Jsdajsahahaha

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Domingo, Krizzylle C.

9 – Diamond

Saysay ng Ekonomiks sa Isang Estudyante


Ang ekonomiks ay nagsisilbing gabay para sa akin at sa ibang tao. Ito ang nagtuturo
sa akin upang mas mapadali ang aking buhay. Mahalaga ito sa mga tao, ikaw man ay mamimili o
negosyante. Sa mga mamimili, tinuturuan ng ekonomiks kung papaano makabadyet sa pamilihan.
Habang sa mga negosyante naman ay tinuturuan ng ekonomiks kung papaano nababalanse ang
Quantity demand (QD) at ang supply. Ang pagbabadyet naman ay mahirap sapagkat kailangan mong
maghanap ng bagay na mas mura. Minsan pa ay nagsasakripisyo ang isang tao para lang mabili ang
isang bagay na iyon. Nararapat rin na isipin kung ano ang benepisyo kung ito’y iyong bibilhin. Kahit
minsan pa sa mga may badyet ay hindi nila binibili ang isang bagay na gusto nila sapagkat ito’y mahal
at hindi na pasok sa pera na mayroon sila. Sa pamilihan naman marami sa mga mamimili ay
humihingi ng tawad o mas mababang presyo upang mabili nila ang kanilang gusto na itinatawag rin
na “bargain”. Minsan naman ay hindi pinapayagan ng isang nagtitinda ang mamimili na babaan ang
presyo sapagkat lugi rin ito sa kanila.

Nangyayari o nararanasan rin natin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa


pamilihan. Ang “inflation” ay ang pagtaas ng bilihin ngunit pagbaba ng sweldo ng mga nagtatrabaho.
Ang magandang halimbawa nito ay ang pagtaas ng presyo ng gulay tulad na lamang ng sibuyas. Dahil
rin sa pandemya, tumaas talaga ang mga bilihin sa pamilihan. Nahirapan ang mga tao na mabili ang
mga kailangan o essential sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ang mga mask rin ay nagmahal
noong pandemya sapagkat mahigpit pa ang gobyerno sa mga mamamayan, nais lamang nila na
maging ligtas ang lahat sa Covid-19 virus. Ngunit ngayon hindi na ganoon ka-higpit ang gobyerno sa
pagsuot ng mask, kaya rin naman ay bumaba ang presyo at demand ng mask.

Sa ekonomiks, tinuturuan rin tayo na magpasya ng wasto, mas lalo na’t bibili ka sa
isang pamilihan. Itinuturo nito kung mas makakagastos o kung mas makakatipid ka ng pera sa bagay
na iyon. Kahit sabihin na bata palang ang mga mag-aaral, katulad namin na pag-aralan kung papaano
magtipid ng pera pero tinuturuan pa rin nito kung papaano tumayo sa sarili naming paa. Ito ang
unang hakbang upang maging independent kami at hindi lamang aasa sa magulang na bumili ng mga
pangangailangan naming mga anak. Ang ekonomiks rin ay ginagamit sa pang araw-araw tulad nalang
ng pagkokomyut mag-isa ay nagtitipid ka pa rin kaya minsan kung mataas ang singil ng iyong
sasakyan ay mas pipiliin mo nalang maglakad. Ipinakikita rin sa ekonomiks kung ano talaga ang iyong
gustong bilhin at kung ano talaga ang iyong kinakailangan. Halimbawa nito ay ang pagbili mo ng
isang stuffed toy sa halagang 200 sapagkat kailangan mo rin ng papel para sa iyong aralin kaya
naman ay kinakailangan talaga ang ekonomiks sa pagpili ng mga bagay tulad na lamang nito. Marami
rin sa mga teenagers tulad namain ay nagiging impulsive buyer na kung saan ay hindi muna
tinitignan ang presyo ay basta na lang bili ng bili at nagwawaldas ng pera dahil lang sa gusto nila.
Kung maaari namang magtipid at ipunin nalang ang perang iwinawaldas nila sa mga bagay na hindi
naman kailangan. Hindi na basta-basta nagdedesisyon at nag-iisip ng mabuti kaya naman
kinakailangan talaga pag-aralan ang ekonomiks.
Ito rin ay nakatutulong dahil sa ekonomiks ay tinuturo rin kung papaano ka
makakapagsimula sa negosyo. Sa pagkakalap ng impormasyon tulad ng antas ng produksiyon kung
papaano nagagawa ang mga ibinibenta. Naibabahagi rin kung ano ang trabaho na iyong gusto kung
ito ba ay pang propesyonal o while collar job o isang blue collar job. Sa mga impormasyon rin ay
makikita mo na naibabahagi rin ng ekonomiks ang mga uri ng manggagawa. Sa produksyon rin ay
ipinaliliwagnag nito kung paano ang produksyon na nangyayari sa isang business kaya naman ito rin
ay magandang hakbang sa pagsisimula ng negosyo.

Marami namang eksplenasyon kung ano ang ekonomiks Malalaman mo rin sa


ekonomiks kung papaano dumadaloy ang yaman sa ating bansa. Sa ekonomiks ay matitignan rin
kung ano ang perspektibo ng isang mamamayan para sa politika sapagkat tinitignan ng mga
mamamayan kung sino ang may plano o agenda at kung iaalay ba talaga nila ang lahat para sa mga
mamamayan. Kinakailangan naman kasi dito sa ekonomiks ang bukas ang iyong isipan para sa
politika, hindi basta-basta magtitiwala at nararapat na tama ang iyong pinagbabasehan sa isang tao
na tumatakbo sa politika. Dapat ay hindi kurap, mas lalo na’t siya ang magiging pinuno sa atin bansa
na nararapat na maayos ang daloy ng ating yaman. Marami sa ating mamamayan ay hinahayaan na
lamang kung sino ang kanilang pipiliin sa ating pinuno. Ang ekonomiya naman ang magpapalit sa
isipan ng isang tao na hindi bukas ang isipan sa mga kailangan sa isang pinuno. Kaya naman para
talaga sa akin ay kailangan natin pag-aralan ang ekonomiks para rin sa kaalaman sa ekonomiya.

You might also like