pagpupursige ng guro na maturuan ang kaniyang mga mag-aaral na maging
responsable sa paggamit ng social media, hindi pa rin siya nagpatinag sa paggamit nito,
bagkus, hinikayat niya ang mga kaklase na ang paggamit ng social media ay dapat may
limitasyon lamang.
Iskor:
Recovering for Academic Achievements by Improving instructions through Sustainable Evidence-based learning programs
Gawain 2-B (Kahon ng mga Salita)
MGA SALITA
baitang pangkat usapan tunguhin pagsasalita
Recovering for Academic Achievements by Improving instructions through Sustainable Evidence-based learning programs
GRADE

BAITANG
11
Panapos na Pagtataya
Gawain 1 (Kahon ng mga Pangungusap)
MGA PANGUNGUSAP
Nagsasagawa ng isang pananaliksik si Melinda. Nilalayon niyang mabigyan ng
kasagutan at matuklasan ang epekto ng online games sa mga mag-aaral ng Baitang 11 sa
kanilang institusyon. Sa pagsasagawa nito, kinailangan niyang bumuo ng talatanungan
upang maging instrumento sa pangangalap ng sapat na datos nang sa gayo’y
mapagtagumpayan niya ang isinasagawang pag-aaral. Madalas siyang nagtutungo sa
silid-aklatan upang makakuha ng wastong impormasyon para sa mga kaugnay na pag-
aaral at literatura. Bukod dito, sumasangguni rin siya sa internet at hindi niya
nakakaligtaan na itala sa kanyang kuwaderno ang mga pamagat, pangalan ng awtor,
petsa ng pagkalimbag at pangalan ng publikasyon para sa bibliyograpiya. Tuwing hapon,
bago siya umuwi ay nagtutungo siya sa kanilang guro sa matematika upang magabayan
siya sa tamang kagamitang istadistikang gagamitin. Siya rin ay nakipanayam sa mga
dalubhasa sa pananaliksik at gayundin sa mga respondente. Nang siya’y nasa ikaapat na
kabanata, ikinonsidera niya ang grapikal, tekstuwal, at talahanayang presentasyon. Ang
lagom, konklusyon at rekomendasyon ay inilahad niya nang nauukol sa tagubilin sa
paglalahad nito. Bago niya iharap sa kanyang guro ang papel-pampananaliksik upang
suriin, kinakailangan niya munang tapusin ang pahinang preliminari tulad ng dahon ng
pahina, dahon ng pagpapatibay, pagkilala, talaan ng nilalaman at abstrak, at maging ang
apendiks at listahan ng sanggunian. Sa pagsasakatuparan ng mga ito, positibo siya na
magiging matagumpay ang kaniyang pananaliksik .
Iskor:
Recovering for Academic Achievements by Improving instructions through Sustainable Evidence-based learning programs
Gawain 2-B (Kahon ng mga Salita)
MGA SALITA
tinalakay metodolohiya bahagdan kaligiran saklaw