Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 123

HANGING BY A

MOMENT
Property of Sarah Mae (asrah028) Rivera

Website:

http://missasrah.weebly.com/
promotional video:
http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=W7YiNoQbHbQ

Please huwag ipost sa ibang site. Maraming salamat..

Marami kayong makikitang errors o kaya mga wrong grammars,kaya ngayon palang.. patawad na! ^_^
Enjoy Reading Guys!

PROLOGUE:

Naranasan mo na bang mag karoon ng puppy love?

Yung tipong kahit kinder ka palang marunong ka ng gumarutay.


Yung kahit bata ka palang,

alam mo na inlove ka na kase may kung anong kumikiliti sa tsan mo pag nandyan na siya.

At halos mag tago ka sa kilig, sa palda ng teacher mo pag kayo ang nag kaka-partner pag may FOLK
DANCE contest sa school niyo..

Yung tipong pag may kalaro siyang iba magagalit ka. Kase Pakiramdam mo pinag papalit ka na.

Pero paano pag yung puppy love mo na yun, gusto ka na rin pala?

Saya diba?

At ang matindi pag nasa legal age na kayong pareho..

LILIGAWAN KA NA NIYA..

Ang problema,

kinakailangan niyang umalis, at tumira sa ibang bahagi ng mundo at tumira dun for 7 years.

At nangakong babalikan ka.


Sa pag balik niya,

tila ba may kung anong bagay na humampas sa ulo niya at nag bago ang pananaw niya sa buhay.. Ang
puppy love mo 7 years ago ay nag iba na.

At kinalimutan kana..

Ouch naman diba?

Ikaw?

Aasa ka pa rin ba?

O susubukan mong babatukan siya at ipapa alala lahat ng bagay na pinag daanan niyo?

Makakaya mo bang mahalin ang taong hinintay mo pag katagal tagal?

Pero yun pala may iba ng mahal.

Hanging By A Moment
written by Asrah028(miss A)

READERS, ALAM KO NAMAN NA SIRA ULO SI JANE, PERO DAHIL NAG DALAGA NA SIYA.. E
MARAMI NA ANG NAG BAGO.

Unang chapter pa lang toh.. So sana, magustuhan niyo. Malungkot ng 50% yung first chapter.
Pero promise sa mga susunod na 9 chapters.. Magiging makulit at nakakakilig na.. So ENJOY
READING GUYS! Ü

H B A M [ CHAPTER 1]

2nd week na ng pagiging Junior ko. At sa araw araw na ginawa ng Dios, maryosep.. Isa lang ang naririnig
ko. Yung kanta ng CITHM na ANGEL.

Ewan ko bat ang daming nababaliw sakanila. E sa tutuusin, majority sa mga kanta nila hindi mo naman
maintindihan.. Tsaka bat mo sila susuportahan? E hindi ka naman nila kakilala... :/

(authors note:ANGEL kanta yun ng EXO.. Ayan siya sa side.. Ü )

''DRILLON!! DRILLON! Tignan mo o!! Naka bili na ako ng bagong album ng CITHM?'' tinignan ko lang
siya ng mabilisan . At binaling ko ulit yung atensyon ko sa binabasa kong libro.
''di mo ba titignan man lang?? Tsaka alam mo bang nakipag agawan pa ako para sa album na toh??'' nag
smirk ako, at isinara na yung librong binabasa ko.

''bat naman ako mag aaksaya ng panahon at pera para lang bilhin yang album na yan?? Mag kano ba
yan??''

''550.''

''550!? Baon ko na yun ng 1week e! nako, kung ako sayo huwag mo nalang pag aksayahan ng panahon
yang mga yan. Maluluma din sila..'' sabay balik ko ng libro dun sa bookshelve sa library.

Bilang vice president ng school na toh, bukod sa grades, yung pagiging Vice ko ang second priority ko..
Kase iniisip ng iba, porke Vice President walang ginagawa. Puro yung president lang yung gumagalaw!
kaya heto ako ginagawa lahat para ma prove sa kanila na MALI SILA.

''Bakit kase hindi mo itry pakinggan yung kanta nila?? Sigurado naman ako na magugutuhan mo e.''
gamit ng hintuturo ko, itinulak ko yung noo niya.

''Ayoko sakanila! ganun lang yun. Tsaka ano namang mapapala ko sa mga yan? Papansinin kaba ng
mga niyan?? Tss..'' tumawa ito na may halong inis..
''Don't tell me hanggang ngayon hinihintay mo parin yung Clarkson na yun.. Kaya na bibitter ka?? Hello 7
years na yung nag daan. Maraming pwedeng mag bago. so MAG MOVE ON KANA GIRL! WAKE UP!!'' I
just gave her a blank expression. Nag simula na rin akong mag lakad papalabas ng library.

''Ewan ko sayo Drillon.. Basta ako, sinasabi ko sayo.. Malapit ng matapos yung high school life mo.''

''so?'' pinag taasan ko siya ng isang kilay.

''So dapat i enjoy mo. Huwag puro responsibilities mo yung iniintindi mo. Tatanda kang dalaga niyan e! O
sige na.. sa music room muna ako ha? Papakinggan ko pa tong album e! Babayu!!!'

panibhasa kase Muse siya kaya walang masyadong iniisip. Di kagaya ko..

Pumunta ako sa ssc office.. Sa labas palang naririnig ko na yung pinapatugtog nila. Ng buksan ko yung
pinto at nakita nila ako, automatic nilang pinatay yung pinapakinggan nila.

Alam kase nila na ayoko sa kanta nila.

''Uhm, Drillon.. May gusto akong i discuss sayo..'' linapitan ako nung president namin na si Natahsia.

''tungkol??'' iniurong ko yung upuan, at umupo ako.


''birthday na nang Founder next week.. nag invite kami ng mga guests. Gusto kase nina miss na mag
invite daw tayo ng artist, Para maging memorable daw yung 60th birthday ng Founder ng school.''
tumango tango lang ako.

''so sino naman yung na invite niyo??'' uminom muna ako ng c2, kanina paa kase nanunuyo yung
lalamunan ko.

''yung na invite nating guests e.. Yung.. CITHM'' sa walang ka dahilanan, naibuga ko yung c2ng nasa
bibig ko, sa mukha niya.

''Jane?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!''

''Sorry.. Sorry..'' kumuha ako ng tissue at pinunasan yung mukha niyang maganda.

''Hinde.. Ok lang ok lang.. Alam ko naman kasi na nagulat ka din.'' kumunot yung noo ko.

''Duh, ako nagulat?'' tumawa ito at kiniliti ako.


''buti napapayag niyo sila?? Diba mga busy yung mga yun??'' kinuha ko yung note book ko at nag sulat
ng lecture. ''siyempre ganun talaga.. malakas ako sakanila e.'' masayang sabi niya.

Panibhasa artistahin kaya agad napapagbigyan ng mga managers.

''Oh sige na pupunta na ako sa wash room.. mag hihilamos muna ako. Paki check mo naman yung laman
ng suggestion box oh.''

''sige.. Mamaya tatapusin ko lang toh.'' tumayo ito at binack-hug niya ako.

''thank you Jane..'' napa ngiti nalang ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.. Madalang lang kase
akong tawagin sa pangalan ko.. ''sure.. No problem..''

After din ng meeting, umuwi na ako.. Nag babaka sakali pa rin na mag reply na si Clarkson dun sa
message ko. Tinatawagan ko naman, Unattended naman yung number niya.

Si Zach naman, hindi alam kung ano ng nangyare sakanya. Lumipat daw kase ito ng bahay.. At hindi na
nag paramdam.

///////-
Pag kadating sa bahay.. Same routine.. Dumeretso na ako sa kwarto, nag bihis at nahiga na..

''Kulot.. Nasaan ka naba? Miss na miss na kita'' mag-fo-four years na din kase kaming walang
connection...

''sana huwag mauwi sa wala yung pag hihintay ko sayo...''

*ring.......

Sa gitna ng pag eemo ko.. Bigla naman nag ring yung cellphone ko. Nang tignan ko kung sino yung
tumatawag..

Unregister number..

''possible kayang siya toh???''

nagmadali akong sinagot yung tawag..

''HELLO??'' may kinse segundo siguro itong hindi nag salita.. ''hello?? Clarkson?? Ikaw ba toh??''

Inend ko na lang yung tawag.. Wala naman kasing sumasagot sa kabilang linya.. Ipinikit na ang mga
mata..
''sana bukas mag paramdamam kana...''

ONE WEEK LATER

''siyeeeet.. buti nalang talaga at officer ako. Waaaaah!!!!!!!!! Kinakabahan ako Drillon! Finally makikita ko
na si Ichirou.'' napa hawak nalang ako sa ulo ko.

''WAAAAAAAAAAH!! WAAAAAAAAAH!! WAHHHH!!!''

''sige sumigaw kapa! Hindi ako mag dadalawang isip na ipasok sa bibig mo toh! palunok ko sayo tong mic
na toh!'' pag babanta ko sakanya. Bakit ba nasa akin tong pesteng mic na toh?!

''tumawa ka naman Drillon. Kahit ngayon lang mag enjoy ka..'' tinakpan ko nalang ang tenga ko at umupo
na sa mga upuan na naka assign sa amin...

Habang nag hihintay sa 'SHITHM', napansin kong nawawala si Natahsia.. sabagay hindi na ako mag
tataka kung wala siya ngayon dito.

