Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 122

Ms. Gang Hater meets Mr.

Gang Leader

The world is full of opposites...


So,

What if 'good' meets 'bad'?


What if water meets fire?
What if white meets black?
What if light meets darkness?

What if...

A GANG HATER MEETS A GANG LEADER?

What will happen?

Will the balance of their worlds fall apart?

...
Or will it?
___________________________________________________

J A N I N E
the gang hater

J A R E D
the gang leader

C A M I L L E
the gang hater's partner in crime

H A Z E L
janine's best friend

X Y R U S
the ex-gang leader

Meet the New Character:


J A R E N
CHAPTER 1

___________________________________________________

"There are 6 living subspecies of tigers today: The Bengal Tiger, Indo-Chinese
Tiger, South China Tiger, Sumatran Tiger and...

The Siberian Tiger"


Bigla akong nagising dun sa huling sinabi ng teacher namin.

"Well, well well. Magigising rin pala si Ms. Benavente! Would you care to explain
the last breed I mentioned?"

Hmm...Akala siguro ni Mrs. Soriano na wala akong alam dito ah..

"The Siberian Tiger has the scientific name of Panthera tigris altaica, and is also
called as Amur. It once ranged throughout Western and Central Asia and Eastern
Russia, but it is now completely confined to the Amur-ussuri region of Primorsky
Krai and Khabarovsk Krai in far eastern Siberia for protection."

Wala namang nasabi si Mrs. Soriano at nag senyas nalang siya na umupo ako. Haha..

RIIINNGG!!!

Bell na pala. Lumabas na ako ng classroom at naglakad papuntang locker ko. Grabe
talaga.. ang ironic.
Siberian Tiger. Gusto niyo malaman bakit? Kasi--

"Psst. Pare, Reresbakan raw natin mamaya yung kabilang gang--"

I glared at that guy. Natahimik naman sya at naglakad nalang papalayo kasama yung
ka usap nya.
Di naman sa may mali sa kanya, may mali lang talaga sa sinabi niya. Connected rin
yun dun sa sinabi ko kanina..

I'm a gang hater.

To the highest level. Syempre dapat may rason yun,d i ko lang naman trip yun eh.

1. They killed two of my FAMILY members. Mga kapatid ko pa! Ang mas masaklap. I
witnessed it firsthand

2. I nearly died because of them. Hinostage na nila ako once, at muntik na akong
mamatay dahil SINAKSAK nila ako.

3. Nawalan ako ng bestfriends dahil na-black mail sila para sumali sa gang, pero
ngayon NAGUSTUHAN na nila yung pag-stay nila dun.

Madami pang dahilan kung bakit ayaw ko sa gang, pero di ko lang talaga ma-express
sa salita. Kilala ako sa lahat (halos lahat siguro) ng gang, as "Siberia" (Siberian
Tiger. Ngayon alam nyo na bakit ang ironic).

Nickname ko na yun dati pa, dahil kinatatakutan ako ng mga gang dito samin.

Wonder what I do?

Hmm...Ang maganda sigurong analogy eto: They're the vampires; I'm a vampire hunter.
Uy, analogy lang yan ah. Di talaga ibig sabihin na I "hunt" them. Basta
nakikipaglaban lang ako sa kanila pag nang-aapi sila ng inosente, at pag talagang
kinakalaban nila ako.

Ano pa ba meron sakin?


Ah! Name nga pala--

"Hi Cyra!"
Nag wave nalang ako dun sa babaeng yun,di ko kasi kilala..

"Hi Janine!"
Wave nalang ulit, di ko rin kilala eh.

"Excuse me, Ms. Benavente"


Alam niyo na siguro full name ko?
_________________________________________

"Woo! Ang galing mo talaga boss! Wala ka talagang kupas, kaya lagi tayong
panalo!!!"

"Tumahimik nga muna kayo. May sasabihin ako...

...Hindi na ako ang magiging GANG LEADER nyo"

"Ano?!! Eh boss, sino pala??"

"Ako"

Biglang napatingin sakin yung isa sa kanila na parang walang tiwala tapos yung iba
naman in-oobserbahan lang ako.
Sus, kala nitong mga toh na wala akong binatbat sa ex-leader nila? Tss...

"Hoy mga walang kokote! Di niyo ba nakikilala yan?! Sya yung top Most Wanted Gang
Leader sa buong Pinas!"

Natulala silang lahat.


"...I-Ikaw si...

King?!"

"Jared King Alvarez, also known as "King". Nice to meet you"


Wala akong sinaksak na 'friendly tone' dun. I said it coldly.
At muhkang tulala parin silang lahat maliban nalang dun sa ex-leader nila.

"... ..."

BEEP. BEEP. BEEP.

Putek. Si Ma.

"Well then, next time nalang ulit tayo magkita. May kailangan pa akong gawin,
Sige."
Tumango nalang sakin si Xyrus (yung ex-leader nila) pagkalabas ko.

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko tapos umuwi na. Ay mali. Binisita pala sina
Ma, kasi di na ako tumitira sa kanila, meron na akong sariling condo unit pero lagi
akong pinipilit nila Dad na bumisita sa kanila kaya ayan, napa-alis ako ng di oras.

Pagkadating ko dun sa bahay nila Dad, naabutan ko ang anpaka-excited na muhka ni


Ma. ...Parang di ko ata magugustuhan ang mga susunod na mangyayari..

"Anak! Buti naman at nakadating ka!"

"Ma, importante po ba tong sasabihin niyo sakin? Kasi medyo busy ako ngayon at..."
Hmm...Sa totoo lang di na ako busy ngayon eh. Masama lang talaga ang kutob ko sa
kung bakit ako pinapunta dito nina Ma at Dad.

"Anak, wag ka sanang magagalit. Pero masyado lang kasing na-excite tong mommy mo
at--"

"Oo nga nak! Kasi naman, magkaka-reunion ang school namin dati ng daddy mo sa
Saturday at gusto ka naming i-sama"
Sabi ko na nga ba eh.

"Pero diba yung dati niyong school yung school ko ngayon??"

"Exactly. Which gives you no reason not to come!!!"


. . . . . .
__________________________________________________________________

Pagka-uwi ko nung araw na yun, di naman ako masyadong pagod. Syempre, kakastart
palang kasi ng (junior) school year kaya walang masyadong madaming activities.

"Anak...pwede ba kitang maka-usap?"


Uh-oh...Parang di ko ata gusto yung tono ng boses ni mother dearest ah.

"Ma naman, wag niyo ako takutin!"

" Di kita tinatakot anak. Kakatawag lang kasi sakin ng school namin ng daddy mo
dati at may reunion raw sa Saturday. Eh gusto sana kita isama"Hmm...reunion? Ibig
sabihin wala akong ka-idad dun?
Tsk...boring naman.

"Fine.."

"Tsaka anak...Napag isip isipan ko...

Gusto na kitang mag-aral dun"


CHAPTER 2
_________________________________________________________________

Tumingin tingin ako sa paligid...

Waaah! Wala nga akong ka-idad dito! Naman oh! Bakit pa kasi ako dinala dito ni
mommy??

Okay, okay. Chill Di pa nagsisimula yung party, wag ka muna mag-react.


I, Cyra Janine Benavente will not accept defeat against boredom!!!

..AFTER 5 MINUTES..

“The itsy bitsy spider went out the water spout. Down came the rain, and washed the
spider out! WOOSH! Out came the sun and dried out all the rain! Yihee! And the
itsy bitsy spider went out the spout again!”

“Anak, alam kong maganda ang boses mo pero di bagay sa “Itsy Bitsy Spider”

“Eh kasi naman ma eeeh! Boredom is eating me! Bakit niyo pa po kasi sinama ako
dito?”

“Aba, ikaw ata ang pumayag. Tsaka para na rin makita mo kung san ka na mag-aaral
noh! At, kung bored na bored ka na...Bakit di ka mag-gitara?”
Nag-ningning bigla mga mata ko. Parang...a light of hope. @_@

Sumigaw nalang ako sa tuwa pero di masyadong malakas, at tumakbo sa sasakyan para
kunin ang aking beloved guitar.
Pagkasara ko ng compartment, napatingin ako dun sa garden na konektado sa grounds
ng school. Hmm…The perfect place!
Tumakbo ako papunta dun, ang saya nga eh! Di ako naka heels, nyahaha. Di ako
napilit ni Mommy. Slightly formal lang suot ko ngayon kasi may collar yung blouse
ko.
Umupo ako dun sa mahabang wooden chair na parang swing at nagsimula magtugtog.

_________________________________________________________________

Eto na nga ba sinasabi ko eh! Anong oras na?! Sila na nga yung gustong pumunta sa
reunion nila tapos magpapa-late rin naman pal! Kung tutuusin, di ko nga toh reunion
eh!

"Halika na, anak!"


Hay Salamat!

Buti nalang di traffic.


Pagkadating namin dun, dumiretso kaagad ako dun sa garden na katabi ng school
namin..Dun muna ako magpapalipas ng oras

{Welcome to my life by Simple Plan}


"Do you ever feel like breaking down? Do you ever feel out of place? Like somehow
you just don't belong, and no one understands you"

??
May kumakanta?

"Do you ever wanna run away? Do you lock yourself in your room? With the radio on
turned up so loud, and no one hears you screaming?"

Shete..
Yung boses...
Binilisan ko yung paglakad..

"No you don't know what it's like when nothing feels alright, you don't know what
its like to be like me"

Gabi na pero madami paring mga ilaw, at dun sa parang duyan may naka-upong
babae...kumakanta

" To be hurt, to feel lost, to be left out in the dark. To be kicked when you're
down, to feel like you've been pushed around"

Lumapit pa ako kasi nakatalikod sya sakin. Lumuhod ako sa likod ng duyan kung saan
siya naka upo..

"To be on the edge of breaking down when no one's there to save you, no you don't
know what it's like...Welcome to my life"

Ok na sana, kaso lang..

*Nokia tune*
Naman oh! Wrong timing tong cellphone ko eh! Nagulat naman siya kaya lumingonsa
direksyon ko at syempre dahil andun ako nakaluhod sa likod niya

Nagkatinginan kami..

Ang lapit nung muhka niya sakin..

Walang nagsasalita, nakatingin lang kami sa isa't isa...

*Nokia tune*

Bakit iba yung pakiramdam? Parang may kung anong meron sa kanya na kinagagalitan ko
pero gusto ko rin? Yun yung nababasa ko sa mga mata nya

*Nokia tune*

Sino ba tong babaeng toh?

*Nokia tune*
"Umm...Yung cellphone mo?"
Ha? Ah oo nga pala! Grabe lumipad utak ko dun ah.

Tumayo ako at sinagot yung tawag.

"Hello?"
"Anak! Asan ka na ba? Bumalik ka dito sa table natin, may ipapakilala kami sa'yo"
" Pero dad!"
"Bilisan mo na anak"
Bago pa ako makapagsalita, binabaan na ako ni dad. Tsk. Lumapit ulit ako dun sa
babae, at muhkang may ka-usap rin siya sa phone.
Nung binaba niya na,

"Sorry kailangan ko na umalis"


Natawa kaming dalawa kasi magkasabay pa talga kaming nagsalita. Bago ako naglakad
palayo, nagkatinginan muna kaming dalawa, saka ako umalis.

___________________________________________________________________________________
_

J A N I N E

Habang naglalakad, napansin kong parang magkasabay kaming naglalakad.


Um...Sinusundan niya ba ako?

Tumuloy nalang ako sa paglakad at binilisan ko. Ayokong tanungin noh, baka isipin
niya pa na feeler ako. Pagkadating ko dun sa gate ng school, kasabay ko parin
siyang maglakad. Waa...Ok, tuloy ka parin sa paglalakad Janine. @_@

Nung nakarating na ako sa table namin, may nakita akong mag-asawang ka-usap nina
mommy at daddy.

"Anak!"
Magkasabay na sabi nina mommy at daddy at nung mga ka-usap nila.

Huh? Ako ba yung tinatawag na anak nung mga katabi nina mommy?

"Po?"
Waa? nalilito na talaga ako

"Anak, eto sina Tita Jamie at Tito Red mo. Barkada namin sila ng daddy mo nung high
school pa kami. At eto ang anak nila, si Jared"
Tinuro ni mommy yung lalakeng katabi ko..

Him?! Okaaay...This will be one long night. @_@

"Jared, anak. Go ahead, don't be shy"


Nag-reach out si Jared sakin, kaya nakipag-shake hands ako. Bago pa maghiwalay yung
mga kamay namin, may tinanggal ako sa kamay niya. Haha, I did it smoothly. Di
niya napansin eh.

Sa totoo lang, kanina ko pa toh napapansin. Kumikinang siya eh.


Habang naglalakad kami papunta sa table namin, sinilip ko yung kinuha ko. OHH.
Singsing!!!

Panglalake talaga yung design niya. Silver siya at ...

...may engraved crown?

Hmm...

Gang member kaya siya?


___________________________________________________________________________

"Anak, pwede ka ng umupo"


Ay...andito na pala kami.

Nagkwentuhan lang yung parents ko at parents ni Jared. Habang ako...hay, bored. Pa


minsan minsan, susubo, tapos paglalaruan ko nalang yung table napkin.

*text message tone*

Chineck ko yung phone ko. Teka...kung di sakin yun...


Tumingin ako kay Jared. Ok, sakanya nga. Pagkatapos niyang basahin yung text, bigla
siyang tumayo,

"Excuse me po"
Pagkatapos nun, umalis na siya. Err...san kaya siya nagpunta?

--Dahil di na ako mapakali, sinundan ko siya.

Tsk, ang bilis niyang maglakad! Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa
nakalbas na ako ng school. Actually nasa kalsada na nga ako eh. Ok, tingin sa
kanan...tingin sa..

kaliwa...

*BEEP!!! BEEP!!!*
___________________________________________________________________________________
_

Narinig ko yung malakas na busina nung truck na papalapit na saken. Kala ko


katapusan ko na yun...tapos biglang...
"JANINE!!!"
May biglang yumakap sakin at biglaan akong hinila papunta sa kabilang dulo ng
kalsada.

*umpf*

Tiningnan ko siya, at dun ko nahalata yung position namin. Nasa ibabaw ko siya, at
sobrang lapit ng mga muhka namin sa isa't isa..

*gulp*

Palapit pa ng palapit yung muhka niya...hanggang sa natauhan ako at tinulak siya


pero di masyadong malakas..

"Umm...bakit mo ginawa yun"


"Di kita niligtas. Pumunta lang ako dito para kunin ko yung singsing"
Singsing? Oh shoot, pano niya nalaman?!
"Uh..."
"Pag di mo binalik yun, iiwanan kita dito"
Kinuha ko agad yung singsing at binigay sakanya. Kinuha niya, tapos tumayo siya at
naglakad palayo
"Oy teka lang! Sabi mo di mo ako iiwanan!"
Tumayo ako at sinundan siya. Hmpf, Jared naman eh!!! Buti nalang di ako naka-heels
ngayon.

Di nagtagal, tumigil si Jared at may kina-usap siya. Ako, nagtago nalang muna ako
sa likod ng pader.

"Xyrus, tol, sensya natagalan"

X-Xyrus?!!!
__________________________________________________________________________________

CHAPTER 3
_________________________________________________________________

X-Xyrus..?

*FLASHBACK*

"Bakit di mo sinabi sakin?! "


Umiiyak na talaga ako nun
"Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa gang eh!

Bakit ka sumali dun?!"


Sumisigaw na talaga ako nun habang umiiyak..

Ano ba kasi mararamdaman niyo kung yung taong mahal niyo,

sumali sa gang at alam niyang gang hater ka? Diba masakit?


Walk out na sana ako pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

Pinilit kong makawala pero bumigay na rin ako at pinatong ang

aking muhka sa dibdib niya, habang tuloy tuloy parin ang pagagos

ng mga luha ko..

"Ba..Bakit??

Bakit, Xyrus?!"
Hinimas himas niya yung likod ko..

"Please, wag ka na umiyak. Ayokong nakikita kang

nasasaktan and I swear, this was the last thing I wanted to happen.

Di ko naman talaga ginusto sumali sa gang eh. Ano kasi...Basta. I'm

really sorry, sana ma-intindihan mo na mahirap ang sitwasyon ko

ngayon pero I promise, I'll make it up to you"

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin, at hinalikan

naman yung noo ko..Tapos bumulong siya,

"Goodbye..."

Umalis na siya nun.


Xiete! Sayang..
Sasabihin ko sanang mahal ko siya.

Di niya alam. Di niya alam na mahal ko siya dahil bestfriend ang

tingin niya sakin. Hindi na importante sakin kung di niya

masusuklian yung pagmamahal na yun pero gusto kong malaman

niya. Kaso lang hindi eh..

It was too late. When I was about to say 'I love you', he said
'goodbye'.

*END OF FLASHBACK*

Hmm...Matagal na yun, dalawang taon na ang

nakalipas. Sya yung unang minahal ko na sinaktan ako at sa ganung

paraan pa. Sinubukan kong mag move on, pero bakas parin ang

sakit pag naaalala ko yung ginawa niya. Ang di lang ako sigurado

kung nakapag move-on na ako eh sa nararamdaman ko para sa

kanya. Mahal ko pa ba sya?


Hindi! Hindi! Galit ako sa kanya!!!
Ang pagkakaalam ko pa nga, gang leader na sya ngayon...
Di ko pa talaga inaakala na makikita ko sya ulit. Halu-halo na yung

nararamdaman ko..

Nag-step back ako ng konti..

crunch..

Oops. May naapakan akong kahoy at muhkang nakita

ako ni Jared kaya tumakbo ako ng mabilis pabalik ng school..

********************************************

"Oh anak, natagalan ka ata?"

"Un...Hehe, oo nga poh eh"

"Asan si Jared?"
Bigla kong naalala yung pagligtas niya sakin kanina..

"Umm...May pinuntahan lang po ata, pero babalik rin raw

sya"

TOOT.TOOT.

1 message received

From: Camille
:911:

Tumayo ako agad.


"Ma, kailangan ko na po umalis"

Tumango nalang sila sakin tapos pumunta agad ako ng CR at

nagpalit pero sinigurado kong walang makakakita..buti nalang di

formal yung suot ko ngayon kundi ang hirap magpalit.


Si Camille, parang kapatid ko na yun. Partner in Crime kumbaga.

Gang hater rin sya, at lagi kong syang kasama pag kinakalaban

namin yung mga gang. May mga code pa nga kami eh. Yung text

niya kanina, 911 means may laban kami at talagang kailangan kong

pumunta.
Sa bawat laban namin, may suot akong maskara para walang

makakaalam sa totoong muhka ni Siberia Meron rin akong

trademark na suot, ayoko kasing gamitin yung word na 'costume'.

Para naman akong mascot nun..


___________________________________________________

Pagkadating ko sa meeting place na muhkang ware

house, nakita ko agad si Camille.

CAMILLE SALVADOR:

http://i986.photobucket.com/albums/ae348/rockyroad_02/HaJuHee.j

pg

"Oh, bakit di mo suot?"


Nilabas ko yung necklace na nakatago sa loob ng

shirt ko at ngumiti..

Yun yung necklace na binigay nila Kuya Cyro at Ate

Cybele bago sila namatay. Yung pendant, mahirap i-explain. Para

syang mga pinagpatong patong na crescent tapos muhka ng tiger

yung naka emphasize sa gitna..


Di silver yung tali, black na lace na maikli.

Maya, maya dumating na yung gang na nanghahamon samin.

Kaming dalawa lang ni Camille yung nandito.

"Tol, andito pala si Siberia eh. Sigurado kang tuloy parin ang

laban?"

"Sus, pake ko kung andito si Siberia. Kaya natin yan"


Huh, kala niya basta basta lang ako?Teka...Kilala ko

yung boses na yun ah! Pag tingin ko ulet, naka maskara rin pala
sila.

Tsk! Kaninong boses yun?!!

"Teka nga lang, bakit niyo ba talaga kami

hinahamon?"

"Wala lang. Wala kaming magawa eh. Gusto rin kasi

namin makita kung pano masaktan ang babae"

Hindi na nakapagpigil si Camille, mabilis niyang nasipa sa ulo yung

nagsalita kanina..

"Aba aba, matapang na chic!"


Susuntukin sana nung isang matangkad si Camille

pero sinalo ko yung kamao niya, tapos pinilipit yung kamay niya at

binalibag yung buong katawan niya.

TUGSH.

Tuloy tuloy lang yung mga tira at iwas namin ni Camille.

Inaamin ko magaling rin sila kahit muhkang pangpalipas oras lang

nila toh.

"Ano ba yan! Wala ata silang binatbat satin eh!

Sigurado kayong lalake kayo?


Go Camille!

Muhkang nainis yung dalawa sa kanila kaya sinubukan

nilang suntukin kami pero naka-ilag kami ni Camille ng mabilis.

"Oo nga! Mga bading!"


Bigla namang naglabas ng baril yung isa sa kanila sa sobrang pikon

at nagpaputok

BANG!

Mabilis naman kaming nakatago ni Camille dun sa likod ng mga

parang tanke. Shushi, mga barag! Walang kwentang kalaban!

"Ano ba?! Matatanda na ba kayo para ma-high


blood?!"
Sabi ko sa likod nung tanke

"Putek kayo!!!"

Narinig ko naman yung parang pamilyar na boses na

leader nila ata..

"G**o! Bakit ka naglabas ng baril?!!"

"Eh boss, kanina pa tayo tinatawag na bading eh!"

"Timang, e di lalo tayong magmuhkang bading dahil sa ginawa

mong pagpatol sa babae!"

"Hahahaha!"

Di na talaga namin napigilan tumawa ni Camille..

Narinig naman namin na parang nagwala yung isa sa

kanila kaya lalong na-uwi sa putukan at takbuhan. Nakarating pa

nga kami ni Camille sa rooftop eh.

"Cy, pwede tayo tumalon! May parang banner dun

sa dulo ng building, bilis!"


Kasabay ng pagsasalita ni Camille, ay ang pagtakbo

nung gang papalapit samin.

Tumakbo naman kami papuntang dulo nung building

pero may nakakuha ng attensyon ko. May kuminang galing sa mga

kamay nung leader nila ata yun...


Parang naging slow motion yung nangyayari...
....Singsing...

Parang singsing...

Naalala ko tuloy yung singsing ni Jared. Oh no...Di kaya ..

"Cy!! Bilis! Talon!!!"


Napatingin ako dun sa baba ng building, nakatalon

na pala si Camille at lalong papalapit sakin yung gang.


Mabilis naman akong tumalon nung building pero ang bago pa ako

nakatalon dahil ang lapit na talaga nila sakin, may nahablot yung

leader nila. Di ko lang alam kung ano pero yun yung parang ginawa
niyang gesture.

Nag-landing ako dun sa banner at tumalon para mag

-landung ulit sa sahig ng kalsada. "Cat woman style" kumbaga.

"Ayos...Ano bang nangyari sayo at parang

natameme ka dun sa taas??"

"Ha..? Wala yun! Lika na, wala naman palang

kwentang kalaban yung mga yun eh, uwi nalang tayo."


Naalala ko naman yung nangyari kanina, yung parang may hinablot

sakin yung leader nila na may pamilyar na boses. Haay..


Kinapa ko naman yung necklace ko, lagi ko kasing ginagawa yun

pagkatapos ng bawat laban namin at ligtas ako.

Teka...
O_o

Nawawala yung kwintas?!!!

________________________________________________________________

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung laban na

yun pero binabagabag parin ako ng kwintas na toh. Ano bang

meron dito?
Wala. Muhka lang ng tigre… Siguro kay Siberia toh.

Meron pang sulat sa likod pero ang liit. Plano ko pa

ngang tingnan yung sulat sa microscope ng science lab naming sa

school, kasi malakas ang pakiramdam ko na makakatulong toh sa

muling pagkikita naming ni Siberia. Habang pinagmamasdan ko

yung kwintas, may isa pa akong naalala.


Nakita ko ulit sya…
Ang tanging babae na minahal ko at nasaktan ko.
Si Camille…

Pero pinipilit ko ng kalimutan sya. Yun naman gusto niya eh,

magkalimutan kami. Alam kong magiging masaya siya dun at yun

yung desisyon niya kaya nirerespeto ko yun.

J A N I N E

:’( Nasan yung kwintaaaaas…?! Ilang araw na ang

nakalipas pero di ko parin mahanap! Tsk…Delikado, delikado pag

isa sa mga member nung huling gang na nakalaban naming ang

nakakuha. Lalo na kung leader pa nila! May sentimental value yun!

Waa…

Napatingin naman ako sa relo ko at talagang lumaki

yung mata ko..

8 na?!

Aish…Late na ako!!! Nagmadali kong niligpit yung pinagkainan ko

ng breakfast, nag-goodbye kiss kina mommy at daddy tapos

tumakbo ng tumakbo dun sa gilid ng kalsada papuntang school.

Pero dahil muhkang minamalas ako ngayon, may mga humarang

sakin sa daan..

”Tsk tsk tsk. Miss, ano ang ginagawa ng isang magandang

katulad mong mag-isa sa kalsada?”


“Oo nga. Madaming basagulero diyan…tulad namin! Bwahaha!”

Kala siguro ng mga toh di ako marunong ng martial

arts? Hah!

Susuntukin ko na sana siya pero may gumawa na para sakin…

PAK!!!

”Aba…Hoy! Sino ka ba para makialam dito?!”

”Ano…Ampon kong kapatid lang naman yang

babaeng hinaharangan niyo”


Ampon kong kapatid?? Grabe! Ang gandang

pagpapakilala ah!

Nagtawanan naman yung mga lalake at nagsi-alisan na tumatawa

parin. Ako naman, dahil inis na inis na…iniwan si Jared dun, pero

humabol sya sakin.

”Hoy…Tinulungan ka na nga magwa-walk out pa.

Wala man lang ‘thank you’”


Grr…

”Ah yun ba gusto mo? Sige, thank you AMPON KONG KAPATID

ah! Sobra! Sige ah, late na kasi tayo sa klase eh! Maraming salamat

ulit AMPON KONG KAPATID”

”Late…? 7 palang ah”


Napahinto ako bigla…

WHAT?!!!

Ngayon ko lang naalala na sira pala yung relo ko. Tsk naman!!!
Malapit na mag 8 at halos lahat kami nandito na sa

classroom. Naka-upo na ako sa upuan ko na nasa likod lang ng

upuan ni Jared; natutulog lang sya habang ako naman

pinagmamasdan lang yung paligid. Wala pang namamansin sakin

pero ok lang yun, in-expect ko na yun since bago lang ako dito.
Habang nagmamasid-masid ako, may nakakuha ng atensyon ko..
Yung bag ni Jared, may kumikinang (lagi ko nalang napapansin

mga kumikinang), may nakasabit. Yung kinang nya, parang tuloy

tuloy, parang yung beads ng silver necklace.

