Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Ang Pinagmulan ng Wika

Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo
ng mga tunog;

“lingua” nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”, na pinagmulan ng salitang Pranses na


“langue”. Kalaunan ito ay naging language.

Ang wika ay sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga
miyembro ng isang pamayanan sa pakikipag-ugnayan.

Mga Dalubhasa sa Wika

Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1)

Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
na n.

Henry Allan Gleason, Jr.

Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Cambridge Dic onary

Ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita,
at grama ka na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri
ng gawain.

Charles Darwin

Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat.

Ayon sa Genesis 2:20, magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Ayon sa teoryang tore ng Babel, sa simula raw ay iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang
ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig

Ebolusyon

Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas
sopis kadong pag-iisip. Nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan.

Batay sa teoryang Ding Dong, nagmula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan.

teoryang Bow-Wow, na ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na
nilikha ng mga hayop.

teoryang Pooh-Pooh, na ang wika raw ay nagmula sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang
tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin.

teoryang Ta-Ta, may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ang salita raw
ay mula sa mga galaw at kumpas.

teoryang Yo-he-ho, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang
magkakasama.

Sa sanaysay na isinulat ni Jean-Jacques Rousseau, ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa


pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin.

Ang Wikang Pambansa


Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa a ng bansa. Lope K. Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni
Manuel L. Quezon na noo'y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad
sa Ar kulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't hindi i natakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kas la ang siyang manana ling opisyal na wika."

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang a ng kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.

1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng
Edukasyon noon. Sa panahong ito'y higit na binigyang-halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang
Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad
ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba't ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo,
telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Kons tusyunal noong 1972 kaugnay
ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973,
Ar kulo XV, Seksiyon 3, blg. 2:

"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na


magpapa bay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino."

Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Gayunpama'y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapa bay tulad ng i natadhana
ng Saligang Batas.

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinag bay ng Komisyong Kons tusyunal na binuo ni da ng Pangulong
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Ar kulo XIV, Seksiyon 6
ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Nagbigay ng lubos na pagsuporta si da ng Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa


pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay "nag-aatas sa lahat
ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentali ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya."

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Panahon ng mga Katutubo

1. Teorya ng Pandarayuhan

Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migra on theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang
Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong duma ng
sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito, Indones, at
Malay. Ngunit bunga ng masigasig na pananaliksik at pag-aaral, ang mga haka-haka at pag-aalinlangan
ukol sa mga unang lahing nanirahan sa bansa ay un -un ng nagkaroon ng liwanag. Napabulaanan ang
teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang Musco ng Pilipinas sa
pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962. Ang natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang duma ng sa
Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na sinasabing siyang pinanggalingan ng mga Pilipino.

Tinawag na Taong Tabon (Tabon Man) ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinatayang nanirahan
ang mga unang taong ito sa yungib ng Tabon may 50, 000 taon na ang nakararaan. Kasama sa mga
nahukay na labí ng Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz,
gayundin ang mga buto ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng
pagkain sa kapaligiran. May nakuha ring mga bakas ng uling na ka bayan ng kaalaman sa pagluluto ng
pagkain.

Sa mga makabagong impormasyong nakalap noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa
Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia. Pinatunayan din nina Felipe Landa Jocano sa kanyang pag-
aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga
mananaliksik ng Na onal Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino
sa Pilipinas. Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong
Peking (Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java (Java Man) na
kabilang sa Homo Erectus. Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares
ang isang buto ng paang sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan.
Tinawag itong Taong Callao (Callao Man) na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano

Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng Pandanyuhan mula
sa rehiyong Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang La n na auster na nangangahulugang "south
wind" at nesos na ang ibig sabihin ay "isla."

May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim
Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog- Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla
ng Sulu at Celebes na nawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay
kumalat ang mga Austronesian sa iba't ibang panig ng rehiyon. Ayon naman kay Peter Bellwood ng
Australia Na onal University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa
Pilipinas noong 5,000 BC.

Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito, isa lang ang yak na ang mga Pilipino ay isa sa mga
pinakaunang Austronesian. Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas
ng bangkang may ka g. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago ang pamamaraan ng paglalayag ng
mga Pilipinong siyang naging dahilan upang kumalat ang lahing Austronesian sa iba't ibang panig ng
daigdig tulad ng Timog-Silangang Asya, Australia, New Zealand, Timog Africa, at maging sa Timog
Amerika. Ang mga Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice
terracing na tulad ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue. Naniniwala rin ang lahing ito sa mga anitong
naglalakbay sa kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa mga patay sa isang banga tulad ng natagpuan
sa Manunggul Cave sa Palawan.

Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay
nagtataglay na ng mga patakarang pangkabuhayan, kultura, at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin,
mahihinuha na sila man ay may sarili nang wikang ginagamit bagama't pinaniniwalaang walang isang
wikang nanaig sa Pilipinas noon. Gayumpaman, napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga
katutubo. May sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat na natawag na baybayin. May mga
ebidensiyang magpapatunay sa paggamit nila ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa
biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog na ng mga
mananakop na Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng diyablo. Maliban sa dahilang
iyon, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananampalatayang
Katoliko.