''ayan na! Ayan na?!!'' sigaw ni Isra. Medyo nag dim na kase yung mga ilaw.. At nag start ng i play yung
kanta nila.

*tu-tuuut*
NATAHSIA

DRILLON, ano pang ginagawa mo?? Tumayo kana.. Ikaw yung isang mag M-MC! asap!!

''bakit kaya hindi niya agad sinabi.. Naka upo na ako e!'' padabog akong nag lakad papunta sa stage.
Pinuntahan yung PIO namin. Kinuha yung programme.

Ng may tumapat ng spot light sa amin.. Aura mismo nag simula ng mag salita si P.I.O

''READY NABA KAYO?!!!!!!'' sigaw ng PIO. Kahit napipilitan, Ngumiti ako. Kailangan e...

''OO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'' the Crowed shouted

''READY NA BA KAYO!!!!!??!!!!!!'' energetic na pag kakasabi ko. Inulit ko lang yung sinabi niya.. Walang
masabi e.

''READYYYYYYYYY!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAH!!!!!'' halos mabaliw na yung mga co-students ko..


''CITHM! CITHM! CITHM!!!'' sigaw ng crowed.

''COUNT DOWN TAYO HA?!!'' sigaw na sabi ng PIO.

''5!''

''4!!!''

''3!!!!!''

''2!!!!!!!!!!!''

'' 1 !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!''

''LADIES AND GENTLEMAN, LIVE AT THE EVHS STAGE..''


''LET US WELCOME

CHENGLEI!

ICHIROU!

TINGZHE!

AND MACHK!!'' sigaw ko..

At nag ka tinginan kami ng PIO at sabay na sinabing..

''CITHM!!!!!!!!!!!!!!''

(AUTHORS NOTE:CITHM pronounce as SI-TEM)

ng isa isa na silang umakyat sa stage.. May isang lalaking pumukaw sa atensyon ko.. Kahit malayo siya
sa akin..

Hindi ako pwedeng mag kamali.. siya yun!!


si CLARKSON...

Si Clarkson!!!!!!!!!!!!!!
ng matapos na silang mag perform at mag autograph signing... Dumeretso na sila sa back stage. Nag
madali akong linapitan si Clarkson.

''KULOT!!!!!!'' yinakap ko siya, hindi ko napigilan ang sarili ko.... Nagulat lahat ng nasa back stage dun sa
ginawa ko.

''Clarkson.. Hindi mo ba ako natatandaan??? Bakit hindi ka sumasagot sa mga message ko??! Ano bang
nangyare sayo?! Nakaka bwisit ka alam mo ba yun?!!!''

nag tinginan lang sila, pati ng mga ka grupo niya. Bigla kong napagtanto na nakatingin lahat ng tao sa
amin..

''excuse me miss.. Machk ang pangalan ko. Tsaka.. Ano e.. Pasensya.. Hindi kita kakilala.'' tinanggal niya
yung pag kakayakap ko sakanya. Nakipag shake hands ito.. at tinap ako sa balikat.

''excuse me hah??'' ngumiti ito, at linagpasan ako.

HINDI NIYA AKO KAKILALA? NAG PAPATAWA BA SIYA?!

Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Clarkson na papunta kay Natahsia. Linapitan niya ito.. At yinakap.
Kitang kita sakanila na masaya silang dalawa..

Maya-maya pa'y..

''Drillon!! Drillon!''

Not now Natashia.. Please.. NOT NOW!

''Drillon.. Thank you at pinag bigyan mo ako kanina ha??'' totoo ba tong nakikita ko?? Mag kahawak yung
kamay nila...

''ahh, I would like to introduce you pala.. This is Machk.. Special friend ko. Si Jane, co-officer ko..''

linend ni Clarkson yung kamay niya sa akin.. May mga luha ng nag babanta sa mga mata ko. Pero
kailangan kong pigilan.....

''Hi...'' nag smile lang ito sa akin.. At binaling ulit ang atensyon kay Natahsia..

''thank you ha? At pinayagan mo yung request ko..''masayang pagkakasabi ni Natahsia kay Clarkson.
Ano ba toh? Kailangan ko bang mag pa-party kase...

mukha akong tanga???


''siyempre.. Malakas ka sa akin..'' sabay kurot sa cheecks ni Clarkson kay Natahsia.. Anong gagawin ko?
Bukod sa gustong mag break down ng puso.. Gusto ko ng sumabog!!!! Kailangan maka gawa ako ng
paraan.. Kailangn kong umalis sa lugar na toh..

Masyadong masakit sa dibdib ang nakikita ko..

''uhmm.. Ano, Natahsia... Balik na ako sa classroom.'' kinuha ko na yung i.d ko na nasakanya..

''Hindi ka naba kakain?? Madaming foods sa leisure room..''

''hindi na.. Busog pa ako...'' nag simula na akong mag lakad papalayo sakanila.. At habang lumalabas
ako sa auditorium.. Hindi ko mapigilang umiyak...

Kase...

ang tanga ko.

Tsaka ano naman ang panama ko dun kay Natahsia? Bukod sa pagiging down to earth, running for
valedictorian,religous, varsitarian, president, campus girl, maganda at part time job niya ang pag mo-
model, ano naman ang laban ko dun?
''Miss.. Are you ok??'' napatigil ako sa pag iyak.. Nang mag salita yung lalaking naka salubong ko. Nag
punas ako ng luha..

''Who are you?!''

''Anti-Fan??'' tumawa ito.. Kaboses niya pamandin si TOP. ''paki mo??''

tinignan ko lang ito at linagpasan na siya. Nakikita ng nag eemote ako dito.. ISTORBO!

''Miss...'' ano bang problema ng pulang buhok na toh?!!!

lumapit ito sa akin. ''ano bang gusto mo?''

''I.d mo kasi nahulog.'' pag kaabot niya sa akin ng I.D ko, nag lakad na ito ng palayo sa akin... ''teka lang!
yung ano mo!!''

''Use it.'' tinignan ko yung panyo niya.. At may naka burdang chibi dun. Kung hindi ako nag kakamali..
Siya yung nasa panyo... pero teka nga..

''SINO SIYA?''

---- whihihihihi! Tapos na ang episode one. Gulat kayo no? Hahahaha :)))
comment below kung ano ang mga reactions niyo. Ü

H B A M [ CHAPTER 2]

NAKARATING AKO SA CLASSROOM na pinag mamasdan yung panyo na ibinigay sa akin nung lalaking
pula yung buhok.

''DRILLON!!! Tignan mo oh! May autograph na yung cd ko!!!'' nag madali itong ipinakita yung cd niya. This
time tinignan ko na yung cd.

Ang tanga ko lang.. Bat ngayon ko lang napansin na kasama pala siya sa boyband na yun? Ito ba ang
parusa ko sa pagiging sobrang siryoso sa pag aaral? at nakalimutan ng maki uso at maki tsimis????

''Oh.. Bat bigla kang natulala? Ahhh.. Alam ko na, siguro na amaze ka sa performance nila no?? Siguro
naman ngayon, magiging fan kana??'' tumawa ito at sinapok pa ako.

''Gaga! Hinde.. Fan? Tssss... Mas gugustuhin ko nalang yung kanta ni Bieber kesa sa mga toh.''

''yuck.. Bieber daw.. Laos na si Bieber!'' may masama ba kay Justin Bieber??

Nang ilipat ko sa susunod na pahina yung photo book ng album..


Nakita ko yung lalaking pula yung buhok.

''Ahh.. Ano, Isra anong pangalan ng pulang buhok na toh??''

''Tingzhe yung pangalan niyan. Chinese siya, August 1st 1994 birthday yan. Blood type O, lead vocalist..
At best face siya nung nag aaral pa siya sa isang sikat na University sa China.... Baket?? Bet mo?? Uy
ha? Hindi na rin masama ang taste mo..''

pangalan lang ang itinatanong ko at ang dami niyang isinagot.. Malala na siya. -__-''

ipinakita ko sakanya yung panyo.

''nakita niya kase ako kanina.. Ibinigay niya sa akin yan.'' halos kumislap yung mata niya ng makita niya
yung panyo. Kinuha niya sa akin yun at inamoy-amoy.

''WHAT THE! BAKIT HINDI MO AKO TINAWAGAN?!!! Bat hindi mo man lang ako ipinakilala???''

''hindi ko naman kase siya kakilala.. Kaya nga tinatanong ko sayo diba??'' =___=''

''Shet lang Jane, ni hindi mo man lang kinausap?! Anong klase kabang nilalang??! Na miss mo ang
pinaka masayang part ng buhay mo..'' nag hehehe lang ako.
''ang daya mo naman e! Ikaw binigyan ka ng souvenir ng ganun ganun lang, samantalang ako.... Ibinenta
ko na psp ko maka nuod ng concerts nila.. Tapos ikaw.. Naka salubong mo lang tapo... waaaaaaah!!!
Napaka UNFAIR!!!!!!!!''

Nag simula na siyang mag lapasag.. E hindi ko nga sila kakilala diba?? Kung kakilala ko lang sila.. Edi
sana nag pa picture pa ako kasama siya.. Pero hinde e.. HINDI KO SILA KAKILALA. Pwera nalang kay
Clarkson. Na GAGO!

''Akin nalang toh ahh??'' kinuha niya yun...

''Heheheh..'' tumawa lang ako, at inagaw ko ulit sakanya yun. ''Drillon!!?? Diba ayaw mo sakanila?? Akin
nalang puhleaaase?????''

