FILIPINO 10 REVIEWER - 4th Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

FILIPINO 10 REVIEWER – 4TH QUARTER

EL FILIBUSTERISMO

// Laban Zeno 💜 //

ANG BUHAY NI DR. JOSE RIZAL HABANG SINUSULAT NIYA ANG EL


FILIBUSTERISMO
Noong ika-5 ng Hulyo, 1891, nilisan ni Dr. Jose Rizal ang Brussels patungor Ghent sa Belgium. May
dalawang dahilan kung bakit lumipat siya sa Ghent: Una, ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent ay higit na
mababa; ikalawa, nais niyang iwasan ang mapanuksong kagandahan ni Suzanne Jacoby.

Kasama niyang nanirahan sa Ghent si Jose Alejandrino sa isang mumurahing bahay-paupahan. Naging
mahirap ang pamumuhay niya roon. Ang gugulin mula sa propaganda, ang samahang sibiko sa Maynila na
nagbibigay ng tulong sa mga nagkakampanyang Pilipino sa Madrid ay hindi dumarating nang madalas. Ang
kaukulang bayad sa nobelang Noli ay hindi pa nililikom at ang salaping nanggagaling sa kanyang mga
magulang ay madalang dumating. Dahil dito, siya at si Alejandrino ay sapilitang nagtitipid upang makasapat
ang kanilang pera sa pagkain.

Sa ganitong kalagayan, habang sinusulat niya ang El Filibusterismo ay nakatulong ito sa pagkakaroon
ng miserableng tema sa El Fili. Nanghiram siya ng pera kahit kanino na maaaring mautangan upang
maipalimbag niya ang kanyang nobela. Si Valentin Ventura ang tumulong sa kanya sa pagbibigay ng salapi sa
pagpapalimbag ng El Fili.

Ang pagsulat ng El Fili ay sinimulan ni Dr. Rizal noong siya'y nasa London pa. Dahil sa mga
pangyayaring naganap bago niya sinulat ang nobela, naisipan niyang palitan ang pangkalahatang plano nito.
Ang pangyayaring ito ay kanyang ibinunyag sa kanyang liham kay Mariano Ponce.

Ang isa marahil sa malaking dahilan na makapagpabago ng kanyang plano ay ang balitang ang
kanyang kaanak ay pinarurusahan ng mga prayle sa asyenda sa Calamba. Ang pangyayaring ito ay nagtulak
sa kanyang upang mabigyan ng himig panghihimagsik ang nobela.

Ang mga bagay-bagay na nasaksihan niya sa Madrid ay nagbunga ng di-mabuti sa kanya. Napuna
niyang hindi nagkakaisa sa isang layunin ang mga Pilipino, bukod sa pagiging bantulot sa sama-samang
paggawa tungo sa pagbabago. Ang higit na nagpapasakit sa kanyang kalooban ay ang mga inggitan, ang pag-
iiringan kahit na sa mga edukado at ang kanilang pagiging makasarili. Dahil sa di pagkakaisa ng mga Pilipino
ay nabuo sa kanyang isipan na ang mga mamamayan ay hindi pa handa para sa isang rebolusyon. Sa nobela,
pinatay niya si Simoun upang hindi magtagumpay ang himagsikan.

Ang pagtanggap niya ng balita tungkol sa pagpapakasal ni Leonora Rivera kay Charles Kipping ay isa
pa ring bagay na nagpabago ng kanyang orihinal na paglalarawan kay Paulita Gomez. Ang kanyang kabiguan
ay malinaw na naipadama niya sa El Fili.

Ang kanyang kakulangan sa salapi para sa pagpapalimbag ng Noli ay isa pa rin niyang problema. Ang
nobela ay nalimbag ng F. Meyer-Von Loo Press, isang palimbagang pumayag sa unti-unting pagbabayad at sa
mababang halaga lang. Para makaipon ng perang kailangan, hiniling niya kay Jose Maria Basa na siya'y
padalhan ng liham na maaaring magkaroon ng kredito sa Messageries Maritimes at sa Hong Kong babayaran.
Ang kanyang alahas ay naisanla na rin niya. Mula kay Rodriquez Arias tumanggap din siya ng P5,200.00 dahil
sa pagbili ng mga sipi ng kanyang sinulat sa pagbabago sa Los Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de
Morga. Ngunit kapos pa rin siya sa pera dahil ang naipon ay nagamit na at kailangan pa ng pambayad sa
manlilimbag.

Ang pagpapalimbag ay nahinto noong Agosto 6. Dahil dito, tinangka niyang sunugin ang manuskrito.
Mabuti na lamang at dumating ang tulong ni Valentin Ventura mula sa London noong Setyembre 18, 1891. Sa
wakas, nalimbag na rin ang nobela.

Ang nobela ay naipamudmod na. Maraming sipi nito ang ipinadala sa kanyang mga kaibigan sa Europa.
Di-gaanong binigyan ng papuri ang nobela.
Ang unang sipi ay nakarating halos lahat sa Hong Kong. Ngunit sa di magandang pangyayari,
nakarating ito sa mga Kastila sa Pilipinas.

Ang El Fili ay inialay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora.
Ipinahihiwatig nito na ang naging karanasan ng tatlong pari ay laging sumasagi sa kanyang isip.

MGA TAUHAN
 Simoun
 Si Crisostomo Ibarra na  Nalampasan niya ang mga hilahil búhay
nagkukunwaring mayamang mag- dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
aalahas Tiage Nagpunyagi siya sa pag-aaral
 “Naglagalag ako at nagsikap  Nilunok niya ang pangmamaliit sa
makaipon ng maraming salapi kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga
upang maisagawa ang aking guro dahil sa kanyang anyo at
layon. Nagbalik upang ibagsak kalagayan sa buhay
ang masamang pamahalaan,  Nagtagumpay siya at nakapanggamot
padaliin ang kanyang pagkasira agad kahit hindi pa natatanggap ang
kahit na dumanak ng maraming diploma ng pagtatapos
dugo.”
 Isagani
 Isang napakayamang mag-aalahas at  Estudyanteng makata ; kasintahan ni
kaibigang matalik at tagapayo ng Paulita
Kapitan-Heneral  “Doon sa may panganib, doon
 Makapangyarihan siya kaya't tayo dapat pumaroon, sapagkat
iginagalang at pinangingilagan ng mga naroon ang karangalan!”
Indio at maging ng mga prayle
 Nais niyang udyukan ang damdamin ng  Isang malalim na makata
mga makabayang Pilipino sa palihim at  Mahusay siyang makipagtalo
tahimik niyang paghahasik ng  Matapang siya sa pagpapahayag ng
rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin kanyang pinaniniwalaan kaninuman
ang lahat ng masasama kahit pa siya
 Matuwid siya at ayaw sa likong paraan
mismo ay inuusig din ng kanyang budhi
sa pagkakamit ng adhikain
sa paraang kanyang ginagawa
 Pamangkin siya ng butihing si Padre
Florentino
 Kapitan Heneral
 Hinirang siya ng Espanya bilang
 Telesforo Juan de Dios (Kabesang Tales)
pinakamataas na pinuno ng
 Ama nina Juli, Carolino, at Lucia ; isang
pamahalaan
magsasaka na naging tulisan
 Sinasabi niyang kailangang pagbutihin
 “Lahat tayo, Ama, ay babalik sa
ang kanyang tungkulin at gawain
alabok at ipinanganak na
 Nais niyang magpakita ng kasipagan at walang saplot.”
pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa
niya ang importanteng pagpapasiya
 Ang napakasipag na magsasaka na
habang naglilibang at nagmamadali
dating kasama sa mayayamang may
 Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla lupain
at makapritsong humatol
 Umunlad siya dahil mahusay niyang
 Hindi niya alintana ang kapakanan ng ginamit ang kinitang pera
kanyang pinamumunuan. Salungat siya
 Pinili siyang maging Kabesa de
lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani
Barangay ng kanyang mga kanayon
dahil sa kanyang kasipagan at pagiging
 Basilio
mabuting tao
 Estudyante ng medisina ; kasintahan ni
Juli  Tandang Selo
 “Ang hangarin ko lamang ay
 Ama ni Kabesang Tales
gamutin ang mga sakit ng aking
mga kababayan.”
 “Tiisin mon a! ipagpalagay mo  Isang masayahin at napakagandang
na lang na ang 30 pisong iyon dalagang hinahangaan ng karamihan
ay natalo sa sugal o kaya’y sa mga lalaki
nahulog sa tubig at sinakmal ng  Pamangkin siya ni Donya Victorina
buwaya.”  Larawan siya ng dalagang laging
maayos at maalaga sa sarili
 Ang kumalinga sa batang si Basilio sa
gubat nang tumakas siya mula sa mga  Don Custodio de Salazar y Sanchez de
guwardiya sibil sa Noli Me Tangere Monteredondo
 Siya ang maunawaing tatay ni  Ang tagapagpasiya sa usaping
Kabesang Tales Akademya ng Wikang Kastila
 Mapagmahal na lolo siya nina Juli at  “Upang mapaamo ang mga
Tano Pilipino, kinakailangang ulitin sa
 Tiniis niya ang matinding kasawian at kanila araw-araw na sila’y
pighati ng mga mahal niya sa buhay walang kakayahan.”

 Placido Penitente  Nakapag-asawa ng maganda at


 Probinisyanong estudyante na nag- mayamang mestiza
aaral sa Maynila  Umangat ang kanyang posisyon
 “Tatalon na muna ako sa dagat hanggang naging opisyal na tagapayo
o kaya’y manunulisan na muna ng Kapitan Heneral dahil sa likas
ako bago bumalik sa niyang talion
unibersidad.”  Ang mga salitang masipag, mapanuri,
matalino, palaisip ay ilan lamang sa
 Mahinahon at mapagtimpi ang mahuhusay na bansag sa kanya dahil
kahulugan ng kanyang pangalan na pilit ito sa mabuting panulat ni Ben Zayb na
niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kanyang kaibigan
kinaiinisan din niya ang pangalang ito  Alam na alam ni Don Custodio ang
 Kapag siya ay napuno, parang bulkan kanyang tungkulin subalit kakatwa ang
siyang sumasabog at walang kanyang mga panukala at pasiya sa
kinatatakutan mga ito

 Juliana (Juli)  Ginoong Pasta


 Anak ni Kabesang Tales ; Katipan ni  Tagapayo ng mga prayle sa mga
Basilio suliraning legal
 “Malalaman din niyang pinili ko  “Ah, Mabuti pang ipaubaya na
pang ako ang masanla kaysa ninyo sa kamay ng pamahalaan
masanla ang agnos na bigay ang bagay na iyan. Maghintay
niya sa akin.” kayo.”

 Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani  Naging alila siya ng mga prayle habang
 Larawan siya ng Pilipinang madasalin, nag-aaral bago siya naging
matiisin, masunurin, at madiskarte sa pinakatanyag na abogadong Pilipino
búhay para makatulong sa pamilya  Dati siyang kaklase ni Padre Florentino
 Tunay siyang mapagmahal sa pamilya.  Mapanuri at namimili siya ng kausap
Tapat sa katipang si Basilio.  Takot siyang mamagitan para sa
kaunlaran ng mga mag-aaral at tila
 Paulita Gomez walang malasakit sa kanilang iniisip na
 Kasintahan ni Isagani kabutihan
 “Kung magkakagayan nga sana,
ngunit kalian pa, kung ako’y  Ben Zayb
matanda na?”  Isang manunulat sa pahayagan
 “Maaari ko bang isulat ang
tungkol sa bagay na iyan?”
 Ang mamamahayag na malayang mag-
isip, at minsan ay kakatwa ang  Padre Hernando Sibyla
paksang nais niyang isulat magkaroon  Dominikanong vice-rector ng
lamang ng ilalathala Unibersidad ng Sto. Tomas
 Mababa ang pagtingin niya kay Padre  “Mapangahas na hiling, bukod
Camorra sa paglaktaw sa ating
 Siya ang utak sa lumalabas na kapangyarihan.”
magaganda at mabubuting balita
tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba  Isang matikas at matalinong paring
pang matataas na opisyal upang Dominiko
mapalapit siya sa mga ito  Salungat siya sa pagpasa ng panukala
upang makapag-aral at matuto ng
 Padre Camorra wikang Kastila ang mga mag-aaral
 Kura ng Tiyani na may pagnanasa kay
Juli  Padre Florentino
 “Ang ganda! Anong ganda!”  Amain ni Isagani
 “Ang mga tapat ang loob at ang
 Isang batang paring Pransiskano na mga karapat-dapat ay
mahilig makipag-tungayaw kay Ben kailangang magtiis upang ang
Zayb sa kung ano-anong bagay na kanilang adhikain ay kumalat at
maibigan malaman, mayroon ding hatol
 Wala siyang galang sa kababaihan lalo at pag-uusig ang Diyos sa mga
na sa magagandang dilag maniniil.”