Dr. Henry Otley Beyer (Amerikanong antropologo)

Teoryang Wave Migra on (Ang mga Pilipino ay nagmula sa tatlong pangkat: Negrito, Indones, Malay)

Ang labi ng Taong Tabon ay nahukay sa Kuwebang Tabon sa Lipuun Point sa Quezon, Palawan, Pilipinas
noong ika-28 ng Mayo, taong 1962. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho ng a ng
pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao.

Pinatunayan ni Felipe Landa Jocano (Filipinong antropologo) na ang bungong natagpuan ay


kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas

Sinasabing ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian. Ito ay hango sa salitang La n na auster
na nangangahulugang “south wind” Griyegong nesos na ang ibig sabihin ay isla
Ayon kay Peter Bellwood, ng Australia Na onal University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog,
Tsina, at Taiwan

Ang outrigger canoe o ang mga bangkang may ka g. Austronesians din ang nagpaunlad ng pagtatanim
ng palay at ng rice terracing.
Panahon ng mga Espanyol
Pagano walang kahit anong relihiyon o hindi kaanib ng anumang relihiyon

Barbariko taong matatapang at malalakas, may marahas na pag-uugali dahil sa hindi pagiging sibilisado

Di-sibilisado walang kinasanayang kultura o walang tamang pag-uugali

Kris yanismo Ito ang naging layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga Pilipino sa kanilang pananakop
Katutubong wika ang ginamit ng mga Espanyol sa pagpapatahimik ng mga mamamayan. Pinag-aralan nila
ito at ginamit noong una sa pagpapalaganap ng Kris yanismo.

Limang orden ng Misyonerong Espanyol

1. Agus no

2. Pransiskano

3. Dominiko

4. Heswita

5. Rekoleto

Gobernador Tello noong Mayo 25, 1956 iniutos na ang mga Indio ay dapat matuto ng wikang Kas la
upang matuto ito ng naturang impluwensiya

Carlos I at Felipe II naniniwalang kailangang maging bilinguwal ang mga Pilipino. Gagami n nila ang
katutubong wika at Espanyol

Doctrina Chris ana isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo, isinulat ni Juan de Plasencia, at
pinaniniwalaan na isa sa pinakamaagang mga libro na nailimbag sa Pilipinas noong 1593.

Marso 2, 1634 Inulit ni Felipe II ang kaniyang utos na turuan ng Espanyol ang mga Indio.

Carlos II lumagda ng isang dekrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang Espanyol

December 29, 1872 lumagda si Carlos IV ng dekrito na nag-uutos na gami n ang Wikang Espanyol sa
lahat ng paaralan

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


1872 Nagkaroon ng kilusan ang propagandista. Ito ang simula ng paghihimagsik.

Andres Bonifacio I natag ang Ka punan. Wikang Tagalog ang kanilang ginamit sa mga kautusan at
pahayagan.

Rizal at mga Propagandista nakaba d na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila

Ginawa nilang opisyal na wika ang Tagalog, bagama’t walang isinasaad na ito ang magiging wikang
pambansa ng Republika.

Emilio Aguinaldo Ang namuno sa Unang Republika.Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit ng Wikang
Tagalog

Panahon ng mga Amerikano


Almirante Dewey namuno sa mga Amerikanong duma ng sa Pilipinas

Wikang Ingles ginamit na wikang panturo at wikang pantalastasan mula sa antas primarya hanggang sa
kolehiyo

Reading, Wri ng & Arithme c (3R’s) Ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit nahihirapan ang mga guro
sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral, kaya ipinagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.
Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Bernakular at tanging Wikang Ingles nalang ang ipinagamit na Wika
ng Panturo nang mapalitan ang director ng kawanihan ng edukasyon

Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon nagsasaad na tanging Ingles lamang ang dapat gami n sa
pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng paaralan

Bise Gobernador Heneral George Bu e kalihim ng Pambayang Pagtuturo. Sinabi niyang hindi kailanman
magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles, dahil hindi ito ang wika ng tahanan. Na sinang-
ayunan nina Jorge Bacobo at Maximo Kalaw

Henry Jones Ford Nagsagawa ng unang pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang Ingles. Kaniyang natuklasan
na ang Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na nga.
Najeeb Mitri Saleeby Iginiit niya na makabubu ang magkaroon ng isang wikang pambansang hango sa
katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epek bo ang paraan ng edukasyon sa buong
bansa.

Panahon ng Hapones
Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Ipinagagamit ang mga katutubong wika lalo na ang Tagalog

I nuro ang Wikang Nihonggo sa lahat ng paaralan subalit binigyang-diin ang Wikang Tagalog.