''kanino ba binigay? Sayo? O sa akin?''

''sayo.. Pero kasi..'' malungkot na sabi nito.

''Kahit anong sabihin mo di ko parin ibibigay.. Ok? Bayieeee Ramos..'' Pag katapos nun lumabas na rin
ako ng classroom. Uwian na din naman kase e.. kinuha ko lang yung gamit ko kaya bumalik ako sa
classroom...

Habang nag lalakad ako sa may corridor. Napapansin kong bawat dinadaanan kong estudyante.
Napapatigil sa pag lalakad at parang pinag uusapan ako. Hindi ko nalang pinansin kase..

WALA AKONG PAKE SA SASABIHIN NILA. Mga ibang tao kase ngayon, masyadong judgemental.
KINABUKASAN...

Maaga akong pumasok dahil may duty pa ako sa radio marié ng school namin.

''good.....'' natigilan ako ng makita ko kung sino na yung nasa loob. Anong ginagawa niya dito???

He is wearing a v-neck long sleeves na kulay white, naka tupi ito hanggang sa elbow niya. with matching
khaki pants na naka tupi din ng kaunti,then naka suot ng kulay blue'ng keds na sapatos.. Yung buhok
niya kulay red pa rin.. pinapaikot ikot niya sa kamay niya yung cap niya.

Kahit naka side lang siya ang gwapo niyang tignan!!!

''Hey.. Hello goodmorning..'' bati niya.. tumayo ito, nginitian ako.. At nakipag shake hands.. pag ka sarado
ko ng pinto.. Dire-diretso diretso lang ako sa upuan ko.

Nakaka adik ang amoy niya! >_<

''Uhmm, pwede ba kitang matanong?? Anong kailangan mo? I mean, anong ginagawa mo dito? Bat
nandito ka??'' ngumiti muna ito bago sinagot ang tanong ko. Alam niyo yung ngiti niya??

Yung ngiting makalaglag panty!!


''uhm, your supreme student president asked me if I can be your guest vj for today.. '' Si Natahsia? Aba
himala ata at nag ka interest siya sa mga lalaki ngayon???

Ano toh? Nag papalakas siya para next year siya ulit president?? Tss.. pathetic.

''Ahh I see....''sagot ko.

''hmm, I'm Tingzhe nga pala.. Nice to meet you Jane Drillon.'' linend niya ulit yung kamay niya.. Sa pang
apat na pag kakataon.. Ngumiti nanaman siya.

''Ulitin mo nga pangalan ko??''

''huh????'' gulat na pag ka sabi niya, at bakas sa mukha niya na puzzled na puzzled siya..

''auhmmm... I mean, Bat kakilala mo ako??''

''Naka post kase yung pangalan mo dun..'' itinuro niya yung bulletin board. Kung saan naka post yung
mga naka assign na Dj every day. Tumango nalang ako at nag start na..

After ng duty ko sa R.M lumabas na kaming dalawa.. Isinakbit ko na yung bag ko... Kahit kase na gwapo
siya.. Wala akong interest sakanya.

''Sige.. Mauna na ako.. May klase pa kase ako. Ingat nalang..'' nag paalam na ako dito.. ''Ayaw mo bang
ihatid kita sa classroom mo?''
''hah?? e.. Huwag na! Baka mamaya, saktan ako nung mga taga hanga mo.'' pag tatanggi ko. Ikinabit
niya na yung sumbrero niya. Isinuot niya na din yung ray ban niyang vintage.

''No, mababait naman sila... Tara? Tsaka namiss ko na kase yung pag schu-school..''

''okay..'' sagot ko.. Nauna akong mag lakad, sumunod naman siya. Nasa may side ko siya.. At sabay
kaming mag lakad. Naka yuko lang ito.. Samantalang ako naka Chin up.

Sabagay, hindi naman ako artista.. Artistahin lang. So bakit ko pa gagawin yung ginagawa niya..

''O M!! Si...'' napatingin ako kay Tingzhe at inayos niya ang sumbrero nito. Kase naman e!!!

''TINGZHEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!'' at napa bite sa lower lip niya.. ''sorry..'' napa pikit nalang ito..

nang marinig naming may sumigaw sa pangalan niya.. Nag ka tinginan lang kame. Hinahuwakan ko yung
isang kamay niya....

''where are we going??''

''mamaya kana mag tanong! Kailangan nating umalis dito. Masyadong dangerous ang mga fans niyo..''
nag madali kaming tumakbo, tutal din naman malapit lang yung SSCO dito.. At naniniwala akong, doon
lang ang safe place na pwedi niyang pag stay-yan.

Pina-una ko siyang pumasok, kung nag kataon kase.. Dios ko.. hindi ko alam kung anong mang yayare
sa akin.

Pag ka lock ko sa pintuan.. Napasandal ako dun, akala ko kase hindi kami makaka abot. Nakakatakot
sila!

*pagggg!pagggggg!paaggggggggggggg!!!*

''ano ba naman tong mga babaeng toh! Kung maka katok parang wawasakin na yung pintuan.. Tsss
kailangan silang mabigyan ng warning slip.''

''sorry..'' lumapit sa akin si Tingzhe.

''sa susunod huwag ka ng pupunta dito. Kahit itago mo yung katauhan mo wala ka paring lusot sa mga
Fans.. Tsaka isa pa.. agad ka nilang mapapansin kase yang kulay ng buhok mo!'' napahawak ito sa
buhok niya..

(AUTHORS NOTE!!!

TINGZHE pronounced as TING-XE)

''OMG!!!!!!!!!!'' napatingin kaming dalawa sa sumigaw... Nako po.....


''TINGZHE!!!!!!!!!!!!!!'' Bago paman siya tuluyang maka lapit kay Tingzhe.. Humarang ako sa harapan niya.
At hinipan ang pito ko.

''aray ko naman...''

''OFF LIMITS.. BAWAL LUMAPIT SAKANYA.'' napansin kong may lumabas na masamang aura kay Isra.
Pero hindi ako tinatablan nun..

''Isra.. Umayos ka nga! Tinatakot mo e!'' ng matauhan na ito.. Pumirmi na at kumuha ng mauupuan ni
TingZhe..

''Hello..'' halos kumislap ang mata ng Isra ng kausapin niya si Tingzhe. ''hi...'' sabay smile nito..

''Uhmm tumawag na ako sa guards quarter. At papunta na sila ngayon dito. Kailangan mo ng umalis!
Makaka gulo ka sa mga students.'' sabay tingin ko sakanya.

''Drillon, bakit naman pinag tatabuyan mo? Minsan lang yung may dumadalaw na ganto sa school.. Right
Tingzhe???'' ngumiti lang ito kay Isra. At obvious naman na natatakot siya dito.

maya-maya pa'y pumasok si Natahsia.. Kasama yung iba pang member ng CITHM. Hindi maiwasang
manikip ng dibdib ko pag nakikita ko silang mag kasama..

''Hey Dee! Kailangan nating pumunta sa pictorial nila, after nun diretso tayo sa bahay..'' sabay lapit nito
sa akin, at abot nung isang record book.
''alam mo Natahsia? Gusto mo talagang ginugulo yung mga tao dito sa school ano??'' napakunot ito ng
noo..

''hah?? What do you mean???''

''look, alam mo namang marami silang taga hanga sa school natin tama bang papuntahin sila dito ng
normal na araw?? I mean class hour?????'' tumawa ito.

''chill Dee, minsan lang naman ako mag invite ng stars.. At isa pa.. Wala namang masama na imbitahin
ko sila diba? Mga kaibigan ko sila..'' pinag mamasdan ko lang si Natahsia.. Hanggang sa nabaling ang
tingin ko kay Clarkson.

''pwede bang sa susunod na mag imbita ka ng mga artista dito o kahit sino pamang mga kilalang tao..
Pwedeng hingin mo muna yung mga reactions namin????''

''Ano bang pinuputok ng butchi mo diyan??'' tanong ni Clarkson. Anong isasagot ko???

''Its none of your business.. Di ikaw yung kinakausap ko..'' bakas sa mukha nito ang pagka bigla.

''Ano namang ikinagagalit mo?? Kung galit ka pwedeng huwag mo ng idamay ang lahat? Kung galit ka..
Edi magalit ka!''

''SINUNGALING!'' sabay walk out ko sa SC office.. Nag tungo sa radio marié at nag labas ng sama ng
loob..
''E kung sabihin ko kaya sakanya kung gaano kasakit mag mukhang tanga?!''

''sabi ko na nga ba.. Ikaw nga si Jane Drillon. Ang kababata ni Mahck.'' napatigil ako sa pag iyak ng
marinig ko nanaman yung boses niya. Teka.. Ibig bang sabihin nun...

Kakilala niya na ako simula't sapul pa lang???

''hah?? Anong ibig mong sabihin??'' may kinuha ito sa wallet niya.

''ikaw toh diba??'' kinuha ko yung litratro.. At yun yung picture nung unang nag ka sundo kami. ''bakit
nasayo ito??'' tumawa ito..

''how come hindi mo ako nakikilala? You used to bully me back then..'' bully??? Ako?? Sa sobrang
salbahe ko ng bata ako.. Hindi ko na matandaan kung sino lahat ng binully ko.

''bully? Hindi kita kakilala.. Mabait kaya ako nung bata ako!!'' pag dedepensa ko sa sarili ko.

