Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

"Ang Guryon"

ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at papel de Hapon;

magandang laruang pula, puti, asul,

na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

ang solo't paulo'y sukating magaling

nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas

at sa papawiri'y baya ang lumipad;

datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,

at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;

makipaglaban ka, subali't tandaan

na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya'y mapatid;


kung saka-sakaling di na mapabalik,

maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti't dumagit, s aanman sumuot...

O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,

bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob.

Ano ang gustong ipahiwatig ng tulang ang guryon?

Ipinapahiwatig ng tula sa buhay ng tao dahil ang guryon ay marupok, hindigaanong matibay ngunit
kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito athahangaan. Katulad din ng sa buhay ng tao, may
mga pagsubok na hindi natininaasahan. Dapat na maging matatag at may tiwala tayo sa ating sarili
upang makamitnatin ang ating mga pangarap at huwag nating kakalimutang ang ating panginoon.

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong 23
Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Kapanganakan

23 Enero 1897

Malabon, Kalakhang Maynila

Kamatayan

28 Enero 1984 (edad 87)

Malabon, Philippines

Nagtapos

National Teachers College

Trabaho
Makata

Manunula

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang
makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa
niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon
na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika,
siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio
Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano.
Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa
mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at
karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong
Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat
tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.

Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura
noong taong 2000.

You might also like