Summative Test Filipino 6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XI
DIVISION OF DAVAO ORIENTAL
LUPON EAST DISTRICT
MACANGAO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST NO. 4

GRADE 6 – FILIPINO

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang

Nakapagbibigay ng angkop na
pamagat sa binasa o napakinggang 50% 5 1-5
talata.
a. nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik at;
b. nakasusulat ng maikling kuwento: 50% 10 6-15
talatang nagpapaliwanag at
nagsasalaysay.
Kabuuan 100 15 1 – 15
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XI
DIVISION OF DAVAO ORIENTAL
LUPON EAST DISTRICT
MACANGAO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 6 Summative Test No. 1

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Kopyahin at Basahin ang talata at isulat sa iyong papel ang titik ng tamang
sagot sa iyong papel.

_____1. Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan, ipinangako niya sa
gobernador-heneral na hindi siya tatakas. Isang araw, hinikayat siya ni Pio
Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Rizal at sinabing nakapagbibitiw na
siya ng pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma’y di siya tatakas.
a. Si Rizal sa Dapitan b. Gobernador - Heneral c. Mga Espanyol
_____2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang
mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya
ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalung-lalo
na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan.
Kahit na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging
hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga
katipunerong maysakit at nagugutom.
a. Buhay ni Melchora Aquino b. Lihim na Pagtulong c. Reyna Elena
_____3. Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896, inialok ni Teresa Magbanua ang
Kanyang paglilingkod kay Heneral Perfecto Poblador. Tinanggihan siya ng
Heneral noong una pagkat ayon sa kanya, ang pakikihamok sa digmaan ay
para sa mga lalaki lamang. “Ang babae man maaaring maging
tagapagtanggol ng bayan,” matatag na wika ni Teresa. Napahinuhod ang
heneral na ibilang siya sa hukbong lumaban sa himagsikan.
a. Himagsikan
b. Teresa Magbanua, Tagapagtanggol ng Bayan
c. Heneral
_____4. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang
Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan
ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at
katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng
pagkasawi nito sa laban.
a. Lapulapu: Unang Bayani b. Bayani ng Pilipinas c. Digmaan sa Pilipinas
_____5. Sa mga nayon ng ating bansa, nakikita natin ang naglalakad na bahay.
Karaniwan yari sa pawid, kahoy at kugon ito. Pasan-pasan ng mga kalalakihan
at inililipat ang bahay sa ibang lugar. Bayanihan ang tawag sa ugaling ito ng
mga tao. Balewala sa mga kalalakihan ang hirap sa pagbubuhat. Sinasaliwan
ito ng biruan, tudyuhan at halakhakan.
Sa paglilipatan ng bahay ay naghihintay ang mga kababaihang naghahanda
ng meryenda. Buong saya nilang hinahainan ng inihandang pagkain ang mga
lalaki. Lahat ay nasisiyahan sa ginawang bayanihan.
a. Pagiging Masaya b. Bayanihan sa Nayon c. Paglilinis sa Nayon

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____6. Anong sanggunian ang maaaring gamitin upang malaman ang wastong
baybay at pagpapantig ng mga salita?
a. almanac b. atlas c. diksyunaryo d. ensayklopedya e. pahayagan
_____7. Anong sanggunian ang maaaring gamitin upang mahanap ang
pinakamalaking kontinente sa buong mundo?
a. almanac b. atlas c. diksyunaryo d. ensayklopedya e. pahayagan
_____8. Anong sanggunian ang maaaring gamitin upang makakuha ng balita tungkol
sa dami ng kaso ng COVID-19 sa araw na ito?
a. almanac b. atlas c. diksyunaryo d. ensayklopedya e. pahayagan
_____9. Anong sanggunian ang maaaring gamitin upang makakuha ng impormasyon
tungkol pinakamalakas na bagyo na nangyari noong taong 2013?
a. almanac b. atlas c. diksyunaryo d. ensayklopedya e. pahayagan
_____10. Anong sanggunian ang maaaring gamitin upang makakuha ng
impormasyon tungkol pinakamalaking imbensyon sa buong kasaysayan?
a. almanac b. atlas c. diksyunaryo d. ensayklopedya e. pahayagan
_____11. ______________ ay nagsasaad ng panahon at lugar ng maikling kuwento.
a. Tagpuan c. Kakalasan
b. Tauhan d. Wakas
_____12. Ang elementong ito ng maikling kuwento ay nagpakikita ng kinalalabasan
ng paglalaban.
a. Kasukdulan c. Saglit na Kasiglahan
b. Kakalasan d. Suliranin
_____13. Anong elemento ng maikling kuwento ang nagpakikita ng paglalabanan ng
pangunahing tauhan at kontrabida?
a. Saglit na Kasiglahan c.Tagpuan
b. Suliranin d. Tauhan
_____14. Anong bahagi ng maikling kuwento ang inihahanda ang mga mambabasa
sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan?
a. tauhan c. saglit na kasiglahan
b. suliranin d. kakalasan
_____15. Ang mataas na antas ng kapananabikan at nagsasalaysay kung mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin ang tauhan ay ang elementong
_____________.
a. Tauhan c. Kasukdulan
b. Kakalasan d. Tunggalian
SUMMATIVE TEST 4 ANSWER KEY:

I. II.
1. A 1.C
2. A 2.B
3. B 3.E
4. A 4.A
5. B 5.D
6.A
7.C
8.B
9.C
10.C

You might also like