''hmm sige, ganto nalang.. Para maalala mo. nung bata pa tayo binigyan mo ng glue yung upuan ko. At
madalas mong binibigyan ng bubble gum yung buhok ko. Kaya, kahit ayaw ko.. Nag pakalbo ako.''

''O MY GOD! Lim ikaw naba yan??'' ngumiti ito. ''ako nga...''
TingZhe Lim ang buong pangalan niya. Naalala ko na!

''Ikaw yung dalawang linggo lang sa school diba? At nag transffer ka din after mong mag pakalbo
diba?!??'' tumango ito.

''Nakita ko yung nangyare..'' napa look down ako. Kase back to reality nanaman..

''He was denying you? Right?'' hindi na ako maka sagot. Kase kung mag sabi ako ng ibang dahilan..
Parang linoloko ko lang yung sarili ko.

''Alam mo ba kung anong nangyare sakanya? Bat.. Bat bigla siyang naging ganun??? I mean bakit siya
nag bago??''

''Hindi ko rin maintindihan. Basta ang inulit ulit niyang sinabi sa amin... Galit daw siya sa mundo.'' galit sa
mundo?? Ano kaya ang dahilan??

''Bakit magkakilala niya si Natahsia?? Anong meron sakanila??''

''huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko.. Pero.. Si Natahsia yung secret girlfriend ni Machk.'' secret
girlfriend...

Secret girl friend.........


''tumahimik ka??'' ngumiti lang ako.. Ikaw kayang lumagay sa posisyon tignan ko lang kung makaka imik
kapa.

''masaket??''

alam mo yung pakiramdam na nasasaktan ka na nga.. Pero tinatanong kapa?! Hello!!??! Obvious naman
diba?? Ano ba ako?? gawa sa bato para hind masaktan?!

Tumayo ako.. At dahan dahang nag lakad papalayo sakanya.

''Tutulungan kitang mabawi mo siya..''

''bakit pa?'' lumingon ulit ako sakanya..

''hindi pa naman ganun ka tinde ang damage sa utak niya. Kaya pa nating remedyuhan yun. Bukas may
mall tour kame.. At after ng mall tour may swimming party kame sa isang private resort, pupunta si
Natahsia.''

''o? Tapos anong gagawin ko??'' ngumiti ito at binulungan ako..

''basta ako ng bahala dun. Sisiguraduhin ko sayong babalik siya sayo..''


ano kayang binabalak nitong lalaking toh? Papayag ba ako sa gusto niya? O aayaw????

HBAM3

JANE

''CITHM! CITHM! CITHM!!!!'' cheer ng mga tao habang nag pe-perform sila stage.. Samantalang kaming
tatlo ni Natahsia, Isra at ako ay nag hihintay sakanila dito sa loob ng backstage..

''grabe, hindi ko expect na isasama mo ako. Sarap lang ng pakiramdam na abot kamay ko si Ichirou''
sabay ngiti ni Isra habang pinag mamasdan niya yung VIP id niya. ''tapos mamaya.. Kasama pa ako.. I'm
so lucky to have you talaga...'' sabay yakap sa akin ni Isra.

''uy Drillon, huwag mong ipag kalat sa iba na isinama ka hah??'' ohh please Natahsia.. Hindi ikaw ang
nag invite sa akin kaya pwede ba. :/

Pagkatapos nun tumayo si Natahsia, lumabas.. Kung hindi ako nag kakamali.. nanunood siya.

''Jane.. Akala ko ba ayaw mo sakanila?? Bat bigla bigla, sumama ka?? Bute hindi ka tumanggi sa alok ni
Natahsia??''

''tss, hindi naman siya yung nag invite sa akin. Si TingZhe.'' sabay kabog niya sa akin. Naka ng!

''ibig sabihin ba nun?? Liniligawan ka niya??'' ipinantakip ko yung palad ko sa bibig niya. ''Sira, hinde..
Hindi kagaya ng iniisip mo. May gagawin lang kame.. Kay---''

''don't tell me.. Mag....'' bago niya pa tuluyang matapos yung sasabihin niya. Sinapok ko na siya.
''Hindi yun! Ikaw ha.. Kung ano ano yung naiisip mo. Basta, mamayang gabi ko nalang i kwe-kwento
sayo.''

''bakit hindi pa ngayon??''

''tatahimik ka? O bibigkwisan kita?!''

''tatahimik.''

di rin nag tagal pumasok na sila.. Ano pa nga ba yung bago?? Mag ka hawak pa rin yung mga kamay
nila. Samantalang si Isra, napakabilis nawala sa tabi ko..

Pag katapos ibigay ni TingZhe yung jacket niya, kung hindi ako nag kakamali.. P.a niya, linapitan niya
agad ako.

''ready kana ba sa balak natin??'' tumango ako.

''paano kung hindi mag work.?'' pag aalala ko.

''Basta ako bahala...'' sabay tap nito sa balikat ko..


Pag katapos ng landian at lahat lahat.. Dumeretso na kame sa parking lot... As usual, mag katabi sila.
Kung pwede lang mag goma-goma yung kamay ko sasabunutan ko yang pesteng Natahsia na yan.

''Annyong Haseyo Noona.. Chonun Hyun Soo-imnida..''

''pasensya kana.. Hindi ko naiintindihan. Do you speak english??'' tumawa ito..

''Nag tatagalog naman ako.. Gusto ko lang mag korean..'' sabay ngiti nito sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang gawin toh. Sabagay, sino bang nag paka tangga at
umasa na babalikan pa niya ako?? Lalo na ngayong abot kamay na siya.

Ng nasa venue na kami..

Dumeretso kami agad sa kwarto namin.. Habang inaayos ko yung mga gamit ko. Hindi tumitigil si
Natahsia na ngumiti at mag kwento.

''Natahsia.. ang swerte mo naman yung boyfriend mo artista.'' sabi ni Isra..

''maswerte? Siguro.. Pero nakaka sigurado kaba na ikaw lang yung girlfriend nung lalakeng yun?! Alam
mo naman kase yung mga lalake ngayon, minsan pinag sasabay sabay yung mga girlfriend nila. Huwag
kang masyadong mag paka-kampante Natahsia.'' pag sabat ko.

''tapos kana??'' na iinis na sabi nito sa akin.


''wina-warningan lang naman kita e.''

''ang sabihin mo na iinggit kalang. Right Isra??''

''oo nga Drillon, huwag ka ng masyadong high blood sakanila.. Liniligawan ka naman yata ni Ting Zhe e.
Okay na yun!''

''really? Liniligawan siya ni TingZhe? That's nice.. Mabait yun. Sobra.. Pero mas mabait si Machk..'' nag
form ng fist yung kamay ko.. Hindi kase nila ako naiintindihan.

*beep.beep*

''akong mag bubukas.'' pag bobolontaryo ni Isra.. mabilis itong naka tayo at binuksan yung pintuan.

''Ohhh.. Machk hinahanap mo si Natahsia??.'' tumigil ako sa pag aayos ng gamit ko ng marinig ko ang
pangalan niya.

''ready kana babe??'' tanong ni Clarkson kay Natahsia.

''hindi pa.. Pasok ka muna.. Mag bibihis muna ako.''

''sabay na ako sayo!'' sabi ni Isra.


''sige.. Ikaw Jane hindi ka ba sasabay?'' umiling lang ako.. At itinuloy ang pag aayos sa gamit ko. Nang
maka pasok na sila sa banyo, tuloy pa rin ako sa pag aayos ng mga gamit ko.

''kamusta kana?'' nang marinig ko siyang mag salita.. Nanlamig yung katawan ko. Pero kailangan ko
siyang tiisin. Baka pag umiyak ako sa harap niya, isipin niya hanggang ngayon may nararamdaman pa
ako sakanya.

Pero.. Meron naman talaga e. Tanga nga ako diba?!

''Jane..'' nararamdaman kong papalapit ito sa akin..

''huwag mo akong lalapitan diyan ka lang. Hindi tayo mag kakilala.'' please God, give me enough strenght
para hindi siya pansinin.

''pasensya kana kung ganun yung nangyare. Sana maintindihan mo..'' tumayo ako at hinarap ito.

''diba nga.. Hindi tayo mag ka kilala? So wala kang dapat I explain.'' nang mag kuros ang mga mata
namin, gusto kong umiyak.. TT__TT

''Per----'' hindi natuloy ni Clarkson yung sasabihin niya. Dahil lumabas na sina Isra at Natahsia.

''excuse me.'' kinuha ko na yung damit ko at mabilis na pumasok sa banyo. Pag ka lock na pag ka lock ko
ng pinto, hindi ko na napigilan pa yung sarili ko.
NOW PLAYING:DO YOU KNOW-SOMEDAY

''Jane.. After mo diyan.. Diretso kana sa pool ha?'' pag papa alam ni Natahsia..

''OO!'' sigaw ko, pero dire-diretso pa din yung luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

Sa totoosin parang suicidal na tong ginagawa ko e. Pero may mali din naman kase ako, masyado akong
nag expect. Masyado akong nag assume.. Masyado akong nag tiwala.. Kaya ngayon, masyado kung
masaktan ako.

Nang kumalma kalma na ako..Lumabas na din ako, at dumeretso na sa pool.

''Jane..'' linapitan agad ako ni TingZhe. Nag smile naman ako dito..

''Umiyak kaba??''