 Padre Fernandez  Isang mabuti at kagalang-galang na


 Isang dominikanong propesor paring Pilipino
 “Ang karunungan ay  Pinilit lamang siya ng inang maging
ipinagkaloob lamang doon sa lingkod ng Diyos dahil sa kanyang
karapat-dapat at hindi sa mga panata
taong marumi ang kalooban at  Siya ang kumupkop sa pamangking si
walang mabuting asal.” Isagani nang maulila ito sa magulang

 Isang paring Dominiko na bukas ang  Padre Irene


isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon  Ang nag-udyok kay Kapitan Tiyago
ng mga mag-aaral upang malulong sa apyan
 Sang-ayon siya sa adhikain ng mga  “Ang mga kahigpitang iya’y
makabagong mag-aaral sa pag-aaral pinaiiral lamang kung ang hindi
ng wikang Kastila nakapangumpisal ay walang
 Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ibabayad, ngunit si Kapitan
ng mga pinunò at kawani ng Tiyago…! Aba! Kung ang mga
pamahalaan at ng mga kapwa niya Tsinong hindi bininyagan ay
prayle inililibing ninyo nang may misa
de requiem pa!”
 Padre Bernardo Salvi
 Isang paring Pransiskano na  Isang paring Kanonigo na minamaliit at
pinakikinggan at iginagalang ng iba pa di gaanong iginagalang ni Padre
niyang kasamahang prayle Camorra
 “Ang lupaing ito’y maraming  Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral
beses nang naghimagsik dahil upang mamagitan at maipasa ang
sa sapilitang paggawa.” panukalang magkaroon ng akademya
sa pagtuturo ng wikang Kastila ang
 Siya ay mapagisip mga estudyante
 Umibig siya nang lubos kay Maria Clara  Naging tagaganap siya ng huling
at naging kompesor ng dalagang ito at habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago
ni Kapitan Tiago
 Padre Millon  Isang kaakit-akit na mananayaw
 Isang paring Dominiko na propesor sa  Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa
Pisika at Kemika karaniwang Pilipina
 Mabuti siyang pilosopo at bantog siya  Mahilig siyang humingi ng mga pabor
sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi kay Don Custodio na nahihibang sa
niya lubusang maiparanas o maituro kanyang alindog
nang mahusay ang aralin sa mga  Kaibigan din niya si Juanito Pelaez
magaaral
 Makikita sa kanya ang maling sistema  Don Timoteo Pelaez
ng edukasyon sa bansa  Larawan siya ng mapandustang
mangangalakal
 Don Santiago “Kapitan Tiago” delos  Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan
Santos Tiago sa murang halaga
 Dating kaibigan ng mga prayle subalit  Naging kasosyo siya sa negosyo ni
sumáma ang loob sa mga ito Simoun
 Nawalan ng kahulugan ang kanyang
buhay nang pumasok si Maria Clara sa  Macaraig
monastery  Mayamang estudyanteng sumusuporta
 Nalulong siya sa sabong at paghithit ng sa pagtatag ng Akademya ng Wikang
apyan (opium) Kastila
 Nawala siya sa katinuan  “Marangal na asal. Noong mga
 Siya ang naging kasangkapan sa araw na payapa ay lumalayo ka
pagbabagong-buhay ni Basilio sa amin.”

 Maria Clara delos Santos  Isang mag-aaral sa abogasya na


 Ang tanging babaeng inibig ni Ibarra sa nangunguna sa panawagang
kanyang buhay pagbubukas ng akademya sa pagtuturo
 Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ng Kastila
ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa  Siya ay masipag mag-aral, mahusay
Pilipinas makipagtalo, mapitagan, nakalulugod
 Nais siyang itakas ni Simoun mula sa na mag-aaral, at palabasa ng iba't
monastery ibang aklat kaya't nangunguna sa
pagbabago
 Juanito Pelaez  Siya ay napakayaman at bukás-palad
 Estudyanteng kabilang sa kilalang sa kapwa.
angkang may dugong Kastila. Nais
niyang mapangasawa si Paulita Gomez  Sandoval
 “Sumama ako. At sapagkat  Estudyanteng Kastila na kapanalig ng
maraming magagandang mga mag-aaral sa usapin ng Akademya
dalaga, hinarana naming lahat. ng Wikang Kastila
Napakasaya, walang bahay na  “Wala, hindi taglay ng Pranses
hindi naming pinanhik!” ang mayayamang tunog at
tamis ng wikang Kastila.”
 Isang mayamang mag-aaral na tamad
at lakwatsero  Isang tunay na Espanyol si Sandoval na
 Laging inaabuso at tinatakot si Placido lubos na kaisa sa adhikain ng mga
 May kapansanang pisikal subalit hindi estudyanteng Pilipino
niya naipakitang sagabal ito sa  Mahilig makipagdebate ng kahit anong
kanyang pagkatao dahil nakakamit pa paksa upang siya ay mahangaan
rin niya ang kanyang mga gusto  Nais niyang mailabas ang katotohanan
 Masugid siyang manliligaw ni Paulita sa isang usapin
Gomez na pinaburan ng tiyahin niyang
si Donya Victorina  Pecson

 Pepay
 Kabilang sa mga estudyanteng nakaraan, ng kasalukuyan, at
nagsusulong para sa Akademya ng ng hinaharap.”
Wikang Kastila  Mahusay sa mahika
 “Kung ang bitukang busog ay  Napaniwala niya ang mga manonood at
nagpupuri sa Diyos, ang nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa
bitukang gutom ay nagpupuri kanyang palabas
naman sa prayle.”  Donya Victorina de Espadaña
 Pilipinang nagpapanggap na Europea.
 Mapanuring mag-aaral si Pecson Tiyahin siya ni Paulita.
 Masigasig siyang makipagtalo upang  “Mabuti pa’y matabunan na ang
mailabas ang matalinong kaisipan at wawa kaysa magkaroon ng
kasagutan sa iba't ibang usapin maraming nakadidiring balot!”
 Hindi siya agad naniniwala sa mga  Larawan si Donya Victorina ng isang
balibalita lamang kayâ tila lumalabas sa Pilipinang walang pagpapahalaga sa
iba na siya ay mapangambahin at kanyang lahi
laging nag-aalala  Inaalimura, kanyang kalipi. tinutuligsa,
at itinatakwil ang mga Indiong kanyang
 Tadeo kalipi
 Kabilang sa mga estudyanteng
nagsusulong para sa Akademya ng  Don Tiburcio de Espandaña
WIkang Kastila  Isang Espanyol na asawa ni Donya
 “Walang klase! Walang klase!” Victorina na nagtago at nagpasiyang di
na muling pakita sa asawa dahil sa
 Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at kapritso nito
laging nagsasakit-sakitan tuwing  Siya ang larawan ng mga lalaki walang
makakikita ng propesor buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa
 Hangad niyang laging walang pasok sa
paaralan upang makapaglakwatsa  Quiroga
 Siya ay may kahambugan; walang  Isang negosyanteng Tsino
ambisyon sa buhay; at malaswang  “Sinyo Simoun! Akyen lugi,
magsalita akyen maksak!”
 Nagdudunong-dunungan siya at
nagyayabang sa mga walang-muwang  Isang mayamang mangangalakal na
na nilalang Intsik si Quiroga
 Halos kontrolado niya ang takbo ng
 Carolino (Tano) kalakalan
 Anak ni Kabesang Tales at kapatid ni  Iniaangkop niya ang ugali depende sa
Juli. Isa siyang guwardiya sibil. kanyang kaharap
 “Sa aki’y wala, ngunit ako’y  Isinusulong ni Quiroga ang
naaawa sa kanila. Sila’y mga pagkakaroon ng konsulado ng mga
tao ring katulad natin.” Intsik sa bansa

 Anak ni Kabesang Tales na tahimik at  Mataas na Kawani


kusang-loob na sumunod sa  Kapanalig ng mga Indio
kagustuhan ng amang siya'y  “Mas nais ko pa ang mamatay
magsundalo nang dahil sa mga
 Nawala nang matagal na panahon niyuyurakang karapatan ng mga
naaapi, kaysa magtagumpay sa
 Mr. Leeds piling ng mga hangaring
 Amerikanong nagtatanghal sa perya ikagagaling lamang ng isang
 “Mga ginoo, sa pamamagitan ng bansa, gaya ng Espanya.”
isang salita’y bubuhayin ko ang
sandakot na abo upang  Siya ay isang Espanyol at mataas na
makausap ninyo ang tanging kawani ng pamahalaan na
nilikhang nakababatid ng kagalanggalang; tumutupad sa
tungkulin; may paninindigan; at may  “Naipangako ko sa iyong ama
kapanagutan na aarugain kita, patuturuang
 Siya ay may mabuting kalooban para maging ganap na abogado.
sa kapakanan ng mga makabagong Ginawa ko ang lahat upang
mag-aaral na nagsusulong ng makapag-aral ka.”
pagtuturo ng wikang Kastila
 Lagi siyang salungat kapag hindi  Kahit balo na, matiyaga niyang
pinagisipan at di mabuti o di masusing pinagaral ang anak
pinag-aralan ang panukala ng mga  Naghigpit siya ng sinturon para sa sarili
opisyal at kawani mabigyan lámang ng edukasyon ang
 Maging ang pasiya ng Kapitan Heneral anak
ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa  Siya ay larawan ng ulirang magulang
kapag ito ay hindi marapat at mabuti. dahil sinisiguro niyang matutugunan
Siya ay mapanuri at makatarungan ang mga pangangailangan ng anak

 Kapitan Basilio  Hermana Bali


 Isa sa mga kapitan ng San Diego  Ang nanghimok kay Juli upang humingi
 “Kung sa bagay, hindi masama ng tulong kay Padre Camorra
ang panukalang iyan, ngayong  “Siya, bumalik na tayo kung
hindi na mapag-aaralan ang ayaw mo. Pabayaan mong
Latin, ay pag-aaralan naman barilin si Basilio sa daan at
ang wikang Kastila. Diyan sabhing nagtangkang tumakas.
makikilala na tayo’y lumalakad Kapag patay na ay saka ka
nang paurong.” magsisi.”

 Isang mayamang-mamamayan na  Isang batikang pangginggera


taga-San Diego  Siya ang nangunguna sa pagbibigay-
 Siya ang ama ni Sinang at asawa ni payo sa mga may suliranin sa kanilang
Kapitana Tika baryo
 Galante sa mga pinuno at kawani ng  Siya ang nagpayo kay Juli na
pamahalaan at sa mga prayle upang magpaalipin nang kapusin sa
maiwasan ang problema o kagipitan sa pananalapi ang amang si Tales
mga pabor na kanyang kakailanganin  Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol
sa pagkakulong ni Basilio.
 Kapitana Tika
 Asawa ni Kapitan Basi at ina ni Sinang  Hermana Penchang
 Ayaw niyang magpahalatar  Mayaman at madasaling amo ni Juli
nagugustuhan nilang mag-ina ang  “Pinadadalhan tayo ng Diyos ng
magaganda at mamahaling alahas gayong mga parusa dahil tayo
upang hindi raw taasan ni Simoun ang ay makasalanan o may kamag-
presyo ng kanilang mga ibig na alahas anak na makasalanan na dapat
sana’y tinuruan natin ng
 Sinang kabanalan subalit hindi natin
 Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria ginawa.”
Clara sa Noli Me Tangere
 Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang  Isang masimbahing manang
ito  Mapanghusga siya sa mga taong
 Mabiro at masayahin pa rin sawimpalad-pinarurusahan daw ng
 Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Diyos ang may mga suliranin dahil
Basilio at ni Kapitana Tika makasalanan
 Mahilig siya sa antigo, mamahalin, at  Takot siya sa mga prayle kayâ ayaw
magagandang alahas tumulong sa inaakala niyang kalaban
ng mga ito
 Kabesang Andang
 Butihing Ina ni Placido  Kapitan ng Barko
 Isang beteranong marinero ang kapitan ng lahat sa siyudad na opereta mula sa
ng barko Pransiya
 Siya ay may malawak na karanasan sa  Dati siyang mamamahayag at anak ng
paglalakbay sa iba't ibang panig ng kilalang pamilyang Espanyol pero sa
mundo lulan ng matutulin at malalaking kadahilanang hindi nabanggit sa nobela
barko noong kabataan ay namumuhay nang maralita at
namamalimos
 Sinong
 Ang kutserong dalawang ulit na nahuli  Tiyo Kiko
ng guardiya sibil bago mag-noche  Isang matandang pandak na buhay na
buena dahil sa wala siyang sedula at buhay ang mga mata
wala ring ilaw ang kanyang kalesa  Nabubuhay sa Tiyo pagbabalita ng mga
 Naging kutsero siya ni Simoun sa huli palabas at pagpapaskil ng mga
at naging kasapi sa lihim niyang kilusan anunsiyo
 Kaibigan siya ni Camaroncocido
 Camaroncocido  Isa siyang mahirap na Indio
 Ang tanging nilalang sa siyudad na
walang pakialam sa pinagkakaguluhan

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ang Bapor Tabo ay naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila at hira hirap sa pagharap
sa agos ng Ilog Pasig. Ang mga pasahero ay ang mga Reverendos, ang makatang si Isagani, ang
manunulat na si Ben Zayb, Doña Victorina, ang ating kilala nang si Basilio at si Simoun, ang
nagbabalatkayong mag-aalahas na dili’t iba kundi si Ibarra.

Si Basilio, sa tulong ni Kapitan Tiago ay nakapag-aral ng medisina. Tuwi uuwi siya sa San Diego
ay hindi nakakaligtaang dalawin ang libingan ng kanyang ina. Sa isang di inaasahang pagkakataon, sa
kanyang pagdalaw ay nadatnan niya si Simoun sa libingan na bagamat nagbabalatkayo ay nakilala rin
niya itong si Ibarra. Sa simula ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio upang ang lihim ng kanyang
pagbabalatkayo ay di mabunyag. Ngunit siya'y nakapagpigil at sa halip ay hinimok niya ang binatang
maghiganti sa pamahalaang Kastila ngunit ito'y di sumang-ayon dahil gusto niyang makatapos ng pag-
aaral.

Ang mga estudyanteng Pilipino, sa pamamagitan nina Padre Irene at Don Custodio ay naghain
ng kahilingan sa Kapitan Heneral upang magtayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ito'y di pinagtibay
ayon sa gusto ng mga estudyante dahil ang mamamahala nito ay mga prayle at ang mga estudyante
ay magiging tagapangilak lamang. Kung ganoon, sila'y mawawalan ng karapatan sa ano mang
pamamalakad ng nabanggit na akademya.

Si Simoun naman ay muling nakipagkita kay Basilio upang himukin ang binatang sumama sa
binabalak na paghihimagsik at mamuno sa gagawing paglusob sa kumbento ng Santa Clara upang
bawiin si Maria Clara. Ngunit, nanlumo si Simoun nang malamang ang kanilang aagawin na si Maria
Clara ay namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman ay masama ang loob sapagkat nabigo sila sa panukalang
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. Upang mapawi ang sama ng loob ay nagdaos sila ng isang
salu-salo sa Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Habang sila'y kumakain, nagkaroon ng talumpatian
na nahihinggil sa pagtuligsa sa mga prayle. Ngunit lingid sa kanila ay may nagmamanman pala sa
kanilang ginagawa. Ang pagtuligsang ito ay nakarating sa mga prayle kaya kinabukasan, may nakitang
nakadikit na mga paskil sa pinto ng unibersidad na naglalaman ng pagbabala, pagtuligsa at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga paskil ay ibinintang sa mga kasapi sa samahan ng mga
estudyante kaya sila'y ipinadakip at naparamay si Basilio.

Nilakad ng mga kamag-aral ng mga estudyante na mapawalang-sala ang mga ito kaya sila'y
nakalaya, bukod-tangi kay Basilio, dahil sa walang tumulong sapagkat namayapa na si Kapitan Tiago.
Si Huli naman na kasintahan ni Basilio ay nakiusap kay Padre Camorra na tulungan ang binata upang
makalaya subalit ito pa ang naging dahilan ng pagkamatay ng dalaga gawa ng pagkakahulog sa
bintana ng kumbento.