Necklace…

Necklace??

Bago ko pa tuluyang matingnan yung “nakasabit sa bag” ni Jared,

may isa pang nakakuha ng attensyon ko.


May pumasok..

Si Xyrus..

Ay teka…si Xyrus?! Kaklase ko?! Shaaaaaaaaaashashashasha…

Kasabay naman ng pagpasok ni Xyrus, yung pagpasok ng teacher

namin kaya nagsimula na ang klase.


_______________________________________________________________________

_____

. . .

Di talaga ako maka-concentrate sa lesson!!! Eh pano kasi…katabi ko

pa talaga si Xyrus!

”Mr. Vargas! What is your opinion in love and

promises?”
Teka…pano naging love and promises yung topic?

Ay oo nga pala, GMRC subject namin ngayon. Ayan kasi! Di

nakikinig!

”In my opinion, no one can really promise they won’t


hurt you. The real promise was that all the pain and hardships will

be worth it…”
Ouch…

Sadya bang nagpaparinig sya?


_________________________________________________________________

Nung break na namin, pinatong ko yung ulo ko sa

armchair, at pinakinggan nalang yung mga hakbang ng paa na

lumalabas ng classroom para pumunta ng canteen.

Bakit ko pa kasi naging kaklase sya?

Napansin kong tumahimik na yung paligid, pero nararamdaman ko

parin na may tao. Naramdaman ko rin na may humawak sa kamay

ko kaya inangat ko yung ulo ko..

"Janine..."
Sinubukan kong tanggalin kamay ko pero hinigpitan

niya yung pagkahawak.

"Xyrus---"
"Please, pakinggan mo muna ako"
Tumigil ako sa kakatanggal ng kamay ko at tiningnan

sya
"Pakinggan?..Bakit? What difference does it make?!"
"Alam kong umalis ako nun, pero wala lang akong

pagkakataon magpaliwanag"
"Explain what?!"
"The only reason I joined a gang was because they

blackmailed me! Sinabi nila sakin na papatayin ka nila kapag di ako

sumali! At ayoko namang mangyari yun kaya I had no choice"

. . .
Kung alam mo lang Xyrus. Kung alam mo lang na ako si Siberia,

malayong mapatay nila ako, and what you told me just now was the

wrong decision. The worse thing you could've done.


"Ah okay. Ayan, nakinig na ako. Tapos ka na?"
Tumayo na ako sa upuan ko at ready na ready na umalis ng

classroom, pero pinigilan niya ako.

"Janine, mahal kita.. Yun yung di ko nasabi sayo dati.

Hanggang ngayon, mahal parin kita. Naging gang leader ako for 2

years para matapos yung deal namin ng isa sa mga kasama ko sa

gang na nagblack-mail sakin dati."


Lumapit sya sakin...
"...Gusto ko lang malaman kung mahal mo rin

ako"
"...Dati. Sasabihin ko sana yun, pero umalis ka na.

Akala ko, yung 'goodbye' mo means I have to move one, and I did

kaya wala ng mapupuntahan tong usapan na toh"

Umalis na ako nun ng classroom, pinunasan ko yung

luha ko habang tumatakbo palayo. Binuksan ko yung unang

pintuan na nakita ko sa hallway dahil muhkang hinahabol ako ni

Xyrus. Di ko naman inaasahang mapadapad sa Science Lab.


Tuluyan ng bumuhos yung mga luha ko.

"Janine...?"
Tumingin naman ako dun sa taong nagsabi ng

pangalan ko. Si Jared pala, di ko tuloy napansin na may tao.


"A-anong ginagawa mo dito??"
"W-wala *punas ng luha* Na-istorbo ba kita?"
Napakamot sya ng ulo, habang yung isang kamay niya nakatago sa

likod niya.
"Ah-eh...Di naman. May tiningnan lang ako sa

microscope
*pabulong* kaso lang dumating ka kaya di ko tuloy nakita yung

nakasulat"
"Ha? "
"Ah wala...Bakit ka nga pala umiiyak?"
Sasabihin ko ba?...
Wag na muna siguro.
Lumapit sya sakin tapos inabot yung panyo nya.

Kinuha ko naman pero bago ko pa mapunasan yung luha ko, sya na

yung gumawa gamit thumbs nya.


"Tama na nga pag-iyak mo. Lalo kang

nagmumuhkang ampon na kapatid ko"


Pabiro ko syang hinampas
"Wag ka nga!"

Thanks Jared...Kahit papaano you cheered me up

_______________________________________________________________________

___________________________________________
CHAPTER 4
~Part 1~
_________________________________________________________

________________________________________________________

Tinanong ko si Jared kung gusto niyang kumain sa canteen

pero may mga gagawin pa raw sya. Kaya pumunta nalang akong canteen

mag-isa. Nung nakakuha na ako ng pagkain, at nakahanap na ng table, uupo

na sana ako bitbit yung tray ko pero may biglang umupo sa tabi kong babae.

"Excuse me miss, pwede ka bang ma-interview?"


Ano raw?? Interview? Tiningnan ko yung babae.
She has the conservative look. Mahaba yung buhok tapos kulot, tapos may

salamin sya na color red yung frame.


"Umm...para saan naman?"
"I'm Hazel Arellano, chief editor ng school newspaper at gusto
ko lang malaman profile mo, dahil syempre new student ka eh"
"Oh, ok! Hmm...Ano bang unang gusto mong malaman

sakin?"
"According to my sources, may nakaraan raw kayo ni "certain

classmate of yours named Xyrus"?"


What?! Pano niya nalaman yun?!!! At...ano ba naman yan,

unang unang tanong ng interview, chismis na kaagad.


"Ah...eh..."
"Don't worry, I respect your privacy. Siguro sa ibang araw ko

nalang tatanungin yun, for now...I want you to fill up this form para sa profile

mo. Pag tapos ka na, punta ka lang dun sa English Room ng school. Yung

katabi lang ng Science Lab, okie?"


Tumango lang ako at kinuha yung form. Habang inaayos ni

Hazel yung mga gamit niya, dahil nga lagi ko nalang napapansin ang mga

bagay na kumikinang, nakita ko yung electric guitar na keychain ni Hazel sa

bag niya.

"Mahilig ka rin sa music?"


Napatigil sya sa pag-aayos ng gamit, at ngumiti.

"Oo...na hindi"
"Ha? Pano yun?"
"Oo, pangarap ko pa ngang maging singer eh. At Hindi, kasi

ayaw naman ng parents ko"


"Bakit naman..?"
"Parang...gusto nila na sundan ko yung footsteps nila kasi

pareho silang writer eh. Kaya nga ako chief editor ng school paper

natin."
"Pero alam mo...Kung lalaki kang writer, sayang. Kasi di

magiging successful yung trabaho mo, dahil pag may trabaho ka, dapat yung

nasasayahan kang gawin at yung gusto mo talaga. Fall in love with your

work nga diba?"

Ngumiti naman sya. Nag-kwentuhan pa kami ni Hazel tungkol

sa mga buhay namin at natuwa naman ako kasi ang kulit niya. Nalaman

kong nasa kabilang section lang pala sya at favorite band nya rin yung

Westlife, tulad ko.


I found a friend.

_________________________________________________________

________________________________________________

Tsk...Sayang talaga! Kung di lang dumating si Janine, nakita ko

na yung nakasulat.

*FLASHBACK*

"Gusto mong kumain sa canteen?"


"Uh..Di na! Ikaw na lang! Madami pa akong gagawin

eh..."
"Hmm...Ok."
Lumabas na sya ng science lab at ako, babalik na sana ako kaso

lang may mga taong dumating

"Jared, tol! Ano ginagawa mo dito?"


"Ah..eh..Kayo? Ano ginagawa niyo dito?"
"Emergency meeting ng science club eh"
"Ah...ok.Ge tol, lis na ako"
Kinuha ko agad yung necklace na nasa microscope at lumabas.

*END OF FLASHBACK*

Tsk..Sayang talaga!!! Pero di bale...

It's time for Plan B.

_________________________________________________________

________________________________________________________

Nung dismissal na, di ko na nakita si Hazel kasi madami pa raw

syang gagawin para sa school paper, kaya pumunta nalang ako ng locker

ko.

TOOT TOOT

1 message received

From: Camille

: Cy, andito ako sa labas ng school niyo ngayon. May importante akong

ssbihin. :
Nagmadali akong lumabas, at andun nga si Camille..

"Oh Cam...Bakit?"
"Cy, nag text sakin yung gang leader nung gang na

kinalaban natin dati. Yung sinabihan mong walang kwentang kalaban.."

"Asan? Patingin nung text?"


Inabot niya sakin yung cellphone niya at binasa ko naman.

>>>
: Sabihan mo si Siberia na nasa samin yung necklace niya. Kung gusto nya

pang makuha yun, pumunta sya ulit dun sa warehouse pero dapat wala

syang kasama :

"Pupunta ako.."
Inabot ko kay Camille yung cellphone niya at naglakad palayo
"Cy...

Mag-ingat ka"
Tumango nalang ako at tumuloy sa paglalakad

Ano kayang binabalak ng gang na toh...


Nasa sakanila ba talaga nila kwintas ko? O niloloko lang nila ako?

Is this some kind of trap?


_________________________________________________________

________________________________________________________

Bago ako pumunta dun sa warehouse, syempre nagbihis

'Siberia' ako, kasama na nung maskara.


Pagkapasok na pagkapasok ko dun sa warehouse, ang unang una kong

nakita ay isang babaeng nakatali sa upuan pero di ko makita yung muhka

kasi nakatalikod sakin.

Nagulat nalang ako nung biglang nagsalita yung babae..


"Cy, tulong!!!

"Camille?"
Putek, bakit nila dinamay si Camille?!

Lalapit pa sana ako kaso lang...

"Camille---"y
May biglang nagtakip ng bibig ko at tinalian ng panyo. Sinubukan kong

tingnan kung sino yung gumawa nun pero naka-maskara nanaman sila..

"Eto nga ba ang kahinaan ni Siberia?"


Shoot...That familiar voice again...

Pinaharap niya sakin yung babaeng nakatali na akala ko si

Camille...

Yun pala...

Manikin lang?!

PAAK!!!

Nabingi ako dun sa tunog na yun...

Hindi ko rin nagustuhan yung tunog...

It was a sound of....weakness...pain...and

defeat?
Ngayon ko lang na-realize na, yung tunog na yun...ay tunog ng isang kamao

na sumapak sakin. Kay Siberia...Kay Janine...


"Bakit ayaw mong lumaban?"
Binubugobg na nila ako ngayon...Pero di ako makagalaw. I

can't stand the fact that I actually heard a sound of defeat and it was

on me.

Nakalasa ako ng dugo. Madami na akong sugat...Bigla namang

naglabas ng baril yung leader nila.

"Eto na ang huling hangganan mo Siberia!"


With that, my whole life flashed before me..

WARP SPEED
* * *

"Ate Cybele!!! Kuya Cyro!!!"

* * *

"Sasali na kami sa gang, kaya di na tayo pwedeng maging kaibigan"

* * *

"Doc! Tulungan niyo po kami! Nasaksak po anak

namin!!!"

* * *

"Friends?"

* * *

"Mahal kita Janine..."

* * *

"Tama na nga yang pag-iyak mo.."

* * *

Hanggang ngayon, hawak ko parin pala yung panyo ni

Jared...Pero namantsahan na sya ng dugo. Dapat pala di ko dinala dito kung

alam kong masusugatan rin ako.

_________________________________________________________

_________________________________________________________

__________

Pina-alis ko na yung mga iba kong kasama. Gusto kong masolo


tong pagkakataon na toh na mapapatay ko si Siberia. Hawak hawak ko na

yung baril at nakatutok na sa kanya. Duguan na sya ngayon, at napakahina.

. . .

Damn...

Bakit di ko magawa?!

. . .

Si Siberia lang naman toh ah? Tiningnan ko ulit sya. May hawak syang panyo

na duguan na rin. Teka...Panyo?

"Ano pang hinihintay mo?"

Hinawakan ko na yung trigger...

1...2...3...

Agh!!! Di ko talaga magawa! Lumuhod ako, at lalong tinutok yung baril sa

kanya.
Dun ko naman nakita ang mga mata niya. Kahit naka maskara siya,

nararamdaman ko ang ganda niya, pati yung lungkot sa mga mata niya.--

Bakit ko ba sinasabi toh?!

Nagulat nalang ako nung bigla syang nahimatay at nahulog

sakin. Di ko rin alam kung bakit ko sya sinalo.

tzzzt...

Nakaramdam ako ng kuryente nung nahawakan ko sya. I looked at her

again, her eyes are closed but she's still beautiful. Her eyelashes are radiantly

long.

aaaaaaaaaggghh!!!!! Ano ba tong iniisip ko?!!!


_________________________________________________________

_________________________________________________________

__________

Pagkagising ko...Nasa..hospital ako?!!!

Wait! Kinapa ko yung muhka ko.. ASAN YUNG MASKARA?!!! NAKITA NUNG

GANG LEADER YUNG MUHKA KO?!!!


_________________________________________________________

_________________________________________________________

__________

~Part 3~

Click! .Siberia's Mask.

_________________________________________________________

___

Tarantang taranta na talaga ako.

This is bad...This is very bad! Pero diba pwedeng nagkamali lang ako?

Possibleng may himala na dumating at...

"Cy!!! Gising ka na!"


Lumapit sya sakin at yinakap ako ng mahigpit

"Camille! Camille, asan yung maskara?! Nakita ba nung gang leader yung

muhka ko?! Sumagot kang babae ka!!!"

Kahit yinuyugyog ko na sya sa aking pagtataranta, tumawa

lang si Camille. Anong nakakatawa sa sinabi ko??

"Chill ka lang, Cy! Nandito yung maskara mo.."


Laking tuwa ko naman nung nilabas niya galing sa bag niya ang

maskara na kanina ko pa hinahanap hanap.

"Wee!!! Lab talaga kita Camille!"

"Alam mo...Sa totoo lang, kung di dahil sa gang leader na

yun, di ko malalaman na na-ospital na pala. Sya pa ata yung nagdala sayo

dito eh"
Sa inaakala kong mga oras na okay na ang lahat, mali pala

ang akala ko.

"What? Pano?!"
"Tinawagan niya ako"

"Teka teka teka...Kung sya yung nagdala sakin dito, ibig

sabihin nakita niya nga muhka ko?!"

"Possible...Pero pagdating ko dito naka maskara ka parin

eh"

Ano ba talaga? Nakita niya ba o hindi?


_________________________________________________________

___

Kakagaling ko lang ngayon sa ospital at pa-uwi na ako dun sa

condo ko..

*FLASHBACK*

Mali ba tong ginagawa ko? Karga ko ngayon si Siberia at

dadalhin ko na sya sa ospital. Pero...bakit ramdam kong walang mali sa

ginagawa ko?

Ah basta! Pasalamat nga siya dahil talagang linabanan ko ang

konsiyensya ko na wag tanggalin ang maskara niya. Pag dating ko dun,

kinuha na nila sakin si Siberia at pinahintay ako sa labas.


Sa paghihintay ko, muntik na ako makatulog dun sa waiting area pero

nagising rin ako dahil may lumabas na nurse.

"Sir, ka-ano ano niyo po yung pasyente?


Ang unang unang pumasok sa isip ko, "ampon kong kapatid".

Naalala ko tuloy si Janine. Pero wala naman siya dito eh! Tsaka, alangan

namang sabihin kong kaaway ko sya..Ano ba dapat kong sabihin?

"...Girlfriend ko po sya"
Anak ng--!!! San nanggaling yun?! Ako ba talaga nagsabi nun?

"Ah oh sige po. Eto nga po pala yung maskara na suot niya

kanina.. Tsaka okay na po yung girlfriend niyo ngayon, kailangan niya nalang
pong magpahinga. Pwede na po kayo pumasok"
Tumayo lahat nung balahibo ko nung inabot sakin yung

maskara. Ibig sabihin, pwede ko na talaga makita muhka niya? Papasok pa

ba ako? Di ko naman kasi sya kaano ano eh! Kung di ko lang sinabing

girlfriend ko sya...

Tsk. Di ko na napigilan sarili ko. Pumasok rin ako. PERO!

Tinakpan ko agad yung mga mata ko. Di ko talaga alam kung bakit

nirerespeto ko sya ng ganito katindi na kahit wala na syang maskara, ayaw

ko parin makita muhka niya. Sinubukan kong ilagay ng dahan dahan, kahit

ipatong lang yung maskara niya, kahit nadapa dapa na ako dun sa buong

kwarto.
Yes! Mission accomplished! Nalagay ko rin yung maskara!
Umupo naman ako dun sa upuan na katabi nung kama niya..

"Oy...Pasalamat ka di ko tiningnan muhka mo. Kahit binigyan

na ako ng madaming chansa, nirespeto parin kita. Di ko talaga alam kung

anong meron sayo na napunta pa sa lagay na dinala kita dito sa ospital. Alam

mo bang ngayon ko lang ginawa yun sa isang kalaban?"


Lumapit pa ako sa kanya at tinitigan muhka niya. Kahit natatakpan talaga

nung maskara yung buong muhka niya, nararamdaman ko parin na kilala ko

na sya.

"Gusto na ba kita? Hindi rin naman pwede. Magkaribal tayo. Gang leader

ako, gang hater ka. Siguro...

Lalayo nalang muna ako sayo"

Sa di ko malamang dahilan, nasaktan ako dun sa sinabi ko. .


Bahala na nga!

*END OF FLASHBACK*

_________________________________________________________

___
~Chapter 5~

_________________________________________________________
___

Binisita ako nina mommy at daddy at siguro nagtataka kayo

kung ano yung paliwanag ko noh? Di kasi nila alam na gang hater ako eh...

"Anak!!! Ano bang nangyari sayo bata ka ha?"

"Nag-aalala na kami ng husto!"


"Ah eh...Kasi po nabugbog po ako ng gang"
"Ano?! Totoo ba yan?!"

I can't lie to my parents. Siguro kailangan ko lang talaga mag

leave out ng details.

"Nako eh, kung ganun...Dapat nating i-report sa

pulis!"
"Hindi na po!"
"Hindi na...?"
"Ah--eh..."
"Err...Tapos na rin po kasi yung nangyari kaya, patawarin

nalang po natin sila"


"Opo, tsaka ang mahalaga po ngayon ay buhay si

Janine"
Phew...Buti nalang P.H.D. yung nanay ni Camille, kaya nasa

genes niya na yung pagiging magaling na "negotiator".

Nagkwentuhan pa sina mommy, daddy, at Camille. Ako naman,

dapat nagpapahinga pero di ko magawa


kaka-isip sa mga nangyari. Yung gang leader na yun yung nag dala sakin

dito? Pero bakit?! Hindi ko malubos lubos


isipin kung bakit niya magagawa yun. O baka naman nagkamali lang si

Camille? Ah ewaaan...
Nung sinabi na ng doktor na pwede na akong umuwi, dumalaw sa bahay

yung mga magulang ni Jared. Tinanong ko


kung nasan siya, eh may lakad raw. Na-iintindihan ko naman, pero madami

pa ring bagay na hindi ko ma-intindihan


kaya nag isip isip muna ako dun sa kwarto ko.

*knock knock*

"Pasok.."
Lumaki yung mga mata ko sa taong pumasok..
"Anong ginagawa mo dito??"
"Nabalitaan ko kasing na-ospital ka, kaya gusto ko lang

makasigurado na ok ka lang.."
"Nabalitaan mo, tapos ngayon nakita mo na ako na ok

lang. Pwede ka ng umalis"


"Janine, please. Kailangan natin mag-usap"
"Nag-usap na tayo dati. Wala namang napuntahan yun, at

sigurado akong wala ring mapupuntahan tong usapan na toh"


"Gusto ko sanang makinig ka ngayon.."
"Bakit pa? Diba nasabi mo na lahat dati? Iniwan mo ako

noon para sumali sa gang tapos bigla kang babalik para sabihing mahal mo

ako...hanggan ngayon?!!!"
"Pero--"
"Kung mahal mo ang isang tao, dapat ipaglalaban mo sya,

kahit ano pang dahilan yun! Duwag ka lang para magpatalo sa kalaban"
Natigilan sya dun sa sinabi ko; napayuko. Parang natauhan...
"Sige...Aalis ako, pero pag handa mo na akong patawarin,

sabihin mo lang"

...Handang patawarin? Kailan nga ba?


_________________________________________________________

___

Pagka-alis ni Xyrus, sinilip ko syang paalis ng bahay namin

mula sa bintana ng kwarto ko. Hmm...Aalis nga sya. Habang sinusundan ng

mga mata ko ang galaw niyang palabas ng bahay, naagaw naman ang

atensyon ko nung may isa pang kotse parating.

Nung lumabas yung tao galing sa kotse, lalake pala siya.

Nagkasalubong yung lalake at si Xyrus tapos nag batian na parang


magkakilala. Sino ba yun? Nanuod pa ako at muhkang papasok ng bahay

yung lalake kaya inalis ko na yung tingin ko sa bintana, at naghintay...

Naghintay, at naghintay...

*knock...knock...*

Unti unting bumukas yung pinto at may sumilip na muhka...

"Hi Janine...Ok ka na ba? "

_________________________________________________________

___

"Hi Janine, ok ka na ba?"


"Uy, Jared! Napadalaw ka?"
"Sabi ni Tita, na-ospital ka raw. Eh wala akong magawa kaya

dinalaw nalang kita"


"Ay ganun. Pangpalipas oras mo lang pala ako.."

"Joke lang! Syempre pumunta ako dahil nag-alala ako! May


dala pa nga ako para sayo eh.."

Akala ko, yung dala niya, yung mga karaniwang dinadala sa

mga may sakit, tulad ng prutas o di kaya bulaklak pero ang dinala niya...

Gitara. Tapos di naman pala para sakin yun...

"Bakit gitara dala mo?"


"Kakantahan kita, ayaw mo?"
"Depende. Strict akong judge noh!--Joke lang! Sige na,

kanta ka na."
Gusto ko rin naman kasi malaman kung kayang kumanta ni Jared. Umupo

ako dun sa kama ko, at siya naman dun sa kabilang dulo, habang kinakapa

niya yung gitara.

{When you say nothing at all by Ronan Keating}

"It's amazing how you can speak right to my heart


Without saying a word, you can light up the dark
Try as I may, I can never explain
What I hear when you don't say a thing"

. . .

"The smile on your face lets me know that you need me


There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me, wherever I fall
You say it best...When you say nothing at all"

Grabe, wala akong masabi. Napaka-masculine nung boses niya,

tapos hindi sintonado. Waah...Ang sarap pakinggan.

"..eh? Tapos na??"


"Hindi pa. Ayaw mo kasing magsalita eh, pano ko malalaman

kung gusto mo o hindi"


"Na-speechless kasi ako eh. Sobrang...wow. At yung boses

mo...wow."
"Haha. Sige na nga"

"All day long I can hear people talking out loud


But when you hold me near
You drown out the crowd
Try as they may, they can never defy
What's been said between your heart and mine"
Pwede ng lullaby...Inaantok na ako...

"The smile on your face lets me know that you need me


There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best when you say nothing at all"
"*yawn* Yay...Galing mo"
"Inaantok ka na? Nakakaantok ba boses ko?"
"Hindi ah! Masyado kasing masarap pakinggan kaya

inaantok ako"
"Haha, ganun..."

Tumingin tingin sya sa paligid at inobserbahan yung kwarto ko.

Sinundan ko naman yung tingin niya at yung mga trophy ko pala yung

tinitingnan niya

"Magaling ka sa swimming?"
"Haha...Dati pa yan eh. Nag stop ako ng lessons nung

Grade 6 ako"
"Ah so di ka na magaling?"
"Hoy, ang yabang mo naman.."
"Bakit? Ako nga, nag stop nung 1st year highschool pero

hanggang ngayon magaling parin"


"Hinahamon mo ba ako?"
Bigla namang umilaw yung muhka niya na parang may na-isip siya. Uh-oh...I

have a bad feeling--


"Oo. Sige ganito, pustahan tayo ah. Pumunta ka sa

swimming club bukas sa school at mag-racing tayo. Kung sino manalo, may

wish. Deal?"
Hmm...Sige na nga, there's no harm in trying naman diba?
"Hmm...Ok, deal"

_________________________________________________________

__

"Oh ayan Janine ah, sinamahan na kita dito. Kailangan ko na

talaga umalis kasi kailangan kong tapusin yung school newspaper natin. Ok?

Tsaka sure kang ok ka lang mag-isa dito?"

"Ok lang... "

"Ok, ingats!"
Sinundan naman ng tingin ko yung pag-alis ni Hazel mula sa kinatatayuan

niya kanina hanggang sa pintuan nung exit..

"Hmm..."

Nasa mas malaking venue raw yung mga members ng

swimming team ng school namin dahil nagt-train sila ngayon kaya ako lang
ngayon yung nandito, sa tabi mismo ng pool, ready na ready na pero

nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko tong deal namin ni Jared.

Nawawala na talaga kasi yung swimming skills ko...

Swimming skills nga ba o confidence lang ang nawawala sakin?

---Ah hindi! Basta, iba rin yung pakiramdam ko eh. May kutob kasi ako na

kung anu-ano yung papagawin sakin ni Jared kung sya yung nanalo. Baka

nga gawin niya pa akong yaya o katulong nila sa bahay. Waaa!!!

"Huy..."
Nagulat ako nung may biglang kumalabit sa likod ko, at sa

pagtataranta ko..

*splaaassshh!!!*

Nahulog ako sa pool.


Nung naka-angat na yung ulo ko sa pool, napansin kong hanggang balikat

pala yung tubig...Hmm...medyo malalim. Tamang tama nga para sa karera.

"Hahaha! Uy...Ok ka lang ba?"


Lumapit sya dun sa dulo ng pool at lumuhod, ino-offer yung

kamay niya. Hmm...it's time for payback. Bwahaha!

"Hmm...Fine. Just fine"

Nilapitan ko sya pero nasa loob parin ako ng pool. Naka-killer

smile ako habang papalapit sa kanya, at nung tinanggap ko na yung kamay

niya bigla ko syang hinatak papunta rin sa pool

*splaaassh!!!*

"Hahaha!!! Gotcha! "


"Haha.. "
"Haha--"

Napatigil naman ako sa kakatawa dahil ngayon ko lang

napansin, na ang lapit nung muhka niya sakin nung pagka-angat niya..
Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita... Ganito rin kalapit yung mga

muhka namin..

Lumapit pa sya ng lumapit, at magkadikit nga ngayon yung mga pisngi

namin. Bumulong naman siya ng...