''hah?? Hindi aahh.. Ano, nag hilamos ako. Tapos nabigyan ng bula ng body wash yung mata ko.. Kaya
ayun..'' mukhang na convince ko naman siya.

''tara.. Punta tayo dun sa loob. Kumakain sila..'' pag yaya nito sa akin. Pero tumanggi ako..

''hinde, busog pa ako e.''

''drinks?? Gusto mo ikuha kita??'' tumango nalang ako.. ''sige.. ikukuha kita, diyan ka muna hah??''
''ge..'' mailking sagot ko.

habang nakatayo ako malapit sa pool. May kung sinong nag takip ng mata ko..

''sino ka?!'' kinapa kapa ko kung sino ito.. naramdaman kong may humawak pa sa wrist ko.. pati sa paa
ko. Nang tanggalin niya yung pag kakatip ng mata ko, nang makita ko kung sino yung humahawak sa
akin..

Sina Hyun-soo at Ichirou! Tumatawa sila.. Hindi ako maka palag dahil buhat buhat nila ako.

''one...''

''two..''

''HINDI AKO MARUNONG LUMA----''

''THREE!!!!!''

nang bumagsak na ako sa tubig, agad pumasok yung tubig ng pool sa ilong at naka inom pa ako ng
napaka raming tubig! Tinakpan ko yung ilong ko at pinilit kong lumangoy papataas pero hindi ako
lumulutang! Mamatay naba ako???

Nang ipipikit ko na yung mata ko.. May nakita akong isang lalake.. Papalangoy sa akin.. Tinapik-tapik
yung mukha ko.. inalog alog ako....
At..

At..

Hindi ko na alam.

CLARKSON

''sino bang pwedeng mapag tripan at pwedeng itulak sa pool??'' sabi ni Ichirou habang nag hahanap ng
tao sa paligid ligid.

''oo nga! Yung tipong hindi niya alam!'' dagdag pa ni Hyun-soo

''ayan.. Si Drillon! Sakto ohh papunta siya sa pool.'' nag katinginan sina Ichirou at Hyun-soo.

''AYOS!'' ng mag ka apiran sila.. Mabilis nilang nilapitan si Jane.

''Machk.. Tuloy ba yung date natin sa saturday??''

hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon niya.. Marunong ba siyang lumangoy???


''Machk..'' winave-wave ni Natahsia yung kamay niya sa mukha ko. ''ahh yeahh..'' sagot ko nalang dito.

ng maitulak na nina Ichirou at Hyunsoo si Jane sa pool. Sigaw naman ni Isra yung narinig namin.

''HINDI SIYA MARUNONG LUMANGOY!'' hindi ko mapigilang tumakbo at sagipin siya.

''Kaya na nina Ichirou yan..'' hinawakan ako ni Natahsia sa braso.

''Kailangan ko siyang...''

Pero huli na.. Agad na nag dive si TingZhe at iniahon si Jane. ''wait lang kukuha akong towel sa loob...''
sabi ni Natahsia.

mabilis akong tumakbo papunta sakanya..

''Jane!'' tinapik tapik ni TingZhe yung pisngi ni Jane.

''JANE!!!'' pero hindi pa rin ito nagigising..

''anong gagawin mo??'' tanong ko kay TingZhe. Hindi niya ako sinagot, at minouth to mouth niya ito.

Pagkatapos i-ubo ni Jane yung tubig na nainom niya.. nagising na si Jane.


''Mga gago kayo! Bat kailangan nyo pang gawin yun?! Paano kung namatay siya!?!'' sabay batok sakanila
ni Chenglai.

''malay ba naming hindi pala siya marunong lumangoy? Tsaka 5 feet lang naman yan e!'' panga-
ngatwiran pa ni Ichirou.

''Tanga kaba?! Hindi mo nakikita 8feet ang lalim ng swimming pool na toh?! hindi kaba nakikinig kaninang
sinasabi nung owner ng resort na toh?!?!''

''Tumigil na kayo. Mamaya ko na kayo kakausapin'' pag babanta ni TingZhe. ''dadalhin ko muna siya dun
sa kwarto ko.''

''SA KWARTO MO?!'' sigaw nilang lahat.

''oo. Dun muna siya.. Babantayan ko.'' binuhat ni TingZhe si Jane.. ''Tulungan na kita..'' sabi ko dito.

''hindi na bro.. Salamat nalang. Isra, magdala ka ng damit niya, at bihisan mo siya. Room 38 sa 2nd floor..
Sa may righ side.'' tumango itong si Isra at nag madaling pumunta sa kwarto nila..

Habang buhat buhat ni TingZhe si Jane, gusto ko din siyang buhatin. Pero sa sitwasyon ngayon, wala
akong karapatan..

Kase may kasalanan ako….


*Sighs*

SUPER MEGAH ULTRA SORRY DAHIL ANG TAGAL BAGO KO NA UPDATE YUNG HBAM,
NAWALA KO KASE YUNG DATING MEMORY CARD KO KUNG SAAN NAKA SAVE YUNG MGA
UPDATES.

HINDI KO ALAM KUNG NAWALIS BA OR SAAN NAPADPAD. =(

[H B A M] 4

JANE

Nang magising ako sa hindi pamilyar na lugar.. Napabangon tuloy ako ng di oras.

''Gising kana pala. Tamang tama lang yung pag ka dating ko..'' inabot sa akin ni TingZhe yung gatas na
nasa baso.

''nasaan ako?? Nasaan sina Isra??''

''nasa kwarto kita.. sina Isra, siguro natutulog pa yung mga yun sa mga oras na toh.'' edi ibig sabihin
nun....

''ohh.. Huwag kang sumigaw. Hindi naman ako dito natulog, natulog ako dun sa kwarto nila Ichirou. Dito
muna kita pinatulog para may mag bantay sayo.. Pag katapos ka kasing bihisan ni Isra.. Natulog ka.''
napa kamot nalang ako..
''ganun ba? Pasensya kana pala sa abala....'' nginitian ko lang to ng pa-alangan.

''hmm, salamat ha?'' kumunot ang noo nito at dahan-dahang ngumiti.

''wala yun.. Alam mo bang nag alala sayo si Mahck kagabi? Pabalik-balik siya kagabi dito.'' pabalik-balik?
Anong masamang hangin ang nalanghap niya at napad-pad siya dito? Posible kayang nag alala din siya
sa akin??

Pero, bakit? Diba dapat si Natahsia lang yung inaalala niya?? Tapos ngayon, ang labo niya!

''GoodMorning!'' biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Ichirou na kasama si Hyungsoo.

''Uhm, Sorry pala last night. Hindi ko naman alam na hindi ka pala marunong lumangoy. Akala kase
namin na sporty ka.. Yun pala, di ka marunong.'' pag papaliwanag netong si Ichirou.

''sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.'' Sabi naman ni Tiangzhe.

''Anyway, muntik ko ng makalimutan. Baba na daw tayo kakain na...'' sabi ni Hyungsoo.

''Ikaw Jane, diyan ka muna. Mag pahinga ka muna daw diyan.'' sabi naman ni Chenglai. ''dadalhan ka
nalang namin ng pag kain.''

''Hinde, kaya ko naman. Tsaka okay na ako.'' tatayo na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Tingzhe.
''hindi kapa okay. Hinatayin mo nalang ako.. Okay? Mahiga ka muna diyan. Babalik din ako.'' wala na
akong magawa kung hindi hintayin nalang siya.

Habang nag hihintay kay Tingzhe, chineck ko muna yung cellphone ko kung may nag text. Pero Wala!
Maliban sa mga group messages na galing sa ibang tao, 'tas wala na nun.

Suddenly,

''Heto na yung breakfast mo.''

''bat ang---'' natigilan ako sa pag sasalita ng makita ko si Clarkson na dala-dala yung tray ng breakfast ko.

''Nasaan si...''

''Inutusan siya nung manager namin para samahang bumili ng props yung road manager namin. Kaya
ako yung nag dala ng breakfast mo.''

''ahh.. Ganun ba?'' bumalik ako dun sa bed, dahil sobrang awkward ng atmosphere.

''Yeah.'' linapag niya yung tray dun sa may bed.


''kain kana.'' kinuha ko lang yung spoon and fork sakanya. At pinag masdan yung pag kain na dinala niya.

Nanatili lang kaming tahimik. Walang imikan, di tulad ng dati. Sapukan asaran at kung ano-ano pang ka
tangahan na pwedeng gawin.

''Jane.. Gusto ko sanang mag usap tayo.'' napahigpit yung hawak ko dun sa kutsara.

''gusto ko sanang malaman mong.....''

''Malaman? Yung??'' nag kunwari akong walang alam. Dahil sa totoo lang, ang dami kong gustong
itanong sakanya.

At sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan uumpisan.

''reason kung bakit ako naging ganto.'' hindi ako kumibo.. Hinayaan ko lang siyang mag kwento.

''9 years old ako nun nung ma admit ako sa hospital, dahil ilang araw na akong lina-lagnat. Ilang araw din
akong walang kasama sa kwarto, dahil alam mo naman kung gaano kabusy yung mga magulang ko..
Hanggang sa isang araw, nakita ko si Natahsia. Nasa kabilang room siya, pareho kami..'' So, sa ibang
bansa pa talaga sila nag kakilala?

