Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

October 17, 2023


I. LAYUNIN
A. MELC: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig (AP8HSK-Ij-10)

B. Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

II. NILALAMAN
A. Paksa: UNANG MARKAHAN - Heograpiya at Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang Sinaunang Kabihasnan ng Mesoamerika.

B. Sanggunian: Modyul ng mag-aaral/LAS


Grade 8 - Araling Panlipunan - Agusan del Sur National High School
(asnhs.net)

C. Kagamitan: Mga larawan, TV/computer, powerpoint presentation

D. Pagpapahalagang Moral: pagmamahal

E. Integrasyon: Math (Geometry, Decimals, Value of Pi), Language

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsek ng attendance
3. Pagbibigay ng mga paalala tungkol sa safety protocols
4. Balik- Aral:
Thumbs-up p Thumbs Down
1. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang Ming.
2. Ang unang imperyong itinatag sa daigdig ay ang Sumerian.
3. Ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
4. Ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal,
sawikain at mga salaysay ng mga Hindu ay Bibliya.
5. Ang pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim
ng langit at lupa ay ang paraon.
5. Pagganyak/Pagkanta/Ice Breaker Game

Guess The Country By Its Famous Places

B. Panlinang na Gawain

1. Activity:
Pangkatin ang mga bata sa lima (5) at iapagawa ang mga sumusunod:
Integration: Math (Geometry, Decimals, Value of Pi), Language

Group 1. Solve: 17.25 + 52.50 – 4.3 = ______

Group 2: Isulat ang Mahal Kita gamit ang


babayin.

Group 3. Solve the Circumference of an


umbrella

Group 4: Solve the area of the square

Group 5: Ibigay ang petsa ng Araw ng Kalayaan (Buwan, araw, taon)

2. Analysis
1. Ano ang natutunan sa gawain?
2. Nahirapan ba kayo sa paggawa? Bakit?
3. Ano ang kaugnayan ng mga ginawa ninyo sa ating aralin ngayong araw?
3. Abstraction
Mga Ambag ng mga sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

https://www.youtube.com/watch?v=ibka9Kd-DYY

4. Application
Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?
Paano natin pahalagahan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kanikanilang
mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at
talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto.

Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika, relihiyon,


ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may
kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon.

2. Pagpapahalaga: Pagpapanatili at pagtangkilik ng kulturang Pilipino

IV. PAGTATAYA
I. Panuto: Tukuyin kung anong sinaunang kabihasnan (Mesopotamia, Indus, Tsino, Egypt)
ang may ambag ng mga sumusunod:
_______________1. Sexagecimal system
_______________2. Abacus
_______________3. Kalendaryong may 365 na araw
_______________4. Halaga ng pi
_______________5. Sewerage system
_______________6. Code of Hammurabi
_______________7. Payong
_______________8. Paggamot at pagbubunot ng ngipin
_______________9. Epic of Gilgamesh
_______________10. Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto

V. KASUNDUAN
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga mo sa mga pamana/
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
Antas ng Masteri
Section 8 – Prudence 8 – Prosperity 8 – Loyalty 8 - Fidelity

1. Bilang ng pumasa
2. Bilang ng di- pumasa
3. Bahagdan
Desisyong Instraksiyunal
1. Tumuloy sa panibagong aralin (100%)
2. Tumuloy sa panibagong aralin (75-100%)
3. Muling ituturo (Mababa sa 75%)

Prepared by:
SHIELA G. GANIA
Teacher I
Checked by:
LEA C. SORTIGOSA
Head Teacher II
NOTED:
ANNABEL T. LLASO, PhD
School Principal II

You might also like