"Ready ka na ba?"
WHAT?! Para saan?! Hahalikan niya ba ako?....
Waaa...Humihina ako sa'yo Jared!

Ipipikit ko na sana mga mata ko pero bumulong ulit sya...

"Racing na tayo! Readygetsetgo"

Masyadong mabili yung pagkasabi niya, at binilisan niya rin yung

pag langoy kaya eto naman si ako, habol na lang.

Sinubukan ko talagang ma-una. Kinuha ko na lahat ng lakas ko, at freestyle

pa yung ginamit ko sa pang-karera.

Pagdating ko dun sa dulo...

"YES!!! Ako panalo!!! Ako panalo!!!"


Whaat?! Pero-- pero--!! Waaaaaaa
"Eh madaya ka naman kasi eh! Ang bilis nung "ready set go" mo!"
Tsaka dinistract niya ako dahil kala ko...kala ko...never mind
"Oh well...A deal's a deal! Ako yung panalo kaya ako yung

may wish!"
Haay...Hindi pa talaga kasi ako handang maging yaya eh!
"Fine fine. Your wish is my command.."
Ngumiti naman siya na abot-langit bago nagsalita...
"Date tayo..."

. . .

. . .

Date? With Jared? Eeeeehhh...


--Pero at least mas ok yun kesa maging yaya ako diba?

_________________________________________________________

___

~Part 3~
____________________________________________________________

Nakalimutan ko palang banggitin na lunch time ngayon pero dahil nga s aracing na
yun, di tuloy ako nakakain...Wah!!! Kanina pa ako nagugutom! Nakabihis na kami
pareho at palabas na ng swimming club..

"Uy...Janine"
Ano raw? Kanin?
"Hmm...?"

Shushi, gutom na talga ako! Kahapon pa ako di kumakain dahil buong araw kong
tinulungan si mommy sa flower shop niya..

"Kasi, namumutla ka.."


Namumunga yung puno ng guava?
"Gutom--"

*blag!*

"Janine!! Janine!!"
Yun nalang narinig ko...And the rest is darkness
____________________________________________________________

Dahan dahan kong minualt ang mga mata ko, at ang una kong nakita...ilaw. Yung
fluorescent light lang pala. Sinbukan kong umupo pero may malakas na kamay na
humahawak sa braso ko..
"Ssshh...Humiga ka lang. Kailangan mong magpahinga"
"Jared?..."
"May dalang pagkain yung nurse. Ikaw kasi, di mo sinasabi sakin na di ka pa pala
kumakain, ayan tuloy...nahimatay ka"
This time, umupo na talaga ako at di niya naman ako pinigilan. Aba syempre noh!
Sino ba ang kumakain ng nakahiga?

Kukunin ko na sana yung bowl ng noodles pero hinarangan niya yung kamay ko

"Oh bakit? Pati ba kamay ko, nahimatay?"


"Haha. Susubuan kita..."
Nanigas ako sa mga sinabi niya.. at ayun. Wala na akong nagawa kaya nagpadala
nalang ako sa bawat subo niya.
Nahalata ko rin naman na parang gutom rin siya.
"Alam mo kung gutom ka rin, e di kumain ka rin!"
"Ha? Di ako gutom ah! Kumain ka na nga lang!"
Nung isusubo niya ulit sana sakin, hinawakan ko yung kamay niya at sinubo sa kanya.
Kinain niya naman! O see? Gutom nga siya!
"Kita mo yan...Gutom ka rin pala eh! Mamaya ikaw naman mahimatay diyan, sakin ka pa
mahulog"
"Oo na..Oo na. Haha"
Salit-salitan kami sa pagsubo sa isa't isa. Haha, nakaktuwa nga eh! Nung turn ko
nanaman sa pagsubo sa kanya, biglang bumukas yung pinto...

"Cy! Cy! Ok ka lang ba?! Anong nangyari sa--"


Napatigil si Camille nung nakita niya si Jared. Nagkatinginan silang dalawa at di
ko na-iintindihan yung tingin nila sa isa't isa..

"Uhmm...Hello? Camille?"
"Magkakilala kayo ni Janine?"
"Magkakilala kayo ni Cy?"
Eh?? Ano meron?
"Um...Magkakilala kayo?"
Tiningnan nila ako parehas, tapos tumingin ulit sa isa't isa...

"Uh...Yeah"
Bago pa ako makapagsalita o makapag-react man lang, nagsalita na si Camille
"Ah sige nice seeing you ulet Jared ah pero kailangan na namin umalis diba Janine?
Sigebyeingatlet'sgo!"
Tuloy tuloy niya akong hinatak palabas ng clinic hanggang sa locker ko. Nagulat nga
ako nung siya pa talaga yung nagdala ng bag ko, at sinabayan ako pa-uwi sa jeep.

"Uhmm...Camille? May nakain ka ba?"


"Hindi ko siya ex!!!"
Ano raw?! Ang layong sagot sa tanong ah! San nanggaling yun?
"Chill girl. Anong ex ex ka diyan? Ang tanong ko pagkain tapos may ex ex kang
nalalaman"
Pinagtitinginan na pala kami ng mga tao sa jeep kaya nagbulungan nalang kami..
"Sa bahay mo nalang.."
Yun lang sinabi niya at tumingin na siya sa malayo. Hmm...Ano kaya meron sa
kanilang dalawa?
____________________________________________________________

Pagdating sa bahay, akala ni Camille makakatakas na siya pero hinarangan ko yung


pinto..

"Hep hep, kwento ka muna.."


"Haay...fine fine. Ex ko si Jared, the end. Bye!"
Natulala ako sa sinabi niya, at di ko tuloy napansin na tumakas na siya.

Ex ni Camille si ...

Jared?

At bakit...ganito yung pakiramdam?


Di naman ako dapat magalit diba? Pero...agh!

Si Jared nalang kaka-usapin ko. Pero kailan kaya? Ay oo nga! YUNG DATE NAMIN
MAMAYA!
__________________________________________________
~Chapter 6~
_________________________________________________________

__

Anong susuotin ko? Dahil nasa trabaho pa sina mommy, e di

wala tuloy akong fashion adviser. Haha. Wala naman kasi akong mga formal

na damit sa wardrobe ko, puros casual lang. Hmm...tanungin ko kaya si

Hazel?

>>>
:Zel, help! Anu bng mgndang suotin pra sa date?:

>>> Hazel
:Yung tita co, fashion designer. S2 mo papuntahin co xia jan?:

>>>
:Oh? Di ba nkakahiya?:

>>>Hazel
:Nde ah. Pg dting raw sa family, wlang nkakahiya. Eh prng kptid n kta eh:
>>>
: Haha. Ty ty!:

Pagkatapos siguro ng sampung minuto, may

kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan, at nagulat ako sa taong

pumasok.
Babae sya na muhkang 40 years old na pero ang bongga nung suot!

Napakabalahibo nung coat na suot niya tapos may scarf rin siyang suot na

mabalahibo. Aba, di ata toh nagkaka-allergy sa kakasuot ng mabalahibo.

"Umm..Hi po? Kayo po ba yung tita ni Hazel?"


"Yes I am, innocent one. She told me about your problem,

therefore I am here to solve it"


Woah, nosebleed.
"Umm..Okay, sure."
"First of all, I want you to show me your wardrobe. Second

of all, address me as Madam Xanthia."


Awoot. Taray ni Madam Xanthia ah. Sinamahan ko siya sa

wardrobe ko at halos mahimatay na siya nung binuksan ito. Bakit??


"Is something wrong, Madam Xanthia?"
"h-huh? Oh dear oh dear!"
May dinukot siya galing sa loob ng coat niya, at pinaypayan

ang sarili niya. Fan pala...Mabalahibong fan! Wahaha...


"Where's the fashion police when you need them?! Whew,

anyway hija. Don't worry, I'll do my best to fix this...this..."


Dinampot niya naman yung isa sa mga damit ko na parang

diring diri
"This...mess"

Napagod ako sa ginawa namin ni Madam Xanthia. Kung

bibilangin ko, naka sampung palit na ako pero wala parin siyang

nagugustuhan.

"You know hija, kung anong problema sa'yo? Masyado kang maganda!

Naloloka ako sa babaeng 'toh! Di tuloy ako makapili!"


Awoo..flattered si me, myself, and I! Dahil dun sa compliment

na yun, na-inspire akong magpalit lalo. Haha! Hanggang sa nagningning yung

mga mata ni Madam Xanthia dun sa pang labin limang sinuot ko..

Click to view the dress


Tuwang tuwa si Madam Xanthia dun, at ako naman todo

thank you sa kanya hanggang sa paglabas niya sa bahay.


Napatingin naman ako sa relo. 6 na pala...

*DING DONG!*

Nagmadali akong pumunta sa pinto at si Jared nga yung

nandun. Nagulat ako sa attire niya..


(Readers, kung gusto niyo malaman look ni Jared para sa date

nila, balikan niyo lang yung link nung pinaka unang picture ni Jared)

"Kelan ka pa nagmuhkang anghel?"


"Ibig sabihin cute ako?"
"Hindi"
Ouch.
"You're not cute. You're beautiful"
Ayiiee.. Kinilig si ako oh! Lalo naman akong kinilig nung kinuha

niya yung kamay ko at hinalikan

Aba asensado, Honda Accord yung kotse niya oh. Haha! Nung

nasa loob na kami, patingin tingin sakin si Jared

"Hoy, sa kalsada ka tumingin, wag sakin"


"Hindi naman kasi yung kalsada yung maganda eh---

Aray!"
Binatukan ko siya nun, pero ang totoo kilig na kilig ako.

Weee..Haha! ^_^
"Oo na po, oo na po. Pasalamat ka, mabait ako

ngayon"

[JARED'S POV]

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Janine, at di ko talaga

mapigilan na tumingin sa kanya.


Ayoko rin namang aminin yung dahilan. Agh! Di naman kasi ako ganito eh.

Tsaka madami naman akong nakilalang magagandang babae, yung tipong

"head-turner" pero bakit si Janine pa?

Nung tumigil kami sa traffic light, biglang nagtanong si Janine,

"Umm...Jared, bakit mo ba talaga ako yinaya sa date na


toh?"
Kasi ikaw yung gusto ko makasama araw araw. Kasi ikaw yung

laging tuamtakbo sa isip ko.


"Kasi gusto ko, pake mo?"
"I mean...date with ME? Sino ba ako sa'yo?"
Ok, so she's weird. I don't care. I think I love her.
"Ikaw si Cyra Janine Benavente"
Muhkang na disappoint sya sa sinabi ko. Haha...May inaasahang sagot pala

tong babaeng toh ah.

"Joke lang!"
Nagulat siya dun. Ako rin nagulat.

Hindi dahil sa sinabi ko. Lam niyo anong ginawa ko?


Hinalikan siya sa pisngi...

_________________________________________________________

___

Nagulat ako dun sa halik sakin ni Jared sa pisngi...

Akward moment...

. . .

Nakakabingi na yung katahimikan!!!

**tunog ng tipaklong sa gabi**

"Uh...Andito na pala tayo"


Salamat po tipaklong.
Tumingin naman ako sa labas nung bintana nung kotse..

"Teka, bahay nyo toh ah. Anong ginagawa natin dito?"


"E di dito yung date natin"

Pinagbuksan ako ng pinto ni Jared, at dumaan kami dun sa

bakuran. Pumasok pa kami sa isang greenhouse dahil nasa gitna sya.


Wow...decorated ah. Lalo tuloy lumawak sa paningin...

Click

me!
"Anniversary ngayon nina mommy at daddy kaya may

party"
"Ohh...Astig"
"Nagkataon lang na nagkasabay yung anniversary nila at

yung date natin "


Napadaan naman kami dun sa kung saan nag-aayos sina

Tita at Tito kaya binati ko sila at todo ngiti naman sila. Ang ganda nga ngayon

ni Tita eh! Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa nakarating kami sa

isang parang...gazebo na may nakalagay na table at dalawang upuan. Haha,

kala ko pa naman sa isang greenhouse yung magiging unang date ko.

Click me!

"Ayos ba?"
"Ayos ayos ka diyan. Di mo sinabi sakin, ang laki nung

bakuran niyo! Ang layo nung linakad natin oh!"


"Your welcome "

Umupo na kaming dalawa dun sa upuan tapos nakarinig ako

ng music.

{Iris by Goo Goo Dolls}

And I'd give up forever to touch you


Coz I know that you'd feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now

And all I could taste is this moment


And all I can breathe is your life
When sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight

Chorus:
And I don't want the world to see me
Coz I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

*beep! beep!*

Sabay na tumunog yung cellphone namin kaya nagkatinginan


kami.

"Excuse me"
Tumalikod naman ako sa kanya pero naka-upo parin ako. Sya

naman tumayo at naglakad papalayo dahil tawag ata yung sa kanya.

From: Camille
>>
911

Shoot. Ngayon na?! Sa dinami dami ng oras, ngayon pa?! Ano

bang dapat sabihin kay Jared? Di naman ako pwedeng umatras ng laban

diba? Di ko pa nagagawa yun at HINDI ko gagawin yun.


Tsk...Ang hirap naman nito!!

[JARED'S POV]

Tumayo ako at sinagot yung tawag

"Hello?!"
"Tol naman. Ikaw pa ngayon yung may karapatang magalit?

Nakalimutan mo na ba na may laban tayo?"


"Ha? Ah..eh..Oo nga pala"

*FLASHBACK*

Nagsisipilyo na ako ngayon para sa date namin ni Janine at halos

maalog na yung buong bibig ko sa pagmamadali ko. Hmm...Wala lang.

Excited lang?
Pero...
Bakita nga ba ako masyadong excited? Si Janine lang naman yun ah..
Do I like her?

*nokia tune*

Nagmumog na ako at binilisan yung paglinis sa toothbrush tapos

sinagot yung tawag

"Hello?"
"Tol, may laban tayo mamayang gabi"
"Ano?!"
"Di natin toh pwedeng palipasin. Sige tol, kita nalang tayo

mamayang gabi"

*END OF FLASHBACK*
Patay...Pano na toh?!

_________________________________________________________

__

.Janine.

Bahala na nga lang!


Lumapit ako kay Jared, at sinabing...

"Sorry"

Err...

"Kailangan kong umalis"

Tumawa nalang kaming dalawa at nagkatitigan ng saglit. Tapos...

Hinalikan nanaman ako ni Jared sa pisngi. Aba...Nakakadalawa na toh ah!

.Jared.

Nagpalit ako agad ng damit--syempre! Sinong may suot na formal na damit sa isang
laban?

Medyo malapit lang sa bahay namin yung meeting place kaya di ako nahirapan. Para
syang warehouse na ma-damo sa paligid.

"Oh p're! Buti naman at dumating ka pa!"


"Tss..."
Pasalamat nga kayo eh...! Iniwan ko pa si Janine. Buti nalang may pupuntahan rin
sya.

Pagkadating na pagkadating nung mga kakalabanin namin, parang gusto ko ng mag back-
out.

Si Siberia...NANAMAN.
May balak bang sirain ng tadhana ang plano kong layuan si Siberia? Diba sinabi ko
na yun dati?! Sus naman!!!
Talagang kasama niya pa si Camille eh noh? Alam kong sya yun, kahit naka maskara
sila.
"Pwede bang bilisan natin toh?! Istorbo ka'yo eh!"
Same here...Same here...

Sa bawat suntok, at sapak ni Jared, hindi niya binibigay yun kay Siberia. Talagang
iniiwasan niya si Siberia. Pag kinakalaban naman sya ni Siberia, iwas nalang sya ng
iwas

Tumatagal na yung laban; at bigla kong naalala si Janine

"Babalik ako mamaya, wag kang ma-alala "

$#!*! Ayoko syang paghintayin.


"Tol, kailangan ko na umalis. Pinapatawag ako ni big boss"
Pagkarinig nila nun, hindi na sila nag-dalawang isip na payagan ako. Wag niyo na
rin tanungin kung sino si big boss. Pero kung gusto niyo malaman, well he's the big
boss

.Janine.

Napansin kong, nabawasan yung mga kalaban. Aba, ang daya ah! Ano yun, nag-last
minute shopping?! Time out?! Pero na-isipan ko na pwedeng palusot yun..

"Hoy hoy hoy! Pang-ilang beses na namin kayong nakalaban at hanggang ngayon wala
parin kayong kwentang kalaban ah! Walang time out time out dito!"
"Oh...Di ko napansin yun ah. Pero, oo nga!"
"Makaalis na nga lang"
Naramdaman kong susugod na sana yung isa sa mga kumag na yun pero naharangan agad
sya ni Camille. Hmm...Siguro may plano pa syang ituloy yung laban, tutal may mga
kasama naman sya eh. Tatawagan ko nalang sya mamaya para makapagpaliwanag.

.Jared.

Pagkadating ko sa bahay, saktong nakita ko si Janine dun sa may bench sa labas nung
bahay namin, at muhkang pagod na pagod sya

"Janine!"
Tumingin sya sakit at ngumiti
"Jared.."
"Naghintay ka ba ng matagal?"
"Hindi naman "

Umupo ako sa tabi niya, at talagang magkadikit na kami. Ang lamig niya nga eh..

"Nilalamig ka ba?"
"Hmm..."
Napansin kong pumipikit pikit na siya at dahil wala naman akong suot na jacket,
tumayo ako
"Teka, kukuha lang ako ng jacket--"
Hinawakan niya yung kamay ko, at tumigil yung buong mundo ko.
"W-Wag na..."
Wag na wag na ka diyan? Nanginginig ka na nga eh. Pero syempre, umupo nalang ulit
ako pero malayo na sa kanya.

"Janine...May ipagtatapat sana ako sa'yo eh..."


"Hmm?"
"I..."

Bago ko pa masabi, bigla syang napahiga (o nahimatay?) sa hita ko.

Janine?

____________________________________________________________
Chapter 7
___________________________________________________________________________

"Janine?"
Kinapa ko agad yung leeg niya para tingnan kung may pulso pa siya.
Hmm...Meron naman ah!

Dahil nga nasa hita ko yung ulo niya, naramdaman kong humihinga naman siya. Haha,
nakatulog lang pala. Siguro pagod na pagod na toh. Hay...Ako rin eh.

--Ay oo nga pala. Tsk, naputol yung pag-aamin ko kanina. Di bale, siguro t-
tiyempuhan ko nalang sa susunod.
Note to self: Umamin pag di inaantok o pagod si Janine

At dahil ayoko muna siya gisingin, tinitigan ko lang siya habang hinahaplos haplos
yung buhok niya. Habang ginagawa ko yun, napapa-isip naman ako sa mga bagay bagay.

. . .

"Kung malaman mo kaya na Gang Leader ako...Matatanggap mo ba yun?"


Oops. Dapat sa isip ko lang yun.

"Hmm...?"
Uhh..A E I O U! Nakapikit parin siya pero...nagsasalita? Gising kaya siya?
Narinig niya ba yun?

"Uh, Janine. Siguro dapat umuwi ka na. Hatid nalang kita.."


Naghintay ako ng response pero wala. Phew, baka di niya nga narinig.

Kinarga ko nalang siya at dahan-dahang nilapag dun sa front passenger's seat.


Kukunin ko na rin sana yung seatbelt pero nung biglang...

"Ako na. Kaya ko na..."


,Sabay hawak sa kamay ko. Tsk, gising na pala toh.
Habang hawak hawak nung isa niyang kamay yung kamay ko, kinuha niya yung seatbelt
gamit nung isa pa niyang kamay na di niya ginagamit. Si ako naman, kumalas na sa
pagkakahawak niya sa kamay ko at pumunta na sa driver's seat at nagsimula na mag-
drive

J A N I N E

Habang nagmamaneho si Jared, nakatingin lang ako sa malayo. Nagulat naman ako nung
nagpatugtog siya, dahil dun sa kanta...
{When I'm with You by Faberdrive}

Saw you walk into the room


Thought I'd try to talk to you
Babe am I ever glad, you wanted me too

It's been two years to the day


Half the time I've been away
I know I'm not there enough but that's gonna change

"Shoot T_T"
Tuloy tuloy na yung mga luha ko.. Argh. Yun yung theme song namin dati ni Xyrus
"Uy, bakit?"

Coz I'm coming back, to show you that


I'm keeping the promise I made...

.CHORUS.

When I'm with you


I'll make every second count coz I miss you
Whenever you're not around
When I kiss you
I still get butterflies years from now
I'll make every second count...When I'm with--

Napatingin ako kay Jared. Note: Sya yung pumatay nung radyo, di ako.

"Anong meron sa kanta at nasaktan ka?"


Rhyming yun ah...Pero teka, sasabihin ko ba? Eh bestfriend niya si Xyrus eeeh.
"Umm...theme song namin yun ng bf ko dati "
"Oh... At, affected ka dahil mahal mo parin siya?"
"Ha? Ah, eh...May ginawa siya sakin dati eh. Hindi pa nga ako sigurado kung
napatawad ko na siya"
"Haha, bakit ba ayaw mo syang patawarin?"
"Kung ikaw lang yung nasa posisyon ko..."
"Chill, chill. O sige, sige ganito nalang. Patawarin mo na siya"
Wow, ang galing mag-negotiate. Pssshhh...pasalamat ka Jared ah.

Teka? pasalamat ka at...? Ano ba itutuloy ko dun? Wala na. End of my statement na
yun =.=

"Tingnan mo tayo. Diba madami tayong nagagawang kasalanan? Pero kahit halos di na
mabilang yung mga sala natin, napapatawad parin tayo ni God. So kung siya,
napapatawad tayo sa dinadaming kasalanan natin, bakit di natin kayang patawarin ang
iba na maliit lang ang kasalanan na nagawa nila satin kumpara sa mga kasalanan
natin? Diba?"
O_O Wow.

Yun lang. Wow *bow* (rhyming ulet?)


I was simply dumbfounded. Napa-isip talaga ako dun...Ay, hindi pala napa-isip.
Napa-agree

Nung nakarating na kami sa bahay ko, niyakap ko si Jared bago siya umalis. Di ko
alam kung bakit ko ginawa yun pero parang "thank you" na rin para sa lahat ng
ginawa niya, lalo na yung advice na binigay niya kanina. Pagkapasok ko sa bahay,
sinalubong ako agad ni Mommy.

"Anak, may bisita kang gwapo dun"


Dad: Anak, manliligaw mo ba yun? Ilalabas ko na ba yung sinturon ko?

O_O Ano toh?!


Nagmadali akong pumuntang sala, at dun...dun..dun ko nakita si

"Hi Janine.."
Si Xyrus

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, at dinala si Xyrus dun sa may garden namin.
Kailangan ko siya maka-usap..

"Janine...Aalis na ako"
"Ha? Hindi pwede. Di pa kita nakaka-usap"
"Hindi yun. Aalis na ako. Pupunta sa ibang bansa"
"A-ano?! P-pero..."
"Bukas na yung flight ko at--"
"Xyrus, pinapatawad na kita!!!"

Nagkatinginan kami saglit, at bigla niya akong niyakap habang naka-ngiti...

J A R E D

Ano toh? Owh, panyo ni Janine! Nakalimutan niya!!!

Nagmaneho ako pabalik sa bahay nina Janine, at parang nakita ko siya dun sa garden
nila kaya dun dapat ako didiretso...

"Xyrus, pinapatawad na kita!"


Niyakap naman siya ni Xyrus...

...Ouch...

Oo na, oo na. Mahal ko na si Janine. Hindi ko lang talaga ma-amin. Alam kong marami
na akong pagkakataon pero pinalipas ko lang. Tsk, I'm regretting that.

Tsaka, bakit sa dinami dami ng tao sa mundo...Bestfriend ko pa magiging karibal


ko?? Doble yung sakit. -_-

Andito ako sa school ngayon. Break namin at hinahanap ko si Janine.


Hindi ko alam kung bakit ko sya hinahanap. Siguro gusto ko lang siya makasama o
gusto ko ng umamin. (kung kaya ko lang...)

Ayun! Andun lang pala siya sa court..

"Haha, ang kulit mo talaga"


"Ewan ko sa'yo "

Di ko na toh kaya. Kailangan ko na talaga umamin kay Janine.

Bumalik nalang ako sa classroom at hinintay makabalik si Janine.


Hmm...Ngayon ko lang napansin na naka-upo pala ako sa upuan niya. Tsk. Tumayo ako
pero nasagi ko yung bag niya kaya pinulot ko yung mga gamit na tumalsik..Teka, ano
toh...

..Yung maskara ni Siberia..

J A N I N E

Buong araw akong di kinaka-usap ni Jared. Bakit kaya? :-/ Hindi naman sa desperado
ako para sa attensyon nya pero di kasi ako sigurado na galit siya sakin...
Oh no! Di kaya, nalaman niya na si Xyrus yung ex ko?
Teka teka, chill. Di pa naman ako sigurado na yun yung dahilan diba? Sige sige, iba
nalang iisipin ko.

Naglalakad ako ngayon pa-uwi ng bahay. Walang masyadong tao sa kalsada kaya medyo
tahimik.

?! ano yun?! Teka, teka baka mali lang yung nakita ko. Lumapit ako dun sa madilim
na alley at yun nga. Tama nga yung nakita ko!

"J-Jared..."
Naka-upo siya sa may pader at arami siyang sugat sa braso niya. Sa braso niya lang,
tapos dumudugo yung kamao niya. At...umiiyak pa siya?

Lumapit ako, at lumuhod sa tabi niya. Pupunasan ko sana yung mga luha niya pero
tinaboy niya yung kamay ko.

"Leave me alone"

"Ano bang problema mo ha?! Buong araw di mo ako kina-usap. Tapos ako na nga tong
tinutulungan ka parin, pinapa-alis mo naman ako"
Hindi siya sumagot. Kaya ang ginawa ko, tumayo at hinila yung kamay niya

"Tsk, halika na nga. Mamaya mo nalang sabihin yung dahilan. Kailangan muna kitang
gamutin--"
Bigla siyang tumayo, at hinila ako pabalik. Sa lakas nung pagkaka-hila niya,
napasandal ako dun sa pader. Grabe, lumaki yung mata ko. Pero di dahil dun!

Hinalikan niya ako.

Hindi rin naman ako maka-alis dahil hawak niya yung pisngi ko, at yung isa niya
namang kamay, nakaharang sa gilid ko.
O di kaya...Ayokong umalis?

The kiss seemed like forever.


Pag gumagalaw ako, hinihigpitan niya yung hawak niya sakin. Hanggang sa kinailangan
naming dalawa ng hangin. We were both gasping for air.

Dun lang siya nagsalita!

Background music: {Perfect by Simple Plan}

CHORUS:

Cause we lost it all


Nothing lasts forever
I'm sorry
I can't be...perfect

"Kakayanin ko pa sana, kung karibal ko yung bestfriend ko. Pero eto?!"


