Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika

Romano sa kanilang pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa
mga katutubo. Hindi gaanong nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at
mapalawak ang mapagbibilhan nila ng kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y
hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig upang kanilang magalugad at masakop. Napasama
sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa
dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang paghahanap ng mga sangkap na
pampalasa (spices).

Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila
ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at
sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo.

Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng


Espanya. Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala, pinalitan na ang
dating mga barangay at mang mga namumuno sa Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na
siyang kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon ng pagbabago sa
pamahalaan batay sa kung sino ang namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng
namumuno sa mga simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito.
Sila na ang nakapangyayari sa halip na ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng edukasyon
ng mga bata na nagsisimulang magsipag- aral sa mga kumbento.

Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang
ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay
siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.

Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi, at
ang mga pagdadala ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada, libro
atbp.

Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang
korido. Hindi lamang panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika,
ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa pook na kanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang
naging guro.

Paksain ng Panahon ng mga Kastila


Maaaring mahati ang mga paksain noong panahon ng Kastila sa (1) Panahon ng Panitikang
Pansimbaha na kinabibilangan ng mga dalit, nobena, buhay- buhay ng mga santo’t santa, mga
sulang pansimbahan, sermon at mga nauukol sa kagandahang- asal at (2) Panahon ng Awit at
Korido na kinabibilangan ng mga awit at korido, mga tulang pandamdamin, mga tuluyan at
gayon din ng mga dulang pawang pang-aliw.
1.) Panahon ng Panitikang Pansimbahan

Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyon kaya ang unang panahon ng
pananakop ay pagpapalaganap ng panitikang pansimbahan at kagandahang-asal.

A.Dalit

Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa
mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at
Mindoro. GInaganap ito tuwing Mayo. Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata hanggang
dinadalit ang pagpuri sa Mahal na Birhen. Sa mga lalawigang nabanggit nasasaulo na ng mga
bata ang isasagot sa mga namumuno. Marami- rami pa ring matatanda ang nakakasaila ng mga
sinasabi ng namumuno bagama’t hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit.

B. Mga Nobena

Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena sapagkat may
mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o
paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit
ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa mga yumao na.

Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw.
Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang
linggo). Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi.

C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa

Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay-
buhay ng mga santo’t santa para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang- diing nasa
pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit amg mga
tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa. Mabibilang ito ang Pasyong
Mahal na buhay at pagpapasakit ng Panginoong Jesucristo upang matubos ang tao sa
pagkakasala.

D. Akdang Pangmagandang- asal.

Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng kagandahang- asal, mabuting


pakikipamuhay sa kapuwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa nakatatanda at iba pa.

Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni Pagre Modesto de Casto
na Urbana at Feliza. Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila
si Urbana at siyaang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto ng mga nararapat gawin sa
iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang pook.

2.) Pahahon ng Awit at Korido


Tulad ng nabanggit na, nahahati sa apat na bahagi ang panahong ito: (a) Awit at Korido (b)
tulang pang-aliw, (c) tuluyang pang-aliw at (d) dulang pang-aliw.

a.) Awit at Korido (Metrical Romance)

Katuringan

Batay sa anyo, ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod sa isang taludturan.
Ang musika’y madalang o andante. Ang paksa’y tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng
buhay.

Ang korido naman, batay kay dela Costa’y “romansa o harak que al suela accompanar con la
gitara alson el fandango…” (awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng gitara katulad ng
pandaggo). Ayon kay Trinidad Pardo de Taverra nama’y ang “corrido” ay binalbal na salitang
Mexicano na buhat sa occurido (isang pangyayaring nagganap). Ang paksa nito’y
pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang musika nito’y mabilis o allegro. Ang sukat sa
loob ng taludtod ay walong pantig.

Sa Pilipinas, ang mga korido’y hinggil sa mga alamat at di- kapanipaniwalang kasaysayan na ang
buod ng paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europa. Karaniwang nasasaling-bibig lamang at
hindi batid kung sino ang may- akda. Ang kilalang manunulat nito’y sina Jose dela Cruz (Huseng
Sisiw), Ananias Zorilla at Francisco Balagtas. Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni
Balagtas, Pitong Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at Haring
Patay.

Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tinoso, Ang Ibong Adarna, Ang
Dama Ines at Prinsipe Florinio ni Ananias Zorilla at Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz.

Tula

Ladino- mga tulang halong Kastila at Tagalog ang wika.

Sa panahong ito ng mga dalit at salmos nagsisulat ang mga prayle at sa kanilang mga sinulat ay
makikita ang katibayan ng pagpapalaganap nila ng kanilang wika bukod pa sa pagpapalaganap
ng relihiyon. Ang mga dalit nila’y wawaluhing pantig.

Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunugna ay ang Florante at Laura ni
Francisco Balagtas at Ibong Adarna . Sa may paksang relihiyon ang Pasyon ang nangunguna.

