Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Noli Me Tangere

(Buod ng Buong Kwento)


Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay
pinag-aral ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong
tumira sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang
salubungin ang binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre
Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may
impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit
wala itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang
itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.Si Maria Clara ang
magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni Kapitan
Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa
pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan
ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng
binata bago pa ito tumungo sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang
ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang
ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang
di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang
magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra. Ipinag-utos ni Padre
Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa libingan
ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay
kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa
halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli
na namang tinira ni Padre Damaso ang binata. Sa pagkakataong ito ay hindi
na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari kung hindi
lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging
ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at
inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra.
Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan
Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Subalit
may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit
walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa
tulong ni Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap
bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre
Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa
pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa. Gamit ang bangka ay
tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil nasundan
pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga
humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig. Sa pag-aakalang si
Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa
magkulay dugo ang tubig.
Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si
Ibarra. Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang
madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil
magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na
sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na
bangkay ni Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Winika
niyang mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang
liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag
ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.
Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng


Pilipinas. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonzo Realonda. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay
sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.Ang
kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de
Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya nang sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang
wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang
nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”ay naglalahad
ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaang Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay
umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahang tinawag na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang
pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura.
Noong Hulyo 6, 1892 , siya ay nakulong sa Fort Santiago
at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon
siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng
paaralan. Hinikayat din niya ang mga ito sa pagpapaunlad ng
kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba
upang magsilbi bilang siruhano ay inaresto siya. Noong
Nobyembre 3, 1896 ibinalik siya sa Pilipinas at sa pangalawang
pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng
kamatayan sa dahilang napagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang
“Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa
mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril at namatay si Dr. Jose
P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay tinatawag na Luneta).

You might also like