Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

INDIGENOUS PEOPLE RIGHTS

Sa ating Saligang-Batas, malinaw na nakasaad ang mga sumusunod, partikular sa Article II, Sections 11 at 22:

“Seksiyon 11: Pina­hahalagahan ng esta­do ang karangalan ng bawat tao at ginaga­ran­ti­yahan ang lubos na paggalang sa mga
karapatang-pantao.

Seksiyon 22. Kini­kilala at itinataguyod ng estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamaya­nang kultural sa loob ng balangkas
ng pam­bansang pagkakaisa at pag-unlad.”

Sa mga nabanggit na probisyon ay makikita na binibigyan ng estado ng halaga ang kasay­sayan at karapatan ng mga katutubong
Pili­pino. Ang mga katu­tubong Pilipino ay may sariling tatak sa kasay­sayan ng Pilipinas kaya sa pag-ayos ng gusot sa kanilang lugar
sa anu­mang usapin tungkol sa lupa, sila ay binibigyan ng karapatang resolba­hin ito sa ilalim ng kaugalian ng lugar kung saan
matatagpuan ang lupang saklaw ng gusot. Kapag walang kaugali­ang angkop sa sigalot, doon lamang ito maa­aring isailalim sa
pag-aayos (amicable settlement) o iakyat sa husgado.

Ang halaga nila sa kasaysayan ay binibig­yang-pansin ng estado at pamahalaan kaya bilang kabahagi ng kasaysayan ng Pilipinas,
ang mga katutubong Pilipino ay pinagkalooban ng mga karapatan sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 8371 o mas kilala sa titulong
Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 o IPRA Law tulad ng mga sumusunod:

1. Karapatang mag-angkin o magmay-ari ng ari-ariang mana mula sa kanilang mga ninuno (ancestra land). Kaaki­bat ng
karapatang ito ay ang karapatang pagya­ma­nin ang kanilang lupain at manatiling nakatira rito. Sa pag­kakataong sila ay
pa­alisin sa nasabing lupain, sila ay may karapatang mabigyan ng malili­patang lugar;

2. Karapatang ma­big­yan ng importansiya ang kanilang mga tra­disyon na may kinala­man sa usapin at relasyon tungkol sa
mga ari-arian;

3. Karapatang pana­tilihin, pag-ibayuhin at pagyamanin ang kani­lang kultura, tradisyon at institusyon;

4. Karapatang mapa­ngalagaan ang kanilang karapatang-pantao nang walang diskriminasyon;

5. Karapatang pamu­nuan ang kanilang sarili (self-governance);

6. Karapatang gami­tin ang kanilang kultura at tanggap na tradisyon sa pagsasa­ayos ng kanilang mga suliranin at gusot at
makamtan ang hinihi­nging hus­tisya;

7. Karapatang mag­de­sisyon kung ano ang kanilang gagawin para pangalagaan at pagya­manin ang kanilang mga sarili,
paniniwala, ispi­ritwal na paninindigan at lupaing kanilang pag-aari;

8. Mabigyan ng pa­re­hong karapatan, pro­teksiyon at prebilehiyo tulad ng iba pang miyembro ng lipunan;

9. Mabigyan ng pare­hong karapatan sa pagtatrabaho, oportu­nidad, serbisyo, edukas­yon, karapatan at pare­hong prebilehiyo
na tinatamasa ng iba pang miyembro ng lipunan;

10. Karapatang ma­protektahan laban sa anu­mang diskriminas­yon, pagmamalupit at pagpa­pahirap na may kinala­man sa
kanilang trabaho;

11. Karapatang tu­manggi na sapilitang mapaanib sa hukbong sandatahan sa panahon ng panloob na salunga­tan (internal
conflict), lalo na kung magagamit ang puwersang ito laban sa mga katutubong Pilipino;

12. Karapatang ma­ging malaya laban sa anumang diskriminas­yon sa pagkuha at pama­masukan sa trabaho;

13. Karapatang mai­sali ang kanilang kultu­ra, tradisyon, kasaysa­yan at adhikain sa lahat ng uri ng edukasyon, pampublikong
impor­mas­yon at palitang pang­kultura at edukas­yon;

14. Karapatang pana­tilihing sagrado, bigyan ng sapat na proteksiyon at paggalang ang kani­lang mga sagradong lugar
maging ang kanilang mga libingan;
15. Karapatan laban sa anumang eksploras­yon at paghuhukay sa kanilang lupain nang walang pahintulot ang mga
maaapektuhang katutubo;

16. Karapatang ga­win ang lahat ng serti­pikadong lupain na minana nila mula sa kanilang mga ninuno na hindi masakop sa
pagbabayad ng buwis at anumang uri ng panini­ngil maliban na lamang sa mga bahagi nito na ginagamit para sa
pang­malawakang agrikultura, komersiyal na pagtata­nim sa gubat at lupaing ginagamit para sa residential na layunin o
kapag ito ay nakatitulo na sa pribadong tao.

You might also like