Professional Documents
Culture Documents
Modyul #6
Modyul #6
Mga Layunin
Maipaliwanag ang konsepto ng mga karapatan at resposibilidad
Mga Salitang
Pagpapaliwanag sa Pangdaigdigang mga Karapatang Pantao Hindi
Naunawaan
1. Kapag isinilang ang mga bata, nagiging Malaya na sila, Dapat na pantay-
pantay ang maging pagtingin sa kanila. May dahilan ang pagiging Malaya nila
at alam nila king ano ang tama o mali. Dapat silang magpakitang mahusay
silang makisalamuha.
2. Ang lahat ay may karapatan sa kabila ng:
Pagkakaiba-iba ng kasarain
Pagkakaiba-iba ng kulay ng balat
Pagsasalita ng ibang wika
Pag-iisp ng iba’t ibang bagay
Paniniwala sa ibang relihiyon
Pagmamay-ari nang higit pa o kaunti laman
Ipinanganak sa ibang pangkat panlipunan
Nagmula sa ibang bansa
Walang ipinagkaiba kung ang bansang iyong tinitirhan ay malayo o hindi
3. May karapatan kang mabuhay, at mamuhay nang Malaya at ligtas.
4. Walang sinuman ang may karapatan tratuhin ka bilang alipin at huwag mo
ring gawing alipin ang sinuman
5. Walang karapatan ang sinuman na ikaw ay pahirapan
6. Nararapat na magkaroon ka ng legal na proteksiyon kahit saan, sa
magkatulad na paraan na tulad din ng iba.
7. Ang batas ay para sa lahat dapat ipatupad nang walang pagkakaiba-iba.
8. Maaring humingi ng legal na tulong kung ang mga karapatang
ipanagkaloob ng iyong bansa ay hindi iginagalang.
9. Walang karapatan ang sinuman na ikaw ay ipakulong, panatilihin sa
kulungan o paalisin sa iyong bansa nang walang sapat na dahilan.
10. Kung ikaw ay lilitisin, dapat itong isapubliko. Ang mga taong hahatol sa
iyo ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng iba.
11. Dapat kang ituring na inosente hagga’t hindi napapatunayan na ikaw ay
nagkasala. Kung naakusahan ka sa isang krimen, dapat na may karapatan
kang ipag tanggol ang iyong sarili. Walang sinuman ang may karapatang
kondenahin at parusahan ka para sa isang kasalanan hindi mo ginawa
12. Mayroon kang karapatan humingi ng proteksiyon kung may
nagtatangkang sirain ang iyong pangalan, pasukin ang iyong tahanan,buksan
ang iyong mga liham o guluhin ka o ang iyong pamilya nang walang dahilan.
13. Mayroon kang karapatang pumunta sa mga lugar sa iyong bansa nang
ayon sa iyong kagustuhan. May karapatan ka ring pumunta sa ibang bansa at
maaaring makabalik sa sariling bansa.
14. Kung may masamang mangyari sa iyo sa sariling bansa, may karapatan
kang pumunta sa ibang bansa at hilinging ikaw ay protektahan nila.
Mawawalan ng bisa ang karapatang ito kung ikaw ay nakapatay ng tao at
may paglabag sa batas na nakasaad kaugnay nito.
15. May karapatan kang maging mamamayan sa isang bansa at walang
sinuman ang maaaring humadlang nang walang sapat na dahilan sa
kagustuhan mong ito.
16. Sa sandaling ang tao ay magkaroon ng karapatang legal, may karapatan
siyang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. Sa pangyayaring
ito,hindi hadlang kung anuman ang kulay ng iyong balat, ang bansang iyong
pinagmulan o maging ang iyong relihiyon. May pantay na karapatan sa pag-
aaasawa at paghihiwalay ang kalalakihan at kababaihan. Walang sinuman
ang maaaring pumilit sa isang tao na magpakasal.
17. Nararapat na ikaw at ang mga miyembro ng iyong pamilya ay
protektahan ng pamahalaan ng sariling bansa.
