Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

ALITUNTUNIN AT SALIGANG BATAS


Kami, mga guro at kawani ng mababa at mataas na Paaralang Pampubliko ng
Distrito ng Patnanungan ay naniniwala na ang pag-unlad ng isang samahan ay nasa diwa
ng pag-uunawaan, pagtutulungan at pagmamalasakit sa karapatan ng kapwa at ng bawat
kasapi ng samahan at ang tagumpay ay makakamit sa pagbibigay ng sarili, panahon at
katapatan sa tungkulin at pananagutan sapagkat naniniwala kami na ang layuning ito
ay nagpapasya at nagpapahayag sa katibayan ng Saligang Batas na ito.
Patnubayan nawa kami ng Dakilang Lumikha.

ARTIKULO I
PANGALAN
SEKSYON 1.

Ang samahang ito ay makikilala sa pangalang PATNANUNGAN DISTRICT


TEACHING AND NON-TEACHING ASSOCIATION na may daglat na PDTNA.

ARTIKULO II
PAHAYAG NG SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG SAMAHAN
SEKSYON 1. Pahayag ng Simulain
1. Naniniwala ang bawat kasapi na ang samahan ay ugat ng magandang
ugnayan at pagmamalasakitan.
2. Na lahat ng mga kasapi ay nananalig sa tulong at patnubay ng Dakilang
Lumikha.
3. Na ang susi ng tagumpay sa mga adhikain ng samahan ay makakamtan
sa pagkakaisa, pag-uunawaan at pagmamalasakitan ng mga kasapi ng
samahan.
SEKSYON 2. Layunin at Adhikain
1. Patatagin ang ugnayan ng pamunuan at ng mga kasapi ng samahan.
2. Makibahagi sa pagpapaunlad ng samahan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

ARTIKULO III
MGA KASAPING BUMUBUO NG SAMAHAN
SEKSYON 1. Awtomatikong miyembro ang sumusunod na kasaping rehistrado:
1.1 Mga permanenteng guro at kawani ng mababang paaralang
pampubliko ng Patnanungan District.
1.2 Mga permanenteng guro at kawani ng mataas na paaralang
pampubliko ng Patnanungan District.
1.3 Mga guro at kawani na di- permanente (Locally at MOOE funded) na
boluntaryong sumapi sa samahan.
ARTIKULO IV
TUNGKULIN AT BENEPISYO NG MGA KASAPI
SEKSYON 1. Ang sumakabilang buhay na aktibong kasapi, ang kanyang magulang,
asawa at anak ay pagkakalooban ng samahan ng kaukulang tulong pinansyal.
1.1 Sakaling sumakabilang buhay ang isang aktibong kasapi ng samahan,
ang kanyang tagapagmana ay makatatanggap ng kaukulang tulong
pinansyal. Ang halagang ipagkakaloob ng samahan ay magmumula sa
kontribusyon ng bawat kasapi sa halagang Dalawandaang Piso (P200.00)
bawat isa.
1.2 Kung ang sumakabilang buhay ay magulang, asawa o anak ng kasapi
ay makakatanggap siya ng kaukulang tulong pinansyal na Isandaang-Piso
(P100.00) bawat kasapi.
1.3 Kung nasa serbisyo pa ang mga kasapi na “locally funded”
makatatanggap din sila ng naturang benepisyo.
1.4 Maaaring magbigay ang bawat kasapi ng samahan ng kontribusyon
simula sa araw na sumakabilang buhay ang kasapi, magulang, asawa o
anak ng kasapi hanggang sa ika-40 na araw lamang ng paglisan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

SEKSYON 2. Ang bawat aktibong kasapi na mapapasailalim sa isang operasyon bunga


ng malalang sakit o aksidente ay makatatanggap ng kaukulang kontribusyon na
nagkakahalaga ng Isandaang-piso (P100.00) bawat kasapi. Nararapat na magsumite
ng kaukulang katibayan tulad ng medical certificate sa district nurse ang aktibong
kasapi o ang kanyang kinatawan upang matanggap ang naturang benepisyo.

