KALAYAAN

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

KALAYAAN

Diskriminasiyon Tungkol sa mga Kababaihan


-may mga babaeng kinakawawa ng mayayaman/nakatataas. Pag hindi sang-
ayon sa kanila ay papatayin. Iniisip ng mga mayayaman na mabababang uri lang
ang mga ito at puro pa sila mga babae na hindi kayang umahon sa kahirapan ng
buhay.

SCENES:
1.Nagku-kwentuhan and biglang ininsulto
2.Pinatawag at Kinulong
3.Tulungan
3.Plano
5.Tanggal sa pusisyon

Mga Mayayaman
-Tadeo
-Santos
-Rodriguez
-Rodique
Mga Inaalipusta
-Salas
-Vargas
-Tobias
-Treyes
-Sucapco
-Silador

NARRATOR
~ May isang bayang puro mga kababaihan ang naninirahan, ngunit ang kanilang
pamumuhay ‘roon ay napaka-hirap. Sila ay walang-awang inaalipusta,
kinakawawa at pinagbabantaan ng nakatataas sa kanilang bayan. Mahigpit ang
mga mayayaman sa kanila at wala silang kalayaan.

SCRIPT
Tobias: Mga kumare, ano ang inyong pagkain mamayang hapon?
Sucapco: Wala nga kaming makain eh, napakahirap, wala ‘rin akong trabaho
Silador: Hay nako tinanong mo pa, wala pa akong makain dahil pinagbabawalan
ako pagtrabahuhin ni punong. Tadeo
Tobias: Grabe hindi na sila naawa sa’tin kailan pa tayo makakakain kung hindi
nila tayo papayagan magtrabaho. (lungkot na may galit yung expression)
*dumating si Rodriguez at biglang tinawanan sila Sucapco, Tobias, Silador dahil
sa mga itsura nito.
Rodriguez: mga kawawa naman kayo, hulaan ko kakainin ninyo mamayang
hapon, siguro lupa (*/tumawa) . Bakit kasi hindi kayo gumaya sa’kin. Babae
naman ako pero mayaman ako, eh bakit kayo hindi niyo kayang i-ahon mga sarili
niyo? (*/tumawa ulit). Hay nako ayoko na nga dito nakakadiri dumikit sa inyo.
Tobias: Ang babaeng yun talaga akala mo kung sino.
Silador/Sucapco: pabayaan mo na siya mamaya isumbong niya pa tayo sa
nakatataas na si Santos at Tadeo eh.
(*/eexit para sa next scene)

NARRATOR
~ kinabukasan ay sinumbong ni Rodriguez sila Tobias, Sucapco at Silador sa
salang paninira kaya naman ay ipinatawag sila ni Tadeo.

SCRIPT
Tadeo: (*/galit) Rodique halika dito at may iuutos ako sayo
Rodique: Ano yon?
Tadeo: Papuntahin mo dito ang tatlong babaeng nanira at masama ang tingin sa
akin.
(*/yumuko lang si rodique tapos pinuntahan niya na sila sucapco,silador,tobias).

(*/dumating na sila at kinausap si Tadeo)


Tobias,Sucapco,Silador: (*/natatakot) bakit po pinatawag niyo kami?
Tadeo: Ang kakapal ng mukha ninyo para tanungin pa ako. Hindi ba dapat alam
niyo na ang dahilan?.
Tobias,Sucapco,Silador: (*/nalilito at natatakot)
Tadeo: Oh ano, bakit tahimik kayo. Ngayon kayo magmatapang na siraan ako.
Tobias: Wala po kaming ginagawang masama
Sucapco: Totoo po ang sinasabi niya
Silador: (*/umaagree)
Rodriguez: Hay nako mga sinungaling, Sa kahirapan niyo sa buhay nagawa niyo
pang magsinungaling. Pambihira kayo.
(*/sinulsulan si tadeo at pinapatunayang nagsisinungaling sila sa pagiging
inosente)
Tadeo: (*/tinawag si rodique) dalhin mo sila sa kulungan.
Rodique: (*/Tumungo)
(*/sumunod nalang sila tobias,sucapco,silador dahil baka madagdagan ang
parusa sa kanila at dahil wala silang laban dito).

