Pozuzyown Sa PAP Ni Rhizzy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rhizzy Ann M.

Madelo
19/4/23
HUMSS 11-5
PAP

Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataang Pilipino

Isa sa mga isyung kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang maagang pag bubutis ng mga
kabataan. Sinasabi na ang kahihitnan ng ating bukas ay nakabase sa kilos at kasipagan ng kabataan,
ngunit papaano nalang kung ang sinasabing kabataan mismo ang maging posibleng dahilan ng
kahirapang kakaharapin ng ating bukas? Bilang isang mag-aaral na kabilang sa nasabing kabataan,
masasabi ko na ang isyung tulad nito ay karapat-dapat lang na gawan ng solusyon at aksyon. Ayon sa
isang artikulo mula sa ABS-CBN News, Ang isyu ng teenage pregnancy, sabi ng Commission on
Population (Popcom), isang krisis na kailangang bilisan ang solusyon lalo at 47 sa bawat 1,000
nanganganak ngayon ay menor de edad. Ang kabataan ay dapat nasa iskwela’t nag aaral at hindi
nananatili sa bahay upang mag alaga ng sariling anak.

Maraming hindi magagandang karanasaan ang maaring pag daanan ng mga batang ina. Maaari
silang makulong sa ilalim ng responsibilidad na ito, matigil ang pag aaral at higit sa lahat, mag karoon
ng limitasyon pag dating sa pag ka-karoon ng magagandang oportuidad na makakatulong sana para sa
ikagaganda ng kanilang kinabukasan. Isa sa mga dahilan ng pag laganap ng ganitong isyu ay dahil
may- roong pag kukulang sa kaalaman ang mga nasabing batang ito. Sapagkat, hindi pa sila gaanong
namumulat sa reyalidad na ito ay may kalakip na pag hihirap at malaking responsibilidad. Ayon sa
buntis.info, ang peer pressure, pag-inom ng alak o ano mang alcoholic drink, kakulangan sa kaalaman
tungkol sa pakikipag-talik, Internet at social media maging ang personal na problema ang ilan pa sa
mga dahilan na patuloy na pag dagdag ng kaso nito.

Bawat isyu ay may roong sulusyon, Ang pag buo ng maayos at epektibong relasyon ng
magulang at anak ay maaring makatulong upang mabawasan ang patuloy na pag dami ng kaso nito.
Bukod pa dito, mainam din na mag karoon ng mga programang makakapag pahatid sa kanila ng sapat
na kaalaman ukol sa pag tatalik at posibleng kahihitnan nito o “Sex Education”, na maaring
matutunan sa pamamagitan ng media o di kaya sa paaralan. Ayon kay Gatchalian, maaaring maiwasan
ang pagdami ng mga batang tumitigil sa pag-aaral dahil sa maagang pagbubuntis kung nabibigyan
sana ang mga kabataan ng mabisang kaalaman sa ilalim ng CSE o Comprehensive Sexuality
Education. Bilang kabataan, maiigi rin na ating piliin ng mabuti ang mga taong ating pakikisamahan.
Siguraduhin na mabuting impluwensya ang kanilang maidudulot sa atin at hindi masama.

Libro at kwaderno ang iyong hawakan at hindi lampin ng bata. Huwag sayangin ang
oportunidad binigay satin upang mag aral, matuto at maging propesyonal sa hinaharap. Walang tao
ang hindi nag hahangad ng magandang kinabukasan para sa sarili maging para na rin sa pamilya.
Ngunit ang pag hahangad at pangangarap ay hindi sapat, kinakailangan nating kumilos, mag sipag,
mag sumikap at kontrolin ang ating sarili. Bawat kabataan ay may karapataang mag saya ngunit, ang
kasiyahang ito ay kinakailangang kontrolin at limitahan upang maiwasan ang tuloy-tuloy na pag
hihirap bilang pan bawi nito. Ating isaalang-alang ang posibeng magiging resulta ng ating mga kilos
at aksyon dahil bilang kabataan, ang takbo ng kinabukasan ay naka depende sa atin.

You might also like