Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Dinastiyang Qin o Chin (221

- 206 BK) ay pinangunahan


ng Dinastiyang Zhou at sinundan
ng Dinastiyang Han sa Tsina.
Nang mapag-isa ni Qin Shi
Huangdi ang Tsina noong 221 BK,
ito ang simula ng panahong
Imperyal ng Tsina na nagtapos sa
pagbagsak ng Dinastiyang
Qing noong 1912. Ang
dinastiyang ito ay nag-iwan ng
isang sentralisadong imperyo na
gagayahin ng mga susunod na
mga dinastiya. Sa rurok ng
kanyang kapangyarihan, ang
Dinastiyang Qin ay may 40
milyong tao.

1|Page
Ang Dinastiyang Han (Tsino: 漢
朝; Pinyin: Hàn cháo) ang pangalawang
imperyal na dinastiya ng Tsina (206
BK–220 AD), sumunod sa Dinastiyang
Qin. Umiral ng mahigit na 4 na siglo,
ang Dinastiyang Han ay tinagurian na
unang ginintuang panahon sa
kasaysayan ng Tsina. Ito ay itinatag ng
pinunong rebelde na si Liu Bang, kilala
pagkatapos ng pagkamatay bilang
Emperador Gaozu ng Han, at sandaling
naantala ng Dinastiyang Xin (9-23 AD)
ng pansamantalang puno na si Wang
Mang. Itong hintong sandali ang
naghihiwalay sa Dinastiyang Han sa
dalawang kapanahunan:
ang Kanluraning Han o Dating
Han (206 BK–9 AD) at
ang Silanganing Han o Huling
Han (25–220 AD).

2|Page
Ang Dinastiy
ang Sui (581–
618 AD) ay
isang maikling
dinastiya ng
Tsinang
Imperyal.
3|Page
Ang Dinastiyang
Tang (Tsino:唐朝) (Hunyo 18,
618 – Hunyo 1, 907) o (618
AD-907 AD) ay isang
imperyal na dinastiya
ng Tsina na inunahan
ng Dinastiyang Sui at
sinundan ng Panahon ng
Limang Dinastiya at
Sampung Kaharian. Ito ay sa
pangkalahatan na itinuturing
bilang isang mataas na punto
sa kabihasnang Tsino, at
isang ginintuang panahon ng
kalinangang kosmopolitan.

4|Page
Ang dinastiyang Song ([sʊ̂ ŋ];Tsi
no: 宋朝; pinyin: Sòng cháo; 960–
1279) ay isang imperyal na
dinastiyang Tsino na nagsimula
noong 960 at tumagal hanggang
1279. Ang dinastiya ay itinatag
ni Emperor Taizu ng
Song kasunod ng kaniyang pag-
agaw sa trono ng Huling Zhou, na
nagtatapos sa Panahon ng
Limang Dinastiya at Sampung
Kaharian. Ang Song ay madalas
katunggali ang mga
kapanahunang
dinastiyang Liao, Western Xia,
at Jin. Sa naglaon ay nasakop ito
ng dinastiyang Yuan na
pinamunuan ng mga Mongol.

5|Page
Ang Dinastiyang Yuan (Tsino: 元
朝 ; pinyin: Yuán Cháo), opisyal
na Dakilang Yuan (Tsino: 大 元 ;
pinyin: Dà Yuán; Monggol: Yehe
Yuan Ulus), ay ang imperyo o
namamahalang dinastya sa Tsina
na itinatag ni Kublai Khan, pinuno
ng Monggol na angkan ng
Borjigin. Bagaman ang mga
Monggol ay nakapag pamahala
na sa mga teritoryo kabilang ang
ngayong Hilagang Tsina ng ilang
dekada, ito ay hindi hanggang
1271 na opisyal na ipinahayag ni
Kublai Khan ang dinastya sa
tradisyunal na Tsinong paraan, at
ang pananakop ay hindi
nakumpleto hanggang 1279.

6|Page

You might also like