Ha?! Anong pinagsasabi niya?

Now it's just too late


And we can't go back
I'm sorry
I can't be...perfect

Naramdaman kong tumulo yung luha ko dahil sa mga susunod na sinabi niya...
"I love you Janine. But I'm sorry..."

Anong ginawa ko Jared?


Chapter 8 preview!

Oh no...Nagkaroon ng espionage dun sa last scene between Jared and Janine?

Espionage = Spying

Ibig sabihin, may nakakita sa kanilang dalawa!


Sino naman yun? May hula na ba kayo? Naku po, may balak pa yung taong yun na i-
threaten si Janine!

Makakaligtas kaya si Janine?


Chapter 8

"I love you Janine. But I'm sorry..."

G@g* yun ah. Tsk! Di toh pwede! Kailangan malaman toh ni big boss..

"Big Boss. May problema tayo.."


Kwinento ko sa kanya ang mga nangyari at halos tumilapon yung cellphone ko sa lakas
nung sigaw niya.

Big Boss: "HINDI MAARI ITO! KAILANGAN I-ELIMINATE SI SIBERIA! GAWAN NIYO YAN NG
PARAAN!"

"S-Sige po, gagawan po namin ng paraan"


Binaba niya na yung phone. Tsk...

Pagsisisihan mo toh Jared..

___________________________________________________________________________

J A N I N E

Things were never the same...

Pagkatapos nung nangyaring yun, di ko na nakikita si Jared. Lumipat na siya ng


ibang school, sabi nung mom niya. I'm sure di alam ni tita yung nangyari, wala
naman kasi siyang nabanggit tungkol dun. Tsk...

Di lang yun. Madalas ko ng nakakasama si Xyrus. Sya nalang nagsisilbi na kaibigan


at kakampi ko ngayon besides Camille.
Nagbago na rin si Janine.

Ang dating, masaya, masiglahin, at makulit na Janine wala na.

Naging malungkot, laging matamlay, at madalas nakatulala

Pero pagdating naman sa laban, lalo akong nagaganahan dahil naglalabas ako ng sakit
ng loob. Masakit kasi. Masakit na malaman mong mahal mo ang isang tao, kung kelan
ka pa niya iniwan. Lalo na't hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan.

Naglalakad lakad ako ngayon sa labas. Pagkatingin ko sa kanan, andito pala ako sa
bahay ni Jared. Naalala ko naman na sinabi ng mom niya na wala raw siya diyan.
Tsk... Andaming mga alaala na bumabalik. Dumodoble tuloy yung sakit.

Teka...

Shushi, may sumusunod sakin?! Nagpakita na nga yung sumusunod sakin pero naka "all
black" sya, at naka maskara pa.

Tumakbo ako ng tumakbo, at nung nakarating na ako sa malapit sa kanto, may biglang
humila sakin at tinakpan yung bibig ko.

"Ssshh.."
Camille...

Hinintay namin na lumampas samin yung naghahabol, saka kami lumabas sa kinatataguan
namin na pader. Yinakap ko nun si Camille.

"Salamat..."
"Hehe, wag ka na ngang malungkot. Pano tayo magbabakasyon niyan"
"Ha? Magbabakasyon?"
"Oo! Hello? Summer vacation!"

Oh. Nice...Sa sobrang pagka-depressed ko di ko napansin na summer na pala.

"Oh, haha. Eh san naman tayo magbabakasyon?"

"Sa Hawaii "

Naks, asensado si Bespren ko ah. Haha, siguro kailangan ko rin kunin tong
opportunity na toh. Masyado ng maraming masakit na alaala dito. Tsaka kasama ko
naman si Camille eh.

Buti nalang andito pa siya...


Chapter 9 preview

Sino itong taong nakalaman ng plano ng gang ni Jared na saktan si Janine, na...wala
naman sa gang?

At totoo nga ba, na isa sa mga dahilan kung bakit sinama ni Camille si Janine sa
bakasyon ay dahil nanaginip siya na may masamang mangyayari?
At ano tong sakit ni Camille? Diba kakasabi lang ni Janine na siya nalang kakampi
niya maliban kay Xyrus?

Chapter 9
___________________________________________________________________

X Y R U S

Simula nung umalis na ako sa gang na yun, ang saya saya na ng buhay ko. Dahil na
rin kay Janine, lagi nalang akong naka-ngiti. Sayang nga lang at di ko sya
makaksama ngayong bakasyon dahil pupunta raw sila ni Camille sa Hawaii.
Ako naman, wala pang na-iisip na gagawin ko buong bakasyon kaya nga naglalakad
lakad lang ako ngayon dito sa park.

"Boss, sumablay tayo eh.."


Ha? San nanggaling yun?

"ANO?! Mga walang kwenta talaga kayo?!"


Sinundan ko pa yung mga boses na naririnig ko at napunta naman ako sa maraming
puno.

s#**! Si Big Boss?!

"Eh may biglang lumigtas po sa kanya pero di ko na sila nakita"


"Wala akong paki-alam kung pano nangyari yun!!! ANG GUSTO KO LANG, PATAYIN NIYO
YANG JANINE NA YAN! NA-IINTINDIHAN NIYO BA?!"

Shoot.

Hindi nila pwedeng gawin yun. X-( I have to stop them

___________________________________________________________________

C A M I L L E

Gabe ang saya dito!!! Andito na kami sa Hawaii, sa Turtle Bay Resort. Si Janine nga
eh, ayaw tumigil kaka-picture.

Marami kaming ginawa dito.


Horseback riiding, scuba diving, helicopter tours, hikingat madami pa!

"Wahaha. Janine, di ka ba napapagod?"


"Hindi pa Halika, dali! Dun tayo sa dagat, magd-drawing ako ^_^"

Haay. Kahit pagod na ako, pumayag parin ako. Gusto ko lang makita si Janine na
masaya.

Napanaginipan ko rin kasi na may mangyayaring masama. May magtatangkang patayin si


Janine. Oo na, paranoid na kung paranoid; ang sakin lang ayoko syang mapahamak.
Parang kapatid ko na rin si Janine at ayokong nasasaktan sya. Kaya nga hindi ko
hinayaang makaharang si Jared sa friendship namin.
Obvious naman na may gusto sa kanya si Jared diba?

Ayun, tuwang tuwa si Janine nung makahanap kami ng magandang view nung dagat kaya
umupo na sya sa sand at nagsimulang mag-drawing. Ako naman, nakatayo sa tabi niya
at nakatingin sa malayo. May naalala lang kasi ako.. :-/

"ARAY SH--"

*boog!*

"Camille!!! Camille, okay ka lang?! Anong nangyari?!"


"W-wala. Okay lang a-ako. "
"Sure ka..? "

Tumango lang ako kay Janine at gumawa ulit ng pilit na smile.

Shoot.

Eto na nga ba sinasabi ko eh...

*FLASHBACK*

"Doc, ano po ba yung problema...?"

"Meron kang sakit. Sakit na kadalasang natatagpuan sa isang tao kapag malala na..."

" I..I.."

"You have pancreatic cancer"

*END OF FLASHBACK*
___________________________________________________________________

Chapter 10
____________________________________________________________

X Y R U S

Pagka-uwi ko sa bahay, di parin ako mapakali. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay
namin hanggang sa napa-upo nalang ako. Sa di ko malamang dahilan, kinuha ko yung
mga papel na nasa lamesa at binasa ko.

Teka...

Ticket toh ah? --Papuntang Hongkong?


"Ma, ano toh?"
"Anak, wag mong sabihing buong bakasyon mo e andito ka lang sa bahay?"
"Eh pero..."
"Wala ng "pero" "pero" anak. Bukas na yung flight natin eh"

Patay. Pano ko na p-protektahan si Janine ngayon?


____________________________________________________________

J A R E D

Hmm...
Matagal tagal na rin kaming walang laban ah. Ano na kayang nangyari?
Mapuntahan nga.

*MAYA MAYA*

"Mga tol, wala ba tayong laban? Tagal na ah"


"Ah...eh...teka"
Nagbulungbulungan sila pero di ko marinig.

"Pano na toh, di natin pwedeng sabihin sakanya na may balak tayong patayin si..."
"Oo nga, mahal niya yun eh. Baka mamaya, tayo pa ang madali nito"

"Ha? Patayin sino? Mahal nino?"


"Ah, wala!!! wala!"
"Gusto lang namin...uhh...bigyan ka ng break!"
"Break?"
"Oo! Masipag ka kasi, at madami ka naring nagawa para samin kaya you deserve the
break"
"Ok...?"
____________________________________________________________

J A N I N E

"Sige, mag-ingat ka Best friend ah"


"Ikaw rin, bye!"

Andito na ako sa airport ng Pinas. Ako lang kasi si Camille, ipapagpatuloy niya
yung bakasyon niya sa Spain. O diba? Masyado na siyang sosyal noh?

Sorry Janine. Sorry na kailangan kong magsinungaling sa'yo. Ayoko lang na mag-alala
ka. Sorry na hindi mo alam na ang totoong dahilan kung bakit ako pupuntang Spain ay
para sa therapy ng sakit ko...
____________________________________________________________

"Big Boss, nakabalik na si Siberia. At mag-isa lang siya"


"Good. I want her dead, and I want her dead NOW!"

Chapter 11
_________________________________________________
J A N I N E

Pagkadating ko sa bahay, parang walang tao. Ay teka, oo nga pala. Nag-bakasyon rin
sina mommy! Hmm...

Sa totoo lang, nung nasa Hawaii pa kaming dalawa ni Camille, marami akong napag-
isip isip. Unang una, napag-usapan namin ni Camille si Jared. Ayoko kasing may
tension saming dalawa tungkol sa topic na yun. Lam niyo yun? Ex ng best friend mo
yung mahal mo ngayon. Kaya pinag-usapan namin yun. Sa totoo lang, si Camille yung
nagbigay sakin ng lakas ng loob para liwanagin ang sitwasyon namin ni Jared.

KAYA! Pupuntahan ko siya ngayon. Nagbihis muna ako saglit, uminom ng tubig, at
naglakad papunta kina Jared. Habang naglalakad, may nakita akong couple na
magkahawak kamay. haha, HHWW. Tsk. Binilisan ko yung paglakad. Hay, bumabalik na
lahat. Lahat ng alaala

Tumingin ako sa paligid ko at napansing andito na pala ako sa harap ng bahay ni


Jared.

Ok, ok, kaya mo 'toh Janine!

Bago pa ako makapasok sa bahay ni Jared...

*bang!!!*

HALA HALA HALA! May nagpaputok! Tumingin ako sa likod ko...Wala naman ah!
Pagkatingin ko ulit dun sa pintuan nina Jared may mga lalakeng naka-itim at naka
maskara.

"Hello, Siberia"

S**t, pano nila nalaman?! At sino ba sila?! Lalaban na sana ako, pero...

"Sino ba kayo?!"
Hinatak nila ako papunta sa van nila. Habang ako, nagpapadala lang. Hindi ko
ginagawa toh para magbago isip nila. Pagdating sa mga gang, tandaan niyo lagi na di
magbabago isip nila pag nahuli na nila ang kalaban nila.

Gusto ko lang malaman ang buong plano nila.

"Di mo na kailangan malaman "


Aba, ang taray.

Maya maya, tumigil na yung van. Pinasuot nila ako ng coat, at shades tapos
pagkalabas ko ng van, nasa isang resort pala kami.

Eh? Di ko ma-gets plano nila..

_________________________________________________

X Y R U S

"Anak, maghintay ka nalang ah. Maya maya, aalis na rin tayo papuntang airport"
"Uh...Sige po ma, may gagawin lang muna ako"
Pumunta ako dun sa main headquarters nung gang ni Jared, a.k.a. ex-gang ko.
Nagbabakasakali lang naman.

Oh shoot, may palabas. Nagtago ako dun sa likod ng tanke pero nung nakita kong si
Jared yung lumabas, pinuntahan ko agad siya.

"Xyrus?"

"Sshh!!! Wag kang ma-ingay"

"Bakit ka nandito?"

"May kailangan kang malaman. Tungkol kay Janine"

"Janine? bakit, anong nangyari sakanya?"

"Tol...

May balak yang mga gang member mong patayin siya"

"ANO?! "
_________________________________________________
Chapter 12
_________________________________________________

J A R E D

shoot shoot shoot shoot shoot shoot shoot shoot shoot!!!


Bakit di ko napanisn yun?! PUTEK. Kailangan ko silang mahabol! Kung magtatanong
kayo kung pano ko nalaman kung saan nila dinala si Janine, sinabi rin yun sakin ni
Xyrus.

Nag-drive agad ako papunta dun sa resort. Buti nalang alam ko yung daan. Nakapunta
na ako dun dati eh.

...Sorry Janine...
Sana pinaglaban nalang kita noon pa. Duwag lang talaga ako. Sorry talaga.
Pero wag kang mag-alala. Di na ako magpapaka-duwag.

"Not this time"

J A N I N E

Dinala nila ako dito sa isang kwarto sa resort. Nasa loob kami ng cottage, at as
expected, nasa upuan ako ngayon, nakatali ang mga kamay

Pero syempre dahil ako parin si Siberia Habang naglalaro sila ng mga baraha dun
sa kabilang dulo ng kwarto, sinusubukan kong alisin yung tali. Pero syempre para di
masyadong halata, e di kina-usap ko sila
"Pwede ba, pakawalan niyo na ako?! Bakit niyo ba talaga ako dinala dito?! Sino ba
kayo?"
Yes..malapit ng matanggal yung tali..

"Well, kung gusto mo talaga malaman..."


Konti nalang, matatanggal na yung tali...

"Mga gang members kami ni Jared"

. . .

Ano?!

"G-gang members...?"
"Oo. Hindi mo ba alam na gang leader namin siya? "King" yung codename niya
acutally"

S#!t. Now I get it.

Iniwan ako ni Jared nun dahil alam niyang ako si Siberia. D@mn...

Di ko na alam anong gagawin ko. Nung narinig ko yung mga salitang yun, nawalan na
ako ng pag-asa. Para bang...nawala na ako sa sarili ko. Kaya...di ko na rin pinilit
tumakas... :|

J A R E D

Nung nakarating na ako sa resort, saktong nakita ko yung iba kong mga ka-gang
members. Pero sigruadong may nagbabantay pa niyan kay Janine. Hmm...

Napatingin ako dun sa front desk. Nilapitan ko yung clerk at may binulong,

"Excuse me sir, I noticed a black honda accord car parked in the "no parking space"
outside the resort. Could you page the owner to park it somewhere else?"
"Of course sir. Thank you very much for your concern"

Sa mga ka-gang members ko yun. Kaya naman nung pin-age na nung clerk, nakita ko
silang tumatakbo palabas nung resort. Okay, here's my chance...

Iniwan nung ka-gang member ko yung susi sa clerk's desk, at dahil pumunta ng banyo
yung clerk, kinuha ko agad yung susi at pumunta sa kwarto nila. (Syempre may kasama
ng room number yung susi)

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, kaka-iba yung naramdaman ko nung nakita ko si


Janine, nakayuko at nakatali. S#!t. Way to go Jared.
"I-I'm sorry..."
Tumakbo kaagad ako sakanya at inalis yung pagkakatali nung kamay niya. Kaso lang
wala eh, parang wala siya sa sarili niya.

Yinakap ko siya. D@mn.


I really missed her....

"Janine...I'm sorry"

Nung narinig ni Janine na sinabi ni Jared yung pangalan niya, saka lang siya
bumalik sa sarili niya. Sinubukan niyang umalis sa yakap ni Jared.

"Get off me, you jerk. Wala ka bang laban ngayon, "KING"?!"
B**llS#!t.

Alam niyang gang leader ako?! GREAT.


Chapter 13
____________________________________________

J A R E D

Nung narinig ko yung mga salitang yun...bumagsak yung buong mundo sa mga balikat
ko. Ang sakit. Parang may umapak sa puso ko.
--Pero di pwede. Di ako pwedeng sumuko ngayon. Patay kaming dalawa pag nakabalik pa
yung mga gang members ko.

"Janine.Mamaya mo na ako tarayan.Bilis kailangan na nating umalis dito bago pa sila


makabalik.Halika na, dali"
Hindi parin siya gumalaw. Tsk..

"Di ako nagbibiro, Janine. Gusto mo na bang mamatay?!"


Tiningnan niya lang ako nun. Naman oh! Dahil matigas ulo niya, binuhat ko na siya.

...Bridal style Yung parang bagong kasal kami.

Sa sobrang pagmamadali ko, dumaan kami sa harap nung resort.

S#!t, nakita kami nung mga gang members. Patay patay patay!!! Binilisan ko lalo ang
pagtakbo. Hanggang sa napunta kami ...sa...

...gubat...

"JARED DI KA MAKAKATAKAS!!!"
S#!t S#!t S#!t S#!t!!!

Tumigil muna ako at tumago sa likod ng malaking puno. Kailangan nilang maligaw.
Hanggang ngayon, wala paring imik si Janine. Hah. Wala talaga siyang paki-alam ah.
Nung medyo tumagal na, di ko parin siya binaba, I don't want to take any risk.
Pero...nangangalay na rin ako. Lagpas isang oraas na simula nung dumating ako sa
resort. Nangangalay na rin ako...tsk... Tumakbo ulit ako, kailangan naming maka-
alis sa gubat na toh. Mga konting segundo pa....napadpad kami sa...
Parang isla? Dagat? Buhangin? Gubat? AGH!!! Ang sakit na ng katawan ko...

Dahan dahan kong nilapag si Janine dun sa buhangin pero di ko na talaga kinaya.
Nung nilapag ko na siya, bumigay na rin ata yung katawan ko kaya nahulog ako sa
ibabaw niya.

*umpf*

Magkadikit na yung mga noo namin. Mmhmm...D@mn. I missed her scent. Napapikit
nalang ako.

"I missed you..."


Hindi ko na napigilan. Hinalikan ko siya. Alam kong di niya rin napigilan, coz she
kissed me back.

Lumalim yung halik. Di ko na nga napansin na siya na yung nasa ibabaw ko. Lumipat
yung mga kamay ko papunta sa likod niya. Parang yakap yakap ko na rin siya...Kahit
gusto ko tong patagalin, sabi nung utak ko kulang na kami sa hangin. Kaso lang
pasaway tong puso ko eh. Hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.
Hanggang sa, siya yung unang humiwalay. Napa-upo kaming dalawa, humihinga ng
malalim.

"Sorry..."

"Bakit...ka nag-sosorry?"

"Hindi para sa'yo yung sorry na yun. Para sa sarili ko yun. Sorry kasi nagpadala
ako sa nararamdaman ko para kay Jared"

"Anong mali dun? Janine mahal kita"

"Yun na nga eh. Nagsosorry ako sa sarili ko kasi di ko alam kung bakit sa lahat na
ng nangyari, sa lahat ng tinago mo sakin, sa lahat ng sakit na binigay mo...Mahal
parin kita :|"
Nung mga oras na yun...halu halo na yung nararamdaman ko. Saya...Galit...Basta halu
halo na talaga. Ang mga lumabas nalang talaga sa bibig ko..

"I love you"


Tumulo yung luha niya. Pupunasan ko sana pero tinaboy niya yung kamay ko. Tuloy
tuloy na siyang umiyak.

"Talaga?! Kasi alam mo, hindi ko naramdaman yun. Sasabihin mong mahal mo ako tapos
aalis ka. Kala ko ba matapang ka?! Kala ko pa malakas ka?!. Bakit ka bumigay?!!!
KUNG MAHAL MO TALAGA AKO, KAYA MO AKONG IPAGLABAN, KAHIT PA SA MGA GANG MEMBERS MO!
MAHIRAP BA YUN?!"
Tumigil siya sandali, kasi humahagulhol na siya nun. Tapos...sumunod ang di ko
inaasahan...

Sinampal niya ako Ng pagkalakas lakas...


"Yun ba yun?! T-Takot kang ma-m-matay?! a-alam mo ba kung gano kita kamahal?!!!
Kaya kong mamatay para sa'yo!!! PERO LUMIPAS NA YUN! SALAMAT AH? SALAMAT KASI
PINARAMDAM MO SAKIN NA BALIWALA LANG PALA NA MINAHAL RIN KITA KASI DI MO NAMAN PALA
AKO KAYANG IPAGLABAN "
:|
Di ko alam anong gagawin ko nung mga oras na yun. Yinakap ko nalang siya. Pinipilit
niyang makawala pero hinigpitan ko yung yakap

"Janine. I'm sorry... Alam kong hindi sapat yun pero mahal talaga kita. Mahal na
mahal na mahal na mahal kita. I love you...and I'm sorry if you felt you had to
earn that. Sorry kung naramdaman mong kailangan mo pang paghirapan para lang
mahalin kita"

"Oo. Siguro nga pinaramdam mo sakin na kailangan ko pang paghirapan ang pagmamahal
mo. But it doesn't matter anymore. Coz I give up Jared."
Sa lahat ng mga masasakit niyang sinabi, yung huli yung pa ulit ulit sa utak ko...

"Suko na ako, Jared"

"Suko na ako, Jared"

"Suko na ako, Jared"

AGH!!! Hindi ko na rin alam anong gagawin ko Ang sakit. Ang sakit sakit. Kung
kanina yung sakit parang may umapak sa puso ko...Ngayon parang stampede na. Bibigay
na rin ba ako? Susuko na rin ba ako?

Napasuntok nalang ako sa buhangin...


Chapter 14
_______________________________________

J A R E D

Tumayo ako tapos tumakbo ako papunta dun sa gubat, tumakbo ako ng tumakbo.
Kailangan namin makalabas dito.

"AAAAAGGGHHH!!!"
Sumigaw ako habang tumatakbo. Pang palabas ng sakit ng loob.

Gusto niyo malaman gano ko katagal tinakbo yung gubat? Hapon ako dumating sa
resort, at dumidilim na nun. Sinubukan ko pa lumabas ng gubat at...ayun nakabalik
lang ako dun sa isla. Nandun parin si Janine, dun sa inuupuan niya kanina, di parin
kumikibo. Nilapitan ko siya.

"Wala ka bang paki-alam kung baka nga stranded na tayo dito?! Gusto mo na ba
talagang mamatay?"
...katahimikan...

Matagal bago siya sumagot, pero di niya parin ako tinitingnan.

"OO. Para hindi na kita makikita. Para makasama ko na sina Ate Cybele at Kuya
Cyro. Para matakasan ko na lahat ng mga problema ko. At kung ikaw, gusto mo pa
mabuhay, dun ka sa kabilang dulo ng isla!"
Di ko na siya pinilit. Siguro kailangan niya lang ng oras para makapag-isip. Kumuha
ako ng kahoy tapos nag-drawing ako ng mahabang linya dun sa buhangin.

"O sige...Kung yan ang gusto mo. Ayan, may linya. Diyan ka sa side mo, eto side
ko..."
Inirapan niya lang ako. Tsk. Bahala siya.

Teka...!!! Bakit di ko na-isip yun?! CELLPHONE! Kinuha ko agad yung cellphone na


nasa bulsa ko.

SHETE! Walang battery!!! Kung sinuswerte ka nga naman oh...Tsk.

"Janine, dala mo ba yung cellphone mo?!"


Di siya sumagot. PUTEK. Ngayon pa ba niya ako i-dededma?!
"OY ANO BA?! Sabi ko, dala mo ba cellphone mo?!"
PUTEK TALAGA.. Ngayon pa aandar yang pagkatigas ng ulo niya ah. FINE.Naglakad ako
palayo ng padabog. Maghahanap ako ng pagkain. Bahala siya sa buhay niya!!!

___________________________________________

WOOHOO! Ang dami kong nakuhang pagkain. Nung bumalik ako sa gubat, dun ko lang
napansin na puros fruit tress pala yun. Tapos gumawa narin ako ng apoy. Hindi naman
sa malamig pero kailangan na rin yun para pag umangat yung usok, baka may makakita
dun sa resort tapos iisiping "signal fire".

Hmm...Subukan ko kayang gumawa ng bahay kubo? Pwede naman diba?

*THUNDER*

Hmm. Muhkang uulan ah. Napatingin ako kay Janine.

S#!t nandun parin siya, naka-upo. Naka-tingin sa malayo. Parang di siya gumalaw
buong araw. Ano ba kasi problema niya?!!! --teka...Ano ba paki-alam ko?! Diba
bahala na kami sa mga buhay namin?

*THUNDER*

May naramdaman akong pumatak sa ulo ko. Hinawakan ko yung ulo ko, at tiningnan yung
kamay ko para siguraduhing hindi ipot. Hmm...

*plook!*

Naramdaman ko nanaman na may pumatak pero sa balikat ko naman. Tapos...

*VSSSHHH*
Tuloy tuloy ng bumuhos ang malakas na ulan. Tsk.

"Janine!!! Umalis ka na diyan!!! Magkakasakit ka!!!"


Oo na oo na, alam ko iniisip niyo. Kahit naman siguro ano gawin ko, mahal ko parin
siya. Kaso lang, di parin siya nagsasalita. NAMAN OH. Di ko talaga ma-intindihan
mga babae!

Tumakbo ako papunta sakanya, at lumuhod sa tabi niya.


'Janine!!! Shete, di ako papayag na magkasakit ka! Kahit anong gawin mo, mahal
parin kita!!!"
kaso lang wala eh! No reply talaga!!!

"Gusto...ko...ng...mamatay"
Hindi ko sinigaw yung mga susunod kong sinabi pero in-emphasize ko talaga
yung bawat salita

"Death is not meant to be an escape from all of your problems. It's where all of
the things you've done in your life comes back to haunt you."
Muhkang natauhan siya dun. Tiningnan niya ako nun, di ko masabi kung umiiyak na
siya kasi umuulan.
"Janine, yun ba ang gusto mo?!"

"M-maybe...M-maybe n-not"
Tumayo na siya nun at naglakad papunta dun sa mga puno. Hmm...Muhkang galit parin
siya sakin ah. Di bale nalang.

Sumunod rin ako, at pag-upo namin dun sa mga malalaking dahon na kinuha ko kanina,
tinanggal ko na yung polo shirt ko. (*no dirty thoughts please*)

"Magkakasakit k-ka kung di ka r-ri-rin magtatanggal ng damit"

"a-ayaw..."

"S-sa ganitong s-sit-sitwasyon, a-ano ba ang dapat g-gawin? Diba nurse y-yu-yung
mo-mommy m-mo?"
P[_]c|-|@, nanginginig na kami sa lamig...
"Ka-k-kailangan m-mag sh-share ng body heat para d-d-di Ma-m-magka hypothermia..."

"Yun naman pala eh. Pano tayo mag-sh-share ng b-body he-heat kung parehas tayong
na-nakasuot ng damit na b-b-basang basa?"