18. May karapatan kang magmay-ari ng mga bagay at walang sinuman may
karapatan kunin ang mga ito mula sa iyo nang walang sapat na dahilan.
19. May karapatan kang ipahayag nang Malaya ang iyong relihiyon, baguhin
at pahalagahan ang pagsasagawa nito sa iyong sarili o kasama ng ibang tao.
20. Karapatan mong isipin at sabhin ano man ang gusto mo at walang
sinuman ang maaaring pumigil sa iyo upang gawin ito. Malaya kang
makapagbabahagi ng mga ideya sa ibang tao mula sa alinmang bansa.
21 Mayroon kang karapatan mag-organisa at makilahok sa mga pulong sa
mapayapang paraan. Maling pilitin ang isang tao na mapabilang sa isang
pangkat may karapatan kang makibahagi sa mga usaping pampolitaka ng
sariling bansa maging isa sa kanila o maaaring piliin ang mga politiko na may
katulad ng iyong mga ideya. Nararapat na ang mga namumuno sa
pamahalaan ay inihalal sa regular na eleksiyon na ibinoto ng mga tao sa
papamagitan ng balota. Dapat makuha ng isang boto at lahat lahat ng boto
ay tiyak na mabibilang. May karapatan ka ring maglingkod sa pamahalaan
tulad ng sinuman.
22. Ang lipunan kinabibilangan mo ay dapat na makatulong sa iyo upang
mapaunlad ang magagandang (kultura, trabaho,kapakanan sa lipunan)
inaalok sa iiyo at sa lahat nga kalalakihan at kababaihan sa iyong bansa.
23. May karapatan kang magtrabaho, at magkapili ng trabaho, magkaroon
nang sapat na sahod na magbibigay-daan upang masuportahan ang iyong
pamilya. Kung ang isang lalaki at babae ay magkatulad lamang ng trabaho,
dapat na magkapareho lamang ang kanilang sahod. Lahat ng taong
nagtatrabaho ay may karapatang magsama-sama upang maprotektahan ang
kanilang mga interes.
24. Ang mga oras sa bawat araw ng trabaho ay hindi dapat lagpas sa
itinakdang oras, dahil ang bawat isa ay may karapatang mag pahinga at dapat
na makatanggap din ng suweldo kapag pumasok sa mga araw ng pista
opisyal.
25. May karapatang kang makuha ang anumang pangangailangan upang ikaw
at ang iyong pamilya ay, hindi magutom o magkasakit; magkaroon ng
kasuotan at tirahan; makatanggap ng tulong kung ikaw ay nawalan ng
trabaho, kung ikaw ay may sakit, kung ikaw ay matanda na kung ang iyong
asawa ay namatay na o kung hindi ka makapagtrabaho dulot ng iba’t ibang
kadahilanan kaya’t hindi kamakatulong. Ang bawat ina at kanilang mga anak
ay may karapatan sa wastong pangangalaga. Lahat ng bata ay may
karapantang maprotektahan,kasal man o hindi ang kanilang ina noong sila ay
isilang.
26. Lahat ay may karapatang pumasok sa paaralan at makapag-aral. Dapat na
walang bayad ang pag-aaral sa elementarya. Karapatan mong mag-aral ng
anumang propesyon at ipagpatuloy ang iyong pag-aaaral haggang nais mo.
Sa paaralan, dapat mong mapaulad ang lahat ng iyong mga talent at
matutong makisalamuha sa iba, anumang lahi sila, relihiyon o bansa na
kanilang pinagmulan.Karapatan ng iyong mga magulang na magpasya kung
paano at ano ang mga dapat mong matutunan sa paalaran.
27. May karapatan kang magbahagi sa iyong pamayanan ng may kaugnayan
sa larangan ng sining at agham gayundin ang anumang kabutihang
naidudulot nito. Ang iyong trabaho bilang isang alagad ng sining,manunulat o
isang dalubhasa ay dapat na maprotektahan, at makakuha ng benepisyo
mula rito.