Si Paulita, ang maganda at mayamang katipan ni Isagani, ay nakipagtalusira sa binata dahil sa kusang
pagpapakulong nito upang makiisa sa mga estudyante gayong hindi naman siya dapat makulong at dahil na
rin sa magkaiba nilang simulain sa buhay. Dahil dito, sinamantala ito ni Simoun at gumawa ng paraan upang
maipagkasundo niyang ipakasal si Juanito kay Paulita. Nakiisa sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez ang ama ni
Juanito upang maisagawa ang balak na paghihiganti.

Sa tulong ni Simoun ay nabili ni Don Timoteo ang dating bahay ni Kapitan Tiago, ipinaayos ito
ni Simoun sapagkat dito gaganapin ang handaan pagkatapos ng kasal. Inanyayahang lahat ang may
matataas na katungkulan sa pamahalaan, mga tanyag na tao sa lungsod at ang magiging ninong sa
kasal ay ang Kapitan Heneral.

Nakalaya na rin si Basilio pagkatapos ng dalawang buwang pagkabilanggo sa tulong ni Simoun.


Dali-daling tumungo si Basilio kay Simoun upang umanib na sa paghihimagsik. Ipinagtapat ni Simoun
ang kanyang balak sa gabi ng kasal. Ipinakita ang isang lampara na may hugis granada at kasinglaki
ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay magiging regalo ni Simoun sa ikakasal. Ilalagay ang
lamparang ito sa gitna ng kiyoskong kainan, magbibigay ito ng maningning na liwanag, at pagkaraan
ng dalawangpung minuto, ito ay manlalabo. Kapag itinaas ang mitsa upang paliwanagin ang ilaw ay
puputok ang kapsulang laman nito, sasabog ang granada na wawasak sa kiyoskong kainan at wala
ritong makaliligtas. Ang pagsabog ng dinamita ng lampara ay hudyat upang simulan ang paghihimagsik
sa pamumuno ni Simoun.

Samantala nang gabing iyon sa tapat ng bahay ng ikakasal ay nagtatalo ang loob ni Basilio,
namamayani pa rin ang kabaitan sapagkat naisip niyang maraming taong madaramay sa pagsabog ng
lampara subalit nang makita ang dalawang paring inanyayahan sa kasal ay nag-init ang kanyang
damdamin sapagkat naalala niya ang sinapit ng kanyang kasintahan.

Nakita rin niyang nanaog si Simoun upang lisanin ang bahay na yaon. Susundan sana niya ito
ngunit nakita niyang dumarating ang kaibigang si Isagani upang maglaan ng huling tingin sa dating
kasintahan. Pinagsabihan ito ni Basilio na lumayo sa tahanang iyon ngunit ayaw siya nitong pansinin.
Napilitan tuloy ipagtapat ni Basilio ang tungkol sa lampara.

Nang makita ni Isagani na nanlalabo ang lampara ay mabilis itong pumasok ng tahanan, kinuha
ang ilawan at inihagis ito sa ilog. Sa pangyayaring ito ay nawalan ng bisa ang pakana o balak ni
Simoun na paghihimagsik.

Nabatid na ang may pakana ng lahat ay walang iba kundi si Simoun kayat siya'y pinatugis ng
maykapangyarihan. Tumakas si Simoun at tumuloy sa bahay ni Padre Florentino sa may baybayin ng
dagat-Pacific. Ayaw niyang pahuli nang buhay kayat uminom siya ng lason. Ipinagtapat niya sa pari
ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Nagawa niyang maghiganti sa pamamagitan ng
paghihimagsik. Pagkatapos ng mahabang pangungumpisal ay namatay na si Simoun.

Ang kayamanang naiwan ni Simoun ay inihagis ng pari sa dagat. Habang pinagmamasdan ang
talampas ng dagat na iyon ay muling masusumpungan ng tao ang kanyang itinapon sa kapahintulutan
ng Diyos... kapag dakila at banal ang kanyang layunin. Ngunit makabubuti pa ngang manahan muna
ito sa pusod ng dagat kasama ng mga perlas at korales upang di na ito makapagliko ng katwiran at
maghasik ng kasamaan.

[ SIR JOMS’ REVIEW – c/o Genlou ]

1. Anong uri ng nobela ang El Fili? 3. Sino ang tumulong kay Jose Rizal sa
 Panlipunan pagpapalimbag ng El Fili?
 Valentino Ventura
2. Bakit pinalitan ni Jose Rizal ang El Fili?
 Dahil nalaman niya na inaapi ang 4. Kanino inialay ni Jose Rizal ang nobela?
kaniyang kamag-anak  GOMBURZA

5. Ano ang isinusulong ng mga mag-aaral?


 Pagpapatayo ng Akademya ng Wikang 8. Paano ginamit si Huli bilang simbolo ni Inang
Kastila Bayan sa nobela?
6. Sa anong kabanata makikita ang simula ng  Kaawa-awa dahil inapi ng mga dayuhan
banghay ng El Fili?
 Kabanata 7 – Si Simoun 9. Paano inilarawan ang layunin kay Isagani?
 Katangian ni Isagani : kabataan na may
7. Katangian ng Pilipino na makikita kay Basilio pagpapahalaga sa edukasyoon
 Pagiging masipag ; mapagpahalaga sa 10. Ano ang ibig sabihin ng ‘hapis’ na mukha ni
pangarap Simoun? (Answer is )
 Kasawian dahil napagtanto niyang
walang kabuluhan ang kanyang buhay
KABANATA 1
SA IBABAW NG KUBYERTA

Talasalitaan:

1. Garote – bitayan na ang isang lubid na 6. Paring regular – uri ng pari, kasama sa
nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit orden o korporasyon
ng isang pamihit sa likod ng bibitayin 7. Paring sekular – uri ng pari, karaniwa’y
hanggang mamatay sa sakal Pilipino na walang kinasasapiang samahan o
2. Kubyerta – bahagi ng bapor orden
3. Pagpugay – paggahasa, pag-rape 8. Tandisan – tuwiran, harapan
4. Pagtutsada – pagmumura nang may 9. Tikin – mahabang payat na kawayan na
paghamak ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-
5. Panukala – mungkahi, balakin pantubig sa pamamagitan ng mga bisig
10. Uldog – pari, prayle

Buod:

Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa
ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene,
Padre Salvi, at Simoun.

Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila, na
naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.

Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang
pagpapalalim ng ilog Pasig.

Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa


ng Laguna at sa look ng Maynila.

Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na


kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang
mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso
na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.

Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.

KABANATA 2
SA ILALIM NG KUBYERTA

Talasalitaan:

1. Alintana – iniinda 6. Sagabal – hadlang


2. Makihalubilo – makisama 7. Sumabat – sumingit
3. Namula – napahiya 8. Sumugat – nakasakit
4. Paurong – paatras 9. Tutulan – tatangihan
5. Pinagpupugayan – ibinabalik ang pagbati 10. Umiral – namayani
Buod:

Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga kargamento ay doon din
matatagpuan kaya naman masikip sa lugar na iyon para sa mga pasahero.

Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral ng medisina at
mahusay nang manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo.

Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago.
Pinauwi raw siya, ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.

Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa pagtuturo ng mga
Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang
binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio.

Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na maganda, mayaman at may
pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang kanyang
asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata,
nagtatago.

Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na ipinakilala ni Basilio kay
Simoun si Isagani.

Ani Simoun, hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at
di makabibili ng alahas.

Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila
kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang
nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa.
Ayon kay Simoun, sinabi umano ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom
ng tubig at hindi ng serbesa.

Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa
halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.”

Dagdag pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay


sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.”

Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung
kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig.

Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak
ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”

Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa
pagpapatakbo sa makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang
makina ay hahanapin pa.

Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinatawag ding Kardinal Moreno.

Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang pamangkin ni Padre Florentino.
Ngunit nakita ng kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

KABANATA 3
ANG MGA ALAMAT
Talasalitaan:

1. Baging – halamang gumagapang 4. Sinisiyab – binabangga


2. Bangketa – handaan 5. Taripa – buwis
3. Muog – pader
Buod:

Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan ng
mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.

Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor.
Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang
mga ito.

Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato.

Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang
tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang
takot.

Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan na si Padre Florentino
ang magsalaysay ng alamat.

May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay naging arsobispo sa Maynila. Nagbalatkayo
daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at hinihiling na sundin nito ang pangako na
magpakasal sila

Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na pakasal ay itinira niya ang babae sa isang yungib
na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig ding manirahan sa
kweba.

Tinanong ni Simoun si Padre Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang
beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya
makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo.

Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa
isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya. Naging bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng
Intsik ang santo.

Nang datnan ng bapor ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan banda doon napatay
ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si Donya Victorina ng
pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon.

Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak. Dagdag naman ni Ben
Zayb, ‘yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman nagtawanan ang iba.

Namutla naman si Simoun at walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na nahihilo ito dahil sa
paglalakbay.

KABANATA 4
KABESANG TALES
Talasalitaan:

1. Buwis – tungkulin; bayad sa gobyerno; tax 7. Pag-asenso – pag-unlad


2. Gulok – isang malaking kutsilyo; bolo 8. Palayok – isang lalagyan para sa
3. Kabesa de Barangay – pinuno ng Nayon pagluluto; kaldero
noong panahon ng Kastila 9. Pusod – gitna
4. Manilbihan – maglingkod 10. Sinamsam – kinuha o ipinatapon
5. Naidlip – nakatulog 11. Tulisan – taong humaharang sa mga taong
6. Nilinang – tinamnan naglalakbay upang magnakaw

Buod:
Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si Kabesang
Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong anak, sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si
Lucia at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.

Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at nang
makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may-ari sa
naturang lupa ay ginawa niya itong tubuhan.

Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito.

Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales.
Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang ‘di na kinaya ng Kabesa ay nakipag-asunto ito sa
mga prayle.

Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa
ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang gobyerno.

Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban pa rin niya ang lupa sa
pamamagitan ng pagbabantay dito.

Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman
ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala
ng Kabesa sa pagbabantay.

Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at
nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500.

Upang may maipantubos sa ama ay ibinenta ni Juli ang kanyang mga alahas liban sa bigay ng kanyang
nobyo na isang laket na pagmamay-ari ni Maria Clara.

Nang ‘di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong sa tahanan ni Hermana
Penchang.

Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya bilang isang alila. Dahil sa
pangyayaring ito ay hindi na nakapag-aral si Juli.

Masalimuot naman ang naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.

KABANATA 5
ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO
Talasalitaan:

1. Ipipiit – ikukulong 5. Natubigan – natigilan


2. Karumata – kalesa 6. Pitagan – paggalang
3. Kinulata – hinampas; pinukpok ng baril 7. Sambalilo – sumbrero
4. Kutsero – taong nagpapatakbo ng kalesa 8. Takba – tampipi

Buod:

Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang nagaganap na prusisyong
pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinong ang kanyang sedula kaya’t ito’y kinakailangang
bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.

Pagkatapos ay napag-usapan nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa
mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinong
si Haring Melchor na kayumanggi ang balat.

Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa
kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na
makakapagpalaya diumano sa bayan.

Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng birheng
Maria na tila malungkot.
Nahuli muli si Sinong dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng kanyang kalesa. Sa
pagkakataong ito ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba na lamang si Basilio at naglakad.

Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang
karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes,
ang kura, at si Simoun.

Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan siya’y binati ng mga katiwala.
Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa bukid kung saan maraming
namatay na hayop at katiwala at sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang
si Juli.

KABANATA 6
SI BASILIO
Talasalitaan:

1. Aprobado – mainam na marka 9. Primer ano – unang taon


2. Bunton – tambak o tumpok 10. Sable – espada
3. Dalamhati – paghihirap ng kalooban 11. Sipilis – isang uri ng sakit na nakukuha sa
4. Dupikal – sunod-sunod na tunog ng pakikipag talik
kampana 12. Sobresaliente – pinakamataas o
5. Gatol – hindi nagdadalawang isip o pinakamahusay na marka
sigurado 13. Tanyag – Sikat
6. Naaninag – makita 14. Tari – sandata na kinakabit sa paa ng
7. Nauliningan – narinig panabong na manok sa tuwing labanan
8. Pagsisiga – pagsusunog 15. Tinalunton – hinarap

Buod:

Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago saka
nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa mismong gubat
na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga pangyayari labing-tatlong
taon na ang nakararaan.

Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot ng kahoy na ipansusunog sa
kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati
na rin sa kanyang ina.

Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at lumuwas sa Maynila.

Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na niyang magpasagasa sa mga karwaheng dumadaan. Sakto
namang dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni
Maria Clara noon sa kumbento at pauwi na sana nang madaanan nila si Basilio.

Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging katulong siya sa bahay nito. Wala siyang sweldo ngunit
ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral naman ng Kapitan si Basilio sa Letran.

Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang
salitang “adsum” o narito po. Minamaliit din siya doon dahil sa kanyang luma at gulanit na kasuotan.
Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon.

Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang binata upang lituhin ito sa
pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot siya ni Basilio nang tuloy-tuloy at walang kagatul-gatol. Dahil
dito’y tinawag siyang loro ng propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.

Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli ang mga ito. Sa
pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan.
Dahil dito’y napahiya ang Dominiko at sumama ang loob kay Basilio. Nagkaroon pa sila ng alitan at
hamunan sa labanang gagamitan ng sable at baston.

Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula noon ay nakilala na at
nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente.

Dahil masikap sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumpat sa Ateneo Municipal.
Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili
ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig.

Sa kanyang ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng makaipon ay
nakapagbihis na siya nang maganda at nakapag-ipon din nang kaunti.

Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si Basilio at kapag nakatapos ng pag-aaral ay pakakasal
na sila ni Juli.

KABANATA 7
SI SIMOUN
Talasalitaan:

1. Agam-agam – alinlangan 8. Mulala – tanga; hangal; walang malay;


2. Alatiit – tunog inosente
3. Asarol – kagamitang panghukay 9. Mulato – mestisang negro
4. Dumanak – dumaloy 10. Nagkikibit-balikat – nagwawalang-bahala
5. Kasagwaan – kapangitan 11. Natigatig – natinag; nabahala
6. Lihis – salungat 12. Paghahabol – pagtugis
7. Magpakita – lumantad 13. Rebolber – maikling baril

Buod:

Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at makarinig ng yabag. Nagtago
siya sa puno ng baliti at sa kabilang dako ng punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong
dumating. Nagsimula itong maghukay gamit ang asarol.

