Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA Module No.

10
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Week 16

Lesson Title Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino


∙ Kakayahang pragmatik: pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi,
di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap.
∙ Kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng
teksto/sitwasyon ayon sa konteksto.

Lesson Target ∙ Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita.
∙ Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas.

References Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Diwa. 2016


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C&E.
2016 Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

Panimula

Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika
ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan
nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan
ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at
nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase,
mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
(http://www.ppt2txt.com/r/e239b172/)

Sa modyul na ito, mapaghuhusay ang kasanayan sa paghihinuha ng layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng niya ng mga salita at kanyang paraan ng pagsasalita.

Mga Teoryang Pandiskurso

Ethnography of Communication

∙ Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa kahalagahan ng


antropolohiya sa linggwistika.
∙ Unang tinawag na “ethnography of speaking”
∙ Ang teoryang ito ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa kakayang
gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso.
∙ Mahalagang salik dito ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga taong
kasangkot sa diskurso.

…that the study of language must concern itself with


describing and analyzing the ability of the native speakers to use
language for communication in real situations (communicative
competence) rather than limiting itself to describing the potential
ability of the ideal speaker/listener to produce grammatically correct
sentences (linguistic competence). Speakers of a language in
particular communities are able to communicate with each other in a
manner which is not only correct but also appropriate to the
sociocultural context. This ability involves a shared knowledge of the
linguistic code as well as of the socio-cultural rules, norms and
values which guide the conduct and interpretation of speech and
other channels of communication in a community … The
ethnography of communication ... is concerned with the questions of
what a person knows about appropriate patterns of language use in
his or her community and how he or she learns about it. (Farah,
1998: 125)

Variationist Theory

∙ Pinangunahan ni William Labov (1971), isang Amerikanong linggwista na nag-impluwensya sa


mga metadolohiya sa linggwistika.
∙ Ang teoryang ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na salita o mga
salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
∙ Binibilang ang dalas na gamit sa wika upang masuri ang kalikasan ng diskurso. ∙ Ang “gamit” ng
salita ay nababago sa “porma” nito, halimbawa, sa tuntunin ng wikang Filipino, ang panghalip na
kayo ay ginagamit na panghalili sa maramihang ngalan; ngunit mapapansin na sa pakikipag-usap
sa isang matanda ay nagagamit ang kayo, “Kumusta po kayo?” , “Pasok po kayo.”

…investigates the actual usage of spoken language. The goal of


this theory is to provide patterns of occurrence of a particular
variable and to lay out the hierarchical structure when this
variable can occur. Thus, it does not only indicate the
occurrence of variants, but also shows the relative frequency of
occurrence of each possible variant.

Pragmatic Theory

∙ Pinangunahan ni Paul Grice (1967), pilosopo ng wika na may impluwensya sa pag-aaral ng


semantika sa dulog pilosopikal.
∙ Teoryang tutukoy sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso na
mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap.
∙ May iba’t ibang salik pa na dapat isa-alang alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektwal
na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang
interpretasyon.
∙ Nililinaw ang relasyon sa pagitan ng intensyon at kahulugan.

When a diplomat says yes, he means ‘perhaps’;

When he says perhaps, he means ‘no’;

When he says no, he is not a diplomat.

Voltaire (Quoted, in Spanish, in Escandell 1993.)


…a fundamental distinction of what a speaker says and what he
implicates;

…a set of rules or principles, derived from general principles of


rationality, cooperation and/or cognition, that guide, constrain or govern
human linguistic communication; and
… a notion of communicative intention (called M(eaning)-intention by
Grice) whose fulfillment consists in being recognized by the addressee.

Speech Act Theory

∙ Isinulong ni John Langshaw Austin (1962) at pinalawig ni John Rogers Searle, pilosopo ng wika
sa Britanya na nakilala sa kanilang paniniwala na kayang mabago ng salita ang realidad. ∙ ang
pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon.

∙ Aktong Locutionary pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa tradisyunal na paraan. ∙ Aktong


Illocutionary may tiyak na "pwersa" tulad ng pagpapabatid, pag-uutos o pagbababala atbp
∙ Aktong Prelocutionary Nagtatamo o nagpapalabas ng isang bagay tulad ng paghihikayat,
pagkumbinse at pagbabawal.

Speech acts are a staple of everyday communicative life, but only became a topic of
sustained investigation, at least in the English-speaking world, in the middle of the
Twentieth Century. Since that time “speech act theory” has been influential not only
within philosophy, but also in linguistics, psychology, legal theory, artificial intelligence,
literary theory and many other scholarly disciplines. Recognition of the importance of
speech acts has illuminated the ability of language to do other things than describe
reality.

Pragmatiks

∙ Isang sangay sa lingguwistika na tumutukoy sa ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at anyo


nito.

∙ Nakatuon ito sa komunikatibong aksyon sa loob ng kontekstong sosyo-kultural at binigyang


pansin ang kaangkupan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

∙ Ayon kay Badayos, ito ay kinapalolooban ng tatlong kakayahan: Una, gamit ng iba’t ibang
layunin gaya ng pagbati, pagbibigay impormasyon, paghiling at iba pa; panglawa, pagbabago
ng ginagamit na wika ayon sa pangangailangan o inaasahan ng kasusap; pangatlo, paggamit
ng tuntunin sa isang naratibong pahayag gaya ng pagkukuwento, pagbabalita at iba pa.

∙ Kakayahang pragmatik ang kakayahang maiparating ang isang tukoy na mensahe, at ito ang
pagtatagpo ng intension at pagpapakahulugan.

Diskurso

∙ Mula sa Latin na discursus na nangangahulugan ng pagtutuloy tuloy.


∙ Pakikipagtalastasang pasalita at pasulat.
∙ Paraan ng pagbuo ng kaalaman, kaisipan, o pangangatwiran para sa masining na
pagpapahayag.
∙ Tumutukoy sa berbal na kakayahan ng tao sa komunikasyon.
∙ Kakayahan ng tao sa pakikipag-usap, pagkukuwento, pagbabalita o anumang proseso ng taong
makipag-ugnayan.
∙ Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig,
at ng manunulat at mambabasa.

Diskorsal

∙ Nagbibigay-pansin sa kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng pangungusap


na napakinggan upang makabuo ng makabuluhang kahulugan.
∙ Teksto ang inilalarawang wika o ideyang itinatawid samantalang ang kahulugang matatagpuan
ay tinatawag na konteksto.

You might also like