Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Timog Silangang Asya

Tulang Indonesia Sa Wikang Bahasa

Kasalukuyan kong tinatapos basahin sa Googlebooks ang librong The Indonesian


Language: Its history and role in modern society (2003). Isinulat ito ng
lingguwistang si James Sneddon; tinatalakay at isinalaysay rito ang ebolusyon ng
Bahasa Indonesia bilang wikang pambansa . Bagamat sinasabi ng mga eksperto na ito
rin ang wikang Malay na siya ring sinasalita sa karatig bansang Malaysia, sumailalim na
ang Bahasa Indonesia ng mga pagbabago pagdating sa ortograpiya at mga salita dulot
na rin ng paglalahok ng mga salita mula na ng iba’t ibang wika (Javanese, Sundanese,
Acehenese etc.). Pinagkasunduan lamang itong gamitin ng mga intelektwal at
manunulat noong dekada 1920 at 1930 sa gitna ng kilusang makabayan sa Indonesia
upang makalaya mula sa pamumuno ng mga Olandes (Dutch).

Kahanga-hanga ang mga detalyeng tinalakay ni Sneddon sa libro. Kabilang dito ang
paglahad sa naging pagbabago ng wikang Malay mula sa klasiko nitong anyo (High
Malay)patungong wika na sinasalita ng mga taong-mula sa iba pang pangkat etniko ng
Indonesia (Low Malay at Creole Malay). Tampok rin sa librong ito ang baliktaktakang
pangwika na naganap sa Indonesia lalo na yaong panahon ng pananakop ng mga
Olandes (noong ang bansa ay tinawag pang Netherlands East Indies) hanggang sa
makamit nito ang kasarinlan noong 1949.

Mahalagang kapulutan natin ng mga aral ang librong ito lalo na sa kabanatang 6 ,7 at 8.
Nakatuon sa mga nasabing yugto ang usapin sa modernisasyon ng wikang Bahasa
Indonesia. Kabilang dito ang pagkilala sa naging papel ng mga Indonesian na mula sa
sari’t saring pangkat etniko at antas sa lipunan upang mabuo at mapormalisa ang
wikang Bahasa Indonesian.-Kung iuugnay natin ito sa sitwasyong kinahaharap ng
Filipino, nabanggit na pala ni Virgilio Almario sa isang panayam noong Marso 2009
na malaki rin ang naging papel ng mga delegadong di Tagalog sa pagpapanukala at
pagsasakatuparan ng wikang pambansa.- Bukod pa rito ang usapin sa kung paano
tatanggapin ang mga salitang teknikal at Kanluranin habang tinataguyod ang mga
katutubong salita. Ganito rin ang naging suliranin ng mga dalubwika (linguists) natin
simula nang pormalisahin ang pagbuo ng isang wikang pambansa noong 1930s.
Yamang ang kaibhan lamang ay patuloy pa nating pinagdedebatehan ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng isang wika na nakabatay sa Tagalog (o sa anupamang wika ng
bansa) sa kabila ng ilang pagpupunyagi na itaguyod ang wikang pambansa.

May mga puntos na inihain si Snodden kaya madali umanong natanggap at lumaganap
ang Bahasa bilang wikang pambansa sa Indonesia. Aniya, matagumpay lamang na
maipapalaganap ang isang wikang pambansa kung ito ay tanggap na ng karamihan sa
mga mamamayan. Kaugnay rito ang pananaw na hindi papapabor sa isang pangkat
etniko ang pagtaguyod sa wikang pambansa habang kinaliligtaan naman ang iba pang
mga wika. Matatandaang ganito rin ang naging opinyon ng iba pang mga manunulat at
dalubahasa sa Pilipinas na may pagdududa pagdating sa pagpapalaganap ng Filipino
bilang wikang pambansa. Ani Snodden, naging bentahe ng Malay (na pinagbatayan sa
Bahasa) dahil hindi ito ang wika ng isang pangunahing pangkat etniko sa Indonesia.

Mahalagang isaalang-alang ang puntong ito lalo na’t karamihan sa mga Filipino ay
nagsasalita ng ibang wika na bukod sa Tagalog. Kailangan din isaalang alang ang
potensyal ng mga wikang ito na makaaambag sa Filipino. Napatunayan na ng ilang
proyekto gaya ng “Ambagan” ng U.P Sentro ng Wikang Filipino na kung saan
nagmumungkahi ang mga eksperto ng mga salita mula sa ibang mga wika natin na
maaaring isama sa Filipino. Kailangan lamang sigurong gamitin ang mga ito upang
mapaunlad pa ang ating wikang pambansa.

You might also like