"B-basta ay-ayaw."

"Fine. Pero kung magkaka-hypothermia ka dito, mamamatay ka rin naman kasi walang
ospital. Tss. Useless"
Ayunw ala na rin siyang nagawa kaya nagtanggal na rin siya ng damit

Ang suot ko nalang ngayon, shorts na umaabot sa gitna ng tuhod ko. Habang siya,
under-garments nalang pero meron rin siyang suot na itim na maikling shorts.
Sinabit namin yung mga damit namin dun sa punong malapit samin.

Nakahiga na kami ngayon pero ang layo niya sakin tapos nakatalikod pa. Tsk.

"Galit ka parin ba sakin?"

"Maybe...Mabye not"
Hmm...*evil grin*

"Janine..."
Sinabi ko yun ng palambing at alam kong inis na inis na siya ngayon dahil ganun
yung pagkakasabi ko ng pangalan niya. Umusog usog ako palapit sa kanya at nagulat
siya nung nagkadikit yung katawan ko at yung likod niya.

"*pabulong* Shut up, shut up, shut up"


Nilagay ko yung isa kong kamay sa bewang niya at pinaharap siya sakin.
Paniguradong...ngayon, naamoy niya na yung pabango ko sa sobrang lapit niya sakin

"Stop torturing me "


Haha, siguro nga torture talaga toh para sakanya, dagdagin mo pa na yakap yakap ko
siya ngayon Share body heat nga diba?
"SWEET torture, princess "
Napayuko siya dun. Tsk...

Bakit kaya galit parin siya sakin? Kasalanan ko ba na gang leader ako? Kasalanan ko
ba kung gang hater siya? Kasalanan ko ba na nagkakilala kami? Kasalanan ko ba na
mahal ko siya kahit ganito ang sitwasyon namin? Ano na nga ba talagang mangyayari
saming dalawa?...

Yun yung mga tanong na lumutang lutang sa utak ko bago ako nakatulog...
Chapter 15

[Jared's POV]

Pagka-mulat ng mga mata ko, ang unang una kong nakikta yung mala-anghel na muhka ni
Janine. Magkaharap kami at tulog na tulog siya. Hindi ko na nga namalayang
hinawakan ko na pala yung pisngi niya. Bigla kong naalala na galit parin sakin si
Janine pero, parang...baliwala na rin yun.
Nagulat ako nung gumalaw siya. Dahan dahan kong nilayo yung kamay ko na
nakahawak sa pisngi niya para di siya magising pero mas kinagulat ko nung
aksidenteng lumapag yung kamay niya sa kamay ko na nasa pisngi niya.

. . .

Katahimikan

. . .

Nung nagising na rin siya, hindi na ako nakagalaw. Nagkatitigan nalang kami.
Naalala ko tuloy yung pinaka-unang pagkikita namin. Umupo siya at linayo yung
tingin niya sakin. Tsk. Nung umupo na rin ako, tiningnan ko yung dagat.
"Janine, ligo tayo sa dagat"

"Bakit kaya mong magpanggap na okay lang ang lahat???"


Woah. Ang straightforward nun ah.

"Uh...Kung ayaw mo naman mag swimming okay lang sakin"


Tiningnan niya lang ako nun. Sus. Masyado na siyang nagiging madrama ah.

[Janine's POV]

Nabigla ako nung binuhat ako ni Jared.

"Bitawan mo nga ako!!!"

Di siya nakinig. Tumakbo siya papunta dun sa dagat habang karga ako at patuloy
parin ako sa pagsisigaw.

"Ibaba mo akooooo!!!"

"Sige"

Bigla niya akong binaba kaya bumagsak ako sa tubig.

*SPLASH!*

Nung umahon ako...Wala na si Jared???

"Psst"

Lumingon ako pero wala naman. Nako...

"Babalik na nga lang--"

May biglang humatak sakin galing sa ilalim ng tubig, pero buti nalang napigilan ko
pa yung hininga ko. Nung binuksan ko yung mga mata ko sa ilalim ng tubig...SIYA
yung unang una kong nakita.
Sa dinami dami na ng mga pinagdaanan namin, ang dami ko ng pwedeng masabi
sakanya, pero sa ngayon parang hinihiling ko nalang na di ko nalang nakilala si
Jared King Alvarez.
Nagtititigan lang kami nun sa ilalim ng tubig na parang wala lang. Parang wala lang
ang lahat, na parang hindi ako gang hater at hindi siya gang leader.

The next thing I knew...He was kissing me. Hindi ko alam pano pero nadala ako.
Siguro may epekto yung ilalim ng dagat kasi dapat ngayon naghahabol na ako ng
hininga. Hindi niya parin siya bumitaw nung umahon kami kaya naman ako na yung
unang humiwalay. Babalik na sana ako dun sa isla pero pinigilan pa ako ni Jared.

"Janine, please--"

"Jared, please lang. Wag mo na ako pahirapan"

Pagkatapos nun, hindi na ulit kami nagpansinan. The rest of the day...felt like
forever. But I guess, that night...forever was over.

"Janine"

Lumingon ako pero wala naman si Jared. Parang, malayo yung boses niya. Hmf. Di ko
nalang pinansin.

"Janine!"

Lalalala wala akong naririnig!!!

"Janine!!!"

HAY BUHAY...Pagbibigyan ko na nga lang. Sinundan ko yung boses niya at napadpad ako
sa isa pang parte ng isla na medyo magubat pero may maliit na waterfalls. Sa
sobrang liit, parang nagmuhkang display nalang siya tapos ang daming...ano toh
kandila?

"Di yan mga kandila. Gumawa lang ako ng madaming maliliit na apoy para mag muhkang
mga kandila"

Lumabas si Jared galing sa mga puno na may hawak na mga bulaklak. Lumapit siya
sakin at bumulong sa tenga ko,

"Janine, please pagbigyan mo na ako...Kahit ngayong gabi lang, kalimutan nalang


muna natin na gang hater ka at gang leader ako. Kalimutan nalang muna natin na tayo
si Siberia at King. Pwede bang si Jared at Janine nalang tayo, kahit ngayong gabi
lang"

Tiningnan ko lang siya nun pero muhkang hinihintay niya yung sagot ko.

"I guess one night wouldn't hurt"

Ngumiti siya nun tapos may kinuha siya sa bulsa niya at may pinakita saking...Ipod

"Nadala ko pa pala toh"

Kinabit niya yung isang earphone sa tenga ko tapos yung kabila sa tenga niya. Nung
nagsimula na yung tugtog, kinuha niya yung mga kamay ko tapos binalot sa likod ng
leeg niya tapos nilagay niya yung mga kamay niya sa bewang ko at nagsimula kaming
magsayaw.

{Background Music: Before I let you go by Freestyle}

:: I can still remember yesterday


We were so in love in a special way
Knowing that you love me made me feel oh so right ::

Habang tumutugtog, kumakanta rin si Jared. Parang...kinaka-usap niya ako gamit yung
lyrics nung kanta.

:: Now I'm feeling lost, don't know what to do


Each and every day I think of you
Holding back the tears; I'm trying with all my might ::

Nung bridge na, nakikanta na rin ako.

:: Because you've gone and left me standing all alone


And I know I've got to face tomorrow on my own ::

:: (chorus) But baby, before I let you go


I want to say I love you
I hope that you're listening coz it's true
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go I want to say it...I love you ::

Ngayon magkadikit na yung mga noo namin tapos nakapikit na si Jared. Nung nagsalita
siya, tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"If I were to kiss you, but it would be our last kiss...what will you do?"

Haha, pa-english english pa siya ngayon ha. Pero dahil seryoso yung moment e di
nagpaka-seryoso na rin ako.

"...Make the most of it?"

Hindi na ako naka-react pagkatapos nun. Bakit? EH KASI...Kung ikaw ako, pano ka
magrereact kung bigyan ka ng desperadong halik ng taong...mahal ka, mahal mo, pero
hindi kayo, at bawal rin maging kayo. Naman. Masyadong komplikado yung sitwasyon
namin. Parang Romeo and Juliet. Pero diba nga sinabi ko, make the most of it...so I
did.
Chapter 16

[Janine's POV]

Yung gabing yun, parang ang bilis ng mga pangyayari.Parang panaginip nalang. Isang
panaginip na pa-ulit ulit sa utak ko, kaya nananaginip tuloy ako ng gising.
Nandito ako ngayon sa gubat, kung bakit, eh kasi nandun sa may dagat si Jared.
Ayoko na munang nasa iisang area kami kaya ganito nalang. At kung nasa gubat naman
siya, dun naman ako sa buhangin, magmumuni-muni. Nung magdidilim na, sinubukan kong
lumabas ng gubat kaso lang, nakalimutan ko pala...ang laki ng gubat na toh. Tapos
di ko pa namalayan na kanina pa pala ako nandito.

*FLASH!*

Huh? Lumingon ako.

*FLASH!*

Yung tunog na yun...Parang galing sa camera.

"Grabe, ang ganda talaga dito"

Pamilyar yung boses na yun ah. Sinubukan kong hanapin kung saan nangagaling yung
boses. May nakita na akong bahagyang anino ng tao kaya nilapitan ko.

"...Hazel?!"
(Kung hindi niyo na naaalala si Hazel, siya yung naging best friend ni Janine.
Flashback at either Chapter 5 or Chapter 6)

"Janine?! A-anong ginagawa mo dito?"

"Err...Mahabang kwento eh. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Kakabalik lang namin, at dun kami sa resort nakatira ngayon dahil may mga
renovations na ginagawa sa bahay namin"

"Oh..."
Kakaiba yung naramdaman ko nung mga sandaling yun. Parang wala ako dun. Parang
pinapanood ko lang yung sarili ko. Siguro masyado ng naging madrama yung buhay ko
kaya...namanhid ako?

"Ikaw, pano ka napadpad dito?"


Ngayon ko palang naaalala, hindi pa pala alam ni Hazel na gang hater ako. Pero
napag-desisyunan ko, na kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan kasi mahirap rin
yung nakatago ka nalang sa isang sulok. Mas maganda kung may katabi ka sa sulok na
yun at willing yung taon na yun na maging "shoulder to cry on" mo. Yun yung ginawa
ni Hazel, nung kwinento ko sakanya ang lahat lahat na nangyari. Natapos kami nung
lumabas na ang buwan.

"Eh nandito na ako ngayon, at pwede na tayong umalis!"

"Pero pano si...Jared"


Nagulat si Hazel sa sinabi ko. Maski ako nagulat. Sinabi ko ba talaga yun?!

"E di isama natin siya, tutal pareho naman kayong nagtatago ngayon, dun muna kayong
dalawa samin. Para at least, may sasabihin ka sa mga magulang mo"

"Sabagay..."

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Ipakita niyo nalang sakin ang daang palabas
tapos aalis na ako"
Pareho kami napalingon ni Hazel. Nandito si Jared? Bakit diko napansin yun? Kanina
pa ba siya nandito? O baka sinundan niya ako habang naglalakad lakad sa gubat. E
di...narinig niya yung mga kwinento ko kay Hazel? Shoot...

"Kanina ka pa ba diyan?"

"OO. Nung dumilim na at napansin kong wala ka parin...uh...nag-alala ako"

...katahimikan...

Naputol ang napaka-nakaka-ilang na katahimikan nung nagsalita si Hazel.

"HAHA! Nakakatawa kayong dalawa. Parehas kayong in-love sa isa't isa at alam niyo
rin naman pero in denial pa "

Hindi na natuloy ang aming kwentuhan nung tumunog yung cellphone ni Hazel, at
pinapabalik na siya nung mga magulang niya. Nung natanaw na namin yung resort,
humiwalay na saamin si Jared pero bago pa siya umalis, humarap siya sakin at
tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Goodbye."
Yun lang yung sinabi niya pero pakiramdam ko may iba pang sinasabi yung mga mata
niya. Hindi ko na nga rin ma-intindihan kung ano yung ibig sabihin nung goodbye
niya na yun eh.

Nandun sa labas ng resort, naghihintay yung mga magulang ni Hazel, at bago kami
tumuloy tuloy sa paglalakad, lumingon ako para tingnan ulit si Jared. Tumatakbo na
siya ngayon. San na kaya siya pupunta? Ano na ba balak niyang gawin? Ako rin
ba...ano na ba balak kong gawin? Hindi pa malinaw sa ngayon eh. Dalawa yung kwarto
na kinuha nung mga magulang ni Hazel, at dun kami ni Hazel sa isa, habang dun sa
kabila yung mga magulang niya. Nung gabing yun, hindi ako makatulog. Baka insomnia
na toh? Ewan.

"Mahal mo parin siya noh?"


Tiningnan ko si Hazel na nakadapa sa kama niya, nagbabasa ng libro. Kala ko ba
matutulog na toh?

"Hindi na rin importante eh...Ni di ko nga alam kung magkikita pa kami"

"Ano ba yan. Anong klaseng sagot yan?? Kahit di naman kayo nagkikita, diba bago ka
matulog, pagkapikit mo palang ng mga mata mo, siya yung unang una mong nakikita?"
Parang mind reader si Hazel... Tumango lang ako sakanya, tapos nginitian niya lang
ako at tumuloy sa pagbabasa niya. Nung sinubukan ko ulit matulog, pagkapikit ko ng
mga mata ko, ayun siya nga yung unang una kong nakita. Akala ko pa nga, siya yung
mapapanaginipan ko nung gabing yun eh...pero hindi...Ang mga taong lumabas sa
panaginip ko...

Sina Mommy at Daddy.

Bakit kaya?
Chapter 17

Pagkatapos ng isang araw na pagpapahinga, nagpasalamat ako ng sobra sobra kay Hazel
tsaka sa mga magulang niya, tapos nag-desisyon na ako na umuwi saamin. Pinilit pa
ako ni Hazel na ihahatid niya nalang raw ako pero tumanggi ako.

Pagka-abot ko sa lugar namin, nagulat ako dahil pagka-labas ko ng taxi, may police
yellow line na nakapalibot sa bahay namin at madaming taong nakapaligid. Ayokong
mag-isip ng kung anu-ano. Pero hindi ko ata napigilan nung lumampas ako ng yellow
line at lumapit pa dun sa pinagkakaguluhan ng mga police. May mga lumapit sakin na
police na pinipigilan ako pero nag matigas ako.

"Paraanin niyo po ako, bahay ko po toh! Gusto ko lang po makita--"


Napatigil ako sa kaka-protesta nung lumapit sakin ang isa sa mga police.

"Ikaw ba si Siberia?"
Ha? Nawawala na ako sa sarili ko nun. Nakalimutan ko na walang dapat maka-alam na
ako si Siberia.

"O-opo...Bakit p-po?"

"May iniwang sulat sa'yo yung suspect"


Suspect? Teka...ano ba talagang nangyayari dito?! Inabot sakin nung pulis yung
sulat. Pagkabukas ko, ang unang una kong napansin, kulay pula yung mga titik tapos
puros capital pa. Hindi naman siya sinulat gamit ang dugo pero pula lang talaga.

Quote
AKALA MO MAIISAHAN MO KAMI, SIBERIA?,

KUNG AYAW MONG MAWALA ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY LALO NA YUNG MGA MAGULANG MO,
KILALANIN MO ANG BABANGGAIN MO. AYAW NAMING PINAGLALARUAN KAMI, KAYA PASALAMAT KA
NA HINDI IKAW ANG TINIRA NAMIN.

Pagkabasa ko palang ng sulat na yun, halu-halo na yung naramdaman ko. Nanginginig


na yung mga kamay ko sa kaba at takot, pero na-punit punit ko pa yung sulat sa
galit. Dahan dahan akong lumapit dun sa pinagkakaguluhan ng mga pulis, na parang
naging slow-motion yung mga pangyayari. Yumuko ako, pero wala akong nakitang
bangkay o kahit ano.

"T-teka...ano po yung pinagkakaguluhan niyo dito?"

"Naghahanap lang kami ng mga clue o kahit anong bagay na makakapagpatukoy sa kung
sinong gumawa nito"

"Pero, nasan na po yung mga magulang ko ngayon?"

"Nasa ospital po sila ngayon. May mga witness po kasi nung pinasok sila nung mga
suspect kaya na-isugod agad sila sa ospital"
MGA suspect...E di marami sila. Di kaya...

"Eh...Ano raw po yung itsura ng mga suspect?"

"Hindi raw nakita eh, naka-itim raw kasi sila na maskara"


Itim na maskara? Tsk.

"O sige po, salamat po"

Naglakad ako palayo, ng dahan dahan kasi hindi pa ako makapaniwala sa mga
nangyayari. Habang naglalakad ng nakayuko, napatigil ako ng may lumantad na
pamilyar na pares ng sapatos sa harapan ko. Dahan dahan kong inangat yung ulo ko
at...nagkandado nanaman mga tingin namin. SIYA. Siya nanaman. :-|

"Jared, NOT NOW."


Linampasan ko na siya pero hinabol niya parin ako.

"Wait, Janine. Wala akong kinalaman dun, alam mo naman yun diba?"
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya hinarap. Pumikit ako tapos huminga ng
malalim.

"Wala na akong paki-alam dun."


Nakatalikod parin ako sakanya, at pagbukas ko ng mata ko, naramdaman kong lumapit
pa siya at hinawakan yung kanan kong kamay.

"Na-iintindihan kita Janine. Kailangan mo muna ng time and space ngayon. Basta pag
kailangan mo ako--"
Hinawakan ko rin yung kamay niya.

"Andiyan ka lang...Alam ko"


Yinakap niya ako galing sa likod at pinatong yung baba niya sa balikat ko.
Pakiramdam ko...medyo gumaan na yung bigat ng mga problema ko. Kung pwede lang sana
ganito nalang kami. Kaso lang, ang dami pang malabong kaguluhang kailangang i-
klaro. Ang dami ko pang hindi ma-intindihan. Humarap ako kay Jared, at medyo
nagulat kasi yung itsura niya nun...parang tuta na nagmamaka-awa. Ang cute! Tapos
medyo ma-tubig-tubig pa yung mata niya. Napa-ngiti tuloy ako ng di-oras.

"Thank you "


Naghintay pa ako sakaling may sasabihin pa siya pero humaba lang ang katahimikan
saming dalawa na nagtititigan lang kami sa isa't isa kaya kung kailan bumukas na
yung bibig niya, tumalikod na ako para umalis.

1 meter...

2 meters... Wala naman ata siyang sasabihin eh!

4 and a half meters...

Teka, bakit nga ba ako umaasa?

Kumuha ulit ako ng taxi. Kung kailan akala kong wala na sa isip ko si Jared, siya
lang ang laman ng isip ko buong byahe papuntang ospital. (Info: Nung tinanong ni
Janine, yung pinakamalapit lang na ospital yung sinabi ng pulis kaya yun yung
sinabi niya kay Manong driver)

Nung nasa ospital na ako at nakuha ko na yung room number nina mommy at daddy, pag-
akyat ko ng second floor may nakabangga akong babae.

"Sorry po"
Pagtingin ko dun sa babae, parang pamilyar yung muhka niya. Kaso lang parang ang
lungkot niya, magang maga yung mga mata niya siguro kaka-iyak. Nung natingnan ako
ng ma-igi nung babae, nagulat siya.

"Janine? "
Kilala niya ako?! Teka...AYUN! NAAALALA KO NA SIYA!

"Tita Bethany!"
Nanay siya ni Camille! Pero teka, anong ginagawa niya dito sa ospital?
Chapter 18

"Ano pong ginagawa nyo dito? Asan po si Camille?


Nung nabanggit ko palang yung pangalan ni Camille, parang gusto ng umiyak ni Tita
Bethany.

At dun palang, masama na yung kutob ko sa mga nangyayari. Parang hindi ko gusto ang
patutunghan nito.

"S-si Camille...She didn't tell you, did she?"


What?

"Ang alin po, tita?"


Hinawakan lang ni Tita Bethany yung kamay ko tapos dinala ako sa isa sa mga kwarto
sa ospital.

Pagkapasok ko...ang unang pumasok sa isip ko, ay tumawa, pero di ko rin nagawa.
Hah, kung kailan kailangan ko pa ng kaibigang masasandalan...Nasa kritikal na
kondisyon rin pala yung pinakamamahal kong kaibigan na yun. Si Camille . Di ako
nakatawa kasi gusto ko ring magwala. Nababaliw na talaga ako sa mga nangyayari!

"Tita...hindi ko po ma-intindihan. Hindi nya po sinabi sakin"

"Ganito kasi yun hija. Bago kayo pumunta ng Hawaii, na-diagnose na sya ng
pancreatic cancer. Actually nung mga oras na yun, kritikal na talaga yung kundisyon
nya. Ang pancreatic cancer raw kasi, walang mga ipinapakitang sintomas, at
malalaman mo nalang na may pancreatic cancer ka kung kailan malala na. At alam
nyang marami kang binubuhat na problema nun kaya ayaw nyang dagdagan yung bigat sa
damdamin mo."

Narinig at na-intindihan ko yung mga sinabi ni Tita Bethany, pero parang ayokong
maniwala. Umupo ako dun sa upuan na katabi nung kama kung saan nakahiga si Camille
at tinitigan lang siya. Tinititigan ko sya, at nag-iisip isip. Hanggang sa mag-
iisang oras na akong naka ganun, kasama si Tita Bethany. Sa totoo lang,
nagkwentuhan nalang kami, masarap ka-usap si Tita Bethany at parang ang saya saya
parin nya. Buti pa sya, kaya nya maging ganyan katibay. Ako kasi...hindi ko na alam

"Uhm...tita, kailangan ko na po palang umalis, bibisitahin ko rin po kasi sina


mommy at daddy eh"
At ayun, kwinento ko kay Tita Bethany yung nangyari kina mommy at daddy at gulat na
gulat sya.

"Naku, kaya mag-ingat ka Janine. Madami ng taong ganyan ngayon. May mga tinatagong
katauhan"
Err...natamaan ako dun... May mga tinatagong katauhan? E diba isa na ako sa mga
taong yun. Haii.

"Sige po, tita. Tawagan nyo nalang po ako kapag gumising na si Camille. "
Yung ngiti ko, hindi umabot sa mga mata ko. Sa sitwasyon kong toh? Tsk.

Ayoko ng masyadong i-detalye yung mga nangyari nung pinuntahan ko sina mommy at
daddy. Pagkakita ko palang sakanila, mawawala na talaga ako sa sarili ko. They're
in a COMA. BOTH of them. Everything's too tragic. Kina-usap ako nung doktor pero
hindi ako nakikinig sakanya. Ang mga iniisip ko habang nagsasalita sya, ay kung
pano ko mabibigyan ng hustisya yung mga magulang ko. Paghihiganti nanaman ba ang
solusyon?
Pagkatapos ng marami pang oras ng pag-iisip at pagbabantay kina mommy at daddy,
nakapag-desisyon na rin ako. Tinawagan ko si Jared at pinapunta ko sya sa Room 2**
nung ospital.

Syempre, akala nya room yun nina mommy at daddy. Pero pagkapasok niya, nakita nya
ako, katabi...si Camille, na gising na nung mga oras na yun.

Bakit ko kamo ginawa yun?

Kasi---

"Wtf...Camille?! "

Chapter 19

Gulat na gulat rin si Camille ng makita nya si Jared. Ako naman, tinitingnan ko
lang silang dalawa with a grin.

Alam kong mahirap intindihin kung bakit ko toh ginawa, gayun na alam kong mag-ex si
Jared at Camille. Sa totoo lang, dati I was given an opportunity...to scan Jared's
phone At dun ko nakita ang isang folder na puros mga pictures at videos nilang
dalawa ni Camille. Aaminin ko, nung nakita ko yun, nasaktan ako, pero
ngayon...ginagawa ko lang toh kasi gusto ko malaman kung sino sa kanilang dalawa
yung di pa nakaka-move on...or, malay niyo silang dalawa.

Ah basta! Gusto ko ng i-klaro ang mga kailangan i-klaro at isa na toh sa mga bagay
na yun. Gusto kong maging masaya si Camille, at si Jared na rin. Kung isa sa kanila
ang di pa nakaka-move on, I'll let Jared go ...or can I?

"Jared..A-anong ginagawa mo dito? "

"...Pinapunta ako dito ni Janine Pero di ko alam, na yung kwarto mo pala yung
tinext nya sakin"

"Ahh..ok "

Hay, lumalaki na ang tensyon sa kanilang dalawa, nasa gitna pa naman ako. Na-te-
tensyon na rin tuloy ako.

"Uhm...Iwanan ko muna kayong dalawa, I know the two of you have a lot to talk about
"
Tumayo ako at nung malapit ko ng lampasan si Jared, hinawakan nya yung wrist ko.
Bumulong sya pero hindi sya tumingin sakin.

"Why are you doing this?"

"Let's just say...I'm not stupid "


Hindi galit o mataray yung pagkakasabi ko nun.

"Huh? :"
"I know what it means when you still keep pictures and videos of you and your ex in
your cellphone. So I just want you and Camille to clear things out...and don't
worry, whatever both of you want is good enough for me to accept "

Lumaki yung mga mata nya sa sinabi ko. Natauhan siguro. Tuluyan na akong lumabas,
at sa di ko malamang rason, pagkasarado ko ng pinto...tumulo yung luha ko. Dahil
ba, alam kong may chansang kailangan ko ng pakawalan si Jared? hindi. Siguro dahil
halu halo nalang yung nararamdaman ko? Ah ewan!

Pero dahil hindi ko napigilan...nakinig ako sa usapan nila

Binuksan ko ng konti yung pinto at, naka-upo na si Jared dun sa upuan na katabi ng
kama ni Camille.

"...Ano bang nangyari at, bigla nalang nag-plano ng ganun si Janine?"

Napakamot si Jared sa ulo. "Eh...Nakita nya kasi yung mga pictures at videos natin
dun sa cellphone ko"

"Tinago mo parin lahat yun?"

"Uh-oo, kasi--"
Bago pa nasabi ni Jared yung dahilan, na pati ako ay sabik na sabik na ring
malaman, hinawakan ni Camille yung kamay nya. ...err...

"Pwedeng lumapit ka? May ibubulong lang ako.."


Tumayo naman si Jared, at pagkalapit nya, bigla syang niyakap ni Camille na tuluyan
ng umiyak

"!!!?"

"I'm sorry Pinagsisisihan ko na pinakawalan kita, at inaamin ko mahal parin kita


kaso lang nung araw na kaka-usapin kita yung araw na nalaman ni Janine na mag-ex
tayo...at parang nung nakita kong pinapasaya ka ni Janine, at pareho kayong may
nararamdaman sa isa't isa, umatras nalang ako "
Pakiramdam ko, may umapak sa puso ko, nung narinig ko yung mga sinabi ni Camille.