''actually, parang nakikita ko yung katauhan mo kay Natahsia, nung mga panahon na miss na miss kita.
The way na paano mo ako insultuhin? The way na suntukin mo ako parehong pareho kayo. She even
buy me yougurt drinks tuwing nag kaka barya siya.'' matawa-tawang sabi neto sa akin.
''yun nga lang may kaibahan kayo.. Ikaw di marunong umiyak.. Siya iyakin. Lagi kase siyang nasa
hospital nun.. Laging naka swero, pag umaalis ako.. Umiiyak siya. Kaya simula nun naging close kami..
Halos sakanila na ako tumira. '' so? Anong point?! Anong kinalalaman ni Natahsia para kalimutan mo
ako? At i deny ako sa mga friends mo?!

''Hindi naman talaga kita gustong saktan. Pero nag promise lang kase ako kay Natahsia na pag dumating
kami sa tamang edad, liligawan ko siya. Kase, pag sinasabi ko yun.. Tumatahan siya sa pag iyak. Alam
ko naman na maiintindihan mo e, atsaka, alam na din ng magulang niya na ganun yung mang yayare.
Hindi ko na nasabi sayo, kase.. Alam ko naman yung mararamdaman mo.'' hinawakan niya yung kamay
ko. Ayokong mag salita muna.. Dahil ayokong umiyak sa harapan niya.

''Jane...''

''Edi congrats.'' sabi ko sakanya.. At tinanggal ang pag kakahawak neto sa kamay ko.

Tignignan ko siya sa mata, para malaman niya kung gaano kalaki yung galit ko sakanya.

''Congrats kase naghintay pala ako sa wala. Alam mo, dapat inabisuhan mo ako e.. Ng hindi ako nag
hintay ng ganung katagal. 7 years?... Sa 7 years na yun, sana naisipan mong ikwento sa akin. Nag
mukha pa akong tanga e, salamat hah?'' nginitian ko ito, at kumain nung tinapay.

''Alam ko naman na mali ako e. Na hindi ko sinabi sayo..''

''Hinde, okay lang. 7 years lang naman yun e.'' sabi ko habang tuloy padin ako sa pag kain nung tinapay.
Naka smile pa nga ako sakanya e.
''ok tayo?'' sabi niya sa akin. Sarap niyang sakalin..

hello, halos durog-durog na yung puso ko, 'tas tatanungin mo ako kung okay tayo? Adik kaba?!

''Mapapatawad mo ba ako??'' nginitian ko siya yung ngiting may halong luha sa mata.

''sa tingin mo ganun lang kadaling patawarin ka? Kung maibabalik mo yung 7 years na pag hihintay ko
sayo.. Sige, Baka sakaling patawarin pa kita.''

''Jane.. Anong gusto mong gawin ko mapatawad mo lang ako??'' pag mamakaawa neto sa akin.

''LUMAYAS KA SA HARAPAN KO. HUWAG MO AKONG KAKAUSAPIN.''

''Pero..''

''KUNG HINDI MO KAYA, AKO NALANG ANG LALAYAS SA HARAPAN MO. The more na nakikita kita,
the more na ipina-aalala mo kung gaano ako nag pakatanga kaka hintay sayo.'' nag punas ako ng luha at
tumayo.

''dapat nakinig nalang ako sa sinabi ng ninang beki ko e. Na kinalimutan mo na ako. Ako lang naman
tong mapilit na, naniniwala na babalikan mo pa ako. Pero ngayon, natauhan ako.. Salamat sayo.''

Sakto namang papalabas ako ng kwarto papa-pasok si Natahsia.


''Uy, Jane. Bat umiiyak ka?? Okay kalang ba??'' tinignan ko lang ito.

''Ano? Okay kalang??'' tumango ako, at yinakap ko ito.. Pagkatapos ko itong yakapin, lumayo na ako
kung nasaan siya.

Ang daya-daya niya! Ako yung una niyang nakilala e, pero, bakit si Natahsia yung linigawan niya?

Diba dapat kung sino yung una mong minahal, siya yung magiging first at last priority?? Pero bakit
ganito??

''ang tanga ko.'' sabi ko sa sarili ko, habang papalabas ako ng resort.

Sakto naman pag ka labas ko ng resort papasok si TingZhe. Tumakbo ako papunta dito, at yinakap siya.

''sige.. Iyak ka lang..'' sabay tap ni TingZhe sa likod ko.

''Kung lagi ka lang iiyak sa twing nakikita mo siya, lalo mo lang sinasabi mo sarili mo, na di mo kayang
mawala siya sa piling mo.. Hindi naman pwedeng ganun lagi..'' hinawakan niya yung mag kabilang pisngi
ko.

''hindi lang siya yung pwede mong mahalin Jane. Dapat i consider mo din yung mga taong nag mamahal
sayo.. Masyado mong kinulong yung sarili mo sa pangakong wala namang kasiguraduhan'' dun sa sinabi
ni TingZhe, medyo natauhan ako ng bahagya.
''tandaan mo, 7 years yung nag daan.. Maraming bagay ang pwedeng mag bago lalo na't mag kaiba kayo
ng mundong ginagalawan. Kaya, ang dapat mong gawin.. I enjoy mo ang buhay mo.. Huwag kang mag
stick sa past mo.. Focus ka sa magiging future mo.''

Sabagay may punto rin naman si TingZhe. Ang dali naman kasing sabihan yung iba na mag move on sa
taong mahal nila, Pero hindi naman madaling gawin yun e.

Maaring sa mata ng iba, nag mumukha ka ng martir at tanga, pero ang alam mo sa sarili mo na... Dun ka
masaya kahit minsan, sobrang nasasaktan ka na..

Pero kaya ko pabang ipag patuloy toh? Ngayong wasak na wasak na yung puso ko?

MONDAY MORNING

''Hoy Drillon, what happened to you last time? Bat bigla kang nawala? Don't tell me yinaya ka ng mag
date ni TingZhe??'' sabay sundot niya sa tagiliran ko.

''Ewan ko.. Pero siguro ma co-consider na rin na date yun. Kami lang dalawa e.. Walang ibang involve.''

''Pero huwag nating ibahin yung usapan.. Alam mo ba yang si Natasha??'' natigilan ako sa pag babasa
ng biglang si Natasha ang magiging topic.

''Ang land* niya grabe.. Biruin mo.. Nag kiss sila sa harap namin! Ang swerte-swerte mo talaga girl sa
boyfriend mo. Ikaw na!''
So, ipinagkakalandakan pa talaga nila na mag shota sila??

''MALAND* talaga siya.'' mula sa pag ngiti nila.. Biglang nag iba yung reaksyon ng mga mukha nila..

''Parang may galit yung tono ng boses mo ah Drillon?'' tumayo si Natasha at linapitan ako.

''Nako, joke lang yun no! „Di kana nasanay sa akin'' sabay tawa ko..

Pero totoo yung sinabi ko.

''Umamin ka nga, may gusto ka ba sa Boyfriend ko?? Napansin ko lang kase na naging mainitin yung ulo
mo ng malaman mo na yung boyfriend ko artista.''

E kung sabihin ko kaya sayo na pinangakuan niya ako 7 years ago, na liligawan niya ako?! Sa tingin mo
magagawa mo pa kayang mag yabang ng ganyan??!

Pero hindi ko na yun sinabi.. Baka sabihin ni Clarkson na nag hahabol ako sakanya.

''Bat naman ako mag kaka gusto sa boyfriend mo? May boyfriend na ako no.. At hindi ko kayang saktan
yung boyfriend ko'' napa nga-nga sila sa sinabi ko.

''SERIOUSLY??'' halos mag freak out si Natasha ng sabihin ko sakanya na may boyfriend ako.
''Kayo na ba ni TingZhe??'' ngumiti lang ako at umalis na ng SCC office.

“WOAH…. Kayo ha, sige sige. Set tayo! Double date. Okay ba sayo yun DRILLON?” tinignan ko lang ito
at nag shrug

DOUBLE DATE? Tsss..

“Lalabas na muna ako.” Pag papaalam ko sakanila.

Habang nag lalakad ako papunta sa main gate ng campus, bigla namang may tumawag.

*calling...

TingZhe....

Agad kong sinagot yung twag niya.. Dahil kailangan ko siyang abisuhan.. Kung hinde, aawayin lang ako
ni Natasha.
''TingZhe, nasaan ka??? Pwede ba tayo---''

''I was going to ask the same question. Hmm, nasa tapat ako ng school niyo..''

''sige. Mag kita tayo” pag ka end ko ng call agad na akong lumabas. Wala na akong pake kung mag
absent ako.. Minsan ko lang naman gawin toh e.

-MALL

“ANO? Sinabi mo sa kanila na tayo? Pero..” pinag lapat ko yung dalawang palad ko.

“Wala kasi akong choice e, kaya please?”

Sumandal ito sa upuan niya at nag dekwatro ng upo.

“Ano pa nga ba..” tsaka niya ako nginitian.


“Pero, may problema tayo..”

“Anong problema?” tanong ko dito.

“Paano pag nalaman ng girlfriend ko na nag papanggap tayong tayo?” halos masamid ako ng sabihin
niyang may girlfriend siya. “May girlfriend ka?” tumango lang ito…

“sabihin mo nalang sakanya… na mag papanggap tayo. Aacting lang… Tsaka, hindi naman tayo
maiinlove sa isa‟t isa diba? Kase.. wala lang to. Tutulungan mo lang ako kase… Nag mamalasakit ka
lang diba?”