28 Upang igalang ang iyong mga karapatan, dapat na may kaayusan ang mga
ito nang maprotektahan. Dapat na ang kaayusan ito ay Pambansa at
pandaigdigan.
29. Mayroon kang mga tungkulin sa pamayanang iyong kinabibilangan na
maaaring makatulong upang ganap mong mapaunlad ang iyong pagkatao.
Dapat tiyakin ng batas na mapangalagaan ang ma karapatanang pantao.
Dapat nitong bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na igalang ang bawat
isa at igalang din ang lahat.
30. Saan man sa mundo, Walang lipunan o sinumang tao ang may kakayahan
alisan o sirain ang mag karapatan na bago mo palamang nalaman.
Mga Layunin:
Maibabahagi ang pansariling mga karapatan at responsibilidad
Ilapat Natin!
Karapatan Responsibilidad
Halimbawa: ikaw at ang bawat kasapi ng Dapat mong sundin ang batas ng iyong
iyong pamilya ay nararapat na protektahan bansa.
ng pamahalaan.
Maka kuha ng libreng abogado Mag bayad ng buwis
Pumili ng mamumuno at bumoto Mag pa rihistro upang maging
botante
Ng malayang pag sasalita ng sa loobin Sundin ang mga batas trapiko
Mga Layunin:
Matukoy at maunawaan ang mga legal na responsibilidad ng mga taga-empleyo
Magkaroon ng kasunduan sa manggagawa na sumasang-ayon sa mga kondisyon, oras
E
at lugar ng trabaho.
E Makipag-ugnayan sa manggagawa sa mga napagkasunduang tuntunin.
Personal na gampanan ang trabaho ayon sa napagkasunduang oras, lugar at mga
M
kondisyon.
Pangasiwaan at magkaroon nang maayos na kalagayan sa trabaho ang mga
E
manggagawa para sakanilang seguridad, kalusugan at dignidad.
E Sundin ang mga tuntunin sa pagpapasahod.
M Sundin ang mga tagubilin ng taga-empleyo.
E Mapangalagaan ang mga pamantayan, manggagawa at kapaligiran.
E Iparihistro at bayran ang social security system ng mga manggagawa.
Mapangalagaan ang kabutihan ng manggagawa at mga kuwalipikadong dependent
E
(halimbawa: asawa, mga anak).
Maiwasan ang anumang usapin o problema sa trabaho na maaaring ikapahamak ng
M
manggagawa o kaniyang mga kasamahan.
M Sumang-ayon sa kontrata ng pagganap sa trabaho.
M Sundin ang mga patakaran sa trabaho.
Mga Layunin:
Maibahagi ang ilang aktuwal na sitwasyon sa buhay kaugnay ng kodigo ng Paggawa sa
Pilipinas
Pag-isipan
Pag-isipan Natin!
Mga Paksa Nais Pang Matutuhan
1. Ano ang minimum na pasahod ang dapat
kong matanggap?
2. May karapatan ba ako sa SSS, GSIS,
PhilHealth at Pag-IBIG?
3.May karapatan ba ako sa overtime pay,
holiday pay at 13th month pay?
4. Mga karapatan ng kababaihan sa trabaho?
5. Mga karapatan ng Person With Disability
(PWD) sa trabaho
6. Mga dahilang para matanggal sa trabaho
ang manggagawa
7. Sick leave at vacation leave
8. Maternity at paternity leave
9. Ano ang pagkakaiba ng on-the-job training
(OJT) o nagsasanay sa trabaho, baguhan,
probisyonal, at regular na manggagawa?
10. Saan ako maaaring sumangguni kung
mayroon akong mga reklamo I hinaing
tungkol sa trabaho?
Ang aking karanasan, 1 2 3 4
Mga Kaalaman, mga kasanayan at mga Wala Kaunti Mayroon Napakarami
kakayahan akong lamang akong kong
karanaan ang aking karanasa karanasan
sa karanasan n sa sa paggawa
paggawa sa paggawa nito
nito paggawa nito
nito
Pagtukoy sa pandaigdigan karapatang
pantao