Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

K-4

ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Aralin 3
RELATIBONG LOKASYON NG PILIPINAS

MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang relatibong lokasyon ng
Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito at ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang
mapa at mga direksyon.

ARALIN

Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinenteng Asya, ang pinakamalawak na kontinente sa buong daigdig.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya ayon sa lokasyon ng mga bansang kasapi nito: Hilagang Asya, Kanlurang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya at Silangang Asya. Nabibilang sa Timog-Silangang Asya ang bansang
Pilipinas.

Lokasyon ng
Pilipinas sa
Asya

en.wikipedia.org

Gamit ang guhit latitud (pahalang na linya) at longhitud (patayong linya) sa mapa o sa globo, ang tiyak
na lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 116◦ 00’ hanggang 127◦ 00’ silangan ng prime meridian at 4◦ 23’
hanggang 21◦ 25’ hilaga ng ekwador.

pdfcoffee.com

Mga Epekto ng Lokasyon ng Pilipinas

1. Nasa Karagatang Pasipiko ang Pilipinas kaya naman mainam ang lokasyon nito para sa kalakalan at
ugnayang panlabas.
2. Nagbibigay naman ng magandang turismo at pasyalan sa bansa ang mga anyong tubig na nakapalibot
sa Pilipinas.
3. Nakakaapekto sa klima ng Pilipinas ang lokasyon nito sa Karagatang Pasipiko kung kaya’t madalas
itong daanan ng bagyo.
4. Ang lokasyon ng Pilipinas ay mainam kung kaya’t ito ay mayaman sa mga likas na yaman. Maraming
mga kapaki-pakinabang na yaman na makukuha mula sa mga anyong-lupa at anyong tubig sa Pilipinas.

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 1


K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas ay tumutukoy sa mga anyong lupa at anyong
tubig na nakapalibot dito.

May dalawang paraan ng pagtukoy ng relatibong lokasyon ng Pilipinas:

1. INSULAR – paglalarawan sa mga katubigang nakapalibot sa bansa.


Gamit ang insular na pagtukoy, ito ang mga katubigan na nakapalibot sa Pilipinas.

 Hilaga: Bashi Channel


 Timog: Dagat Celebes
 Kanluran: Dagat kanluran ng
Pilipinas (West Philippine
Sea); Dagat Timog Tsina
 Silangan: Karagatang
Pasipiko, Dagat ng Pilipinas
(Philippine Sea)

facebook.com tl.wikipedia.org

2. BISINAL – paglalarawan sa mga kalupaang nakapalibot sa bansa.


Gamit ang bisinal na pagtukoy, ito ang mga anyong lupa na nakapalibot sa Pilipinas.

 Hilaga: Taiwan
 Timog: Indonesia
 Kanluran: Vietnam
 Silangan: Guam

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 2


K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

MGA PINAKAMAHALAGANG TANONG

Matapos basahin ang araling ito ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan sa isa o dalawang
pangungusap.

1. Bakit mahalaga ang pagtukoy ng relatibong lokasyon ng isang bansa gaya ng Pilipinas?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Mapalad ba ang Pilipinas sa pagkakaroon nito ng estratehikong lokasyon? Anong kahalagahan nito sa
ating bansa?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PORMATIBONG PAGSUBOK

Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinenteng Asya.


________2. Nakakaapekto sa klima ng Pilipinas ang lokasyon nito.
________3. Gamit ang insular na pagtukoy, nalalaman ang mga anyong lupa na nakapalibot sa Pilipinas.
________4. Ang bansang Pilipinas ay nabibilang sa Timog-Silangang Asya.
________5. Gamit ang insular na pagtukoy nalalaman ang mga katubigan na nakapalibot sa Pilipinas
________6. Mainam ang lokasyon ng Pilipinas para sa kalakalan at mga ugnayang panlabas.
________7. Nasa Hilagang bahagi ng Pilipinas ang Bashi Channel.
________8. Makikita sa Silangang bahagi ng Pilipinas ang Vietnam.
________9. Ang Indonesia ay matatagpuan sa Hilaga ng Pilipinas.
________10. Ang bansang Taiwan ay nasa Timog ng Pilipinas.

KONTEKSWALISADONG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng isang payak na mapa tungkol sa lokasyon ng inyong bahay sa inyong komunidad.
Lagyan ng mga pangunahin at pangalawang direksyon ang mga lugar na malapit sa inyo.

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

 Bacallan, Aquiles C., 2018. Bayanihan Pambansa 4. Makati City: DIWA textbooks
 Tenorio, Rosario L., 2017. Bayanihan 4. Quezon City: The Inteligente Publishing, Inc.

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 3


K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Aralin 4
HANGGANAN NG TERITORYO NG PILIPINAS

MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang hangganan at lawak ng
teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.

ARALIN

May tiyak na hangganan ang lugar ng mga bansa sa daigdig. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo. Ang
teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at mga kalawakang itaas
na katapat nito. Ang hangganan ay ang opisyal na linya na naghihiwalay sa mga lugar o mga teritoryo.

