Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“HILOM”

Apat na linggo, Isang minuto, isang segundo,


Sa tingin niyo, kelan at sa paanong paraan naghihilom ang sugat??
Sugat na di ko mawari kung saan nag ugat.
Dahil ba ito sa kapabayaan o sa mga matang di mulat?

Lahat tayo ay naninirahan sa mundo


Ano man ang iyong estado, sa mata ng nasa itaas ay pantay pantay tayo,
AKO, IKAW, TAYONG LAHAT ay may karapatang pantao
Ngunit, nararamdaman mo ba ang mga ito??

Sa bawat bukang liwayway ng mga Pilipinong lumalaban


Unti unting dumidilim ang kalangitan, BAKIT?
Dahil sa mga hunghang na nakaupo pero masama din pala ang mga motibo.

Digmaan sa puso’t isipan,


Kapayapaan pano ba makakamtan?
Mga kapwa kong Pilipino ito na nga ba ang sukdulan?

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit madilim? Dahil ito sa mga piring
Piniringan ka upang masakal ang iyong mga mata,
Piniringan upang maging mangmang ka.
Piniringan ka upang dusa ang iyong madama.
Ngayon, panahon na upang tanggalin ang iyong mga piring para sa kalayaan.

Kalayaan,
Hindi ba’t kalayaan ang laging mukhang bibig ng mga himig?
Himig na laging hindi nadidinig
Ang plumang walang tinta ay tila karapatang walang boses at tinig,
Kung magpapabulag ka’y pag-unlad ay ‘di mananaig.

Alamin natin ang responsibilidad natin bilang tao


Dahil lahat tayo ay apektado. Huwag mahiyang maki isa,
Huwag isipin ang mga antas dahil tayong lahat ay patas at pare parehong may sinusunod na batas
Paano rin tayo uunlad kung wala tayong pakialam sa seguridad,
Hindi ba ang ating hangad ay ang mapabuti tayong lahat?
Itong aking nilalahad ay para malaman niyong lahat ang kabutihang panlahat.

Hindi man tayo nagkaroon ng kakayahan na sulatin ang kasaysayan,


Ngunit tayong mga nasa kasalukuyan ang may hawak ng sandatang gagamitin sa tamang paraan
Dahil d’yan nakasalalay ang pag-unlad na inaasahan.
Kung nais mong makaahon mula sa lalim ng mga alon,
Huwag kang magpauto sa kasalukuyang panahon.

You might also like