SEKSYON 3. Ang bawat magreretirong kasapi ay maaaring magdaos ng “Retirement


Party” o mag “Silent Exit”.
3.1 Ang bawat magreretirong kasapi na magdaraos ng retirement party ay
paglalaanan ng samahan ng cash gift sa halagang (P250.00) at plake ng
pagkilala na magmumula sa kontribusyon ng lahat ng kasalukuyang kasapi.
3.2 Ang bawat magreretirong kasapi na ang pinili ay mag “Silent Exit” ay
makatatanggap ng cash gift sa halagang Isandaang-piso (P100.00) at plake
ng pagkilala.
ARTIKULO V
LUPONG TAGAPAGPAGANAP
SEKSYON 1.
Ang Lupong Tagapagpaganap ay bubuoin ng sampung (10) mga kasapi at
labing-tatlo (13) na mga kinatawan; isa (1) sa bawat grupo ng paaralan.
1.1 Ang mga sumusunod ang bumubuo ng Lupong Tagapagpaganap:
 Pangulo
 Pangalawang Pangulo
 Kalihim
 Ingat-Yaman
 Tagapagsuri (2)
 Tagapagbalita (2)
 Tagapamahala ng Proyekto (2)
 Kinatawan sa bawat grupo ng paaralan (13)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

1.2 Ang nasabing kinatawan sa bawat grupo ay manggagaling sa mga


sumusunod na paaralan:
 Amaga Elementary School
 Busdak Elementary School
 Guinaygayan Elementary School
 Katakian Elementary School
 Kilogan Elementary School
 Luod Integrated School
 Patnanungan Central School
 Patnanungan Norte Elementary School
 Sinintan Elementary School
 Tapol Elementary School
 Busdak National High School
 Patnanungan National High School
 Paaralang Sekundarya ng Patnanungan Norte
1.3 Ang pamunuan maliban sa mga kinatawan ay ihahalal ng mga kasapi.
1.4 Ang lahat ng Kinatawan ng bawat paaralan ay itatalaga ng bawat
punong-guro o school head in-charge ng paaralan.
SEKSYON 2. Panahon ng Panunungkulan
Ang mga kasapi ng Lupong Tagapagpaganap ay manunungkulan sa loob ng
dalawang (2) taon bilang pangkalahatang opisyal ng samahan. Maaaring magkaroon ng
re-eleksyon ang sinumang kasapi ng Lupong Tagapagpaganap sa kahit alinmang
posisyon, subalit sa hindi magkasunod na termino.
SEKSYON 3. Tungkulin ng Lupong Tagapagpaganap
 Ang Lupong Tagapagpaganap ay may karapatang tumawag ng
pangkalahatang pulong at emergency o special meeting.
 May karapatang bumuo at magtala ng patakaran ng samahan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