"Tss. Nung una, oo, nasaktan ako dahil tinakot mo ako na hihiwalayan mo na ako,
kaya napadpad ako sa gang, tapos nung nalaman mo yun, lalo ka lang nagalit at
talagang binaliwala mo nalang ako. Kaya nagmukmok ako buong buhay ko sa pagiging
isang gang leader at nung makilala ko si Janine..."
Lumaki yung mga tenga ko dun sa parteng yun.
"Parang, tinulungan niya akong kalimutan yung sakit. Yung mabalik yung dati kong
sarili" Huminga siya ng malalim. "At Camille...Ayokong saktan ka pero--"
Sinubukan ni Jared na kumawala sa yakap pero nagmatigas si Camille.

"Jared...malapit na akong mamatay. Please, pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang.


Ito na nga lang ang magiging huling hiling ko sa'yo."

"Ano bang gusto mong gawin ko?"


Hinarap ni Camille si Jared at tiningnan sya ng diretso sa mata pero umiiyak parin.
"Ako nalang muna mahalin mo..."
Chapter 20

Hindi ko na talaga kinaya. Napaluhod ako sa sahig at nabitawan ko na yung pinto,


kaya nakita tuloy ako nina Jared at Camille. Tiningnan ko rin sila at punong puno
na ng luha yung mga mata ko.

"Janine, teka--"

Tumayo ako nun, at tumakbo palayo. Hindi na ako lumingon, basta tuloy tuloy lang sa
pagtakbo. At hindi man kapanipaniwala, nilakad ko yung daan galing sa ospital
papunta sa school. Wag niyo na tanungin kung gano kalayo yun kasi hindi ko rin
alam. Ang alam ko lang, kahit gano man kasakit yung paa at mga binti ko, kakatakbo,
nangingibabaw parin yung sakit at pighati ng puso ko.
Pumunta ako dun sa garden kung saan una kaming nagkakilala ni Jared. Tss, naalala
ko pa tuloy yun. Napapikit pa nga ako eh. Pero dahil ayoko ng isipin pa yun,
tumalikod nalang ako para umalis. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

"Saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.. "

"Sakin"
Lumingon ako dun sa boses. May lalakeng nakatayo dun sa may bench na parang swing,
at kaka-iba yung moment na yun. Medyo mahangin tapos malabo pa yung tingin ko dahil
sa mga luha. Pero kilalang kilala ko parin yung taong yun.
"Xyrus... "
Lumapit siya sakin at nagkatinginan kami. Bago pa ako nakapagsalita, napaluhod
nanaman ako sa sahig. Argh. Ngayon ko na naramdaman yung sakit ng mga paa ko.
Lumuhod rin si Xyrus at inangat yung muhka ko ng dahan dahan.
"Ikaw kasi eh. Lalakad-lakad ka diyan ng napakalayo tapos di mo rin naman pala
kaya"
Sa di ko malamang dahilan, niyakap ko si Xyrus. Na-miss ko siya. Yung mga pang-asar
nya, yung...yung lahat. Na miss ko yung best friend ko
"Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam, san ka ba kasi nagpupupunta??! Na miss
kita, Xyrus"
Binuhat ako ni Xyrus ("bridal style") bago nagsalita.
"Wag tayo mag-usap dito"
Tumango nalang ako at dinala nya ako sa kotse nya, tapos pumunta kami sa Starbucks.
Nung meron na kaming kape, binalot lang kami ng nakaka-ilang na katahimikan. Err...

"Paano mo nalaman lahat ng nangyayari?"


"Matagal na akong nakabalik galing sa out-of-town trip namin ng parents ko. At ever
since then, I've been observing you...and Jared"
"Haha, so stalker ka na ngayon?"
"Nah. Curiosity--"
"Kills the cat :-P"
"Oo na, oo na "

..katahimikan..

"Ikakasal na nga pala ako.."

" ...Talaga?"

"Yeah. Arranged marriage siya actually, pero nakilala ko rin naman yung babae dun
sa out-of-town trip namin, and I figured...Why not?"

"Oh..."

"Tutal, sabi nina dad na ikakasal nalang kami pag-naka graduate na kaming dalawa,
so fine by me"

"May picture ka ba nya? Hehe"

"Wala eh. Di pa naman ganun katindi yung relationship namin. Pero I'll let you meet
her one day. Tsaka, hindi naman talaga yun yung point dito, diba?"

"Huh? E..ano pala? "

"I think you should let go of Jared"

" what the--??"

"I mean it, Janine"

"What's the point of letting him go...My heart won't let me anyway "

"So? Letting your heart be the boss of you doesn't exactly fit in your situation,
doesn't it?"

" Yeah...you're right"

"I can't further explain right now, I have another appointment. But do me a favor,
will you? Think about what I've said "
And he left me there...hanging by a moment. Tsk.

-THE NEXT DAY-


Bumalik ako dun sa ospital with a full decision; kung ano man yun, malalaman nyo
nalang mamaya.

Pumunta muna ako dun sa kwarto nina mommy at daddy para tingnan yung kalagayan nila
tapos pumunta na ako dun sa kwarto ni Camille. Nandun si Tita Bethany, nag-aayos ng
mga gamit.

"Good morning po tita "

"O, Janine, iha. Nako pasensya na ah, tulog pa si Camille eh"

"Ok lang po yun. Iiwan ko nalang po tong mga prutas. Pakisabi nalang po na galing
sakin"

"O sige. Ay, nga pala Janine, may pinapabigay sayo si Camille"

"Ano po yun?
May kinuha si Tita Bethany galing sa bag niya na papel at binigay ito sakin. Sulat.

Quote
Janine,

Sa totoo lang ayokong maging corny, pero lahat ng mababasa mo dito ay totoo.
Naaalala mo pa ba nung una tayong naging best friends? Diba, nangako tayo sa isa't
isa na hindi natin hahayaan na masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa isang
lalake?

Sorry kung nasira na yung pangakong yun ah. Tsaka, naaalala mo, nagkakilala tayo
dahil sa isang balloon? Nag-aagawan pa nga tayo dun eh. Haha. Pero thanks to that
balloon, may natutunan ako...

Ang mga kaibigan, parang lobo. Kapag pinakawalan mo sila, hindi mo na sila
mababalik. Pero kapag nabiyayaan ka, minsan lulutang sila diyan, at may chansa ka
pang makuha sila muli. Ang ma-inam na gawin, ay itali mo sila sa puso mo, para dun
na siya mananatili. Minsan may mga nangyayari na nakakapag-luwag a taling yun, gaya
ng mga away at di pagkaka-intindihan niyong dalwa. Kaya pag nangyari yun, kailangan
mong maging matatag para higpitan yung tali.
Minsan rin, ang mga lobo, pumuputok, nawawala, gaya ng mga kaibigan dahil sa
tadhana at masakit. Bago mo isipin yung sakit, tingnan mo ulit yung puso mo. Kahit
na pumutok na yung lobo, nandun parin yung lubid na tinali mo sa puso mo

Yun ang mga alaalang iniwan ng mga kaibigan mo. Masaya man o malungkot, naging
kaibigan mo parin siya. Yun ang bakas na mananatili sayo. Wag kang mag-alala
Janine, tinali kita sa puso ko. Sana ako rin sayo.

Always and forever your best friend,


Camille

Pagbagsak ng luha ko, may narinig akong tunog...

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

Chapter 21
Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Narinig ko nalang yung
"BIIIIIIIIIIIIIIIIIIP!!!" na tunog at biglang nalang umiyak si Tita Bethany at
nagsisisigaw. Sumugod agad yung mga doktor at nars sa loob at sinubukang buhayin si
Camille. Nung sinabi lang nung doctor yung oras ng pagkamatay ni Camille, saka lang
nag-sink in sakin lahat nangyari.

...Patay na si Camille...

Ang mas masaklap pa, sa saktong oras na namatay si Camille...namatay rin sina mommy
at daddy.
ANO BANG NAGAWA KO?! BAKIT PINAPARUSAHAN AKO NG GANITO?!!!

Wala na.

Wala na silang lahat.

Naubusan na ako ng oras para itama ang lahat.

Wala na.

Wala na.

---

Mahirap mang paniwalain, nandito ulit ako ngayon sa lugar kung san una kaming
nagkakilala ni Jared. Naka-upo ako ngayon dito sa puting bench na parang swing at
nag-gigitara ulit ako pero kung anu-ano lang ang tinutugtog ko. Lahat ng attensyon
ko nandun lang talaga sa gitara pero nawala rin yun ng naramdaman kong may umupo sa
tabi ko.

"I'm ready to listen.", sabi niya.


Tinawagan ko kasi si Jared at sinabing magkita kami dito. Marami akong sasabihin
sakanya, maraming ipapaliwanag, maraming aaminin.

"Bago ko simulan, gusto ko lang malaman mo na lahat ng sasabihin ko sa'yo ngayon ay


walang kinalaman sa...sa...p-pagkamatay ni C-Camille"
Napalunok pa ako nun. Mahirap parin bitawan ang mga salitang yun, isang linggo
palang ang nakalipas simula nung...nung...n-namatay si C-Camille.
"Nung una, akala ko, oo, may kinalaman tong mga sasabihin ko sa'yo sa pagkamatay ni
Camille. Pero hindi pala. Ginawa ko lang yun na excuse dahil gusto ko lang sisihin
ang sarili ko."

"Teka, Janine...naguguluhan na ako"

"I'm letting you go, Jared"


He froze. Err...masyado ba akong naging straightforward?

"Letting go means accepting the things that cannot be. But that doesn't mean you
have to stop loving me, right?"

"You don't understand. I'm letting you go, and I want to move on. Masyado ng
madaming nangyari at kahit gano nating subukang ayusin toh, laging may nangyayaring
hindi maganda. Parang, lahat nalang mawawala kapalit lang ng pagmamahalan natin.
Hindi yun sapat na dahilan, Jared. Hindi ka pa ba napapagod? Kasi ako, pagod na"

"..."
Hindi na siya makatingin sakin. Nakayuko nalang siya.

"Hindi ko na ata kaya na laging may mawawalan sakin na mahal ko sa buhay. Ayokong
ikaw na ang sumunod, kaya ngayon palang, pinapakawalan na kita. Gusto kong
magsimula ulit. Gusto kong alisin si "Siberia the Gang Hater" sa pagkatao ko. Gusto
kong maging masaya"

Matgal bago siya nakasagot. Hanggang sa, inangat niya yung ulo niya at tinignan ako
ng diretso sa mata. Parang ang dami niyang gustong sabihin, at kitang kita sa mga
mata niya yung lungkot. Matubig tubig na nga yung mga mata niya.

"Kung saan ka masaya, dun na rin ako masaya"


Ngumiti sya pero alam kong pilit lang yun. Pati yung pagkakasabi niya nun, parang
half-heartedly lang. Pero na-appreciate ko parin yung pagpayag niya. Ganun niya ako
kamahal. Pero hindi ako magsisisi sa desisyong ito.

"But remember, I will never stop loving you. I can't and I won't. All I can do is
keep a distance."

Yinakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan at yinakap ko rin siya pabalik.

"That's good enough for me "

Hinigpitan niya ang yakap niya saakin at sinubsob ang muhka niya sa may bandang
leeg ko.

"I'll miss you...I'll miss this scent...I'll miss everything..."

Napangiti lang ako dun. I'll miss him too...

Kumalas na siya sa yakap at nilapit ng ilapit yung muhka niya sakin. ...Goodbye
kiss?. Dahan dahan ko siyang tinulak palayo, at talagang litong lito yung muhka
niya.

"Kapag halikan mo ako ngayon, sa tingin mo makakapag-move on pa ako?"


Natawa lang siya nun. Oo na, KJ na ako kung KJ.
At dun...dun na nagsimula ang bago kong buhay. Dun ko rin inakala na hindi ko na
ulit makikita si Jared.

Pero...ito pala ay isang maling akala

-----------------------------------------------------------------------------------
------

Chapter 22

J A N I N E

Isang taon na ang nakalipas. At gaya ng sinabi ko dati, gusto kong tanggalin si
"Siberia the Gang Hater" sa pagkatao ko, at yun nga ang nangyari. I'm now just an
average person living a normal average life. 4th year high school na nga pala ako;
I'm livin` the senior life.
Pero pero pero, di ako nakatira mag-isa. Nung nalaman ng mga kamag-anak ko na
namatay na sina mommy at daddy, si Uncle Ken yung unang nag-prisinta na tulungan
ako. Sa lahat ng mga uncles ko, sakanya ako pinaka-close. Meron silang bahay na di
ginagamit dito sa Manila at dun niya ako pinatira kasama yung dalawa niyang anak na
mga pinsan ko rin. Pareho silang lalake na identical twins at mas matanda sila
sakin ng dalawang taon; sina Kuya Kaori at Kuya Kazuo. Kung napapansin nyo, may
pagka-Japanese yung mga pangalan nila. Japanese kasi yung nanay nila kaya half sila
at pramis mga mistiso yun. Si Kuya Kaori, may pagka-brown yung buhok niya na medyo
mahaba. Sa kanilang dalawa, siya yung masiyahin at makulit--> click! At si Kuya
Kazuo naman, itim talaga yung buhok niya at ma-ikli. Sa kanilang dalawa, siya naman
yung minsan tahimik, pero napapakita niya parin na he cares about you in his simple
ways--> click!

Magka-iba pa sila in many other ways, pero pareho silang...overprotective!

*bzzt! bzzt! bzzt! bzzt!*

Esh, nakakakiliti kaya yung vibration ng phone kapag nasa bulsa mo.

"Hello?"

"HOY PINSAN NAMING NAPAKAGANDA!


Haha, hulaan niyo kung sino toh.

"Yes, pinsan kong napaka-gwapo?"

"Ehem."

"Ay, ay. MGA pinsan ko pala na kambal na napakagwapo "


"O, ano, susunduin ka na ba namin?"
Lagi nila akong sinusundo kapag tapos na klase namin.

"Di muna ngayon, Kuya Kaori. Overtime ako ngayon kaya late na ako uuwi. Maglalakad
nalang ako pa-uwi"

"Ano?! Hindi pwede yan. Baka kung anong mangyari sa'yo, bakit ka overtime?"

"Chill, Kuya Kazuo. O.O Nakalimutan mo na ba na president ako ng school namin?


Malapit na yung prom namin kaya kailangan kong mag-stay dahil tumutulong ako sa mga
preparations, and all that"

"Tsk. I don't care about all those crap. The point is, UUWI KA NG MAG-ISA?!"

"Opo, opo. Kaya ko ang sarili ko. Ako pa "

"Tsk."

"O sige sige payag kami, Janine. Pero, MAG INGAT KA, ah?"

"Oo na po Sige na, madami pa akong gagawin. Bye mga kuyang kambal na pinsan ko na
napakagwapo! Lab you both"

Pagkababa ko nung phone, may lumapit sakin pero di ko makita yung muhka dahil
natatakpan ito ng tambak tambak na mga gamit na bitbit nya.

"Bespren, tulong naman diyan!"

Ay, si Hazel pala. Haha. Nilapag ko yung ibang gamit na bitbit nya at sinimulan na
namin ang pag-aayos. Nandito kami (ako, si hazel, at yung buong members ng student
government body) ngayonn sa venue ng prom namin. Yung lugar, parang "ballroom
dancefloor" yung dating niya kasi ang lawak tapos ang ganda pa nung tiles...Parang
hindi halatang tiles. Nasa loob ito ng isang hotel, at may access pa kami sa garden
na nasa labas lang. Ni-rent lang ito ng school namin kaya talagang ma-ingat kami sa
mga gamit dito.

..2 hours later..

Malapit ng mag 7 PM, at sa wakas makaka-uwi na rin ako! Na-una na silang umuwi
lahat kaya ako nalang natira dito. Ni-lock ko na yung mga pintuan tapos lumabas na
ng hotel.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa nandito na ako sa kalyeng madilim. May mga
footsteps akong narinig na sumusunod sakin kaya lingon ako ng lingon, pero dahil
madilim nga, wala akong masyadong makita. Hanggang sa...

"Boo! HAHA"
Nagulat ako nung may lalakeng biglang sumulpot sa harapan ko, na tinututukan ako ng
baril.

. . .
Nag-freeze ako dun. Parang na-shock yung brain ko, na hindi na ako naka-galaw. May
iba pang mga lalake na dumating, at dun ko lang na realize na...

gang pala sila.

It's been a long time since nakakita ako ng gang. Let alone, na ambush ako ng isang
gang. Worse, unwanted memories started flowing back.

"Wag kang mag-alala, Miss. Hindi ka namin sasaktan, wag ka lang pumalag"

Hinahawakan na nila ako sa braso ngayon. Tawa sila ng tawa at hindi na nakatutok
sakin yung baril pero natatakot parin ako. Natatakot ako pero hindi parin ako
makagalaw.

Nung nilagyan nila ako ng blindfold, lalo akong natakot. Di ko na alam anong sunod
na mangyayari...

"Tsk, tsk, tsk. Capturing a Damsel in Distress? What a shame."

Nung narinig ko yung boses na yun, nahulaan ko na na hindi sya parte ng gang.
Knight in shining armor ko kaya?

Napabitaw naman sakin yung mga nakahawak sa braso ko kanina kaya napa-upo ako sa
sahig. Ang mga sumunod na tunog na narinig ko ay parang mga taong nagbubugbugan.
Nagulat nalang ako nung may bumuhat sakin 'bridal style', tapos naramdaman ko na
tumatakbo na kami. Nakaramdam rin ako ng parang ma-init na tubig na dumadaloy sa
muhka ko. Yun pala...umiiyak na ako. Bakit kaya?

Dahil ba sa takot na naramdaman ko kanina, o dahil sa may naalala lang ako na di


kanais-nais?

"Ssshh. You're safe in my arms"


Lalo lang akong napa-iyak dun sa sinabi nung lalakeng yun. Oo, hindi ko siya
nakikita pero sa boses palang, alam kong lalake na siya. I cried hard in his chest,
even though he was a simple stranger. I didn't know why, though. I just did.

Takbo parin siya ng takbo hanggang sa nakarinig ako ng umaagos na tubig. Parang
waterfalls.
"Sh`t. Nasundan parin nila tayo!"
Tumigil na ako sa pag-iyak pero bumalik yung takot ko nung narinig ko ulit yung mga
boses nung mga lalaki kanina, kahit medyo malayo nga lang yung mga boses nila

"Wala ka ng takas ngayon!!!"

Kalmado parin yung lalakeng karga ako, at naramdaman kong medyo nag-lean forward
kami.

"*pabulong* Wag kang ma-ingay ah, tatalon tayo."


Anong--tatalon?! SAAN?

Eto ang nakaka-inis kapag naka-blindfold ka, i-aasa mo nalang ang lahat sa mga
naririnig mo, e ang lakas pa nung agos ng tubig na naririnig ko. Hay.

"Walang takas pala ah?"

*SPLASH!!!*

Bigla nga kaming tumalon at naramdaman ko ang lakas ng pagbagsak ko sa tubig. Medyo
masakit. Siguro mataas yung pinagtalunan namin. Nung naka-lubog na ako sa tubig,
tinanggal ko na yung piring sa mga mata ko, at dun ko naman narinig ang isa pang
*splash!*. Muhkang may isa pang tumalon.

Teka...illusyon lang ba ito?

Ganun ba katindi yung trauma ko sa nangyari at...


Nakikita ko ngayon si Jared sa ilalim ng tubig?

Parang naging slow-motion ang lahat nung nakita ko siya. It's been a long time--
Naputol naman ang mga iniisip ko ng napansin ko na nalulunod na pala ako. Pumikit
na ang aking mga mata at naramdaman kong pabagsak na ako ng pabagsak. Ang imahe ni
Jared ang huli kong nakita bago tuluyang binalot ng dilim ang aking paningin.

Etong parteng ito, hindi ko alam kung panaginip lang ito pero nung akala kong
malulunod na ako, may naramdaman akong mga kamay na tila binuhat ako sa ilalim ng
tubig pataas. Pataas kami ng pataas hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na
hangin at narinig ko na muli ang ma-ingay na agos ng tubig. Akala ko lumulutang na
ako ng mga oras na yun...binubuhat lang pala.
Nilapag ako ng taong yun sa lupa, at hingal na hingal siya. Tinaboy nya ang mga
basang buhok na nakaharang sa muhka ko, at may matagal na katahimikan,

...bago ko naramdaman ang mga labi niya na lumapat sa mga labi ko.

Hindi ito halik. Ito ang tinatawag na "CPR". Naka-sara parin ang mga mata ko ng
nakahinga na ako ulit. Pagkabukas ng mga mata ko, ito ang muhkang unang lumantad
saakin:

-Click!

--Ang muhka na sa di ko malamang dahilan ay kahawig ni Jared; ang muhka na


nagligtas sa buhay ko; ang muhka na ang pangalan ay...

"Jaren nga pala "


Chapter 23
Jaren...Argh. Ang saklap noh? Kahawig niya na nga si Jared sa muhka, pati ba naman
sa pangalan. Jaren...Jared...Jaren...Jared...

"I'm not your knight in shining armor, `kay?"


>.< Heh! As if naman sasabihin ko talaga yun sayo!

"I'm just... a gang hater."


...Wait--WHAT?!

"You're a...WHAT?"

"A gang hater. You should know what it's like...right Siberia?"
...And he just called me WHAT?

"I don't know what you're talking about"

"Don't play dumb with me. Ikaw yung pinakamagaling at pinaka-mabangis na gang hater
dati, diba?"

"Argh. Fine. Pero ikaw na mismo nagsabi, DATI. Dati pa yun. Tsaka sino ka ba? Bakit
mo ako niligtas?"

"Let's just say...I used to be your number one fan. Nung naging gang hater na ako,
wala ka na pala. Pero hanggang ngayon in-oobserbahan parin kita"

"Ano yun, stalker kita?"

" Basta"
Grabe kahit tawa nya parang yung tawa ni Jared. Bawat feature nya parang si Jared.
Argh!!!

"`Lika na, hatid na kita"

"Ha? Alam mo ba kung saan ako nakatira?"

"Why shouldn't I? "

"Oh. Right, right, stalker nga pala kita. :} I find it creepy though"

"No. It's ironic. Ako na pala ang magliligtas sa dati kong iniidolo. Tss"
No comment nalang ako dun. Nung nagsimula na kaming maglakad pa-uwi, binalot na
kami ng nakaka-ilang na katahimikan. Parang may gusto akong sabihin...ewan. Ano ba
dapat kong sabihin?

"Kilala mo ba si Jared?"
Ay. Teka!--

"Ha?"
WOOH. Buti nalang di nya narinig. Nasabi ko pala yun ng malakas >_<

"Wala, wala. Sabi ko, andito na tayo"

Haay...Pramis, napagod ako ng husto sa araw na toh. Masyadong madami na ang


nangyari. Sobrang inaantok na akooo...I want to head straight to bed. Bigla namang
nawala ang antok ng,

"CYRA JANINE BENAVENTE, BAKIT NGAYON KA LANG?!"


Napatingin naman ako dun sa sumigaw na nanggaling sa may pintuan ng bahay namin,
at...woopsie...i'm in big trouble. Sina Kuya Kaori at Kazuo nakatingin na saakin ng
masama, tapos napatingin rin sila kay Jaren.

"--AT SINO TONG G*G*NG TOH?"


Susugurin na sana ni Kuya Kazuo si Jaren ng humarang ako tapos sinalo ko yung kamao
niya. Woah. Kaya ko PA palang gawin yun?

"Kuya Kazuo, WAG. Ano...uhm...niligtas nya ako kanina. Tapos nagmagandang loob lang
siya kaya nya ako hinatid"
Nawala yung galit sa mukha ni Kuya Kazuo at medyo kumalma siya.
"Pumasok nga kayong dalawa sa loob."
In big trouble parin ba ako? Hay. Bumalik na yung antok ko. Siguro yung pagsalo ko
sa kamao ni Kuya Kazuo kanina, adrenaline rush lang yun.

Pagkapasok namin sa loob, lalo lang akong inantok. Bumigat yung mga pilik mata ko
ng nakapasok ako sa air-conditioned room. May soothing effect kasi yung hangin eh
~_~

"Oy Janine. *snapping his fingers at me* Gumising ka nga. Kung sa tingin mo
makakatakas ka sa pagtutulogtulugan mo, pwes mali ka. Uy!!! Gising!"

"Kuya Kaori, di ako nagtutulogtulugan! >.< Talagang *yawn* inaantok na ako"

"Hindi pwede. Mag-uusap pa tayo, kung iiwanan mo kami kasama tong savior mo, eh,
gigisain namin toh sa pagtatanong"

"Sige na, Kuya Kazuo. Kung manatili pa ako dito, matutulugan ko lang kayo.
Goodnight na"

Sinabi ko yun habang paakyat na ako sa hagdan. Hindi ko na talaga kaya yung antok
ko. ...zzZz...

J A R E N

Medyo mahaba yung naging usapan namin nung mga pinsan ni Janine. Ang tindi nila sa
mga tanong eh. Kung ano man yung mga pinag-usapan namin, bawal ko raw sabihin.
Malalaman nyo rin raw balang araw ;]

Pero bago ako umalis, pinayagan nila akong magpaalam kay Janine. Kaya ayun, umakyat
ako papuntang kwarto niya.

*Knock. Knock.*

Walang sumagot. Kumatok ulit ako at nung wala talagang nagsalita, pumasok na ako.
Hmm...a bed, two cabinets, a study desk, and everything you can find in a bedroom
but no Janine.
Napansin ko na may isa pang pintuan, at ng buksan ko iyon.

O_O

Si Janine, naka-upo sa sahig at naka-sandal sa may bathtub tapos naka-pajamas na at


nasa loob ng bibig nya yung toothbrush niya pero tulog na siya. Hindi ko na
napigilang tumawa.
Talaga bang ganito na katindi yung antok nya at hindi na siya naka-abot sa
pagtapos ng kanyang pagsisipilyo?

Lumuhod ako sa tabi nya at dahan dahang tinanggal yung sipilyo sa bibig nya.
Nilagay ko ito dun sa may lababo tapos kinuha ko rin yung maliit na twalya na
nakasabit doon at ginamit ito sa pagpunas ng bibig ni Janine. Nung tapos ko ng
punasan yung bibig nya, napatitig ako sa mga labi nya.

Agh. I felt this urge to...

(A/N: Sorry, bigla akong mapapa-english sa part na toh >_<)

My fingertips nearly touched her lips, but I hesitated. I returned the towelette
then stared at Janine for seconds. Since I didn't have any choice, I wrapped my
left hand around her waist while my right hand went around the back of her knees; I
lifted her all the way to her bed. On the way, I felt her snuggle in my chest; with
that, I unconsciously held her tighter.