Hanggang saan ba ang teritoryo ng Pilipinas? Gaano kalawak ang nasasakupan nito? Mahalaga na
matukoy ang hangganan at teritoryo ng Pilipinas dahil may malaking kinalaman ang teritoryo sa kabuhayan ng
mga mamamayan. Dagdag pa rito, mapangangalagaan ang seguridad gayundin ang karapatan nito sa mga
likas na yaman sa sariling teritoryo para sa proteksiyon at pagtatanggol.

tl.wikipedia.org themanilajourno.wordpress.com

Ang Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,641 na isla at teritoryo na
tinatayang mayroong higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Kalaunan ay naidagdag sa
teritoryo ng bansa ang Benham Rise na may kabuuang sukat na 130,000 km. Ngayon ang Pilipinas ay may
kabuuang sukat na 430,000 km. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nakasaad sa Artikulo I, seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 ang hangganan at lawak ng teritoryo ng
Pilipinas. Saklaw nito ang mahigit 7,641 malalaki at maliliit na pulo ng bansa.

MGA SAKOP NG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS

& Dagat Teritoryal – ito ang bahagi ng tubig na aabot sa 12 nautical miles o 22 kilometro mula sa
punong linya ng isang baybaying-dagat.
& Kalawakang Panghimpapawid – ito ang himpapawiring matatagpuan sa ibabaw ng kalupaan at
katubigang sakop ng Pilipinas.
& Kailaliman ng Dagat – ito ay tumutukoy sa mga mineral, halamang-dagat, korales , at iba pang likas na
yaman na makikita sa ilalim ng dagat at panloob na katubigan.
& Kailaliman ng Lupa – ito ang bahaging matatagpuan sa ilalim ng pulo ng Pilipinas.
& Kalapagang Insular – ito ay lugar submarina sa ibabaw ng dagat teritoryal, kabilang na ang ilalim nito.

Kabilang din ng pambansang teritoryo ang iba pang mga lupaing nasa labas ng bansa ngunit saklaw ng
ganap na kapangyarihan nito.

Trivia:
 Ang Pilipinas ay halos kasinlaki ng Gran Britanya (Great Britain), Espanya (Spain) at Italya (Italy).

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 4


K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Doktrinang pangkapulungan ng Pilipinas ang tumutukoy sa mga hangganan ng teritoryo ng bansa. Ito
ay unang isinulong ni Senador Arturo M. Tolentino noong 1956. Noong ika-10 ng Disyembre taong 1982,
ginanap sa Montego Bay, Jamaica ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Doktrinang Pangkapulungan ng Pilipinas na Napagkasunduan sa UNCLOS:


1. Ang isang bansa ay may kalayaang magpatupad ng batas, pangasiwaan ang anumang yamang-tubig
hanggang 12 nautical miles (22 kilometro) mula baybaying- dagat o mababang tubig
2. Maliban sa 12 nautical miles, may inilaan pang 12 nautical miles na kung tawagin ay contiguous zone.
3. Ang Exclusive economic Zone (EEZ) ay umaabot hanggang 200 nautical miles (370) kilometro.

Noong ika-10 ng Marso taong 2009, pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Batas
Republika Blg. 9552 (Philippine Archipelagic Baseline Law). Tuwirang idineklara ng batas Republika Blg. 9552
ang pagiging arkipelago ng Pilipinas at pakikiayon ng bansa sa paggamit ng mga archipelagic baseline.

MGA PINAKAMAHALAGANG TANONG

Matapos basahin ang araling ito ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan sa isa o dalawang
pangungusap.

1. Bakit mahalagang malaman ang lawak at hangganan ng teritoryo ng Pilipinas?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Anong kahalagahan ang pagtatakda at pagsasabatas ng mga hangganan at lawak ng teritoryong sakop
ng isang bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PORMATIBONG PAGSUBOK

A. Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang tinutukoy ng sumusunod ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

_______1. Ang pambansng teritoryo ng Pilipinas ay batay sa kasaysayan, sa saligang batas at iba pang mga
batas at pandaigdigang kasunduan.
_______2. Mayroong 7,641 na isla ang Pilipinas.
_______3. Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong grupo ng malalaking isla ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
_______4. Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito.
_______5. Nakasaad sa Artikulo III, seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 ang hangganan at lawak ng teritoryo
ng Pilipinas.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy ng mga sumusunod.


______________1. Dito nakapaloob at nakasaad ang teritoryo at hangganan ng Pilipinas.
______________2. Kabuuang lawak at sukat ng teritoryo ng Pilipinas.
______________3. Tumutukoy sa mga hangganan ng teritoryo ng bansa.
______________4. Senador na nagsulong ng Doktrinang Pangkapulungan.
______________5. Batas na opisyal na nagdeklara na ang Pilipinas ay isang bansang archipelago.

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 5


K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

KONTEKSWALISADONG GAWAIN

1. Bakit kailangan nating bantayan at ipagtanggol ang ating teritoryo?

2. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit mo sa ating teritoryo at mga


nasasaklaw nito?

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

 Bacallan, Aquiles C., 2018. Bayanihan Pambansa 4. Makati City: DIWA textbooks
 Tenorio, Rosario L., 2017. Bayanihan 4. Quezon City: The Inteligente Publishing, Inc.
 Teacher’s Corner, “Hangganan at Lawak ng Pilipinas” 14 August 2020, from
https://www.youtube.com/watch?v=EC56jWC18t4

K-12 ARALING PANLIPUNAN 4 6

You might also like