ARTIKULO VI
TUNGKULIN NG MGA OPISYAL NA BUMUBUO NG LUPONG TAGAPAGPAGANAP
SEKSYON 1. Tungkulin ng Pangulo
 Mamahala sa lahat ng pangkalahatang pulong, maliban na siya ay
magtalaga ng kahalig mula sa kasapi ng lupon.
 Tumawag ng dagliang pulong ng lupon na may dagliang pangangailangan.
 Magtalaga ng ibat-ibang kometi na sinang-ayunan ng mga kasapi.
 Mag-ulat ng kompletong nagawa ng samahan sa huling pangkalahatang
pulong pagkatapos ng panahon ng panunungkulan; at
 Awtomatikong kasapi ng Pambayang Kapulungan sa Paaralan (Local
School Board).
SEKSYON 2. Tungkulin ng Pangalawang Pangulo
 Pagganap sa tungkulin ng pangulo sa panahon ng pagliban sa
pagpupulong at iba pang gawain.
 Pagtayo bilang pangulo sa posisyong mababakante ng pangulong
nakatalaga; at
 Pagtulong sa gawain ng pangulo.
SEKSYON 3. Tungkulin ng Kalihim
 Magtala ng tama at kumpletong kopya ng lahat ng pulong ng samahan at
mag-ingat ng sipi nito;
 Paggawa ng lahat ng korespondensiya ng samahan; at
 Magbigay ng sipi ng mga ulat sa hahaliling kalihim pagkatapos ng kanyang
panunungkulan.
SEKSYON 4. Tungkulin ng Ingat-Yaman
 Pamamahala ng lahat ng pananalapi ng samahan sa napagkasunduang
paggagamitan ng pondo.
 Pangongolekta ng mga napagkasunduang koleksyon ng lahat ng kasapi;
at
 Paghahanda ng malinaw at malinis na ulat ng paglabas at pagpasok ng
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT
pananalapi para sa kabatiran ng lahat ng kasapi ng samahan.
SEKSYON 5. Tungkulin ng Tagasuri
 Suriin kung tama o hindi ang ulat at tala ng pananalapi ng samahan.
SEKSYON 6. Tungkulin ng Tagapagbalita
 Maghatid ng balita tungkol sa pagpupulong ng mga kinatawan ng grupo
ng paaralan.
SEKSYON 7. Tungkulin ng Tagapamahala ng Proyekto
 Pamahalaan at suriin ang mga posibilidad na magiging proyekto ng
samahan.
SEKSYON 8. Tungkulin ng mga Kinatawan
1.Magsilbing tagapag-ugnay sa mga kapwa guro sa gagawing pagpupulong ng
samahan.
2. Dumalo sa mga pagpupulong ng lupong tagapagpaganap.
ARTIKULO VII
LUPONG TAGAPAYO
SEKSYON 1.
Ito ay binubuo ng Tagamasid-Pampurok kasama ang bawat pinuno ng
paaralan ng Distrito ng Patnanungan.
SEKSYON 2:
Sila ang magsisilbing sanggunian at tagapayo pagdating sa usaping pang-
probisyon at mga susog sa mga alituntunin ng samahan.
ARTIKULO VIII
TUNGKULIN NG BAWAT MIYEMBRO
SEKSYON 1.
Makiisa at maging aktibong kasapi ng samahan.
SEKSYON 2.
Tumupad sa mga napagkasunduang alituntunin ng samahan.

SEKSYON 3:
Magbigay ng mga napagkasunduang mga bayarin kagaya ng taunang
membership fee, kontribusyon at lahat ng usaping pinansyal sa itinakdang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT
panahon.
SEKSYON 4:
Kung sakaling ang miyembro ay lilipat ng ibang distrito, katungkulan niyang
ipaalam sa pamunuan ng samahan upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
SEKSYON 5:
Irespeto, igalang at sundin ang napagkasunduang saligang batas ng
samahan.
ARTIKULO IX
PAGHAHALAL
SEKSYON 1. Panahon ng Paghahalal
Ang paghahalal ay gaganapin tuwing ikalawang taon sa unang
pangkalahatang pagpupulong ng taong pampaaralan.
SEKSYON 2. Pamamaraan ng Paghahalal
Ang paghahalal ay isasagawa pagkatapos mabuo ang nominasyon sa mga
posisyong lupong tagapagpaganap. Ang paraan ng paghahalal ay sa
pamamagitan ng pagsusulat ng pangalan ng ihahalal sa balota at paglalagay
nito sa nakalaang ballot box.
ARTIKULO X
PULONG, BAKANTE AT KAPALIT
SEKSYON 1. Takdang Pagpupulong
Ang pangkalahatang pulong ng samahan ay gaganapin tuwing pagkatapos ng
pangkalahatang pagpupulong ng mga guro sa pagbubukas ng taong
panuruan.
SEKSYON 2: Espesyal na Pagpupulong
 Tatawagin kung kinakailangan.
 Magtataya tuwing matapos ang bawat pasinaya.
SEKSYON 3. Korum
 Ang korum ay kalahati dagdag isa
 (1/2 + 1) ng kabuoang bilang ng mga kasapi.
SEKSYON 4. Bakante at Kapalit
 Sakaling magbitiw, magkaroon ng mabigat na kapansanan o mamatay ang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT
pangulo, siya ay papalitan ng pangalawang pangulo subalit maglilingkod
lamang sa natitirang panahon ng takdang panunungkulan.
 Kung ang sino man sa mga nahalal na opisyal ay nabakante ang posisyon,
may karapatan ang lupong tagapagpaganap na humirang ng kapalit.