"Hmm...Jared..."

Upon hearing that name, my jaw clenched. I carefully laid her on the mattress and
noticed the forelocks that drooped and blocked her eyes. I slowly placed them
behind her ear then caressed her cheeks with the back of my hand.

"Sorry. I just don't like Jared for you. "

Those were my parting words before I completely left.

PART 2

J A N I N E

Pagkabukas ko ng mga mata ko...err...nasa kama na ako? Pano nangyari yun? Teka, ang
huling naaalala ko, nagsisipilyo ako tapos...WALA NA. Baka nakatulog ako sa banyo?
Pero kung ganun, pano ako napunta sa kama ko?

*FLASHBACK*

Naramdaman kong lumutang ako sa ere tapos nandun yung pamilyar na amoy ng pabango
ni...

"Hmm...Jared..."

Dahan dahan ko ng naramdaman yung kama ko pati ang isang kamay na hinaplos yung
pisngi ko.

"Sorry. I just don't like Jared for you"

*END OF FLASHBACK*

Uh-oh. WAAAAA. Nangyari ba talaga yun?! Ano ng sasabihin ko kapag nakita ko si


Jaren?--Teka, teka. Bakit pa, e di ko na siya makikita, diba? Ni di ko nga alam
kung nasaan siya, basta yung mga dapat malaman. Ang alam ko lang ay siya si Jaren--
Period.

*..Pagkatapos ng klase..*

Hindi pa tapos yung ginagawa namin dun sa hotel kaya pagkatapos nung klase, hinatid
kami (ang student government body) ng school bus dun sa venue ng prom namin.
Magkatabi kami ni Hazel sa loob ng bus at naka-upo siya doon sa may bintana.

On the way, bigla niya nalang akong pa-ulit ulit na kinalabit sa braso with
matching wide-eyes, parang ganito ---> O_O

"Ano? Ano??"

"S-si...si...si..s-si...."
Pa-ulit ulit parin siya sa pagyugyog sa braso ko. Sumasakit na kaya.

"Ha? Sino!? "

Dahil mukhang speechless parin tong si Hazel, sumilip na ako doon sa bintana. At
doon nga tumambad saaking paningin ang isang grupo na nagkaka-gulo. Teka, sila yung
grupo na nagtangkang saktan ako dati! Oo, yung gang na yun! Yung araw na nakilala
ko si Jaren! Pero sakanilang lahat, nabigyang diin yung lalakeng nasa gitna.

"Si.....si...."
Nahawa na tuloy ako kay Hazel

"Oo!!! Si--"

"Si Jared "

Nagulat ako nung nakita niya ako. Nagtinginan kami hanggang sa nakalayo na yung bus
at nawala na siya sa paningin ko.

Nag-iilusyon ba ako? Hindi naman diba? Nakita rin ni Hazel eh! Si Jared nga yun!
Pero teka, anong meron? Anong ginagawa niya dito? Bakit mukhang involved parin siya
sa gang?

Yan nanaman yung mga milyong-milyong tanong... >_< Pero, pero...Pano kung sundan
niya kami papunta sa hotel?

"Pano ba yan Bes, mukhang ayaw kayong paglayuin ng tadhana"

"Ah hindi! Erase erase erase! Hindi yun si Jared! Imposible..."

"Hala. Malala na yan bespren. Nakita mo na nga mismo eh. With your own two eyes,
nag-deny pa? Hahaha...Mahal mo parin noh?"
"Ha? Ah...u-uhh... "

Hindi ko nalang sinagot yung tanong iyon ni Hazel. I left it unanswered. Ewan.
Maybe I don't want to answer it...coz the answer is clear at the core but blurr at
the edges. --nosebleed

*FAST FORWARD*

Habang tuloy kami sa pag-ayos nung venue, may nakalimot na magsarado nung sliding
door kaya naman nung dumaan yung medyo malakas na hangin...

*WOOOOSH!!!*

Lumipad palabas yung ibang mga balloons. Nakakatawa nga yung scene eh, para kaming
nakikipaghabulan dun sa mga lobo.

"Woops woops! Sige, guys, ako nalang kukuha"

Lumabas ako dun sa may fountain para kunin yung mga lobo. Nung isa nalang na lobo
ang natira, nakipaghabulan ulit ako kasi medyo mahangin pa nun. Lumayo ng lumayo
yung lobo hanggang sa nahulog ito sa tubig ng fountain. Nasa may garden na kasi ako
at nung pinulot ko na yung lobo, may nakita akong reflection ng isang tao doon sa
tubig na katabi ng reflection ko.

"Still a damsel in distress, I see."


Napalingon ako sakanya.

"Jaren...Anong ginagawa mo dito?"

"Let's see...Ano nga ba ulit yung ginamit mong term sakin?"

"Stalker?"

"Yeah. That one."

"Well, I'm busy right now--"

*PAAAK!!!*

Masyadong mabilis yung pangyayari. Naputol yung mga sinasabi ko dahil bigla nalang
sumugod si Jared---teka. Si JARED?! OO, SI JARED NGA! Sinuntok niya si Jaren!

"Teka lang naman tol, alam kong gang leader ka at gang hater ako pero wrong timing
ka naman eh. Kita mong may ka-usap akong babae? Ang bastos mo dude. Mamaya na tayo
mag-riot"

Jaren say whaaaat?!!!

Susuntukin na sana ulit nin Jared si Jaren kaso inawat ko siya. Hinila ko siya
palayo kay Jaren para makapag-usap kami.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?!"


Nandoon parin ang galit sakanyang mga mata.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo, flirting with that moron?!"

"That moron is the one who saved me from your freakin` gang who nearly harmed me
the other night!"
Napatahimik naman siya dun. Ewan ko, bakit ba di ako masaya na nakita ko ulit si
Jared? Yung mga inaasta niya kasi eh.

"...I'm sorry. Nagulat lang ako. Pinagtanggol mo siya"


Hindi ko pinansin yun.

"Nasa gang ka parin?"

"Oo. Nung umalis ka, kala ko kaya ko yung sinabi mo na mag let go at mag move on,
pero hindi. Without you, everything's just impossible. Kaya nilabas ko lahat ng
galit at lungkot ko sa pagiging gang leader. It's my only escape, Janine. My only
escape from that bittersweet memory which is you."
I'm...speechless.

"P-pero...bakit ako, kinaya ko"

"Ewan ko. Siguro dahil hindi mo na ako mahal."

"Mahal mo pa ba ako, Janine?"

And that's the million dollar question.

Chapter 24

YesNoMaybeIDon'tKnow?.

Kaka-iba yung pakiramdam ko sa scenario na yun. Kung i-focus mo sa foreground,


makikita mo kaming dalawa ni Jared na magkaharap tapos kung i-focus mo sa
background, parang nasa gitna namin si Jaren pero nasa likod talaga siya,
pinapanuod kami.

"Give her time to answer it."


Napatingin naman kaming dalawa kay Jaren. Naririnig nya pala kami? Kahit ganyan
siya kalayo?
(A/N: Malay mo naman Janine, isa yun sa mga "stalker skills" niya )

Oo nga naman.

Nakita ko sina Jared at Jaren na ang sasama ng tingin sa isa't isa. Yung para bang
may gusto na silang gawin sa isa't isa pero nagtitimpi nalang sila at dinadaan
nalang sa titig.

"I'll be waiting for your answer..."

Pagkasabi ni Jared nun, dun lang ako lumingon para tingnan siya. Ayun nanaman yung
mga ever-so-dashing niyang mga mata. Pero this time...Hindi ko na mabasa yung
kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan yung mga nakikita kong emosyon sa mga ito.
Medyo tumagal pa ang nakaka-ilang na katahimikan hanggang sa,

"Bye."
Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi tapos umalis na. >_<

"You owe me one."

Nagulat naman ako, nasa tabi ko na bigla si Jaren. Ang bilis rin nito kumilos.

"'owe' 'owe' ka diyan. Owe mo mukha mo :-P"

"E kung di ako nagsalita kanina, hindi ka na tinigilan ni Jared hanggang sa


magbigay ka nalang ng pilit na sagot.Tama ba?"

"...Tama "

...katahimikan...

"Sige, alis na ako. Tutal marami ka pang kailangang tapusin."


Tumango nalang ako at nagsimula na siya maglakad palayo. Sa kalagitnaan, tumigil
siya tapos lumingon.

"By the way, kung mahal mo talaga si Jared, hindi ka dapat nagdadalawang isip
ngayon."
Sinabi niya yun ng nakangisi, tapos umalis na siya.

Nung bumalik na ako sa loob, syempre tanong sila ng tanog kung bakit ang tagal ko
sa labas. Wala akong sinagot. Abalang abala ako sa pag-iisip. Napa-isip kasi ako ng
todo todo dahil dun sa sinabi ni Jaren eh. Paano kung tama nga siya? May point
naman talaga siya diba?

"Janine, eto na nga pala yung mga pinaprint raw natin kay Ma'am."
Tinitigan ko lang yung mga papeles na inaabot ni Danielle (ang school secretary)
saakin.

Snap out of it Janine. Nawawala ka nanaman sa sarili mo.

"H-huh? Oh..yeah. Thanks "


"Tsaka guys, may announcement nga pala galing sa principal natin. Pwede raw tayong
magdala ng prom partner na di taga-school natin."

Nakatanggap ang sinabi ni Danielle ng mga sari saring reaksyon; pero karamihan
naman saamin ay natuwa sa naging desisyon ng principal. Ako naman...

O, Janine. Ano nanaman iniisip mo? Sina Jared at Jaren nanaman noh? Siguro iniisip
mo kung sino sakanila ang dadalhin mo sa prom noh?

Nababaliw na nga siguro ako. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko.

Kung si Jared ang dadalhin mo, baka isipin nya na ang imbitasyon na yun ay
nagpapahiwatig na mahal mo parin siya. Kung si Jaren naman--

"Sige Bes, uwi na ako ah?"

"Okay, ingat"

Ano Janine, si Jared o si Jaren?

"Kami rin Janine, alis na rin kami. Wag ka ng magpa-iwan dito ng matagal, uwi ka na
rin. Baka maabutan ka pa ng mga loko loko diyan sa kanto"

"Sige, thanks"

Sino ang gusto mong maging prom partner, the gang hater or the gang leader?

Aishh...Tama na nga sa mga tanong. Uuwi nalang ako, and this time, magpapahatid na
ako kina Kuya Kaori at Kuya Kazuo.

Bakit, ayaw mo bang maligtas ka ulit ni Jaren? So, kay Jared ka na nga?

Waaaaaaaaaahh!!!

*..PAGKADATING SA BAHAY..*

Kumakain kami nun nung shinare sakin nina Kuya Kaori at Kazuo yung balita.

"Janine, may family reunion nga raw pala tayo, according to dad"

"Oh? Kailan at saan raw?"

"Bukas, doon sa isa sa mga resthouse ni dad"


Ang sosyal talaga ni Uncle Ken

"Teka, bukas na? Bakit ngayon niyo lang sinabi sakin >.<"

"Ehehe, sensya na, nakalimutan lang. Tsaka ayos lang yun noh, hindi naman toh
parang prom na kailangan ka talagang ma-inform ng maaga para makapaghanda"
...Sa dinami dami ng events, prom pa talaga yung napiling banggitin eh noh?

"Ok, fine"
Nung gabing iyon, nung matutulog na ako, di ko parin maalis sa isip ko yung prom
thing. Pa-ulit ulit sa utak ko, "Si Jared o si Jaren?" hanggang sa nakatulog na ako
kaka-isip sakanilang dalawa.

~ ~ ~

Tiningnan ko ng maigi yung taong nasa harapan ko... si Jared. Palapit siya ng
palapit saakin. Tapos bigla ko namang napansin na may malaking salamin sa gilid ko.
Nung tiningnan ko iyon, syempre nakita ko yung reflection ko pero nung tiningnan ko
yung reflection ni Jared...si Jaren yung nandoon.

Nilapit nya ng linapit yung mukha niya saakin hanggang sa nagdikit ang mga labi
namin. Pagkatingin ko naman doon ulit sa salamin, si Jaren yung humahalik saakin.
Pinikit ko ang mga mata ko at pagkbukas ko ulit ng mga ito, si Jaren na yung nasa
harapan ko na hinahalikan ako. At pagtingin ko naman doon sa salamin, si Jared yung
nandoon.

Nung humiwalay na siya,

"Janine...Si Jared at ako ay..."

~ ~ ~

Bigla akong nagising na humihingal. Panaginip lang pala yun. Pero...Ano kayang ibig
sabihin nun?

Ngayon na nga rin pala yung "family reunion" namin. Hindi ako nag-suot ng bistida o
gown pero hindi rin todo todong causal ang sinuot ko; semi-formal lang. Sina Kuya
Kaori at Kazuo, mukhang excited na excited sila. Pero ako, hindi eh. Oo, masaya ako
dahil makikita ko na yung iba kong mga kamag-anak tapos bonding bonding pero madami
kasing bagay ang naglalaro sa isip ko eh. Mga bagay na hindi naman talaga dapat
isipin pero wala akong magawa. Lalo lang akong nalilito. At nung inakala ko na ang
family reunion na toh ang makakapag-pagaan ng lito at pagod ko...Mali pala ako.

"...XYRUS?"

"Janine?! Anong ginagawa mo dito!??"

"O Janine, di mo kilala si Xyrus? 3rd cousin natin yan"


Chapter 25

Si Xyrus Vargas na nasa harapan ko mismo, ay sinasabi nitong sina Kuya Kaori at
Kuya Kazuo na 3rd cousin ko?!!

"But...I...PANO NANGYARI YUN?"

"Eh, it's a long story. Basta 3rd cousin natin siya"


"Janine, magkakilala kayo?"

Ha? Ah-uh...Kasi..."

"Mamaya nalang muna mga bro`s. Mag-uusap muna kami."

Hinila ako ni Xyrus palayo sa isang hindi masyadong mataong lugar para makapag-usap
kami.

"Sa tingin mo, magkakilala sila?"

"Sa tingin mo, bakit kaya tayo tinadhana na maging kambal?"

- - -

"It's an honest mistake, okay?"

"E di, ibig sabihin, wala ka talagang kaalam-alam dito?"

"Malamang. Sa tingin mo, papayay ako sa relasyon natin dati kung alam kong kamag-
anak kita?"

"Ay oo nga, sabi ko nga"

"So...This is akward"

"Kamusta kayo ni--"


Ano ba yan, sabay pa kaming nagsalita.

"Musta kayo ni Jared?"

"Wala namang "kami" eh"

"Pero nagkita kayo recently diba?"


Grabeh...Hindi lang si Jaren ang stalker ko ata ngayon >_<

"Yeah. Pero ano namang meron dun?"

"Hindi nya pa ba nasabi sayo?"

"Ang alin?"

"Hindi siya magtatagal dito. May chineck lang raw siya dito tapos babalik rin siya
sa U.S."

"U.S.?! As in United States?! As in America?!"

"Oo. Nung umalis ka, wala na raw siyang dahilan para manatili pa dito kaya sinama
na siya ng tatay niya sa U.S. Doon na siya nag-aaral"

"At nandito siya, dahil??"

"May chineck nga lang. Siguro nung nakita ka niya dito, nagpaalam yun sa tatay niya
na magtagal siya dito"
Yeah right. I doubt it.
"Teka, kailan raw ba siya aalis?"

"Sa 16 raw ata?"


Ha?! E yun rin yung araw ng prom namin ah?!

(A/N: Readers, hindi October 16 yun. Ang mga dates sa story na toh ay hindi
according sa kaparehas na days/months na in-u-update ko siya.)

Sige, Xyrus, mamaya nalang ulti tayo mag-usap ah? May kailangan lang akong gawin.."

Tumango nalang siya tapos pumunta ako doon sa pool area. Wala kasing tao dun dahil
lahat nandun sa loob ng bahay. Hawak hawak ko ngayon ang cellphone ko at
tinititigan ko lang yung contacts ko. Nandito parin yung number ni Jared pero di
ako sigurado kung eto parin ang number niya hanggang ngayon.

Press call. Press call.

Wag. Wag.

ARGH. Napindot koooo...

*RING...RING...*

TUG TUG. TUG TUG


:: sfx ng heartbeat ::

*RING...RING...*

TUG TUG. TUG TUG.

"Hello?"

Babae yung sumagot.

O, teka lang naman, wag ka munang assuming.

"...J-Jared?"

"Umm...No, it's Jyra. Na-iwan ni Jared yung cellphone nya sakin. May I know who's
calling?"

"A-ahh...ok. Sige, thank you nalang"

"Teka, sino ka--"

Binaba ko na yung phone. Nakatingin ako sa kawalan, at pinipilit kong wag mag-isip
ng kung anu-ano.
Wag ka nga kasi muna assuming.

Para malibang ako, kinuha ko nalang yung gitara ko. (Syempre dinala ko yun) Bumalik
ako dun sa pool side at nagsimula magtugtog.

{Something I said by Safetysuit}

I'm so confused
I must be losing it
This can't be right

I never knew that you could choose


To love someone then change your mind, so
I just wonder why and was it something I said?

You tell me once You tell me twice


You tell me three times wmore
Tell me everything I want to hear

And nothing more coz you know


I am on your side no matter what you do

With every consequence


It's your defense on why it's mine

And I could it if I k new


Just why I waste my time with you, so
I just have to find out

Was it something I said to you


And was it something we can't work through?
And was it something I made you do?
Or was that something you?

Nung natapos ko na yung buong kanta, nagulat naman ako ng may biglang pumalakpak.

"Galing. Pwede mag-request ng kanta?"

"Adik ka Jaren, hanggang dito ba naman sa family reunion sinusundan mo ako?"

"Hindi mo ba alam ang definition ng "stalker" ?"

"Oo na, oo na "

"Kung gusto mo namang tumigil na ako, sabihin mo lang"


Lumapit siya hanggang sa nasa dulo na siya ng pool. Nakaharap siya sakin.
"Tatalon na ako dito. Sabihin mo lang."

"Hala. HUY, adik ka na nga talaga. Bakit mo naman gagawin yun? Wala na bang silbi
ang buhay mo kapag di na kita payagang maging stalker?"
Hindi ko siya pinigilan. Mukha namang nagbibiro lang toh eh.
"My whole life revolves around you."

"What? "

Ngumisi lang siya at sa laking gulat ko...bigla siyang

*SPLASH!!!*

tumalon. O_O Tumalon talaga siya. Teka, gano kalalim ba tong pool na toh?
Napatingin naman ako dun sa parte ng pool kung san tumalon si Jaren. Nandun naka-
ukit: 10 ft.

Iniwan ko yung gitara ko dun sa may upuan at tumalon na rin. Lumangoy ako ng
lumangoy at nung binuksan ko na yung mga mata ko sa ilalim ng tubig.

Sh!t. Wala ng malay si Jaren.

Argh, ako pa nakokonsiyensya ngayon. >.<

Binilisan ko ang paglangoy at kinuha ko yung kamay niya. Kahit medyo nahirapan ako,
sinubukan ko siyang buhatin...err...kaladkarin hanggang sa nalabas ko na siya sa
pool. Hingal na hingal ako nung nilapag ko siya dun sa gilid nung pool.

Tinitigan ko lang siya.

CPR. Kailangan niya ng CPR.

Sinubukan kong alalahanin yung tamang posisyon habang ginagawa ito. 1...2...3...

Dahil sa proseso, nakandado ang mga labi namin. Nung humiwalay ako sandali, nagulat
naman ako ng bukas na pala yung mga mata niya. Gising na pala siya.

Nakatingin siya sakin nun at mukhang bitin na bitin siya. Nung bigla siyang
bumangon, akala ko dahil okay na siya, yun pala...dahil...

hahalikan niya ako.

"Janine."

Humiwalay agad ako, at nakita kong nakatayo sa may gitara ko si Jared. May katabi
siyang babae; babaeng hindi ko kilala.
Moment of silence.

Bigla namang umentra sa eksena si Xyrus na tumatakbo. Hinagilap niya yung kamay
nung babaeng katabi ni Jared, at sinabing:

"Jyra!"

Jyra? As in yung Jyra na ka-usap ko sa phone kanina?

"O bakit, Hon`?"

"`Hon`? Xyrus is your--?"

"Kilala mo si Jyra? Ang fiancee ko?"

"Fiancee?!"

Fact: FIANCE refers to the engaged man while FIANCEE refers to the engaged woman.
Chapter 26

"Yeah. Siya yung fiancee ko na ipapakilala ko sana sayo dati"

"But then...Ano pala ang relasyon niya kay Jared?"

"I'm his sister"


Stupid Janine. >_<

"Ohh. Umm..."

Yan ang napapala ng assumming.

It was an honest mistake!

"Uh, Hihiramin ko muna si Jyra. Gusto kasi nina mommy at daddy na ipakilala ko siya
sa buong pamilya."

Pinisil ni Xyrus yung kamay ni Jyra, na para bang sinasabihan niya siya na
makisakay.

"Uh-ah, oo nga. Sige, ma-iwan muna namin kayo."


At tuluyan na silang umalis.

Pagkatingin ko naman sa tabi ko...Wala na si Jaren. --WHAT? Seriously, wala man


lang nakapansin nun?! Siguro kung may mga levels ang pagiging stalker on a range
of 1-10...Level 11 na siguro si Jaren. Tsk ang galing nya!

"Aalis na rin ako."

Tumalikod na siya at bago pa siya tuluyang makaalis, nahagilap ko yung dulo ng polo
nya.

"Be my prom partner. On the 16th. Please?"

J A R E D

"Ano toh, panakip-butas para sa nakita kong kababalaghan niyo kanina?"

"H-hinde...Tsaka hindi ko na kailangang magpaliwanag sayo dahil wala kaming


ginagawang masama. Seryoso yung tanong na yun kaya kung ayaw mong pumunta, e di
wag"

S#!t. Wrong move.

At dahil nagmadali akong bawiin yung ginawa ko, binigyan ko siya ng isang desperado
pero nakakabitin na halik.

!@#$ I missed these lips.

"I'll be there..."

I kissed her forehead. I kissed her cheek. I kissed her jawbone. --And that's it.
Umalis na ako. Binitin ko siya at binitin ko ang aking sarili.

Wag nalang kaya akong umalis at bumalik ng US? Pero...Ano pa bang dahilan ko para
manatili dito? Mahal pa ba ako ni Janine?--Magkakaalaman na siguro sa 16.

--

"Ano bang meron diyan sa Janine na yan at kahit anong gawin ko e nagtatagpo parin
sila ng anak ko?"

"Hindi ko po alam, sir"

"Wag mong tigilan yang dalawang yan. Obserbahan mo pa si Janine."

"Yes, sir"

"At isa pa, wag kang madala. Trabaho lang toh, at kung may nararamdaman ka man para
sa Janine na yan, wag mong hayaang maging hadlang iyon sa trabaho mo"

"Understood, sir"

J A N I N E

15 na ngayon.
Naging busy ako buong araw. Kinuha ko yung damit ko galing sa cleaners, bumalik ako
sa hotel para siguraduhin kong ready na ang lahat. Pagbalik ko sa bahay, mga 6 pm
na, pagod na pagod na ako. Kumain muna ako at umakyat sa kwarto ko. Umupo ako dun
sa dresser ko at tinitigan ko ang reflection ko sa salamin.

Kahit pagod na ako, na-isipan kong i-practice yung gagawin kong hairstyle bukas.
Nung natapos na ako, nagulat ako nung nakita ko sa salamin si Jaren sa may bintana
ko.

"Jaren?!"

"No, it's destiny"

"Ha-ha, funny. Pero seriously? Hanggang dito ba naman, sino-stalk mo parin ako?
Hanggang sa sarili kong bahay at kwarto?"

Tinaas niya ang dalawa niyang balikat.

"Yeah, I guess so."

--Isang napakahabang nakaka-ilang na katahimikan--

"Nice hair."
Hindi ko malaman kung sarcastic yung pagkakasabi niya yun o ano kaya nag "thank
you" nalang ako. The whole while, tinititigan niya lang talaga ako. As in. Kung
ice-cream siguro ako, tunaw na ako.

Napansin ko yung chocolate bar na nasa dresser ko. Kinuha ko agad ito at inalis
yung wrapper. Kinain ko agad. Mahilig akong kumain ng chocolate pang paalis ng
tensyon. (Ito rin ang madalas kong comfort food)

"Hey, chill. You're devouring it."

Heh! Eh gusto ko ng chocolate eh-

Oh boy. May nakalimutan ako. Tuwing kumakain ako ng chocolate... nagiging hyper
ako. Crazy? No, trust me. Para akong nag-ch-character change. Para siyang switch
button to hyper mode. Para siyang...

"EH I LIKE CHOCOLATE EH!"

Yeah, something like that.

"What the..."

"Heeheeheehee"

"Um...Ayos ka lang ba?"

"OO NAMAN! KUMAIN AKO NG CHOCOLATE EH! Ikaw Jaren you ata di okay eh! Alam mo halos
wala nga akong kaalam alam sa pagkatao mo tapos lagi kang seryoso! Di mo ba alam
ang salitang "SMILE"? "
Parang mga magic words yung mga sinabi ko nung talagang nag-smile siya.

"YAAAAN! NAG SMILE NA SIYA YIIEE! Pero di parin ako kuntento! Di ko pa naririnig
tawa mo!"

"E pano ba yan, di na ako makakatawa dahil sa sinabi mo. Ma-co-conscious na ako"

"E DI PAPATAWANIN KITA! HA!HA!HA! O DI KAYA PASAYAHIN MAN LANG. DIBA DIBA DIBA?"

Hinila ko siya palabas at kinaladkad ko siya papunta sa isang park na malapit sa


bahay namin.

"Aray, ano ba? Pano na ako tatawa ngayon eh sumakit yung braso ko kakakaladkad mo!"

"SSSHH!!!"

Tinuro ko yung swing.

"You shee that? THAT! KABAYONG BUNDAT! IS CALLED A S-W-I-N-G"

"And YOU'RE what I like to call C-R-A-Z-Y. Alam kong swing yan."

"AH CRAZY! CRAZY IN LOOOVE. HAHA! JOKE! FEELER. O sige ngaaaa, kung alam mong swing
yan, dapat alam mo ring dapat inuupuan yan!"

Kinaladkad ko kulit siya at pina-upo dun sa isang swing, habang ako naman, umupo
dun sa katabing swing.

"PATAASAN TAYO HA?"

"Ang ingay mo. Para kang bata."

"Bakit mo chinechange yung topic? Di mo kaya noh?"

"*sigh* Kung hinahamon mo lang naman ako, o di sige"

Inunahan niya ako sa pag-swing.

"HOY ANG DAYA! WAAH WAIT WAIT"

Nagsimula na rin ako mag-swing. Natataasan ko na siya pero bumabawi rin siya. Waah.