Nakilala siya ni Basilio. Ang taong dumating ay ang mag-aalahas na si Simoun. Siya rin ang taong
tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas.

Lumabas sa pinagtataguan si Basilio at lumapit kay Simoun upang tumulong sa paghuhukay. Ngunit
tinutukan siya ng baril ni Simoun at itinanong kung siya daw ba ay nakikilala nito.

Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito. Siya diumano ang taong tumulong sa kanya labing-
tatlong taon na ang nakalilipas. Inakaala ng lahat na siyang patay na ngunit kinilala siya ni Basilio na
ang lalaking kausap ay walang iba kundi si Ibarra.

Ani Simoun, malaking sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya di niya pagsisihan na patayin ito dahil ayaw
niyang maburilyaso ang kanyang planong paghihiganti.

Ngunit dahil sa halos pareho sila ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan ay dapat daw silang
magtulungang dalawa.

Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at ikinuwento na nilibot niya ang buong daigdig upang
magpayaman upang sa kanyang pagbabalik ay mapabagsak ang pamahalaang sumira sa kanyang
buhay.

Siya raw ay bumalik upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa pagmamalabis
ng taong pamahalaan at simbahan.

Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng Wikang Kastila at sa
paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga
Kastila at Pilipino.
Ayon kay Simoun, magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling
pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika.

Katwiran naman ni Basilio, ang kastila umano ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng
Pilipinas.

Bagay na pinabulaanan ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito
ang wikang Kastila. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ito ay mawawalan ng
sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.

Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang
magsalita o sumulat sa sarili nilang wika pati ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at
umunawa ng sariling wika.

Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas maigi
umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng
mga layuning pambansa.

Dapat din ay huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng
bayang ito kundi sila’y mga manlulupig at dayuhan. Sa gayon daw ay mas matatamo nina Basilio ang
tunay na paglaya.

Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at
Makaraig na binalak niyang patayin dahil baka maging hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang
paghihiganti.

Paliwanag naman ni Basilio, ‘di daw siya isang pulitiko. Napalagda lamang siya sa kahilingang tungkol
sa paaralan dahil inaakala niyang iyon ang mabuti. Ngunit sa panggagamot daw talaga ang hilig niya.

Sa kasalukuyang kalagayan daw ng lipunan ay hindi makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon
kay Simoun dahil mas dapat umanong unahing gamutin ang sakit ng bayan.

Ngunit para kay Basilio, kaya nga daw niya pinili ang siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan.
Kalaunan ay nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap nina Basilio at Simoun.

Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya tinuya niya ito. Ani Simoun, wala
namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng kanyang ina na parang isang babae.
Tutulungan daw niya si Basilio sa paghihiganti.

Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi naman daw mabubuhay ang
kanyang ina at kapatid kahit gawin niya ito, sagot ni Basilio.

Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay ‘di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung
nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.

Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra.
Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian.

Ani Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi.

Ngunit ‘di naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw nila siyang makagawa at
mabuhay.

Tinugon naman ni Simoun si Basilio at sinabing magkakaanak din ito ng mababait na alipin at ang mga
damdaming mabuti o masama ay mamamana ng kanyang magiging anak.

Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si Basilio kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan,
isang asawa; isang dakot na bigas; mithiin rin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila,
ituturing nilang sila’y mapalad na.

Matapos sabihing ‘di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing
kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta.
Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun na nag-iisip. Di raw kaya niya napaniwala si Basilio
sa paghihiganti o may balak din itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang
wala nang hangad na maghiganti?

Ngunit lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

KABANATA 8
MALIGAYANG PASKO
Talasalitaan:

1. Alatiit – pigil na salita 6. Salabat – paboritong inumin ng


2. Ingkong – lolo karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na luya,
3. Ketong – sakit sa balat na umaagnas sa pinakuluan sa sapat na tubig at
laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam minamatamisan ng panotso o asukal
4. Nakapinid – nakasara 7. Sinunong – ipinatong sa ulo
5. Nananagis – umiyak 8. Tampipi – sisidlan ng damit na yari sa
kawayan o buli

Buod:

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung may
dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito.

Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at
inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang.

Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang
magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko.

Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko ngunit nang
babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot
lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.

KABANATA 9
ANG MGA PILATO
Talasalitaan:

1. Mabubulid – mahuhulog 5. Paglusob – pagsalakay


2. Matutudla – tatamaan 6. Pagsanggalang – pagtatanggol
3. Nabalisa – nag-alala; hindi mapakali 7. Sumasalungat – tumututol
4. Nagkibit – balikat – pinagsawalang-
bahala

Buod:

Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo. Karamihan sa mga tao ay walang
pakialam samantalang ang iba ay walang habas kung pagtsismisan ang matanda.
Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon
kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may kasalanan kaya nangyari ang
kamalasan kay Tandang Selo.

Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa raw ito dahil sa
kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang maayos.

Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi niyang ang binata ay
isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.

Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni
Juli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.

Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at
napipi ang amang si Tandang Selo.

Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong
araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari
ng kanyang lupa.

Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at nanatiling walang kibo.

KABANATA 10
KAYAMANAN AT KARALITAAN
Talasalitaan:

1. Indulgencia – utang na loob 6. Mahalughog – halungkatin; suriin mabuti


2. Karalitaan – kahirapan; dalita; sakuna 7. Nagdarahop – naghihirap
3. Kayamanan – pag-aari; mga mahalagang 8. Namamalikmata – di-makapaniwala
bagay na naipon o naitago; bagay na 9. Narahuyong – naakit
mataas ang halaga; pagkaingat- ingatan 10. Niyurakan – sinira
4. Lantay – tunay 11. Panggigilalas – pagkagulat
5. Lugmok – nakalubog 12. Umaalipusta – nanglalait

Buod:

Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng bayan ng San Diego at ng
Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales samantalang dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at
ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.

Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa ang dala niyang rebolber. Maya-maya pa’y nagdatingan na ang mga
mamimili ng alahas.

Doon ay dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa nito, at si Hermana
Penchang na mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun
ang dalawang maleta ng alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Inilabas ni Simoun ang mga bago niyang hiyas at doon namili si Sinang. Sinabi rin ni Simoun na
namimili rin siya ng alahas. Tinanong niya si Kabesang Tales kung may ipagbibigli itong alahas.

Iminungkahi ni Sinang ang kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng limandaang piso nang makilala
niyang kay Maria Clara nga iyon na kanyang kasintahan na nagmongha.

Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabitu
pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na
iyon na sinang-ayunan naman ni Simoun.

Nang lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang bagong may-ari ng
kanyang lupa.
Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Nawawala rin ang rebolber ni Simoun at
ang naroroon lamang ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara.

Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-aalahas dahil kinailangan
niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil
mapahamak ang mga ito.

Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun dahil sa wakas ay
natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas ngunit marunong tumupad sa mga
pangako.

Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa
lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay
may papel na may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

KABANATA 11
LOS BAÑOS
Talasalitaan:

1. Apyan – opyo 9. Nakayungyong – nagbibigay lilim


2. Armas de salon – sandatang pambulgaw 10. Pag-aalipusta – paghamak
o pandekorasyon 11. Pag-aalsa – paghihimagsik
3. Dumagok – suntukin 12. Pangangamkam – pagkuha
4. Kagyat – kaagad-agad 13. Punglo – bala
5. Katigan – sang-ayunan 14. Rebolber – uri ng baril
6. Masinsinan – seryosong pag-uusap 15. Tresilyo – sugal na baraha
7. Masusugpo – mapipigil 16. Tulisan – rebelde; magnanakaw
8. Mulato – tao na may isang magulang na
puti at isang magulang na negro; biracial

Buod:

Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot ang mga hayop
sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama
na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan
Heneral.

Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang
Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni
Simoun sa paglalaro.

Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang
pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng
kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.

Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre
Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni
Simoun sa kanyang mga hiling.

Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo.

Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay dahil sa pagkakaharang
sa kanya ng mga tulisan.

Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga bala.
Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing marami raw baril ang mga tulisan.

Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga sandata.
Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang raw ang tanging marangal
na kumikita ng ikabubuhay nila.

Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang ‘di man lang kukunin ang aking mga
alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok, nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”

“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.

“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.”

Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan Heneral ang laro.
Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.

Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas na Kawani dito
ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de
salon sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang
nasunod.

Sumunod na pinag-usapan ay ang paaralan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio na gawing


paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan
Heneral.

Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y makakaepekto sa karapatan,
isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mga Indiyo.

Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman pinutol na ng Heneral ang
usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay na iyon.

Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa na ang pagkain.

Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si Juli ay tatlong araw na pabalik-balik at
nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno.

Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Heneral.

KABANATA 12
PLACIDO PENITENTE
Talasalitaan:

1. Bulastog – mayabang 7. Placido – kalmante o mapayapa


2. Dia-pichido – ipit na araw na hindi na 8. Puerta – pinto
pinapasukan ng ibang mga estudyante 9. Tandang Basiong Macunat – isang aklat
3. Loob ng Maynila na namoogan – na naglalaman ng mga payo ng kura at mga
Intramuros o Walled City salaysay tungkol sa kasamaang dulot ng
4. Mangilak – manghingi pagpapaaral ng mga anak
5. Panghihinawa – pagkasawa 10. Umiibis – bumababa
6. Penitente – nagdurusa 11. Victoria – karuwahe

Buod:

Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang kanyang mukha dahil ibig
na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na taon na
siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.

Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na niyang tumigil sap
ag-aaral. Siya pa naman ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman
siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong
Makunat.
Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez. May
kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya ng isang
mestisong Kastila.

Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani. Nangharana raw sila ni Padre
Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang na wala raw bahay na hindi nila napanhik.

Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Juli dahil susuko rin
daw si Juli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok. Ani Placido, tungkol
daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan
naman ng huli.

Natigil lamang ang kanilang pag-uusap ng manghingi ng abuloy si Juanito para sa monumento ng
isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa
pagpasa ng estudyante.

Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang estudyante naman ay
tinitingnan ang mga magagandang dalagang nagsisimba.

Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang katipan ni Juanito
na si Paulita Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina.

Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at
kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay
napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido. Pinalalagda siya sa
kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig.

Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda. Ngunit dahil
mapilit ang kausap ay napalagda si Placido. Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase.

Bagama’t huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang sapatos
sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng
kanyang guro.

Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali at napansin nga siya ng
kanyang guro. Ngunit nabastusan ito kay Placido at nasabing magbabayad daw ito sa kanya.

KABANATA 13
ANG KLASE SA PISIKA
Talasalitaan:

1. Ampliacion – mataas na kurso 11. Pag-aglahi – pang-iinsulto


2. Asoge – Mercury o Merkurio 12. Pagupak – patunog na yari sa kahoy na
3. Binuling – pinakinis ginagamit sa misa kung Biyernes Santo sa
4. Dominus Vobiscum – sumaiyo ang halip na kampanilyang metal
Panginoon 13. Pilosopastro – pauyam na tawag sa
5. Eskaparate – salaming dibisyon pilosopo
6. Espiritu Sastre – pauyam na termino ni 14. Ponograpo – pangkaraniwang aparatong
Padre Millon sa Espiritu Santo pampatugtog
7. Hinuha – palagay 15. Requiescat in pace – sumalangit nawa
8. Iskoba – brush 16. Salamin – isang matigas, babasagin at
9. Kamagong – Mahogany; kahoy na kulay nakaaaninag na materyal
itim 17. Santisimo – banal na sakramento
10. Lavvoiser, Secchi, Tyndall – mga 18. Sihang – Panga
banyagang siyentipiko 19. Ultimatum – pinakahuling pahayag
Buod:

Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang bintana nito at
narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng
kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng letra ng
kanilang mga apelyido.

Walang palamuti ang dingding ng silid. May mga kasangkapan nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa
isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo
tulad ng Santisimo ng Pari.

Samantala, ang batang Dominikong pari na si Padre Millon ang guro sa klase ng Pisika. Siya’y
napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan
ni Santo Tomas de Aquino ay doon nakaupo ang propesor.

Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang iskoba. Parang ponograpo
itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing.
Pinatigil ng guro ang estudyante at sunod na tinawag si Pelaez.

Sumenyas ito kay Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.” Sa katatapak sa paa ni
Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy nabaling ang galit ng propesor.

Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang “espiritu sastre”. Nasabihan
din siyang “pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si Juanito at siya na ang tinanong.

Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor. Tinawag pa siya nitong Placidong
Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido.
Tumutol dito si Placido at nagpaliwanag.

Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig, hinarap ang propesor at walang-galang na umalis
sa klase.

Natigilan ang klase. ‘Di nila lahat akalain na magagawa iyon ni Placido. Nagsermon at nagmura si Padre
Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya, hudyat na tapos na ang klase.

KABANATA 14
SA BAHAY NG MGA MAG-AARAL
Talasalitaan:

1. Abuloy – kontribusyon 7. Mapakiling – pumanig; mapapayag;


2. Aktibidades – gawain mapasang-ayon
3. Facultad – nag-aaral ng kursong 8. Nagpapasimuno – nagsimula
pampropesyunal o pang-akademiko 9. Nagpipingkian – nag-iiskrima
4. Hangarin – pangarap 10. Nang-uulot – nang-uudyok
5. Kasigabuhan – silakbo 11. Nobya – kasintahan
6. Magpalikaw-likaw – magpaligoy-ligoy

Buod:

Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro binata ang mga nakatira na pawang
nangangasera.

Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang pinuno ng kilusan para sa
Akademya ng wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig ang mga pangunahing mag-aaral na sina
Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-usapan ang kanilang pakay.
Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaaprubahan ang pagbukas ng paaralang samantalang si
Pecson ay nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng debate sa maaring maging aksiyon sa kanilang paaralan.
Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene umano ang nagtatanggol sa kanila
laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain.

Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don Custodio, isa sa mga kataas-
taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig.

Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don Custodio na pumanig sa
kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na isang manananggol at ang mananayaw na si Pepay.

Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging marangal ang kapamaraanan.