ARTIKULO XI
PANANALAPI NG SAMAHAN
SEKSYON 1. Ang pananalapi o pondo ng samahan ay manggagaling sa membership fee
ng mga rehistradong miyembro ng samahan sa halagang dalawang daan piso (P200.00)
sa buong isang taon at limampung piso (P50.00) para sa pagrerenew bawat taon.
SEKSYON 2. Lahat ng mga kontribusyong nasasaad sa ARTIKULO XI ay pananalapi o
pondo rin ng samahan.
SEKSYON 3. Maaari ring panggalingan ng pondo ang mga donasyon at mga nasobrang
pondo sa mga okasyon.
ARTIKULO XII
MGA SUSOG, PAGBABAGO AT PAGPAPAIRAL
SEKSYON 1.
Ang mga susog, pagbabago at pagpapiral ng konstitusyong ito ay
maaaring ipanukala ng pangkat ng mga guro o ng lupong tagapagpaganap
sa petisyong botong ½ + 1 ng kabuuang bilang ng mga kasapi ng
samahan.

SEKSYON 2.
Ang Saligang Batas na ito ng samahan ng PATNANUNGAN DISTRICT
TEACHING AND NON-TEACHING ASSOCIATION (PDTNA) ay iiral kaagad
sa sandaling pagtibayin ito sa isang pangkalahatang pagpupulong sa boto
ng samahan na ½ + 1.

Binuo at pinagtibay ng Lupon ng Saligang Batas ng Samahan ng


PATNANUNGAN DISTRICT TEACHING AND NON-TEACHING
ASSOCIATION (PDTNA) ngayong ika 14 ng Mayo, 2021 sa Patnanungan
Central School Covered Court, Patnanungan, Quezon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

Lupong Tagapagpaganap

JOHN MICHEAL J. ROMANO


(Pangulo)

FLORDELIZA A. MALARASTA
(Pangalawang Pangulo)

KRISHNA GLAZE R. AFABLE CATHERINE A. ASISTIN


(Kalihim 1) (Kalihim 2)

SAIRA V. DEMIN
(Ingat-Yaman)

ARMELIE M. GURANGO JENEFER L. PEÑARANDA


(Tagasuri 1) (Tagasuri 2)

DENNIS MARK M. ZAFE DEXTER D. DEMIN


(Tagapamahala ng Proyekto 1) (Tagapamahala ng Proyekto 2)

MILAROSE N. MAGNO CINDY MAY A. MANLOGON


(Tagapagbalita 1) (Tagapagbalita 2)

MGA KINATAWAN

RONA JOY P. PEÑAMANTE


Amaga Elementary School

BEVELYN I. PEREZ
Busdak Elementary School

KIMKIM B. ELMA
Guinaygayan Elementary School

QUEEN CIE M. VILLAGANAS


Katakian Elementary School
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
PATNANUNGAN DISTRICT

MECAILA VALLERIE B. GONZALES


Kilogan Elementary School

JAY EM O. AGUILAR
Luod Integrated School

LORENA B. ENCONTRO
Patnanungan Central School

LAICA C. DY.
Patnanungan Norte Elementary School

BUENAJANE R. SOLLESTRE
Sinintan Elementary School

DANNA S. CRISOSTOMO
Tapol Elementary School

REYMAR P. TRILLES
Busdak National High School

KIMBERLY A. ORTIZ
Patnanungan National High School

JEFFREY D. SOLLEZA
Paaralang Sekundarya ng Patnanungan Norte

You might also like