"HAHAHA! O ano? Pagod ka na? Natataasan na kita o!"

" O SIGE GANITO NALANG, BIBILANG AKO NG TATLO. TAPOS TATALON TAYO AH?"

"Nababaliw ka na ba talaga?!"

"ISA....

DALAWA...

TATLO! WIIIEE!"

Sabay kaming tumalon at bumagsak sa buhangin. Oo may buhangin dun. Medyo sumakit
pero dahil nga buhangin, hindi rin masakit yung landing namin.
Tawa kami ng tawa at dahil galaw rin kami ng galaw, ngayon lang namin napansin ang
posisyon namin. Nasa ibabaw ko siya. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
Pero...

Si Jared ang na-iimagine ko.

Naalala ko tuloy yung panaginip ko. Argh.

"Sorry."

Bigla siyang bumangon at pinagpag yung damit niya.

"I have to go"

Umalis na siya. At sa di ko malamang rason, nawala bigla ang "hypermode" ko.

What's his problem?


Chapter 27

17 na.

Ay--nag skip ba ako ng isang araw? Ang panget kasi nung araw na 16 eh. Okay, di
naman sa panget pero kasi...Hay...Ganito kasi yun,

*FLASHBACK*

Napag-usapan namin ni Jared na didiretso nalang ako sa prom at susunod nalang siya.
Washu, gusto pa niya ng dramatic entrance.

So, ayun nga, dumiretso na ako sa prom. Pagkapasok ko dun sa hotel, napangiti ako.
Wala lang, parang ang sarap lang ng feeling na nag-pay off yung hardwork namin.
Ayos na ayos na ang lahat. Medyo marami ng tao at may mga tumutugtog ng mga lively
music; Yung New York by Empire State of Mind yung tumutugtog. Isa isa ko ng nakita
ang mga kaklase ko, pero ang di ko inaasahan...

"Hi Janine!"

Lumingon ako.

"Jyra??"

"Hello

Si Jyra nga. At kasama niya pa si Xyrus.

"Taga kabilang section ako. Hindi tayo masyadong nagkikita kasi ang layo ng
classroom namin sa inyo"
"AAH. Kaya pala sabi ko, parang pamilyar ka."

"Hi Janine"

Napatingin naman ako kay Xyrus. Ang gwapo niya ngayon (nagsasabi lang ng totoo)
Bagay na bagay sakanya yung tux niya.

"Uy, pinapatawag lang ako saglit. Be right back "

Ohh-kay, so na-iwan na ako dito kay Xyrus. Umm...

"Xyrus--"

"Alam kong gusto mo malaman ang totoong dahilan sa pagpapakasal ko"

>.<

"Ha? Eh, wala naman akong sinabi..."

"Si Jared yung nagpakilala sakin sakanya. Akala ko magka-ugali sila ni Jared, no
offense kay Jared ah."

"Ayos lang. I know he's stubborn"

"Yah. So maling akala pala yun. Si Jyra...Tinulungan niya akong makabangon..."

"Makabangon?"

"From that heartbroken state because of you."

" I'm sorry"

"Haha, ayos lang. Basta nung dumating si Jyra, parang bumalik yung dati kong
sarili. Nalaman naman yun ng tatay niya at sabi niya, ngayon palang kami na raw ang
gusto niyang magkatuluyan, kaya kami ikakasal. Pero hindi kami ikakasal sa ngayon,
basta parang engaged for a long ime"

"Ahh...so yun pala yung dahilan."

"Asan si Jared? Diba siya yung partner mo?"

"Susunod nalang raw siya"

"Ha? E magsisimula na o"

"Xyrus!!!"

"Sige, Janine, tinatawag na ako ni Jyra"

Tumango nalang ako at umalis na siya. Asan na kaya si Jared?


...AFTER 3 HOURS...

Wala parin si Jared. Nagsasayawan na ang lahat ng mga may partners, habang
ako...Eto...walang ginagawa. Marami na ngang lumapit sakin at niyaya akong sumayaw
pero tumanggi ako.

Jared, asan ka na ba?

Na-isip kong lumabas muna pra magpahangin, dun sa garden sa may fountain.

"Mukhang hindi sumipot si prince charming"

"Sige, mang-asar ka lang"

Pinunas ko yung mga luha na di ko na napigilan sa pagbuhos. Nung lumapit pa si


Jaren, dun ko lang napansin na formal rin yung suot niya. Hindi ko nga lang ma-
appreciate yung pagka-gwapo niya ngayon dahil...ewan ko eh...

"Bakit ganyan suot mo?"

"Isasayaw kita."

"H-ha? Pero..."

"I don't care if you want to imagine me as Jared. Just dance with me tonight.
Please?"

Tumango ako ng dahan dahan. Yung boses kasi sa utak ko eh, di na raw dadating si
Jared.

Kinuha niya yung kamay ko, pero take note, ibang iba yung mga galaw niya. Sige,
eto, i-dedetail ko. Hinaplos niya yung kamay niya sa wrist ko ng pa-ikot hanggang
sa napunta na ito sa kamay ko. Ng mahawakan niya na talaga yung kamay ko, hinapit
niya ako papalapit sakanya, saka naman pumaligid ang kabila nyang kamay sa bewang
ko.

Kahit ganun...si Jared yung na-iimagine ko. Maya maya, nag-iba na yung position
namin. Nasa bewang ko na yung pareho niyang mga kamay at nasa batok niya na yung
mga kamay ko.

Sinayaw niya ako buong gabi ng walang nagsasalita samin. Walang umimik hanggang sa
natapos na ang prom. Hay. Pinaasa mo ako Jared, pinaasa mo lang ako. Salamat,
grabe.

"Hatid na kita "

"Okay..."
Matamlay kong sabi. Hindi ko matanggal sa isip ko si Jared.

"Siguro hindi muna ako dapat mag-expect. Hindi pa ako sigurado kung bakit talaga
hindi naka-attend si Jared eh"
Yikes. Sinabi ko ba yun ng malakas? Tiningnan ko si Jaren. Mukha namang hindi niya
ako narinig. Ahh, naka-earphones kasi siya. Mabilis kong kinuha yung isang earphone
at pinakinggan ang pinapakinggan niya.

{Just so you know by Jesse Mcartney}

I shouldn't love you, but I want to


I just can't turn away
I shouldn't see you, but I can't move
I can't look away

Sinubukan niya pang agawin yung earphone pero umiwas ako, at tuloy lang sa
pakikinig.

And I don't know how to be fine when I'm not


Coz I don't know how to make the feeling stop

At dahil mukhang minamalas ako ngayon ng todo todo, naagaw niya na yung earphones
niya. Hmpf. Pero teka, bakit yun ang pinapakinggan niya?

"Ikaw ah, 'forbidden love' pala ang drama ng buhay mo"

"At bakit mo naman nasabi yun?"

"Eh yung pinapakinggan mo kasi eh"

"So? E trip ko lang eh"

Bago pa ako maka-react, paparating samin si Xyrus na hingal na hingal.

"*hingal* Teka, teka, *hingal* hahabulin ko lang *hingal* yung hininga *hingal* ko"

At pagkatapos ng ilang inhale exhale ni Xyrus,

"NA-KIDNAP SI JARED!"

...PANO YUN MAKIKIDNAP EH ANG ANG TAPANG TAPANG NUN. Hindi ako makapaniwala. May
ibang rason siguro kung bakit siya na-kidnap.

Tsaka sino naman ang gagawa nito?!!!


Chapter 28

(A/N: Still flashback mode)

"Pano toh, pano toh, saan natin siya hahanapin?! Wala tayong kaalam alam sa--ARGH
BWISET NAMAN KASI EH"
"Hindi ko rin alam eh. Basta nag-text nalang sakin si Jared na na-kidnap raw siya"

"Patingin nung text"

?!!! At bakit naman naging interesado dito si Jaren?!!! Tsk. Pero dahil binigay na
ni Xyrus yung cellphone niya kay Jaren, nakibasa na rin ako.

Quote

May mga kumuha sakin. Di ko alam tong lugar na toh. Tulong, ASAP

"...Hindi yan si Jared"

Pareho kaming napatingin ni Xyrus kay Jaren. Ako, tinaas ko lang kilay ko.

"Pano mo nasabi?"

"Basta. Pero alam ko kung saan siya dinala"

Nag-senyas siya na sundan namin siya bago tumakbo palayo. Ano bang nangyayari dito
kay Jaren? Kasama ba sa pagiging stalker niya ang pagtago ng kung anu-anong
sikreto?

ARGH. Masyado ng magulo yung mga pangyayari!!! Can someone please tell me what's
going on?!

J A R E D

Bwiset.

Para akong bata na nahuling may ginagawang kalokohan na ewan. Eto ako, naka-upo sa
kama ko at naka-sandal sa head-board. Alam kong si Dad ang may pakana nito. Sino pa
ba ang magkukulong sakin sa sarili kong kwarto?!

"Alam kong nagtatago ka lang diyan."

Sinabi ko yun sa kung sino man ang nakatago sa likod ng cabinet ko. Siguro mga
tauhan toh ni Dad. Nagulat naman ako dahil paglabas niya, babae pala siya.

" Isa ka ba sa mga tauhan ni Dad?"

"Oo. Matalino ka Jared, nalaman mo agad na ang tatay mo ang may pakana nito"

"Ha? Common sense lang yun. Siya lang naman ang magkukulong sakin sa sarili kong
kwarto e, may iba pa ba?"

"E kung hindi ka dito kinulong, paghihinalaan mo parin naman siya diba?"
"...Oo."

"Kita mo na yan. Matalino ka nga kasi...But not smart enough"

"Huh?"

"Kung totoong matalino ka at sanay ka na sa mga ginagawang ganito ng tatay mo, alam
mo na kung paano maka-alis o makatakas"

"Eh, kaya ko naman talaga e. Di ko nga lang magawa kasi, wala na akong makitang
dahilan pa para tumakas pa.."

"Bakit naman?"

"Mukhang wala na akong babalikan e. Dahil sa ginawa ni Dad, na-iwan ko yung babaeng
mahal ko, siguro hinintay niya ako buong gabi o ewan. Tsk. D@mn. Baka kung ano ng
nangyari sakanya."

"E pagkatapos naman nito, pwede mo siyang balikan kung nasan man siya"

"Paano ko gagawin yun, kung aalis na ako bukas?"

"Ah..."

Tumagal ang katahimikan, tapos nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit tapos may
inaabot na susi.

" "

"Susi yan sa pinto ng kwarto mo at ng kotse ng tatay mo."

"Ano toh, dahil naawa ka sakin? Diba nga sabi ko sayo, kaya kong tumakas. Wala na
nga lang silbi yung pagtakas na yun"

"Mahal mo siya diba? Ipaglaban mo."

Tinitigan ko ng matagal yung susi na inaabot niya sakin.

"Paano kung may nangyari na sakanya o ayaw niya na akong makita ngayon bukas at
magpakailanman?"

Natawa siya sa sinabi ko.

"E hindi mo naman alam yun e, at hindi mo talaga malalaman kung ano ang totoo kung
hindi mo susubukang alamin. Diba nga sabi nila, it's easy to raise a white flag but
it's never easy to raise one when you know that something/someone's still worth
fighting for"

". . . "

Dahan dahang nag-register sa utak ko yung mga sinabi niya tapos kinuha ko yung
susi.

"Salamat"

"No problem. Jazzel nga pala"


J A N I N E

Gabing gabi na nung narating namin yung bahay nina Jared. Eto, aaminin ko sa inyo,
lalo akong napahanga kay Jaren dahil hindi lang pala siya magaling na stalker, pati
na rin sa pag-organize ng mga rescue operations! O...baka naman kasama na yun kapag
stalker ka? Ah basta.

Si Xyrus yung nagsilbing look-out namin habang kami naman ni Jaren yung sumugod dun
sa loob. Dumaan kami sa likod kung saan inakyat namin ang maraming poste, mga puno,
at isang terrace. Nung nakapasok na kami sa loob, saktong nakita namin sa hallway
si Jared.

"Jared!"

Tumakbo kami at yinakap ang isa't isa.

"Janine...sorry"

Hinahaplos niya yung mukha ko nun. Kaso lang...ang malaking ngiti sa mukha niya ay
naglaho nung napansin niya si Jaren sa likod ko.

"Ano nanamang ginagawa ng epal na toh dito?!"

"Jared, tama na"

"Epal na kung epal, mas ayos naman yun kesa sa isang taong WALANG KWENTANG MANG-
IIWAN"

"Tumahimik ka dyan! Di mo alam yung buong kwento, wag ka nga magsalita na para
bang--"

"Ikaw, wag ka ring magsalita na para bang wala akong nagawang mabuti sayo. Ako yung
nagpangiti kay Janine nung wala ka sa tabi niya. Ako yung nagpakita sakanya na
kahit wala ka diyan, marami paring nagmamahal sakanya. At higit sa lahat, AKO YUNG
TUMULONG SAKANYA PARA ILIGTAS KA DITO."

". . ."

"Uy ano ba, tama na nga"

"O TAPOS? Sinabi ko bang gawin mo ang lahat na iyon? Ngayon, binibigyan mo pa ako
ng utang na loob, ganun ba?! HA?!
BAKIT, SINO KA BA SA BUHAY KO?!"

"He's your long lost twin brother."

Napalingon kaming lahat dun sa nagsalita at nakita ko ang isang medyo matanda na
matangkad na lalake...na kamukhan nina Jared at Jaren. Tatay nila? And more
importantly,

MAGKAPATID SINA JARED AT JAREN?

Chapter 29

(A/N: Flashback mode parin :})

J A N I NE
Ang weird ng pakiramdam. Yung para bang alam mong may dahilan kung bakit mo narinig
yun pero di ako sigurado kung bakit talaga ako andun nung mga oras na yun. Parang
siyang scene sa teleserye na pinapanood ko lang pero di ko mapigilang madala.

Si Jaren. Kapatid ni Jared. Hindi lang kapatid; long lost twin brother.

"Hindi ako naniniwala sa'yo"

Napatingin ako kay Jared. By that time, his face already looked so sullen. And his
sullenness was of anger and hate.

"Oh, but you have to, my son. Wag mo ng lokohin pa ang sarili mo, alam mo ang
narinig mo at ang ibig sabihin nun, so allow me to explain. Follow me."

Nung una parehas pa silang nagdadalawang-isip pero padabog nalang na sumama. At si


ako? Ayun. OP. >_<

"You too, Janine. Sumama ka."

Nung narinig ko yun, tila ba, bigla akong naging robot na agad agad sumunod. Ewan
ko ba, may kung ano lang talaga sa boses ni Tito Jarius (oo, alam ko yung pangalan
niya. High school friends sila nina Tita with my parents, remember? Please refer to
the first two chapters) na napaka-authoriative at commanding.

Pumunta kami sa dining area nila. Malaki yung table; mahaba tapos maraming upuan na
nakapaligid. Umupo si Tito Jarius dun sa pinakamalaking upuan sa dulo, at magkatabi
naman sina Jared at Jaren, habang ako umupo kung saan nakaharap ako sakanilng
dalawa. Sinasabi ko talaga sainyo, kahit andun parin ako, pakiramdam ko talaga
pinapanuod ko lang toh sa tv.

"Jared. Naaalala mo ba nung hindi kami nakapunta sa pre-school graduation mo?"

"I remember it very well." ,nanlilisik sa galit yung mga mata ni Jared. May
pinagmanahan pala siya sa pagiging sarcastic niya.

"At that time, hinahanap namin kasi si Jaren."

"Tss. Wala naman akong naalalang kapatid ah? Sa paglaki ko, tinatak niyo sa utak ko
na only child ako."

"Nagkakagulo sa kompanya noon nung pinanganak kayo.--"

"B*LLS**T! DAHIL NANAMAN SA KOKMPANYA?"

Magkasabay pang magsalita nun si Jared at Jaren.

"Pagbabaliktarin man natin ang mundo, tatay nyo parin ako. Respeto naman sana."
Sasabihin ko rin sana yun pero pakiramdam ko talaga, ayaw ko makisali sa usapan
nila. Parang...isang maling salita, baka madamay pa ako sa gulo.

"Yung mga g*gong traydor, tinakot kami ng mommy nyo na kukunin raw nila kayo samin.
Mag-ingat raw kami. Nung gabing yun, sinunog nila ang bahay natin. Sinubukan ko
kayo iligtas ng mommy nyo pero yung nanay niyo at si Jared nalang ang nasalba ko.
Hindi ko nakita si Jaren nun. Mabuti nalang, nung dinala ko na kayo sa ospital,
inamin sakin nung driver ko na niligtas lang naman raw niya si Jaren dahil muntik
na siyang kunin ng kung sino. Nandun ka raw, Jaren, sa pamilya nya. Sabi ko,
ipapaubaya muna kita sakanya dahil delikado pa doon."

"Pinaubaya mo lang ako sa kung sinu-sino?!"

"Mapagkakatiwalaan si Lawrence (yung driver)--"

"Lawrence. Yan yung pangalan ng kinikilala kong tatay. Pero lumaki ako sa
probinsya."

"Oo yun na nga yung problema. Nung nakalabas na ng ospital yung mommy nyo at si
Jared, bigla nalang nawala si Lawrence. Sabi sakin ng mommy nyo, siguro kusang
kinuha ka nya dahil gusto nya ng anak dahil wala silang anak ng asawa nya.
Sinubukan ka naming hanapin. Nung nahanap na namin yung bahay ni Lawrence sa
probinsya, wala na sila dun. Wala ka na dun, Jaren."

"Kailan nyo nahanap ang bahay namin sa probinsya?"

"Nung...trese anyos si Jared."

"Huh. Talagang wala na kami dun. Patay na si `tay Lawrence at `nay Fina nun. Bago
mangyari yun, may iniwan silang sulat na di raw sila ang mga totoo kong mga
magulang, kaya ayun, lumuwas ako ng Manila tapos ginawa ang lahat,
nagtrabaho...hanggang sa..."

"Nahanap kita...at kinuha bilang isa sa mga tauhan ko. Nung una palang kitang
nakita, naghinala na ako na ikaw si Jaren. Pero, kinilala muna kita, at tama nga
ang hinala ko"

Bigla namang tumingin sakin si Tito Jarius.

"Ikaw naman, hija, Janine. Ang alam ng mga magulang mo, si Jared lang ang anak
namin, kaya noon palang, nirereto na namin kayo sa isa't isa. Plano pa nga namin na
i-arrange yung marriage nyo eh. Pero bago nung araw nung school reunion, natagpuan
ko si Jaren, kaya di nalang namin tinuloy yung pag-plano ng arranged marriage, kasi
alam kong magiging karibal mo ang kapatid mo kay Janine."

"A-arranged...m-marriage..po, Tito?"

"Oo, hija. Pero kahit wala palang ganun, naging magkaribal parin sina Jared at
Jaren. Kasalanan ko rin naman e. Binilin ko si Jaren na bantayan ka, sa totoo lang,
Jaren, hindi ko pinabantayan sayo si Janine dahil ayaw ko sakanya, gusto ko lang
makita kung mahuhulog ka talaga sakanya."

"Ayos, dad. Ginawa mo kaming mga chess pieces. Well, game over. Tama na ang
paglalaro at paligoy ligoy. Ngayon na alam na namin ang lahat, ano gusto mo
mangyari?!"

"E-ehem. Janine, lumabas ka muna, hija. Saamin lang muna tong susunod na usapan"

"O-o sige po..."

Tumayo ako at umalis ng di parin makapaniwala sa mga nangyayari. Nung sinarado ko


yung pinto, sumandal ako at nag-slide pababa. Hindi ako naiiyak. Hindi ko lang
talaga alam pano mag-react.

"Janine, sweetie. "

Inangat ko yung ulo ko. Napangiti ako. Si Tita Eden (yung nanay nina Jared at
Jaren) ang tanging taong may ganun kalumanay na boses at tumatawag sakin ng
"sweetie".

"Come with me for a walk"

Sumunod ako at pumunta kami sa garden nila, yung papunta sa greenhouse. (the same
greenhouse na dinaanan namin nung 1st date namin ni Jared, kung naaalala nyo pa)
Habang naglalakad kami, may bitbit siyang photo album.

"Janine, tingnan mo tong picture na toh"

May inabot siya saking litrato na kinuha ko naman at tiningnan.

" U-uhh...tita...Kayo po ni Tito Jarius toh. Sa beach--"

Nung narinig niya yun, mabilis niyang binawi sakin yung litrato, nag-b-blush. Haha,
ang cute ni Tita.

"Ah eh, ito pala"

May inabot ulit siya. Tiningnan ko ng mabuti yung litrato: dalawang sanggol na
magkatabi sa crib.
"Sina Jared at Jaren yan. Yan ang una at huling litrato nilang magkasama"

"Hehe. Talaga po palang magkambal sila noh?"

"Ang totoo niyan, fraternal twins sila, Janine. Kaya nga napapaghiwalay mo na sila
ngayong malaki sila eh"

"Ahh..."

Hindi parin ako komportable. Pakiramdam ko, sooner or later, may sasabihin tong si
Tita Eden.

"Janine..."

"Po?"

"Alam mo naman siguro na, ikaw ang pinakapaborito ko sa mga inaanak ko, diba?"

"Hehe. Opo"

"Kaso lang...Masakit para sakin na nakikita kong nagkakaganito ang mga anak ko, na
nag-aaway sila dahil lang sayo. I like you, Janine. In fact, I like you so much
that I don't want my kids fighting over you. Kahit ano pa ang pag-usapan nila ng
ama nila, it is you who still has to make the decision."

Decision.

Choices.

It all ends up to me.

Ano nga ba dapat piliin ko? Moreover...sino?


Chapter 30
~Last Chapter

J A N I N E
"Lights...Camera...Action!"

"Kelan ka pa nagmuhkang anghel?"


"Ibig sabihin cute ako?"
"Hindi"

Naaalala niyo pa ba yung scene na yan sa Chapter 6? Yung date namin ni Jared.
Direktor na ako ngayon. At oo, ginagawa kong pelikula ung kwento namin ni Jared. Si
Jaren yung gumanap na Jared at si Hazel naman (still remember her? yung best friend
ko) yung gumanap na Janine.

Kung tinatanong niyo naman kung ano na nangyari dun sa decision ko at kung sino ang
pinili ko...

Well...

"Hoy, sa kalsada ka tumingin, wag sakin"

"Hindi naman kasi yung kalsada yung maganda eh...na may birthday"

Huh??? Napatingin ako sa set. Hindi si Jaren yung nagsalita at nakatingin lang
sakin silang lahat. Anong meron?!

"Cut!!!"

Bigla naman lumabas si Jared...teka...

SI JARED NGA!

na may dala-dalang cake. At may kasama siyang bata.

"Mommy!!!"

"Jesiree!!! Baby!!!"

Oo. May anak na kami ni Jared. Babae siya, 4 yrs. old at Jesiree ang pangalan. Para
Desiree lang pero letter J. Jeh-see-ray yung pronounciation.

Pero ang mas di ko naman inaasahan ay etong si Jared!!!


J A R E D

Gulat na gulat si Janine sa pagdating ko. Nung pinapili kasi siya ni Dad, ako yung
pinili niya pero nagpakalayo parin muna ako. Eto, konting flashback....

"Pero...bakit?"

"Kukunin ko na yung inooffer saking trabaho ni dad sa kompanya. Wag kang mag-alala,
pangako, babalik ako. At pagkabalik ko, isasama na kita sa US at gagawa tayo ng
pamilya. "

Nginitian ako ni Janine nung sinabi ko yun. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga
mata niya at alam kong naiintindihan niya iyon, kaso lang may luhang tumulo sa
kanang mata niya. Pinunasan ko iyon at yinakap siya.

"I love you, Jared."

"I love you too, Janine."

Nung humiwalay na kami, hinimas himas ko yung pisngi niya at napatitig naman ako sa
mga labi niya. Dahan dahang bumaba yung mga daliri ko, at hinaplos naman nung thumb
ko yung lower lip niya.

Dahan dahan na rin akong lumapit hanggang sa nagdikit na ang mga labi namin.

D@mn... I'll miss these lips.

At yung gabing iyon na nga nabuo namin si Jesiree. Hindi ko nga yun nalaman agad e,
si mommy lang yung nagbalita sakin na buntis si Janine. Dun ako humugot ng lakas at
inspirasyon na ipagpatuloy ang trabaho ko dun hanggang sa nakapag ipon ipon na ako.

At heto na nga ako ngayon. Hawak hawak ang cake sa harapan niya, habang si Jesiree
naman nasa tabi ko, hinihila hila ung gilid ng pantalon ko.

"Daddy, daddy..."

Lumuhod ako dahil may binulong sakin si Jesiree at napangiti naman ako sa sinabi
niya. Nung tumayo ulit ako, humarap ako kay Janine ng nakangiti ng todo.

"Pano ba yan, mukhang natupad na nga birthday wish mo, tinupad ko pa yung pangako
ko sayo"

Abot-tenga na rin ang ngiti ni Janine nung mga oras na yun.


"Just shut up and kiss me."

Kinuha naman ni Jesiree yung cake at agad agad kong hinalikan si Janine. Syempre.
Sabik na sabik na kami sa isa't isa e.

Nagsihiyawan lahat ng crew dun sa studio pati na rin sina Jaren.

"YIIIIIEEE!!!"

"AWOO AWOO! BLOW OUT! BLOW OUT!"

"Ako wen! Ako wen!"

Nagtawanan kami dun. Ang cute ng anak ko.

"Syempre naman, baby. Ikaw rin may kiss"

Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi.


Epilogue

J A N I N E

Pagpasensyahan niyo na kung wala ng mga scenes dito sa epliogue. Yun na talaga yung
huling scene dun sa Chapter 30.

So...

Happy ending na nga ba talaga?

Nakakayamot rin siguro noh? Lagi nalang happy ending. E hindi naman kasi happy
ending yun. Oo, mapapsabi kang "Weh? Di nga?"
Hindi pa naman tapos ung buhay naming dalawa ni Jared diba? Magwawakas lang ang
lahat pag namatay na kami kaya nga "ENDing" eh.

Tingnan niyo yung title: Ms. Gang Hater MEETS Mr. Gang Leader

Nakilala ko noon si Jared at hanggang ngayon parin naman kinikilala ko parin siya;
for who he is now and for who he will be. Yun nga lang, hindi na bilang gang hater
at gang leader...bilang Janine Benavente at Jared Alvarez na nga lang. And I guess
that's the best part.

Being a part of two different worlds, forming a forbidden bond, struggling through
the consequences, but ending up as one.

You see...

When a gang hater


meets

a gang leader

only the unexpected is yet to come.

And to me...it did.

You might also like