Banghay Aralin Sa Pagtuturo Sa Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO 8

Taong panuruan 2021-2022


Ikatlong Markahan
Petsa: March 18, 2022
Seksiyon: Bonifacio
Oras: 11:00am-12:00nn

I- LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang
Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap
 Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


 F8WG-IIIa-c-30: Nagagamit sa iba’t ibang sitwasiyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

D. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Nakapagbabasa ng seleksiyon na naglalaman ng iba’t ibang impormal na salita;

b. Nakapagsusuri kung anong uri ng impormal na salita ang inilahad sa gawain;at


(Objective 2)- Mga bagong impormal na salita na sa pagsisiyasat ito ay tinatanggap na bilang
gamit sa pakikipagtalastasan.

c. Nakapagsusulat ng iba’t ibang sitwasyon sa mga salitang ginagamit sa imporal na komunikasyon.

II- NILALAMAN
Paksa: Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

III- MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa kagamitang Pang-mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk – 280-289
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng learning resource
B. Iba pang kagamitang panturo – Manlapaz, C. & Miranda, L. (2015).
Gantimpala: Pinagsanib na Wika sa Panitikan.

Kagamitan: Power Point presentation, mga larawan, manila paper

Pagpapahalaga: *Naipaparamdam ang kahalagahan ng aktibong kooperasiyon ng bawat isa sa mga gawain.

IV- PAMAMARAAN
A. Mga panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa mga mag-aaral
3. Pagkuha ng bilang ng mga mag-aaral
4. Pag-sasaayos ng loob ng silid-aralan at alituntunin
5. Pagbabalik –aral sa nakaraang aralin

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Pagganyak

Gawain 1- Babasahin ang seleksyon na naglalaman ng iba’t ibang impormal na salita.

Besh, ito ang front page ko for all your bashers: Kebs! Sure ako hindi ka mukhang
Purita Kalaw. Wiz ko naman getchingers kung bakit china-chaks ka nila pati ‘yung
loving na sutabembang mo eh simbait m naman si Sr. Faustina. ‘Lam mo, tigilan na
ang krayola. Umendeavor nalang tayo ng fudams sa mall para maiba ang hanash.
Yung mga bagets naman na chumurva sa ‘yo, isipin mo na lang baka Tomy Lee Jones
lang sila that moment. At the end of the day, umiwas sa kung anech-anech na
kanegahan. Nakakalerki ‘yan. Tandaan mo, they hate you kasi havey mo ang
incomparable na Brilliante Mendoza. Um, pak ganern!
 Pagkatapos basahin, tatanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang naobserbahan mo sa selseksyong binasa?
2. Madali mo bang maunawaan ang mensahe nito? OO o Hindi? Bakit?
3. Sa iyong palagay, tama ba na gumamit ng ganitong wika sa pakikipagtalastasan? Ipaliwanang ang iyong
sagot.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


 Bibigyan ng sariling kahulugan ng mga mag-aaral kung ano ang mensahe ng tekstong binasa
 Tatawag ng piling mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot
 Pagpoproseso ng kanilang mga sagot

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


 Pagtalakay sa mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
 Di-Pormal o Impormal
a. Balbal
b. Kolokyal
c. Banyaga

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


o Pagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng impormal na salita
 Di-Pormal o Impormal
d. Balbal
e. Kolokyal
f. Banyaga

F. Paglilinang ng kabihasaaan (tungo sa formative assessment) (Objective 2)


o Pagpapasuri ng mga mag-aaral kung anong uri ng impormal na salita ang mga nakasulat sa
teksto.
o Bibigyan sila ng sapat na minuto upang tukuyin ang mga ito.
o Pagkatapos tukuyin ay iwawasto ang kanilang gawain.
o Bigyan ng gantimpala ang makakakuha ng tamang sagot sa lahat na bilang.

Panuto: Suriin kung anong uri ng impormal na salita ang mga sumusunod. Isulat sa patlang kung balbal,
kolokyal o banyaga ang bawat isa.

____________________ 1. Kelan
____________________ 2. Ewan
____________________ 3. Lispu
____________________ 4. LOL
____________________ 5. Security guard
____________________ 6. Nasa’n
____________________ 7. Sa’kin
____________________ 8. Mestizo
____________________ 9. Crayola
____________________ 10. connection

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Tatanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na tanong.

 Bakit mahalagang gumamit tayo ng wasto at angkop na wika sa pakikipagtalastasan? Ipaliwanag


ang sagot.
 Sa iyong palagay, maituturing bang mababa ang mga taong gumagamit ng wikang pabalbal/ bakit?
 Makakatulong ka ba sa pagpapaunlad ng isang wika ang pagkakaroon ng iba’t ibang impormal na
salita? Bakit/ Kung oo, papaano?

H. Paglalahat ng Aralin
 Pag-uugnay ng diskusyon sa asignaturang English sa paksang Slang, Colloquail and Familiar language

I. Pagtataya ng aralin (evaluating learning)

GAWAIN: PAGTATAYA
Isulat sa isang buong papel: Dalawahan na gawain

Panuto:
1. Makipag-usap ka sa mga taong iyong nakakasalamuha sa araw-araw sa mga sitwasyong ibinigay gamit ang
mga di-pormal na komunikasyon (bal. kolokyal o banyaga).
2. Tingnan ang nakadikit na rubric sa pagmamarka.
3. Palaging sundin ang health protocol sa pagsasagawa ng gawain.

Sitwasyon 1: Balbal

Sitwasyon 2: Banyaga

Kausap mo sa telepono
ang iyong
J. MGA pinsan
TALAna mas
matanda sa iyo ng tatlong
taon. Innimbitahan
Sitwasyon 3: Kolokyal mo
siya sa iyong tahanan
dahilkadarating lang ng
iyongA.ina
MGAmulaTALA
sa ibang
bansa.
RUBRIK SA PAGSULAT NG DIYALOGO
Pamantayan 10 7 4 Puntos
Malinaw na Nauunawaan ng Nauunawaan ang Hindi gaanong
usapan o lubusan ang karamihan sa ginawang nauunawaan ang
diyalogo ginawang diyalogo diyalogo ginawang diyalogo

Kaangkupan ng Angkop na angkop Angkop ang mga May kakulangan sa


mga salitang di- ang mga salitang salitang ginamit paggamit bg di-pormal
pormal ginamit sa pagsulat na salita

Mahusay na Malinanw Hindi gaanong


naipakita ang nauunawaan ang naunawaan ang bawat
kooperasiyon ng ideya ng bawat isa isa
bawat isa

Kabuuan

J . Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Sangkapat na papel: indibidwal na gawain
Panuto: isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salitang balbal.
_________________________1. KSP
_________________________2. Gurang
_________________________3. Datung
_________________________4. Iskapo
_________________________5. nadedbol

V- Mga Tala

Pamantayan Bilang ng mag- Porsyento


aaral
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Kabuuan

You might also like