“Yeah… Don‟t worry understanding naman yun.Ako ng bahala..” ngumiti ito at nag wink sa akin.

Ngayon.. makaka hinga na ako ng maluwang… May kasangga na ako e!


KAYA KO TOH.

*hanggang diyan na muna mga pips… Sa susunod na update hahabaan ko nalang.. ♥

.Since natapos na yung L.A, mas bibigyan ko na ng pansinin ang Hanging by a Moment. Sorry
kung super slow yung pag uupdate ko dito. Pero gagawin ko yung best ko..

Para maging worth it ang pag hihintay niyo.

HBAM 5

''Jane, tungkol dun sa binaggit kong girlfriend.'' napalingon ako kay TingZhe habang kumakain ako ng
popcorn. Inilibre niya kase ako ngayon, nanuod kaming sine.

''Hah? Anong sinabi mo??'' kahit madilim, halata pa rin sakanya na naka ngiti ito. Kumikinang kase yung
ngiti niya.

''Tara, labas na tayo. Malapit na rin namang matapos yan..''

''Per....'' hindi na ako naka tanggi ng hawakan ni TingZhe yung kamay ko.
Habang nag lalakad kami sa madilim na sinehan, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa ni
TingZhe. Nagu-guilty ako kase parang mali din tong ginagawa namin.

Tutulungan niya akong mag move on kay Clarkson, pero paano kung sakanya naman ako mainlove??
Edi ako naman yung mahihirapan? Sino nang tutulong sa aking mag move on?

Napahampas nalang ako sa may noo ko.

''Jane, okay ka lang??'' sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na napansin na nasa labas na pala kami ng
sinehan ng MAG KA HOLDING HANDS.

Sa pag labas namin sa sinehan, unti-unti ng dumami yung tao, unti-unti kaming pinalibutan nung mga
babaeng kanina pa nag hihintay sakanya. Pina reserve niya kase yung buong sinehan.. Para daw walang
makaka istorbong fans.

''TingZhe! Pakiss!''

''Pa autograph!! Waaaaaaaah!!!''

*tulak sa akin doon, tulak sa akin dito*

''TingZheeeeee! Marry me!!''

Nginitian lang ito ni TingZhe.


''Excuse me ha? Pero.. hindi ako artista ngayong araw na toh. Kaya sana ituring niyo ako na kagaya
niyong normal na tao..'' sumunod naman yung mga fan girl niya sakanya. Pero pakiramdam ko, anong
oras kakainin nila ng buhay itong si TingZhe.

''Salamat..'' pag kasabi niya ng thank you sa mga ito,

''Uhmm.. Excuse me.. Hah??'' nginitian ni TingZhe yung mga fans niya.. Nag lakad ito papalapit sa akin..

''tara Jane?''

*gulp*

''Tara??'' bigla akong nanigas sa kinatayuan ko.. Hinawakan niya yung kamay ko.. At hinila papalayo sa
mga fans niya.

Tinignan niya lang ako, yung normal na tingin.. Pero ewan ko, siguro na dadala lang ako ng mga fans
niyang nandito. Sabagay, hindi naman malayong mag ka crush ako sakanya.

Gwapo siya, mabait..

''Sorry hah? Gusto ko kaseng maging normal kahit ngayong araw lang.. Napakahirap kase..''
''De, okay lang.. Nahihiya nga ako e.. Kase baka isipin nung iba ambisyosa ako.'' Ngumiti lang ulit ito sa
akin..

''Hayaan mo sila.. Alam mo naman at alam ko na hindi ka ganun..'' kahit papaano hindi ko maiwasang
mapangiti sa mga maliit na bagay na ginagawa sa akin ni TingZhe.

Kung hindi ko lang nakilala yung gag0ng lalaking yun, hindi naman malayo na mag ka gusto talaga ako
sakanya.

Nung pababa na 'SANA' kame sa escalator, sakto naman paakyat sina..

Sino pa ba??

''Uyyy! Drillon! Nandito rin pala kayo. Wait huwag muna kayong bababa! Sabay sabay na tayo.'' nag
kurus yung mga mata namin ni Clarkson, nginitian niya ako, inisnob ko lang siya.

''Kayo ha, hindi niyo pinapaalam sa amin na may lakad kayo. Gusto niyo talagang mag solo.. Sa
susunod nga huwag kayong manarili.. Right baby?''

Baby? Disgusting.

Hinintay ko kung anong magiging reaksyon ni Clarkson, naka ngiti ito. Yung ngiting abot hanggang langit.
''Yeahh..'' napa ngisi lang ako sa sagot niya.

''Saan kayo pupunta niyan? Tara.. Sama-sama nalang tayong apat. May date plan kase kami.. Tsaka
para pag usapan natin yung gagawing party sa bahay namin.'' nag sta-start ng mag form ng fist yung
kamay ko.

''Uy, Drillon.. Huwag mong kakalimutan hah? Baka mamaya hindi ka nanaman mag attend. Don't worry
invited yung CHITM. Kaya walang reason para dika pumunta. Next week na yun....''

''Oo, Nat.. Pupunta kami.. Right Jane??''

''Oo..'' matipid na sagot ko. Pero sa totoo lang ayokong pumunta.

''Good.. Tara na! Umaandar yung oras oh! Double date.. Para masaya'' excited na sabi ni Natasha.

''Hinde, may date plan kase akong ginawa para kay Jane.'' inakbayan ulit ako ni TingZhe,

''Kailangan ko pa siyang bilhan ng roses, chocolates at kung ano-anu pa. Siguro next time nalang.'' bigla
akong nanlamig. Pakiramdam ko nag flush yung mga internal organs ko. Lalo pang nag pa kaba sa akin,
ng hinawakan ULIT ni TingZhe yung napaka lamig kong kamay.

''every second, every minute, every hour at every day na kasama ko siya gusto ko sinusulit ko. Napaka
special kasi ni Jane, hindi siya dapat binabaliwala at iniiwanan ng basta basta. Kaya sorry guys, mag so-
solo muna kami ni Janey. Next time nalang..''
''Talaga lang hah?!'' sabat ni Clarkson habang naka tingin ng napakasama kay TingZhe. ''Siyempre
naman, alam mo ako Clarkson pag dating sa girls.. faithful''

''O sige na.. Kung may plano pala kayo.. Mauuna na kame..'' nakangiting pag papaalam sa amin ni
Natasha.

''Ge..'' tinap ni TingZhe sa braso si Clarkson, at bumeso naman itong si Natasha sakanya.

Nang mag simula na kaming mag lakad papalayo sakanya, biglang hinila ni Clarkson yung braso ni
TingZhe. Tumingin lang ako sakanya..

Yung tingin na, 'anong gagawin natin?'

''Ako bahala..'' he mouthed.

''Anong problema?'' naka tingin sa akin si Clarkson, habang hawak-hawak niya sa braso si TingZhe.

''wala ng date na magaganap. Na alala ko, may photoshot tayo para sa isang magazine.''

''ngayon ba yun?? Sa pag kaka alam ko.. Ikaw lang yung may photoshoot. Kaya sige, mauna na kame..
Ingat ka nalang dre. Nat una na kami..''

At sa wakas, nakawala na din kami! Kaya lang.. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Clarkson..
Kahit naman kasi gago yun.. Minahal ko, hinitay ko nga diba?? Yun nga lang nalihis ng daan ang peste,
imbis na dumeretso sa akin. Kumorba pa, at hindi na nahiya.. At nakuha pang mamingwit ng isda!

''Jane..'' winave ni TingZhe yung kamay niya sa mukha ko. Nag sisimula nanaman kaseng mag alboroto
yung utak ko, at nag simula naanaman akong mag isip ng mga bagay-bagay.

''Nag seselos kaba?''

''Hah??''

''Kahit hindi mo sabihing nag seselos ka.. Napaka halata sa mga kilos mo.''

''ako? nag seselos? Kanino?? Dun sa Natashang yun?! Nako! Hinde! Tsaka bat naman ako mag seselos
dun?! Sino ba sila?!!''

''Wala akong binanggit na pangalan.''

''Ginu-goodtime mo ba ako?? Hello, siguro hindi naman ganun kadali na tanggapin yung mga bagay
bagay.''

''Naninigurado lang..'' tsaka na ito na unang nag lakad sa akin.


*sa isang fast food chain..

''Tungkol pala dun sa sinasabi ko tungkol dun sa sinabi ng girlfriend ko..''

''Anong sinabi niya?''

''Well, hindi siya pumayag.'' napatingin nalang ito sa burger na kinakain niya, at halata sa mukha niya na
hindi siya masaya sa sinabi ng girlfriend niya.

''ganun.. Edi kung ganon, ipalabas nalang natin na nag break tayo? Okaya sabihin mo nakipag break ka
sa akin, kase ayaw mo na sa akin dahil pangit ako.''

''hinde, kung wala namang mag sasabi sakanya na itinuloy natin yung binabalak natin.. Hindi naman niya
malalaman diba??''

''pero.. paano kung mag away kayo ng dahil sa akin??''

''ako nalang nung yung bahala.. Basta sumunod ka nalang sa gusto ko. Itutuloy natin toh..

Napa yuko nalang ako kase pakiramdam ko.. Sa lahat ng bagay lagi akong may kahati..

Ganun ba talaga dapat? Hindi lahat ibibigay sayo ni God yung isang bagay na gusto mo hangga't hindi
mo ito pinag hihirapan.
''Tapos kana?? Tara may pupuntahan pa tayo..''

