Balangkas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Christine S.

Cortez
Seksyon: BPEd – 3201

I. Panimula: Mga Uri ng Alusyon


II. Paraan ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari
gamit ang mga taong tanyag o may pinag-aralan.
A. Alusyon sa Heograpiya
1. Paggamit ng isang pook o lugar upang ihalintulad o ihambing sa
isa pang pook o lugar.
a. Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa
ating bayan kung kaya ito ang Mt. Everest ng Pilipinas.
B. Alusyon sa Literatura
1. Paggamit ng isang tanyag na tao o pangyayari sa isang akda o
panitikan.
a. Sa taglay niyang kakisigan ay hindi maitatanggi na siya ang
Florante ng kanyang Sitio.
C. Alusyon sa Bibliya
1. Paggamit ng mga kilalang tauhan o lugar mula sa Bibliya.
a. Si Juan ay nagsilbing Noah nang ipaalam niya sa kanyang
mga kapitbahay na may paparating na bagyo.
D. Alusyon sa Mitolohiya
1. Paggamit ng mga tauhan na mula sa agham o kadalasang galing
sa isang alamat.
a. Sa kagalingan ni Noel sa pangingisda ay binansagan siyang
Poseidon ng karagatan.
E. Alusyon sa Kulturang Popular
1. Paggamit ng mga kilalang tao o pangyayari na masasalamin sa
mga kulturang sikat o tatak sa isipan.
a. Sa galing niya sa pakikipaglaban ay mas kilala na si Berting
na Jackie Chan ng Tondo.

III. Kongklusyon:
Sa kabuuan, masasabing ang alusyon ay sadyang nakatutukoy sa isang tao, pook,
kaisipan at pangyayari upang magbigay pahiwatig o pagbibigay kahulugan sa di
direktang pamamaraan. Sinasabing may iba’t-ibang uri ng pagtukoy sa alusyon at ito
nga ay ang mga sumusunod:
1. Alusyon sa Heograpiya
2. Alusyon sa Literatura
3. Alusyon sa Bibliya
4. Alusyon sa Mitolohiya
5. Alusyon sa Kulturang Popular
Ngunit kailan nga ba natin nararapat at maaaring gamitan ng alusyon ang isang paksa?
Maaari tayong gumamit ng alusyon kapag ayaw nating ipaliwanag ang aktwal na
kahulugan na nais nating sabihin, sa halip na magbigay lamang ng pahiwatig tungkol sa
nakatagong kahulugan. Inaasahan na ang tinutukoy na tao ay mauunawaan ang
kahulugan na talagang gusto nating sabihin sa pamamagitan ng kani-kanilang
pahiwatig. At bilang pagbubuo ng kalahatang ideya sa paksa lumalabas na ang
parunggit o alusyon ay tumutulong sa isang manunulat na ipahayag ang aktwal na
kahulugan ng sulatin nang walang anumang direktang pahayag. Ngunit dapat nating
isaisip na ang nakikinig o taga-pakinig ay dapat na may kakayahang maunawaan ang
alusyon. Sapagkat maaaring maging sanhi ito minsan ng malabong kahulugan na
makadudulot sa di pagkakaunawaan ng manunulat at mambabasa, maging ng
mananalita at taga-pakinig.

You might also like