Ang Dula at Dulaan

Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong panahon ng Kastila,
mahahati ito sa tahanan, sa labasan at sa tiyak na entablado.

1.) sa tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamamanhikan
2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, tibag, santakrusan,
moriones at hugas- kalawang.

3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro, carilyo, senakulo at sarsuwela.

DULA SA PILIPINAS : ISANG REAKSYON ATINTERPRETASYON


KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alaminmuna
natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon
sadiksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
pamamagitanng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay
maaaringipaliwanag sa dalawang paraan.Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian
ay nagsimula noong mga unangtaon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni
Tiongson na ang drama ay binubuong tanghalan, ibat-
ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang
pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang
dako, ayonsa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang
dramangPilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang
Pilipino.Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa
buhay ngmga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong
dula.Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakitaang
mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap
at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo
ngkanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino
aynagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan
sa
mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan
ng mga mamamayang Pilipino.Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng
mga katututbong Pilipino
bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y
likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ngdula.
Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong
bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag
-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal.
SEVEN TYPES OF CURRICULUM
1. RECOMMENDED CURRICULUM
Perhaps you have asked these questions: Why should I take all these subjects and follow the
course flow religiously? Why is there a need to implement the K to 12? The answer is simple!
The Ministry of Education, the Commission on Higher Education, or any professional
organization can recommend and implement a curriculum.

For example, in the Philippines, the curriculum being implemented by the Department of
Education (DepEd) or the Commission on Higher Education (CHEd) is an example of a
recommended curriculum. In some cases, a law-making body like the congress and the senate, or
a university or a school can recommend a subject, a course, or any academic program deemed
necessary for national identity and security, for environmental protection and sustainable
development, among others.

2. WRITTEN CURRICULUM
The written curriculum refers to a lesson plan or syllabus written by teachers. Another example
is the one written by curriculum experts with the help of subject teachers. This kind of written
curriculum needs to be pilot tested or tried out in sample schools to determine its effectiveness.

3. TAUGHT CURRICULUM
This is about the implementation of the written curriculum. Whatever is being taught or an
activity being done in the classroom is a taught curriculum. So, when teachers give a lecture,
initiate group work, or ask students to do a laboratory experiment with the their guidance, the
taught curriculum is demonstrated. This curriculum contains different teaching styles and
learning styles to address the students’ needs and interests.

4. SUPPORTED CURRICULUM
The supported curriculum is about the implementation of the written curriculum. Whatever is
being taught or activity being done in the classroom is a taught curriculum. So, when teachers
give a lecture, initiate group work, or ask students to do a laboratory experiment with their
guidance, the taught curriculum is demonstrated. This curriculum contains different teaching
styles and learning styles to address the students’ needs and interests.

5. ASSESSED CURRICULUM

Taking an exam is part


of assessed curriculum.
When students take a quiz or the mid-term and final exams, these evaluations are the so-called
assessed curriculum. Teachers may use the pencil and paper tests and authentic assessments like
portfolio and performance-based assessments to know if the students are progressing or not.

6. LEARNED CURRICULUM
This type of curriculum indicates what the students have learned. The capability that students
should demonstrate at the end of the lesson can be measured through learning outcomes. A
learning outcome can be manifested by what students can perform or do either in their cognitive,
affective, or psychomotor domains. The test results can determine the learning outcome, and
the students can achieve it through learning objectives.
7. HIDDEN CURRICULUM
The hidden curriculum refers to the unplanned or unintended curriculum but plays a vital role in
learning. It consists of norms, values, and procedures. See the three-minute video below for more
details.

HumberEDU’s brief explanation of the hidden curriculum.

CLASSROOM IMPLICATIONS OF THE DIFFERENT


TYPES OF CURRICULUM
Now, let’s discuss some classroom implications of the different curriculum types by taking the
following situation as an example.

Let’s assume that you are a college student taking up Bachelor of Secondary Education, major in
English. Your course or degree program is a recommended curriculum prescribed by CHED. The
syllabi given to you by your teachers are the written curriculum. When your teachers start to
teach, that is a taught curriculum. And when they ask you to use the internet and search for
information about a given topic, this is a supported curriculum.

Furthermore, teachers need to evaluate your performance. So, when you are given a test or exam,
that is the assessed curriculum. The assessed curriculum results will determine what you have
learned – and that is the so-called learned curriculum. However, the hidden curriculum can
affect what will be taught and assessed by your teachers and eventually affect what you will
learn.
To sum it up, the curriculum is not only about a course or a simple listing of subjects, but it is the
total learning experience of students as indicated by the seven types of curriculum.

Reference
Bilbao, P. P., Lucido, P. I., Iringan, T. C., and R. B. Javier (2008). Curriculum development.
Quezon City: Lorimar Publishing, Inc.

© 2015 January 7 M. G. Alvior

You might also like