KABANATA 15
SI SENYOR PASTA
Talasalitaan:

1. Anasan – pag-uusap sa mahinang boses; 9. Pangangayupapa – pagpapakumbaba,


bulung-bulungan pagyukod, pagluhod, pagpapatirapa, o iba
2. Kilatisin – uriin pang kilos na tanda ng pagpapasakop o
3. Kondesa – tawag sa asawa ng konde pagbibigay-galang
4. Nagmamaang-maangan – 10. Pasaliwa – pabaliktad
nagkukunwang walang alam 11. Rector – punong pari
5. Pabulalas – pasambulat 12. Silyon – isang upuang may patungan ng
6. Pagsasapantaha – panghihinala mga kamay
7. Pahat – kaunti; munti 13. Sumuong – lumusob
8. Palikaw-likaw – pahipit-hipit, pasikot-sikot 14. Upaw – kalbo

Buod:

Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa mga may pinakamatalas na
pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga pari kung ang mga ito’y nasa gipit na kalagayan.

Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang mapasang-ayon kung
sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio.

Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang tungkol sa balaking kilusan. Nakinig ng mabuti ang Senyor
na tila walang alam at kunwari’y wala siyang pakialam sa gawain ng mga kabataan. Pinakikiramdaman
naman ni Isagani ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado.

Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang akademya ng Wikang Kastila
ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan at mas
mabuting hayaan daw na ang gobyerno ang kumilos.

KABANATA 16
ANG KASAWIAN NG ISANG INTSIK
Talasalitaan:

1. Bulalas – pahayag 5. Kopa – goblet


2. Consulado – ukol sa gawain ng konsul 6. Nakahuhughog – nakasasaid
3. Kapighatian – kahirapan, kalungkutan 7. Nanduduwit – nangunguha
4. Konsul – isang tao na ipinag-utos ng 8. Paghahamok – labanan, away
pamahalaan na naninirahan sa ibang bansa 9. Piging – handaan, kainan
para maging kinatawan ng kanyang bansa. 10. Pulseras – bracelet
11. Sikolo – 25 sentimo 13. Walang kapangi-pangimi – malakas ang
12. Tsampan – kumikislap na alak loob
(Champagne)

Buod:

Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa
kaya siya ay naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga tanyag na panauhin kabilang na ang mga
kilalang mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na din ang kanilang
mga suki.

Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na nagkakahalaga ng siyam na
libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi makakabayad sa mag-aalahas.

Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung papayag umano si
Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.

Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na
pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit
upang kumita. Napilitan namang sumang-ayon si Quiroga.

Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para
pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.

Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa
Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

KABANATA 17
ANG PERYA SA QUIAPO
Talasalitaan:

1. Galaw – kilos 6. Liwasan – parke, plasa


2. Kalantiriin – inisin 7. Mabunggo – maumpog, mabangga
3. Katog – tunog 8. Namimirinsa – namamalantsa
4. Kinamumuhian – kinagagalitan, 9. Prinsa – plantsang bilog na ang ginagamit
kinaiinisan na painit ay uling o kahoy.
5. Kutsero – ang nagkokontrol sa kabayo

Buod:

Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga. Patungo sila sa kubol
ni Mr. Leeds.

Ikinatuwa ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga nasasalubong nilang magagandang
dalaga lalo pa ng makita niya si Paulita Gomez na kasama ng kanyang tiya na si Donya Victorina at ni
Isagani na nobyo ng dalaga. Naiinis naman si Isagani sa bawat tumititig kay Paulita.

Dumating sila sa isang tindahan kung saan maraming makikita na estatwang kahoy. Ang isang
estatwang mukhang mulato ay kinilala nilang si Simoun dahil sa parang pinaghalong puti at itim ito.

Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre Camorra, baka daw natatakot si
Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa peryahan.

Wika naman ni Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang lihim ng kanyang kaibigan na
si Mr. Leeds.

KABANATA 18
ANG MGA KADAYAAN
Talasalitaan:

1. Alingasaw – Singaw 4. Kahindik-hindik – Nakakatakot


2. Iginugumon – Inilulubog 5. Pinaunlakan – Pinagbigyan
3. Kabuhungan – Kasamaan

Buod:

Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang Amerikano na magaling
magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa Timog-Amerika.

Bago naman magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap ang salamin na
maaring ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya. Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit
walang natagpuang salamin si Ben Zayb.

Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at paglabas ay may dala na siyang kahong kahoy.
Aniya, natagpuan daw niya iyon sa libingang nasa piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto.

Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Kapag
binigkas ang unang salita ay nabubuhay ang abo at nakakausap ang isang ulo. Kapag ang
pangalawang salita naman ang binanggit ay bumabalik ito sa dating kinalalagyan.

Maya-maya, bumigkas ng isang salita ang Amerikano. Lumabas ang isang ulo at sinabi nitong siya si
Imuthis. Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.

Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay nalaman niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis
ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa
tulong ng pandaraya. Dahil sa takot na isumbong siya kay Cambises ay binalak niyang patayin si
Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto.

Samantala, si Imuthis ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos.
Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan.

Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas, at saka napatay. Ayon sa ulo, siya ay nabuhay muli upang ihayag
ang gayong kataksilan. Titig na titig ang ulo kay Padre Salvi habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot
ay hinimatay ang pari.

Kinabukasan ay naglabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ni Mr. Leeds ngunit huli
na dahil wala na ang Amerikano at nagpunta na sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

KABANATA 19
ANG MITSA
Talasalitaan:

1. Arabal – hangganan ng bayan 9. Kastilyero – tagagawa ng mga paputok


2. Basar – tindahan 10. Kinatitirikan – kinatatayuan
3. Candelabra – mahabang tubo na may 11. Lipakin – hamakin
kandila sa dulo 12. Malamlam – mapanglaw
4. Ciriales – mahabang tubo na may krus sa 13. Mitsa – isang parte ng bomba na
dulo sinisindihan para ito’y pumutok; nagsisilbi
5. Fenix – isang mahimalang ibon na rin itong orasan kung iilan nalang na oras
nabubuhay ng limandaang taon ang bibilangin bago pumutok ang bomba
6. Iginugupo – pinaghihina 14. Nagngingitngit – labis na galit
7. Kabuluhan – may kapupuntahan, may 15. Nakaririmrim – nakapandidiri
katutururan 16. Platero – tagapanday ng pilak
8. Karabinero – isang kawal na armado ng 17. Procurador – pinuno ng isang relihiyosong
karabin korporasyon
18. Promotor piskal – pinunong abogado ng
isang distrito

Buod:

Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya makapagtimpi at nais na
gumawa ng isang libo’t isang paghihiganti.

Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin
ang kura at ihagis sa ilog.

Nang mapadaan naman sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni
Quiroga. Ibig niya sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito ngunit nagpigil si Placido.

Nadaanan din niya ang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito.

Sa kanyang tinutuluyan ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas.


Naghinagpis ang ina nang magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral.

Ilang sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, at Sto. Kristo.

Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya’y nakaramdam siya ng gutom at naisipang umuwi. Inisip niya na
wala na sa kanyang tinutuluyan ang ina at nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Ngunit
mali siya ng akala dahil naroon pa ang ina at naghihintay sa kanya.

Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa
nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan
bago mag-aral na muli.

Muling nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Hindi na lang kumain si Placido at saka muling umalis.
Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay naisip niya na magpunta ng Hongkong upang
magpayaman at kalabin ang mga pari sa kanyang pagbabalik.

Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan ay nagtungo siya sa perya. Doon niya nakita si
Simoun. Ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanya at ang planong magpunta sa Hongkong.

Isinama ni Simoun Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at Paulita na magkasama.
Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun.

Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa isang bahay na
pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.

Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si
Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila handa.

Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang
rehinameyento ng mga kawal dahil kung ipagpapaliban pa raw nila ang plano ay baka patay na si
Maria Clara.

Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.

Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang ina si Placido. Hindi na rin siya tumutol sa mga
payo nito. Pagkaraan ay pinauwi na niya ang ina sa Batangas dahil baka malaman pa daw ng
prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

KABANATA 20
SI DON CUSTODIO
Talasalitaan:

1. Bantog – kilala 3. Ginugol – inaksaya


2. Di-masusupil – di mapipigil 4. Himala – kababalaghan
5. Katukayo – kapangalan 10. Nalathala – naipahayag
6. Masawata – masupil 11. Pananalig – paniniwala
7. Matapang – malakas ang loob 12. Pangahas – nangunguna
8. Nakagagambala – nakagugulo 13. Panukala – mungkahi
9. Nakikini-kinita – nagugunita 14. Sinang-ayunan – kinampihan

Buod:

Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin sa akademya ng wikang Kastila. Siya ang
pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kilala sa tawag na “Buena Tinta” ay tanyag
sa bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya ng mayaman at sa pamamagitan nito ay
nakapag-negosyo. Siya ay pinupuri kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan
dahil si Don Custodio ay masipag.

Nang magtungo sa Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan.
Wala pang isang taon ay bumalik na rin siya sa Pilipinas at nagyabang sa mga Pilipino sa kanyang
kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Ipinalagay niyang siya’y isang amo at manananggol. Naniniwala siyang may ipinanganak upang mag-
utos at ang iba’y upang sumunod. Para sa kanya, ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging
utusan.

Pagkaraan ng labinlimang araw ay nakabuo na ng pasya si Don Custodio at handa na niya itong
ipaalam sa lahat.

KABANATA 21
MGA ANYO NG TAGA-MAYNILA
Talasalitaan:

1. Alingasngas – usap-usapan 14. Nanlilimahid – maruming-marumi


2. Bihasa – sanay, eksperto 15. Natitigatig – nayayanig
3. Hampaslupa – mahirap 16. Naulinigan – narinig ng bahagya
4. Hudyat – palatandaan 17. Pabuya – premyo, gantimpala
5. Kalmen – eksapularyong isinusuot bilang 18. Pagala-gala – paikot-ikot
deboto sa isang santa o santo 19. Pagbabalatkayo – pagkukunwari
6. Kawani – opisyal 20. Pagkakarinyosa – pagkamalambing
7. Kinakatigan – pinapakinggan o 21. Pakana – plano
kinakampihan 22. Pangingimbulo – pagkainggit
8. Malamlam – mapungay, malabo 23. Panunuligsa – pambabatikos
9. Mapanibughuin – seloso 24. Paskil – karatula
10. Masagwa – kahalayan 25. Patid – tigil, hinto
11. Nag-ibayo – tumitindi 26. Pinakakalansing – pinapatutunog
12. Nagkukumahog – nagmamadali 27. Sekreta – pulis
13. Nagpatumpik-tumpik – nagpabagal- 28. Tiktik – espiya
bagal 29. Walang muwang – walang alam

Buod:

Ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses ay may pagtatanghal sa Teatro de
Variendades ng gabing iyon. Mabilis na naubos ang mga tiket para sa dula.

Hindi abalang pumasok sa tanghalan ang Kastila na tila pulubi na si Camarroncocido. Nilapitan siya ni
Tiyo Kiko, isang matandang lalaki na nakasuot ng amerikanang hanggang tuhod at ipinakita ang anim
na pisong galing sa mga Pranses na kinita niya sa pagdidikit ng mga paskil.
Ngunit sinumbatan ni Camarroncocido si Tiyo Kiko at sinabing ang kikitain sa buong palabas ay
mapupunta sa mga pari.

Ang pagtatanghal ay humati sa Maynila. Masagwa daw at laban sa moralidad ang palabas sabi ng mga
tutol na sina Don Custodio, mga pari, pati na mga babaeng may asawa at may kasintahan.

May mga taong nagtatanggol naman sa palabas kagaya ng mga pinuno ng hukbo, mga marino, mga
matataas na tao, mga kawani at mga babaeng walang kasintahan.

Naging malaking bulung-bulungan ang palabas at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si
Simoun, si Quiroga at ang mga artista.

Pinuna ni Camarroncocido ang mga nais manood na kaya daw naroon ay para malaman kung bakit
bawal at dapat ipagbawal ang palabas.

Nang umalis na si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-
amerikana at sa wari niya ay umiiwas na mapuna. May isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga
di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong.

Pagkaraan ay masiglang lumapit ang kagawad sa isang karwahe na lulan si Simoun. May narinig si
Camarroncocido na wikang Kastila na ang ibig sabihin ay “Ang hudyat ay isang putok”, saka niya
nasabi sa sarili na tila may binabalak ang mga ito.

Nagpatuloy sa paglalakad ang pulubi. May dalawang tao siyang naririnig na nag-uusap at sinabing ang
mga kura ay malakas kaysa Heneral. Umaalis daw ang Heneral samantalang ang mga pari ay naiiwan
at ang hudyat na isang putok ang kanilang ikayayaman.

Naaawa man sa bayan ngunit wala namang pakiaalam si Camarroncocido sa mga narinig.

Samantala, sa labas ng dulaan ay makikita si Tadeo na niloloko ang isang kababayang tanga sa
pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan.

Sinabi ni Tadeo sa kausap na kilala niya ang mga malalaking tao na nadaan at kaibigan niya ang mga
ito kahit hindi naman totoo.

Dumating ang mga mag-tiyahin na sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Kahit na nagbabalatkayo ay
nakilala pa rin ni Tadeo si Padre Irene na ‘di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang
ilong. Dumating din si Don Custodio.

Nang dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit si Tadeo sa kanila saka bumati.
May sobra silang isang tiket dahil hindi sumama si Basilio.

Dahil dito’y inanyayahan nila sa Tadeo sa loob, agad siyang sumama sa apat, at iniwan ang
kababayang kanina lamang ay kausap ngunit ngayon ay nag-iisa na.

KABANATA 22
ANG PALABAS
Talasalitaan:

1. Alingawngaw – tinig na bumabalik sa 7. Dagok – suntok o dating ng suliranin


pandinig 8. Dometiques – domestic o pantahanan
2. Artilyero – kanyunero 9. Entrada General – teatro
3. Ayuntamiento – Pamahalaang lungsod 10. Gora – sombrero
4. Butaka – upuang may patungan ng braso; 11. Guniguni – imahinasyon
pang-ibabang mga hanay ng upuan sa 12. Ipalulon – ipalunok, ipakain
teatro o tanghalan 13. Kahali-halina – kaakit-akit
5. Butaw – donasyon 14. Matikas – matipuno
6. Cancan – isang masiglang sayaw na 15. Manunuligsa – namumuna
nagsimula pa noong ika-19 na siglo na ang 16. Mapakali – mapalagay
pinakatampok na galaw ang pasipang 17. Mapanudyo – mapanukso
pataas sa saliw ng mabilis na tugtog 18. Masasal – mabilis at malakas na ubo
19. Masatsat – masalita, madaldal 29. Pasaring – parinig
20. Masigabo – mainit na pagtanggap o 30. Peluka – wig, pekeng buhok
palakpakan 31. Pinagkuskos – pinagkiskis
21. Nakapukaw – nakagising 32. Servantes – servants o tagapaglingkod
22. Nakaririmarim – nakadidiri, nasusuka 33. Tabing – kurtina
23. Nakimatyag – nakiusyoso 34. Tampalasan – walang galang, bastos
24. Nakukutya – namamaliit 35. Tisiko – may sakit sa baga o tuberculosis
25. Natitigatig – natitibag 36. Tumambad – lumitaw
26. Nayamot – nainis 37. Udyok – tulak
27. Palko – balkonahe, upuan sa itaas ng 38. Umilandang – humagis
teatro 39. Winawasiwas – iwinagayway
28. Panlulumo – panghihina

Buod:

Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay ‘di pa rin nagsisimula ang palabas dahil
hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na ang
tabing.

Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo
ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan nito.

Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig
ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong
naiinip.

Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang tumugtog ang marchareal dahil dumating na
ang Kapitan Heneral. Sinasabing manonood ang Kapitan Heneral ng palabas dahil sa dalawang dahilan.
Ang una ay hinahamon diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay may pagnanasa
lamang na makita ang pagtatanghal.

Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito.
Kinuntsaba siya ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso
nito. Noong hapong iyon ay sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng
kasagutan.

Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si Makaraig ay makahulugang
tumitingin kay Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin.

Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa
dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga
salitang Pranses na naririnig. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya
Victorina. Lamang ay madalas mali ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng Donya
sa kanya at hinangad na pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don Tiburcio.

Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya
pala ito ni Padre Salvi kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng
mananayaw si Padre Irene at kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.

Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang
pagkahuli ng dating. Nang makitang wala pang laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa.

Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay
marurunong mag-pranses.

Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi
mga artista at ‘di marunong umawit.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina
Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang
hinihintay nilang cancan.

Napag-usapan din ang ”di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang
kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses.

Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang hitsura kaya naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga
kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa paaralan ayon kay Padre
Irene.

Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala
ng mga Dominikano.

KABANATA 23
ISANG BANGKAY
Talasalitaan:

1. Balaan – bigyan ng paunang paalala 13. Nag-uulol – nababaliw o nawawala sa isip


2. Baligho – laban sa katwiran 14. Nakabubulahaw – nakaiistorbong ingay
3. Bugnutin – bigla o madaling magalit 15. Nangakatanikala – nakagapos o nakatali
4. Dalisay – puro o walang dungis 16. Nangatal – nanginig
5. Dinaluhong – sinugod 17. Natighaw – mabawasan o humina
6. Humimlay – matulog o mahimbing 18. Pagpapaunlak – napasunod o nagbigay
7. Kabig – kakampi 19. Pantalya – lampara
8. Kahindik-hindik – katakot-takot 20. Sinisikil – iniipit o pinahihirapan
9. Lipos – puno 21. Sulak – agos
10. Lubay – tigil o patid 22. Talamak – marami o kumalay
11. Nagpalahaw – umatungal sa iyak 23. Tigib – masobrahan o matambakan
12. Nagugulumihanan – naguguluhan 24. Tigmak – basa o babad

Buod:

Hindi pumunta sa dulaan si Simoun.

Noong ika-pito ng gabi ay makalawang beses umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t
ibang taong kasama. Nang mag-iikawalo na ay nakita siya ni Makaraig sa may daang Ospital malapit sa
kumbento ng Sta. Clara. Nakita naman siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na
may kausap na tila estudyante.

Hindi rin pumunta sa teatro si Basilio dahil siya ay papunta sa San Diego. Pupunta siya sa bahay ni
Kapitan Tiyago upang gamutin ito.

Habang inaalagaan ni Basilio ang may sakit ay bigla na lang itong sinusumpong dahil sa sobrang
paghithit ng opyo.

Nagbilin naman sina Simoun at si Padre Irene kay Basilio na pagalingin ang may sakit at pagtiisan ito
sa pag-aalaga.

Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Noon lamang sila muling nagkaharap mula nang huli
silang magkita sa San Diego.

Kinamusta ni Simoun si Kapitan Tiyago. Ibinalita naman ni Basilio na malubha na ang lagay ng Kapitan
dahil kalat na ang lason sa katawan nito.

Muling hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila. Ang hindi
raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang kaaway na dapat patayin.

Si Basilio daw ang magtatakas kay Maria Clara sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang
buong lungsod.
Ngunit huli na daw ang lahat, ani Basilio. Nalaman niyang nagpakamatay na raw si Maria Clara dahil
naroon daw siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nalaman ang nangyari.

Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang
nagpabasa kay Kapitan Tiyago na nag-iiyak nang mabatid na patay na ang anak.

Nagulat si Simoun sa narinig niyang balita ngunit ayaw niyang maniwala na totoo ito at pinipilit na
buhay pa si Maria Clara.

Nang huminahon na ay umalis agad siya ng silid. Naririnig ni Basilio ang mga sigaw ng hinagpis ni
Simoun habang paalis ito.

Nawala na sa isip ni Basilio ang pag-aaral at sa halip inisip ang kasalukuyang kalagayan ni Simoun.

KABANATA 24
MGA PANGARAP
Talasalitaan:

1. Naulinigan – narinig 4. Pagkabusabos – pagkaalipin


2. Mapaniil – mapang-abuso 5. Sumilay – sumulpot, sumipot, dumating
3. Naghulas – pagtutubig, lusaw, tunaw,
tagas

Buod:

Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta.

Galit si Isagani dahil nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan. Ngunit napag-alaman
niya na si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez kaya nagkatawanan sila ng kausap.

Nagkapalitan din sila ng mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa nayon manirahan. Para
sa kanya, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit
nabatid niyang parang naging may kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak niyang ang kulang ay
ang kanyang nobya.

Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang
nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun
at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin
subalit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang
nasa isip niya ay ‘di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.

Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si Isagani at tila ba napawi lahat
ng kanyang pagkainis. Masaya na sana si Isagani ngunit biglang itinanong ni Donya Victorina kung
nasa kanilang nayon ba nagtatago ang asawa niyang si Don Tiburcio.

Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong ang Donya na ano daw
kaya kung pakasal siya kay Juanito. Kinaiinisan man ang kanyang kamag-aral ngunit pinuri pa niya si
Juanito sa harap ng Donya.

Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang pamangkin at ang nobyo nito. Kung
magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isagani ay masasarili niya si Juanito.

KABANATA 25
TAWANAN AT IYAKAN
Talasalitaan:
1. Naaninaw – nabanaagan 4. Piging – handaan
2. Nagmamanman – nag-iimbestiga 5. Sinipat – tinignan
3. Pagtalima – pagsunod

6.

Buod:

Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat silang
lahat kabilang na si Sandoval.

Matatalim magsalita ang mga estudyante. Kahit pa nagtatawanan sila ay ramdam pa din ang kanilang
hinanakit.

Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan
kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang
lihim tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-lang, ang sopas ay tinaguriang
sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene at ang torta’y inukol sa prayle (torta
de Frailes).

Tumutol si Isagani. Di daw dapat isama sa panunumpa ang isang pari. Sinegundahan ito ni Tadeo.
Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle.

Ang pansit gisado naman ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ani Makaraig, ang pansit ay
katutubong lutuing Pilipino. May gusto daw mag-alay ng pansit kay Quiroga na isa raw sa apat na
kapangyarihan sa Pilipinas. Samantalang may nagsabi na sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay
ang pansit.

Hindi handa si Tadeo ng mahilingan siyang magtalumpati. Nagtalumpati din si Pecson na inatake ang
mga pari. Aniya, mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay mga pari ang kasama natin.

May nakakita sa isang utusan ni Padre Sibyla (biserektor sa Unibersidad) na sumakay sa karwahe ni
Simoun. Nagtitiktik pala ito sa mga mag-aaral. Nasambit tuloy ni Makaraig ang mga katagang, “Ang
busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”

KABANATA 26
MGA PASKIL
Talasalitaan:

1. Gugol – gastos 5. Nagunita – naalala


2. Kabo – sundalong may rangong “Corporal” 6. Naimpok – naipon
sa militar 7. Nakaligtaan – nakalimutan
3. Kanto – salikop 8. Paskin o Paskil – poster
4. Magara – magarbo 9. Putahe – pagkain

Buod:

Maagang nagising si Basilio. Dadalawin niya ang pasyente sa ospital ng San Juan de Dios saka pupunta
sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura.

Kakatagpuin rin niya si Makaraig para mangutang ng salapi na kanyang gugugulin. Ang mga naimpok
niya kasi ay nagamit na niya sa pagtubos kay Juli.

Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang propesor na malapit sa kanyang loob. Tinanong siya
ng propesor kung nasa piging siya kagabi. Mabuti raw at wala ito doon.
Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na at sirain ang
lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya.

Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan
ng kung sino. Anang kausap ay may ibang mga kamay na nakapangingilabot dito.

Tinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Ngunit ang sagot ng propesor ay wala raw dahil
puro estudyante daw ang sangkot. Sa unibersidad daw ay nakakita ng mga paskin o paskil na
mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang propesor na kakilala ni Basilio. Ang sabi’y nangangamoy na raw si
Kapitan Tiyago at nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Napag-alaman niya na marami raw mga estudyanteng


papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa pag-aaral.

Naalala ni Basilio ang sinabi ni Simoun na oras na sila’y itiwalag nila ay ‘di sila makatatapos sa kanilang
karera. Dito’y pinaghinalaan ni Basilio si Simoun na may kinalaman sa mga paskil.

Tinawag ni Simoun si Sandoval ngunit para itong walang narinig. Tuwang-tuwa naman si Tadeo dahil
wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ng mga estudyanteng kasama sa kapisanan.

Si Juanito naman ay parang baliw na paulit-ulit na sinasabing wala siyang kinalaman. Saka umalis nang
makitang may papalapit sa kanilang tanod.

Natanaw ni Basilio si Isagani na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Ani Isagani ay hindi
na daw mahalaga kung sino ang sumulat sa mga paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin iyon.
Kung nasaan daw ang panganib ay doon sila dumako dahil naroon ang karangalan.

Dagdag pa niya, kung ang nasasabi raw sa paskil ay kaayon sa kanilang kalooban, sino man ang
sumulat noon ay dapat daw nilang pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan nila at
tanggihan.

‘Di naman sang-ayon dito si Basilio kaya tumalikod ito sa kaibigan saka umalis dahil pupunta na siya
kay Makaraig para makahiram ng pera.

‘Di niya pinansin ang mga senyas ng mg mga kapitbahay ni Makaraig. Nang makaharap ang dalawang
tanod na beterana ay sinabi niyang naroon siya para makipagkita sa kaibigang si Makaraig.

Nagkatinginan lamang ang dalawang tanod. Saka dumating si Makaraig, ang kabo, at dalawang kawal.
Nagtaka si Makaraig sa pagparoon ni Basilio. Inusig ng kabo si Basilio saka isinama sa pagdakip.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya kay Makaraig. Sinabi ni Makaraig na
maaasahan siya ni Basilio at kapag nakapagtapos daw siya ng pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang
mga kawal na dumakip sa kanila.

KABANATA 27
ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE
Talasalitaan:

1. Buhong – mapanlinlang 10. Pagbabalatkayo – pagkukunwari


2. Capista – tagapaghatid 11. Paghuhulo – pagkakaintindi
3. Inuupasalaan – manirang-puri 12. Payabungin – paunlarin
4. Itinangi – pinapahalagahan, pinag-uukulan 13. Pensing – eskrima
ng mamumukod na pagmamahal 14. Salat – kulang
5. Karangalan – dignidad 15. Siniil – ginipit
6. Katedratiko – paring propesor 16. Tinakpan – ipininid
7. Lumait – umapi, kumutya 17. Tinutuligsa – pinupuna
8. Mangmang – walang alam 18. Tutusin – bibilangin
9. Nakatutop – nakalagay
Buod:

Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito’y labis na iginagalang ng binata.

Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito kung kasama ba siya sa
hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong estudyante na raw ang
naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay pumupula at lumalalos sa mga
prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon naman kay Isagani ay ‘di kasalanan ng kabataan na magsalita laban sa may kapangyarihan na
agad naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng pari ang ibinubunga ng gayong
paratang.

Sinabi ng pari na ‘di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang
klase. Sa halip ay paborito pa nga daw niya si Isagani.

Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing itinatangi rin niya ang katedratiko. ‘Di raw gaya ni
Padre Fernandez ang ibang prayleng Dominikong katedratiko. Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo
ng mga prayle.

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga
paratang ni Isagani.

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan
at sila umano ang nagsasabi mismo sa mga mag-aaral na hindi raw sila nararapat matuto dahil balang
araw ay magpapahayag ang mga ito ng paglaya.

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino at katarungan. Ang
pagtanggi ng mga prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan ng kawalan ng kanilang kasiyahan.

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang. Ipagkaloob
daw iyon sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin.

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa. Ang
bayan daw na inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin.

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan
ng loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o ang mga nagturo sa kanila sa loob ng may
tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi
mga sira, siya’y napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang putik na ginamit?

Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at
marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at ‘di lamang hangal, kundi
manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa
pagtangap kabayaran at ‘di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil
ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapaki-pakinabang.”

Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya nakaranas ng pagkatalo sa isang
estudyanteng Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na ang utos na sinusunod nila ay galing lamang sa
pamahalaan.

Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw niyang sabihin ay may mga batas na mabuti ang
layon nguni’t masama ang ibinubunga.

Ang masamang ugali ng mga mag-aaral ay ‘di daw dapat isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa
masamang pagkakatatag umano ng kanilang kapisanan.

Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang
kaganapan ng pagkatao.
Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito dahil ito’y
hinahadlangan. Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong
makatulong sa bansa.

Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng
karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalang pinag-aralan at kamangmangan.

Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan.”

KABANATA 28
PAGKATAKOT
Talasalitaan:

1. Albacea – tagaganap ng huling bilin o 5. Pahumal – nauukol sa ilong


testamento ng namatay 6. Pinagpipiit – pinagkukulong
2. Aleman – taong taga-Germany 7. Sable – espada
3. Kimi – namumula ang pisngi 8. Timpiin – supilin
4. Kuwalta – salapi, pera 9. Tudling – kulubot

Buod:

Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang sabihin na nakasasama sa
Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Pinatutunayan umano ito ng mga paskil.

Binalot ng takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik.