NARRATOR
~ Sa kabila ng lahat ng pagdedepensa nila sa sarili ay hindi sila pinaniwalaan.
Ngunit may Tatlong mahihirap na babae ang nagtulungan para makahingi ng
tulong para sa mga inosenteng kinulong. Papakawalan nila ang kanilang bayan
mula sa higpit ng mga masasamang mayaman.

SCRIPT
Vargas: Magtulungan tayo para malabanan natin ang kasamaan ng mga yon.
Salas: Hindi na sila naawa sa mga kabayan natin, ganun-ganun nalang ang
kanilang ginawa sa kanila
Treyes: Alam ko na, gumawa tayo ng paraan para malabas ang totoo nilang ugali
sa nakararami

NARRATOR
~ nagplano sila ng kanilang gagawin at ito ay ang isumbong sila sa mas
mayamang mabait na si Santos para matigil na ang kalupitan nito at
papatunayan nila sa pamamagitan ng pasikretong pagsilip nila sa ginagawa nito.
At ang ginagawa ay ang pambubugbog hanggang mamatay sa mga inosenteng
ka-bayan nila.

SCRIPT
Salas: Ginang Santos, may gusto po kaming gawin niyo para matapos na ang
kalupitan nila sa bayang ito.
Treyes: Gusto po sana naming tignan niyo ng sikreto ang ginagawa ng
namamahala dito sa bayan.
Santos: Ako ang bahala, basta makita ko ang pruweba, ay talagang karapa’t-
dapat na bigyan ng hustisya ang mga inosenteng mga babae na nainsulto at
kinawawa.
Vargas,Salas,Treyes: Maraming salamat po

NARRATOR
~ Kinabukasan ay tinuloy nila ang plano at nang nahuli nila ang ginagawa ng
masasama ay kinausap niya ito at pinatanggal sa pwesto bilang namamahala sa
bayan. At ang iba naman ay makukulong dahil sa kanilang salang nagawa.

SCRIPT
(*/binubugbog nila Rodriguez, Rodique sila Tobias,Sucapco,Silador. Mahina
lang, bawi nalang sa expression ng muka at ang pagbugbog ay hampas ng tela
kahit ano, para magmukang nilalatigo ganon, hahaha)
(*/si Tadeo ay nakaupo lang at nanunuod sa kanila at tuwang-tuwa sa
nangyayari)

Sucapco,Silador,Tobias: (*/sumisigaw ng tulong at nagmamakaawa dahil


nasasaktan)
(*/dumating si Santos kasama sila Treyes, Salas, Vargas)
(*/tumingin sila Rodique at Rodriguez at tumigil sa ginagawa dahil alam nila na
mas mataas si pa si Santos kaysa kay Tadeo sa pusisyon).
(*/habang si Salas,Treyes,Vargas naman ay inaalalayan sila
Sucapco,Silador,Tobias).
Santos: Tumigil kayo, ikaw Tadeo mag-usap tayo.
Tadeo: Tungkol saan?
Santos: Ikaw ay tatanggalin ko sa pwesto mong hindi naman bumabagay sayo.
Tadeo: Bakit?, Teka lang naman(*/nagmaka-awa) hindi ko na uulitin to, pls
bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para bumawi sa kasalanan ko.
Santos: Kitang-kita ko ang lahat, Tumigil ka na sa kahibangan mo. Tapos na ang
pagiging mamamahala mo sa bayang ito. (*/umalis at iniwan si tadeo)

NARRATOR
~ Simula noon ay naging malaya na ang bayan nila at wala na nang-aalipusta sa
bayan nila, masaya na ang kanilang pamumuhay at si Santos na ang namahala
para sa kanilang proteksyon mula sa pang-iinsulto at pananakit.
ARAL
– hindi dapat tayo nang-iinsulto sa mga tao lalo na sa kababaihan, kaya rin
nila ang lakas ng pagtatanggol sa isa’t-isa. Lahat tayo ay pantay-pantay
kaya dapat walang diskriminasiyon sa kahit anong kasarian.

You might also like