Ordinansa Militar Blg. 13 Ipinatupad ng mga Hapones. Ito ay nag-uutos na gawing opisyal na wika ang
Tagalog at Nihonggo

Philippine Execu ve Commission

Jorge Vargas i natatag upang magtaguyod ng patakarang military ng mga Hapones at propagandang
pangkultura

Tatlong uri ng Ka bayan (Junior Intermediate Senior)

Kalibapi (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) may layuning mapabu ang edukasyon at moral
na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng imperyong
Hapones

Benigno S. Aquino Sr. pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan

Jose Villa Panganiban nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-Tagalog

Kalihim Alejandro Roces Nilagdaan at iniutos na ipalimbag sa wikang Pilipino ang lahat ng ser piko at
diploma sa taong-aralan 1963-1964

Ferdinand E. Marcos Nag-utos na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino

Execu ve Order No. 210 Ito ay inilabas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, noong 2003. Nag-aatas ng
pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo ang Ingles, sa halip na ang Filipino

Wikang Opisyal Ito ay ang i nadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

Wikang Panturo wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan

Mother Tongue-Based Mul -Lingual Educa on (MTB-MLE) Opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Unang wika (L1) Ito ay ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang i nuro sa isang tao.

Pangalawang wika (L2) Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay un -un niyang natututuhan

Ikatlong wika (L3) May ibang bagong wika na naririnig o nakikilala na kalauna’y natututuhan at
nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid na nagsasalita rin ng wikang ito.

Monolingguwalismo Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa


Bilingguwalismo Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika
nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Bilingguwal Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng
dalawang wika o dayalekto

Leonard Bloomfield (1935) paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na la ba ang dalawang ito
ang kaniyang katutubong wika.

John Macnamara (1967) Ang tao ay may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa
kaniyang unang wika.

Uriel Weinreich (1953) Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na
bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal

Balanced Bilingual halos hindi na matukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika.
Mul lingguwalismo taong kayang gumamit ng higit sa dalawang wika.

Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain. Karamihan sa a ng mga Pilipino ay nakakapagsalita at
nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan

Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika

Heterogenous Pagkakaiba-iba ng wika ayon sa lugar, etniko o grupo, tao, edad, hanapbuhay, atbp.
Nagkakaroon ng baray ng wika dahil sa mga salik na nabanggit.

Baray ng Wika

Dayalek Wikang ginagamit ng par kular na pangkat ng mga tao mula sa isang par kular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan. D

Idyolek Pangkat ng tao na may sariling paraan ng pagsasalita

Sosyolek Ayon kay Rubrico (2009) – Ito isang mahusay na palatandaan ng istra pikasyon ng isang
lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa
kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.

Gay lingo o “wika ng beki” Ito’y isang halimbawa ng grupong nais mapana li ang kanilang
pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

Conyo Ito ay isang taglish na may salitang Ingles na hinahaluan ng Filipino

Jejespeak o Jejemon Conyo Ito ay isang taglish na may salitang Ingles na hinahaluan ng Filipino.
Isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki na k
kaya’t mahirap basahin o in ndihin

Jargon Mga natatanging bokabularyo ng par kular na pangkat na makapagpapakilala sa kanilang trabaho
o Gawain

Etnolek Wikang mula sa mga etnolongguwis kong grupo. Ang mga salitang napapaloob sa etnolek ay
ang mga salitang ginagamit ng mga mamamayan sa isang lugar o pangkat na likas lamang sa kanila

Register Ito ang baray ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap.

Pidgin Ito ay umusbong na bagong wika o natawag sa Ingles na ‘nobody’s na ve language’ o


katutubong wikang di pag-aari ninuman

Creole Ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar

Wika ang pangunahing instrumento o tulay ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa lipunan

Lipunan nahaha ayon sa antas ng pamumuhay

7 tungkulin ng wika ito ay inisa-isa M.A.K Halliday (Michael Alexander Halliday)

1. Instrumental – tumutugon sa pangangailangan ng tao o pagpapasya ng tao


2. Regulatoryo – kumokontrol o gumagabay sa asal at kilos ng iba. PAALALA
3. Interaksyunal – makapagpana li at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal
4. Personal – nakapapahayag ng sariling damdamin o opinyon
5. Imahina bo – malikhaing pagpapahayag sa pamamagitan ng masining na pamamaraan
6. Heuris ko – naghahanap ng impormasyon o datos
7. Imporma bo – nakapagbahagi o nakapagbibigay ng mga yak at detalyadong mga impormasyon

6 na paraan ng paggamit ng wika (JAKOBSON 2003)

1. Emo ve – pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon


2. Cona ve – upang makahimok o makapagimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos
3. Pha c – makapagsimula ng usapan
4. Referen al – wika na nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
5. Metalingual – pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo at batas
6. Poe c – masining na paraan ng pagpapahayag

You might also like