Hindi na din nakapunta sa basar ni Quiroga ang mga prayle. Inayos din ng mga Intsik ang kanilang
mga tindahan upang madali itong maisara kung sakali.

Naisip ni Quiroga na sumangguni kay Simoun upang itanong kung panahon na upang gamitin ang mga
baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kanya.

Ayon sa napag-usapan nila ni Simoun ay palihim na ilalagay ang mga baril sa mga bahay-bahay at saka
magpapahalughog ang pamahalaan.

Maraming madarakip lalo sa mga mayayaman at ito ay magpapatulong sa kanila na mangangahulugan


ng malaking salapi.

Ngunit hindi nakausap ni Quiroga si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ang anuman sa
kinalalagyan.

Pumuta si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat niyang sandatahan ang sariling
tahanan.

Subalit ayaw rin tumanggap ng bisita si Don Custodio. Kaya naman kay Ben Zayb nagtungo si Quiroga.

May dalawang rebolber na nakapatong sa mga papeles ng manunulat kaya ng makita niya ang mga ito
ay nagpaalam kaagad ang intsik at nagdahilang may sakit.

Kinahapunan ay may kumalat na balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San
Mateo. Ang balak daw na paglusob ng mga ito sa lungsod ay nabuo sa isang Pansiterya.

May bapor pandigma pa daw ang mga Aleman. May mga estudyante daw na nagtungo sa Malakanyang
upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya ang mga ito ay
pinagkukulong.

Naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

May nagmungkahi na magpabaril ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo.

Sabi naman ng isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may
hilang kanyon upang ang lahat ay magsisipanhik ng bahay para manahimik.
Anang isa, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan.

May naghalughog sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan si Basilio ay nanunuluyan. Hinahanap nila ang
mga kasulatan ng binata.

Maya-maya’y dumating si Padre Irene saka nagbalita ng mga nakakatakot sa matanda.

Natakot si Kapitan Tiyago sa mga kwento ng pari. Napadilat ang Kapitan habang nakakapit sa kura.

Nagpumilit siyang makabangon ngunit hindi niya kaya. Bumagsak ito na bumubula ang bibig saka
namatay.

Nakahawak ang patay kay Padre Irene na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Sa isang binyagan kinagabihan ay may nagsabog ng kwalta. Nag-agawan ang mga bata kaya maingay
sa may pinto ng simbahan.

May nagdaang opisyal at nabigla ito sa mga nakita. Inakala niyang gawa iyon ng mga pilibusterilyo
kaya hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.

Nagtakbuhan ang mga tao dahil nagsimula na raw ang himagsikan.

May dalawang tao na nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla.

Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan ngunit hindi nila iyon nahuli. Ang mga
baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit.

May beteranong napatay ng isang kawani sa pag-aakalang isa itong estudyante. Patay rin ang isang
bingi na hindi sumagot ng tanungin.

Sa isang tindahan ay napag-usapan si Tadeo. Binaril na raw ito kaya napadaing ang babaeng kausap.
Marami raw kasing utang sa ginang si Tadeo.

Sinabihan naman siya na baka raw madamay pa kay Tadeo ang may-ari ng tindahan kaya natahimik
ang babaeng kanina lang ay dumaraing.

Si Isagani naman daw ay kusang nagpadakip. Isa daw siyang luku-luko ayon sa usapan.

Malamang daw ay babarilin din iyon. Wala namang paki ang babae dahil wala naman daw utang sa
kanya ang binata. Baka daw pakasal na din sa iba si Paulita.

Halos lahat ng mga bahay ay may nagru-rosaryo.

Sa tinutuluyan nina Palcido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Si Padre Salvi lang
daw ang may gawa noon.

Ayon naman sa isa ay si Quiroga ang may gawa dahil may ibig daw ipasok na kontrabando ang Instik
na nasa look na sandaang libong pisong mehikano.

Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.

Pagkaraan ay may narinig silang mga yabag. Kay Quiroga naputol ang usapan ngunit kunwari’y
binanggit ng isa si San Pascual Bailon.

Ang dumating pala ay si Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura ni Simoun.

Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan
ng ulo sa gabing iyon.

Hindi daw mangyayari iyon sabi ng isa dahil si Simoun na siyang madalas magpayo ng ganun ay
maysakit. Nagkatinginan na lang ang dalawang bagong dating.

Pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad nang gabing iyon. Mga artilyerong Kastila ang ipinalit.

Kinabukasan sa Luneta ay may nakitang bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad ang
bangkay. Nakita man iyon ni Ben Zayb ay ‘di na rin niya ibinalita.
KABANATA 29
ANG HULING PATI-UKOL KAY KAPITAN TIYAGO
Talasalitaan:

1. Apyan – sigarilyo 6. Maringal – marangya


2. Budhi – kalooban 7. Prak – barong Tagalog
3. Dayukdok – gutom na gutom 8. Pinawalang-bisa – binalewala
4. Hitso – nganga 9. Sumakabilang-buhay – namatay
5. Kuwakong – pinaglalagyan ng tabako

Buod:

Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at tagapagpatupad ng
testamento ng kapitan.

Ang malaking kayamanan ng namatay ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga
orden. Ang dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu’t limang piso na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang
na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago. Ipinirisinta ni Kapitan Tinong
ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu’t anim na
piso.

Handa raw niya itong ibigay sa kaibigan na ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita
sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon.

Nagprisinta pa ang sastre na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong
damit. Tatlumpu’t dalawang piso ang halaga ng niyari niyang damit.

Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod kaya isang lumang damit ng Kapitan ang
ipinasuot nito.

Usap-usapan na nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng namatay ang kanyang
sasabunging manok, ang pisngi niya ay nananambok sa nganga at nasa kanyang bibig ang opyo.

Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungan na naroon ay pinag-usapan kung hahamunin kaya ni
Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang manok sa langit.

Ayon kay Don Primitivo, naniniwala siyang parehong mananalo sina San Pedro at Kapitan Tiyago sa
pagsasabong.

Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya, meron talagang
mananalo at matatalo.

Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamanyang ang sinunog at agua bendita ang ipinandilig
sa kabaong.

Hindi rin mabilang ang inawit na mga awiting Latin tungkol sa patay. Marami rin ang sumakit ang ulo
sa katutugtog ng plegarya.

Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago.

Si Donya Patrocinio na kalaban naman ng kapitan noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni
Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin kinabukasan upang magkaroon ng libing na higit
pa sa naging libing yumaong katunggali.

KABANATA 30
SI JULI
Talasalitaan:

1. Agua Bendita – Banal na tubig (Holy 3. Kandili – proteksyon


Water) 4. Nahimatay – nawalan ng malay-tao
2. Islas Carolinas – lugar kung saan 5. Takipsilim – dapit-hapon
ipatapon si Tano na maaaring pagtapunan 6. Umiimik – kumikibo
din kay Basilio 7. Umuukilkil – paulit-ulit

Buod:

Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip kay Basilio. Dinamdam
ito ng buong bayan lalo na si Juli.

Hindi mawala sa kanyang isip ang sinapit ng katipan. Nais niyang makalaya ito kaya naisip niyang
lapitan si Padre Camorra dahil alam niyang isang salita lamang ng pari ay makakalabas ng kulungan si
Basilio.

Gabi-gabing hindi pinapatulog ng pangamba ang dalaga at madalas din siyang bangungutin. Urong-
sulong siya kung hihingi ng tulong sa pari o hindi.

Makaraan ang ilang araw ay nabalitaan niyang nag-iisa na lamang sa kulungan si Basilio dahil nakalaya
na ang ibang mga nakapiit.

Wala tagapagtanggol si Basilio at wala rin naman kamag-anak lalo pa’t kamakailan lang ay namatay na
si Kapitan Tiyago. Ipatatapon daw ito sa Carolinas.

Ayaw mang pumunta ni Juli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil natatakot
siya sa binabalak at hinihinging kapalit nito ay napilitan pa rin siyang humingi ng tulong dito.

Pinilit din siya ni Hermana Bali sa pag-aakalang ang pari na lamang ang pag-asa ni Basilio.

Nang hapong iyon ay nagawa ni Padre Camorra ang panghahalay kay Juli. Kinagabihan, usap-usapan si
Juli at ang pagtalon niya sa bintana ng kumbento na kanyang ikinamatay.

Patakbo siyang nilapitan ni Hermana Bali at bumaba sa pinto ng kumbento.

Ang lolo ni Juli na si Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwala sa harap ng kumbento. Hindi niya kinaya
ang nangyari sa apo.

Bigo rin siya sa paghahanap ng hustisiya kaya naisipan na lang ng matanda na sumama sa mga
tulisan.

KABANATA 31
ANG MATAAS NA KAWANI
Talasalitaan:

1. Katampalasanan – kalupitan 4. Padrino – ninong


2. Koreo – sulat 5. Umalingawngaw – magkalat ng balita
3. Lakayo – komikero (clown)

Buod:

Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Ang tanging nabalita sa tulong ni Ben Zayb
ay ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na sina Makaraig at Isagani at tanging si Basilio na
lamang ang hindi.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at malapit nang matapos sa
panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat sabihin ng kawani ay panay ang tutol ng
Heneral.

Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang ‘di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago.
Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina.

Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan.

Natawa lamang ang Heneral dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay sa
kanya sa pwesto ay ang bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ay ituturing ng
bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

Pagkaalis ng Kawani makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at nagsabing siya’y
uuwi na sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.

KABANATA 32
ANG BUNGA NG MGA PASKIL
Talasalitaan:

1. Bilangguan – piitan, bilibid 5. Mapawi – maparam, kumupas


2. Bitayan – entablado 6. Pagsalakay – paglusob
3. Hukom – tagahatol 7. Palugid – pagpapaurong sa parusa
4. Mabimbin – maantala 8. Talumpati – panayam

Buod:

Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga magulang.

Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa kanilang
kurso.

Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang mga aklat. Hindi rin
nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez.

Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa si Makaraig.

Sina Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman’y hindi pa nakakakuha ng pagsusulit
dahil nasa bilangguan pa.

Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng
kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman niyang lahat ang mga pangyayari.

Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun. Mamamahala umano ito ng isang
piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo Pelaez sa murang halaga.

Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba na pinakisamahan na
niya.

Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal na si Juanito kay Paulita. Bagay umano ang dalawa dahil
pareho silang walang-isip at makasarili.

Buwan na ng Abril at limot na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa
kasal nina Juanito at Paulita.

Isang bagay lang ang pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun at Don
Timoteo Pelaez para maimbita sa kasal.

Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na kasal at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda
nito.
KABANATA 33
ANG HULING MATUWID
Talasalitaan:

1. Balang – lukton 4. Nagbunsod – nagtulak


2. Makahuma – makagalaw 5. Pinaglagakan – pinagtaguan
3. Nag-aatubili – nag-uurong-sulong, nag-
aalinlangan

Buod:

Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas.

Araw na ng kanyang pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral. Naniniwala ang marami na hindi
magpapaiwan si Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman
ay pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.

Kinahapunan ay nagkulong si Simoun sa kanyang silid at nagbilin na wala siyang ibang tatanggapin
kundi si Basilio lamang. Dumating si Basilio at nagulat ni Simoun sa laki ng ipinagbago ng binata.

Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang ayos ang pananamit at wala
na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila isang patay na muling nabuhay.

Nasambit ni Basilio kay Simoun na naging masama siyang anak dahil hindi niya ipinaghiganti ang
kasawian ng kanyang ina at kapatid.

Sa kanyang pag-iwas kay Simoun at sa mga plano nito ay wala umano siyang napala kundi ang
pagkakulong. Handa na raw siyang sumanib dito.

Nagsalita si Simoun at sinabing nasa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin
ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumayo si Basilio at sinabing matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aalinlangan.

Si Simoun naman ay nagsabi na ang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak ay
ang mga mabait na hindi makapagdesisyon ng maigi at ayaw ng gulo.

Kung nagkatulungan na daw sana noon pa ang mga nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba,
ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.

Nagpunta sila sa laboratoryo at ipinakita ni Simoun ang isang granada kay Basilio. Napag-usapan nila
kung paano ito ginagamit at saan nila ito gagamitin.

Sa kapistahan daw umano nila gagamitin ang tila ilawan ngunit isang granada na pipinsala sa mga
bisita sa pista.

Ang plano ay magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang agawin ang mga armas na
itinago ni Simoun sa tindahan ni Quiroga.

Si Basilio naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng mga tulay. Magkukuta siya roon
upang sumaklolo kina Simoun.

Papatayin niya ang lahat ng laban sa paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at
humawak ng sandata.

Sinabihan ni Simoun si Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat ng simbahan ng San
Sebastian para sa mga huling tagubilin.

KABANATA 34
ANG KASAL NI PAULITA
Talasalitaan:
1. Bumabaha – umaapaw 5. Nasinagan – nasikatan
2. Gumigiit – pumipilit 6. Pagdarausan – paggaganapan
3. Lasug-lasog – wasak, punit-punit, durog 7. Puluhan – tangkay, tatagnan, bitbitan
4. Mawaglit – mawala 8. Pumpon – kumpol, bungkos

Buod:

Ika-walo na ng gabi. Nasa daan pa si Basilio ng maisip na makituloy sa kaibigang si Isagani. Ngunit
hindi pala umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.

Dalawang oras na lang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Marami tiyak ang mamamatay.

Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at naalala ang babala ni Simoun na lumayo siya sa daang
Anloague.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon. May binanggit na kasayahan si Simoun kung saan sa
bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito.

Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal. Naisip niya ang kaibigang si Isagani.

Naawa siya rito at naisip na yakaging sumama sa himagsikan. Ngunit naisip din niya na malamang ay
‘di papayag si Isagani dahil hindi pa naman nito naranasan ang mga naranasan ni Basilio.

Muli niyang naalala ang kanyang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral, at ang nangyari kay Juli.

Saka muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay.

Dumating ang sasakyan ni Simoun kasama ang kutserong si Sinong. Sumunod sila sa sasakyan ng
bagong kasal.

Nagtungo din si Basilio sa Anloage sa bahay ni Kapitan Tiyago. Doon kasi gaganapin ang hapunan at
nandoon din ang Kapitan Heneral na ninong sa kasal. Dala naman ni Simoun ang ilawan na kanyang
handog.

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay makikita sa mga dingding ang mga magagarang palamuting papel,
aranya, at mga bulaklak.

Ang kurtina sa bahay ay may pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan
ng mag-asawa.

Napakagara ng bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan.

Para sa mga dakilang panauhin ang mesa at ang mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay.

Pipito ang doon ay nakaupo. Naroon ang pinakamasarap at mahal na alak. Ubos-kaya si Don Timoteo,
ang ama ng lalaking ikinasal.

KABANATA 35
ANG PIGING
Talasalitaan:

1. Lumagpak – bumagsak, nahulog 4. Panibugho – inggit, selos


2. Nagbabantulot – nag-aalinlangan 5. Pumanhik – umakyat
3. Nagbuwal -nabagsak

Buod:

Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naroon
ang piging para sa ikinasal.
Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa may malaking katayuan sa tungkulin at sa
kabuhayan. Lahat ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit wala
pa ang Heneral.

Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit ‘di siya makaalis dahil wala pa ang Heneral.

Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at sinabing iyon daw ang pinakamahal na
mabibili sa Maynila. Kinabukasa’y sisingilin daw niya ang utang ng pumintas.

Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. Si Basilio naman ay nasa
harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan.

Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan
sila ng babala.

Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay nagbago ang kanyang isip.

Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng
apoy at parang nag-aalinlangan din ito sa pagpanhik.

Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba pang mga bisita. Saka siya
nawala sa paningin ni Basilio.

Nalimot na naman ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni Juli.

Namayani ang kanyang kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga nasa bahay ngunit siya’y
hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo.

Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa kanya.

Ang mukha niya’y tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at nag-utos na, “Sa Eskolta. Matulin!”

Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa bahay.

Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka hinila
si Isagani.

Ngunit mabilis na nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan na sa kainan ang mga bisita.
Naisip niya na kasamang sasabog sa bahay si Paulita.

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel na ganito ang
nakasulat.

MANE THACEL PHARES


JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal nang patay si Crisostomo Ibarra.

Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang nakasulat doon ay namutla ito.

Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya saka nanlambot sa takot.

Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit ng walang makita kundi mga utusan na
hindi niya naman kilala ay sinabi na lamang nito na magpatuloy sa pagkain at ‘wag intindihin ang
ganoong klaseng pagbibiro.

Ngunit ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot kahit pa ang lahat sa loob ng bahay ay takot
na takot sa nasaksihan.

Maya-maya’y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang
lahat noong gabing iyon.

Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka lasunin sila kaya binitawan ang mga hawak na
kubyertos. Siya namang paglabo ng ilawan.

Anang Kapitan Heneral kay Padre Irene ay itaas nito ang mitsa ng ilawan.
Bigla namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito, saka kinuha ang ilawan,
itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog.

May nagsabing magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng rebolber.

Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay tumalon rin sa ilog.

KABANATA 36
MGA KAPIGHATIAN NI BEN ZAYB
Talasalitaan:

1. Entreswelo – mesanin, isang silid na mas 3. Nilooban – ninakawan


mababa sa pangalawang palapag 4. Pagkatigal – pagkabigla
2. Kalakip – kasama 5. Tinuligsa – binatikos

Buod:

Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben Zayb sa kanyang bahay. Mula sa
bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila. Hindi siya natulog ng gabing iyon. Nagtiis
siyang iwan ang hapunan at sayawan.

Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben Zayb ng panibagong istorya. Ayon sa kanyang
pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani, ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay
naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya ito sa patatangkang paghuli sa nagkasala.

Kay Don Custodio naman ay inalala ang katalinuhan at paglalakbay, samantalang ang pagkahimatay ni
Padre Salvi ay gawa umano ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.

Ngunit matapos niyang isulat ng lahat ng iyon ay ibinalik sa kanya ng patnugon ng pahayagan ang
kanyang sinulat. Ipinagbawal pala ng Kapitan Heneral ang pagbanggit sa nangyari nang gabing iyon.

May balita naman mula sa Pasig na nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga
prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha umano ang prayle at dalawang utusan
nito.

Muli na namang umandar ang imahinasyon ni Ben Zayb. Gagawin daw niyang bayani ang isang kura na
sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.

Agad siyang nagtungo sa Pasig at doon ay natagpuan niyang sugatan si Padre Camorra. May isang
maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo ang pari. Tatlo diumano ang mga magnanakaw na may
dalang gulok at limampung piso ang nanakaw.

Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang
mga tulisan.

Samantala, may nadakip sa mga tulisan. Pinaamin ito at sinabing sila raw ay inanyayahang sumama sa
pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman.

Isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi ay kumikilos sa utos ng Kapitan
Heneral na kaibigan niyang matalik ang diumano’y mangunguna sa kanila. Katulong pa raw nila ang
mga artilyero kaya wala raw dapat ikatakot.

Ang hudyat pa nga daw ay isang malakas na putok ngunit dahil walang putok na narinig ay inakala
nilang nilinlang sila ng kanilang tagapanguna.

Ang ilan daw sa kanilang mga kasama ay nagsibalikan na sa bundok. Binalak nilang maghiganti sa
umano’y Kastilang makalawa beses na umanong lumoko sa kanila. Kaya naman ang tatlong tulisan ay
nagpasyang manloob.

Ayaw paniwalaan ang tulisan sa kanyang paglalarawan na si Simoun ang kanilang pinuno. Si Simoun
naman ay hindi matagpuan sa kanyang bahay. Marami silang nakitang bala at pulbura doon.
Samantala, si Don Custodio ay naghanda ng habla laban sa mag-aalahas. Mabilis na kumalat ang balita
tungkol kay Simoun. Maraming tao ang ‘di makapaniwala sa kanilang nabalita.

KABANATA 37
ANG HIWAGAAN
Talasalitaan:

1. Buktot – nakakatakot 2. Platero – gumagawa ng alahas

Buod:

Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa piging ay nalaman pa rin ito ng
madla. Naging usap-usapan ito ng lahat ngunit palihim nga lamang.

Ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala kasi ng hikaw kay Paulita. Tinatanggal na noon ang mga
palamuti at sa mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot na
pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan.

Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon. Maaring isang kaaway ni Don
Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.

Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan nanunuluyan si Isagani na
magtago ito.

Ngunit ngumiti lamang ang binata.

Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita. Aniya, dumating daw ang mga sibil ngunit wala namang
mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na
pinagdausan ng piging. Pinaalis daw ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon.

Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy. Hinulaan nila kung sino ang may kagagawan
ng lahat.

May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba ay si Quiroga daw, o kaya ay ang mga mag-aaral. Baka
daw si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani.

Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa ilang kawani ay si Simoun ang may kagagawan noon. Kaya naman
nagtaka ang lahat.

Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa piging, ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang
hapunan.

Ang sabi naman ni Chikoy ay nawawala daw si Simoun at kasalukukang pinaghahahanap ng mga sibil.
Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong
tao.

Dagdag pa ni Chikoy, iniisip umano ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ang siyang
magpapasiklab sa pulbura na nasa buong kabahayan.

Biglang natakot si Momoy ngunit nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya ay
nagtapang-tapangan ito.

Makaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na si Isagani at umalis. Hindi na ito kaylan man bumalik pa sa
kanyang amain.

KABANATA 38
KASAWIANG-PALAD
Talasalitaan:
1. Iika-ika – pipilay-pilay 4. Pagtudla – pag-asinta
2. Kabyawan – asukarera 5. Walang kaabug-abog – biglaan
3. Kapasete – helmet

Buod:

Kinuha ng Pamahalaan ang lahat ng pinaghinalaang tulisan para maitago ang kanilang kahinaan.
Matapos ang pagsalakay ni Kabesang Tales ay anim o pitong mga magsasaka ang dinakip ng mga sibil
saka pinalakad sa init ng araw.

Sampu o labindalawang mga gwardia sibil naman na mga Pilipino ang nang-aabuso sa mga bilanggo at
pilit na pinapaamin na sila ang mga tulisan.

Abot-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo na
walang sombrero at panyapak.

Kapag may natumba at mabagal ang paglakad ng mga bilanggo ay binugbog sila at pilit na pinapatayo.
Nilalait pa ng ilang sibil ang mga bihag.

Ayon kay Mautang, isa sa mga Pilipinong sibil, may karapatan silang abusuhin ang mga bilanggo dahil
magkapareho lang ang kanilang nasyonalidad.

May ilang mga tulisan na lumusob sa kanilang paglalakbay at sinimulan ang pagpalitan ng putok.

Namatay si Mautang at ilang mga gwardiya sibil.

May isang tao na nakatayo sa itaas ng bundok na iwinawasiwas ang baril. Inutusan ng kabo si Carolino
na barilin iyon.

Mukhang kilala ni Carolino kung sino ang taong nasa bundok ngunit hindi niya masyadong maaninagan
dahil sa init ng araw.

Nang tingnan niya ang mga nakahandusay, nakita niya sa mga iyon ang kanyang lolo Selo. Nakatingin
ito kay Carolino habang nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.

Namutla si Carolino. Hindi niya inaasahang siya ang makakapatay sa kanyang ingkong.

KABANATA 39
KATAPUSANG KABANATA
Talasalitaan:

1. Dalumat – dila 7. Pahamatngon – banta


2. Gubat – giyera 8. Pinuy’anan – tahanan
3. Kahalangdon – dignidad 9. Pusil – baril
4. Lubong – lamay 10. Suba – ilog
5. Mabudhion – traydor 11. Ulipon – alipin
6. Magtutudlo – propesor

Buod:

Si Padre Florentino ay malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum. Umalis si Don Tiburcio de


Espadaña sa pag-aakalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon.
Akala niya’y natunton na siya ni Donya Victorina na kanyang asawa.

Isang telegrama ang pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino. Anang
telegram, “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.
Si Simoun talaga ang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating sa bayan nina Padre Florentino si
Simoun may dalawang araw na ang nakararaan. ‘Di na siya inusisa ng pari. Walang alam ang pari
tungkol sa mga kaganapan noong gabi ng piging sa Maynila.

Ang akala ng pari ay kaya sugatan si Simoun sapagkat may naghiganti dito sa kadahilanang wala na
ang Kapitan Heneral. Ngunit paliwanag ni Simoun ay nagkasugat lamang siya dahil sa kawalan ng pag-
iingat.

Nang matanggap ng pari ang telegrama ay naghinala ito na si Simoun ay tumakas sa mga kawal na
tumutugis sa kanya sa Maynila.

Si Simoun naman ay ayaw magpagamot sa ospital ngunit pumayag na mag-paalaga kay Dr. De
Espadaña. Malubha ang sugat na natamo ni Simoun.

Itinigil ni Padre Florentino ang pagtugtog at inisip ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang
mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip.

Sa isip ng pari ay taong palalo daw si Simoun na dati’y makapangyarihan ngunit ngayon ay kahabag-
habag.

Inisip din niya kung bakit sa kanya na isang paring Pilipino ninais ni Simoun na mamalagi at magtago
gayong dati’y napakababa ng tingin sa kanya nito.

‘Di kasi pinansin noon ni Simoun ang pakisuyo ng pari na tulungang makalaya si Isagani sa kulungan
dalawang buwan na ang nakararaan.

Ikinalungkot din ni Isagani ang pagkakadali ng kasal ni Paulita at Juanito sa tulong ni Simoun. Ngunit
sa kabila ng lahat ng ito maging ang pagtulong ni Padre Florentino kay Simoun ay tila ba walang
pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.

Pumasok ang pari sa silid ni Simoun at tila wala na ang mapangutyang anyo sa mukha nito. Uminom
pala ng lason si Simoun at wari’y tinitiis ang sakit na dulot nito.

Tinangka pa ng pari na ihanap ng lunas si Simoun ngunit tumanggi na ito. Nagdasal ang pari at
pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang
makinig.

Dito na ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang katauhan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay
ni Simoun ang kanyang buhay.

Labintatlong taon siyang tumigil sa Europa upang mag-aral saka bumalik sa Pilipinas na puno ng
pangarap at pag-asa. Napatawad na niya noon ang mga nagkasala sa kanyang ama at piniling
mabuhay ng tahimik at mapayapa. Ngunit isang kaguluhan ang dumating sa kanyang buhay at sa
isang iglap ay nawala sa kanya ang kanyang pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, at kalayaan.
Naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan.

Tinangka daw niyang maghiganti. Nagpunta siya sa ibang bansa dala ang bahagi ng kayamanan ng
kanyang magulang at siya’y nangangalakal.

Sumali daw siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang Kapitan Heneral na noon ay
Kumandante pa lamang. Pinautang siya at naging matalik na kaibigan dahil sa kawalang hiyaan ng
kapitan na siya lang ang nakaaalam.

Sa tulong umano ng salapi ay nakuha niyang maging kaibigan ang Kapitan Heneral at naging sunud-
sunuran pa sa kanya.

Marami pang pagtatapat na sinabi si Simoun na inabot na ng gabi nang matapos. Saglit na nanahimik
at inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun. Hiniling din ng pari na igalang ng mag-
aalahas ang kalooban ng Diyos.

Makaraan ay nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang
sabi ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan saka nagpaliwanag.
Tinanggap ni Simoun ang mga sinabi ng pari. Inaming siya’y nagkamali at naitanong na dahil ba sa
pagkakamaling iyon ay ipagkakait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang
napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya?

Tumugon ang pari at sinabing ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga
adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa.

Napailing lamang si Simoun. Madali lamang daw sabihin ang magtiis at gumawa sa mga taong hindi pa
nakararanas ng ganoon. Natanong pa ni Simoun na anong klaseng Diyos daw ang humingi ng ganoon
kalaking pagpapasakit.

Sinabi naman ng pari na ito raw ang isang Diyos na makatarungan at nagpaparusa sa kakulangan ng
tao ng pananalig at sa mga gawang masama. Dagdag pa niya,

“Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay ‘di natin dapat
tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at
karangalan ng tao. Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa
kalayaan.”

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntong hininga
si Simoun at higit na mahabang katahimikan ang namayani.

Napabulong na lamang ang pari ng,

“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan
alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan
ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang
malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan
ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y
aming hinihintay!”

Naluha ang pari at binitawan ang kamay ni Simoun. May kumatok na utusang nagtanong kung
magsisindi na ng ilawan. Hinipo niya si Simoun at dahil sa liwanag ng lampara ay nabatid na ito ay
patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.

Pagkaraan ay tinawag ng pari ang mga utusan, pinaluhod ang mga ito at pinagdasal. Umalis ang pari
sa silid at kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala niya ito sa talampas na laging inuupuan ni
Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat.

Maya-maya’y inihagis ni Padre Florentino ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun sa dagat.

You might also like