''saan nanaman??''

''Basta..'' nauna itong tumayo, at para naman akong asong bumuntot sakanya.

Pumasok ito sa isang Botique. Kung hindi ako nag kakamali, sponsor nila yung sikat na designer ng mga
ball gowns at mga coat and ties.

''Si Audrey Grey Smith??''

sino daw? Audrey Grey Smith??? Yung napaka gandang babae na nakikita ko sa T.V??

''Wait lang sir TingZhe, nasa loob po siya ng office. Tatawagin ko lang po.''

''Sige..'' at umalis na yung parang OIC nung botique.

''Anong gagawin natin dito??'' tanong ko kay TingZhe.

''Birthday ni Natasha next week, at kung hindi ako nag kakamali Romeo and Juliet yung theme nung
party.'' lahat talaga ng ka cheapan alam nung babaeng yun.
''Oh TingZhe! Kamusta??'' lumabas na yung napakandang babae, at bumeso ito kay TingZhe. ''Anong
pakay mo at naparito ka? Kailangan mo ba ng susuotin sa red carpet??''

''Hindi para sa red carpet Audrey, para sa isang party. Romeo and Juliet kase yung theme ng party.''

''ganun ba?? Para sayo??'' nabigla ako ng bigla akong hatakin at inakbayan ni TingZhe.

''Para sa aming dalawa.''

''Hah? Para.. Sa...''

''Yes.. Para sa ting dalawa.'' tumanggi ako dahil nakakahiya. Isa lalng naman akong isang ordinaryong
tao. Hindi naman ako kagaya nung si Natasha, na kung mag damit e napaka gara.

''Don't worry.. Wala kang dapat ikahiya.. She is my cousin. Hindi kawalan sakanya ang isang ball gown.
Right Audrey??'' ngumiti ito sa akin..

''oo.. Kaya tara na sa show room ko??''

''ano kase..''
''gusto mong gumanti diba?? Then.. Sumunod ka sa mga gusto ko.. Akong bahala sayo.. Hindi kita
papabayaan.. Nasa mabuting kamay ka.. Walang mangyayaring masama sayo.''

Nako, Tingzhe, huwag mo akong sanayin sa ganto.. baka mamaya hindi ko mapigilan yung sarili ko..

Pero maiba tayo..

Wala naman sigurong masama kung hangaan mo yung isang tao kase, Humahanga ka lang naman
diba? Magulo ba?

Ah ewan!!

[H B A M 6]

TINGZHE'S POINT OF VIEW

''TingZhe.. Hindi ba nakakahiya na ganito yung..'' pag katapos nang halos isa't kalahating oras na pag
hihintay natapos na rin ito.

NOW PLAYING:PROMISE BY URBAN ZAKAPA JUNG IL KWON

''Hah??'' tumigil muna ako sa pag babasa ng maramdaman kong lumabas na si Jane sa fitting room ni tita
Audrey, dito na rin kase siya inayusan.
Halos hindi ako mapag salita ng makita kong naka ayos si Jane. Naka kulot kase ang mahaba niyang
buhok at may parang bulaklak na headband naka-kabit sa buhok neto, litaw yung mga collar bones
niya..Parang tube kase yung damit na ginawa para sakanya.

''Ano? Pangit ba??''

umiling lang ako at nag thumbs up. Nung makita ko yung ngiti ni Jane, pakiramdam ko bumalik yung
naramdaman ko sakanya.

''Tara??'' ikinabit ni Jane yung kamay niya sa may braso ko.

Bakit kase hindi ko siya nagawang hinatayin? Sana, siya na yung girlfriend ko ngayon..

KAYA LANG.. HULI NA ANG LAHAT..

JANE'S POINT OF VIEW

Grabe ang kaba ko, dahil first time kong dadalo sa birthday party. Kadalasan kase, hindi ako nag
aattend.. Sa kadahilanang ayoko at masyadong maingay.

One more thing, ayoko sa amoy ng alak.

''Jane, nandito na tayo.. Ready kana ba???''


''Siguro..'' inalalayan akong bumaba ni TingZhe, pero infairness naman.. Feel na feel ko ang pagiging
prinsesa sa damit na sinusuot ko..

pagkababa palang namin dun sa parang limousine na sasakyan, sabay-sabay ang pag flash ng camera
sa amin.

''Ngumiti ka lang..'' payo sa akin ni TingZhe..

Sinunod ko naman yung payo niya, grabe lang.. Ang daming artista na nandito.. Hindi na ako mag tataka
kung bakit maraming ganito, at take note.. Nag lalakad kami ngayon sa black carpet.

CLARKSON'S POINT OF VIEW

''ang ganda nung kasama ni TingZhe!'' sabi ni ChengLai,

''Sino?? Kasama ni TingZhe?? Yung Drillon yung apelido nun no?'' tumango lang itong si Chenglai.

''Oo pare, grabe! Ang ganda niya! Kung hindi lang sila niyang si Tingzhe baka hindi rin ako mag
dalawang isip na ligawan siya.'' Sabi naman ni Hyun Soo.
''Maganda rin naman tong kamasa ko ahh??'' pag bibida naman ni Ichiru. ''Oo, maganda siya.. Kaya lang
masyadong maingay!''

At nag tawanan kami..

''Teka, diba dapat nasa loob ka?? Sabay kayong lalabas ni Natahsia?? Anong ginagawa mo ditto??''
tanong ni Ichirou sa akin..

''Oo nga, huwag mong sabihing iniwanan mo siya dun mag isa??'' sabat naman nitong si HyunSoo.

''Hinde, babalik din ako dun.. Nagutom lang ako kaya kumuha ako ng makakain ko.''

''Ahhh..'' buti naman at na convinced sila. Pero sa totoo lang, hinihintay ko lang naman ang pag dating ni
Jane. Dahil gusto kong makita kung gaano kaganda ang kakalabasan ng itsura ni Jane.

Hindi ko pa kase siya nakitang naka ayos.

''Ayan na pala sina TingZhe oh!'' napatigil ako sa pag inom ng tubig ng makita kong malapit na sila sa
table namin.

Naka hawak ito sa braso ni TingZhe, at kung ngumiti abot langit. Napaka ganda niya, bagay sakanya ang
damit na sinusuot niya.

''Yow!'' bati sa amin ni TingZhe, nakipag apir ito sa amin.


''Hi Drillon!'' bati nila kay Jane, nag smile naman ito sakanila.

''Machk hindi mo lang ba siya babatiin??'' tanong sa akin ni TingZhe, Naka tingin ng diretso sa akin si
Jane.

''Hi..'' ngumiti lang ito, at binaling na ulit ang atensyon kay TingZhe.

Halos hindi maalis ang pagkaka hawak ni TingZhe sa kamay ni Jane. Para bang sinasabi niya sa mga
tao dito na pag aari niya si Jane, at hindi niya ito papakawalan.

''Machk, pare! okay ka lang?? Bat natameme ka diyan??'' tanong sa akin ni Chenglai.

Tumingin ulit si Jane sa akin, at nakaka asar lang dahil hindi siya binitawan ni TingZhe,

''Wala, sige papasok na ako sa loob. Baka walang kasama si Natahsia dun.''

''Sige..'' sabi naman ng mga ito sa akin..

Habang nag lalakad na ako papalayo sakanila.. Gusto kong hilain si Jane, papalayo dun kay TingZhe..
Kaya lang..

Urghhh, Bahala na nga!


JANE'S POINT OF VIEW

Nag paalam saglit sina TingZhe, sa kadahilang dumating yung manager nila at yung iba pa nilang
kasama sa industry.

''Hoy Drillon, infairness.. Ang ganda mo sa suot mo'' bati sa akin ni Isra na busy'ng busy sa pag kain.

''Ahh.. Thank you.''

''Pero maiba tayo, ikaw hah... Mukhang nag kakamabutihan na talaga kayo ni TingZhe, kame kase ni
Ichirou sakto lang. Medyo nahihiya pa kase kame sa isa't isa..''

''ang saya mo kase? Crush mo yun diba??''

''Shhh!!'' hinampas niya ako ng mahina sa braso.

''oh? Baket mo ako hinampas?? Kahit naman malaman nila na crush mo siya e ano naman ngayon
sakanila??''

''sabagay.. Pero sirosyo Drillon.. Bagay na bagay kayo ni TingZhe. Parang si Natahsia at Mahck lang..''
okay na sana e! Bakit kailangan niya pang isama yung pangalan nung dalawa??
Hindi rin nag tagal, at lumabas na si Natahsia.. Bumalik na rin sina TingZhe at yung iba pa dito.

Maya-maya pa'y may nag play ng slow music. Inapproach ni Clarkson ni Natahsia para isayaw niya..

NOW PLAYING: PROMISE BY URBAN ZAKAPA

Tinitignan ko lang silang tumawang dalawa, sapat na para masaktan na ako ng sobra. Alam ko wala na
akong karapatang mag selos, pero.. Hindi ko pa rin mapigilan, dahil minsan sa buhay ko

minahal ko yang taong yan.. Kahit na pinaasa niya lang ako ng parang tanga.

''Bagay na bagay talaga sila..''

''Gwapo tsaka maganda perfect couple talaga''

Puri pa sakanila ng mg tao dito. Wala akong magawa,

kung hindi mag panggap.. Mag panggap na hindi nasasaktan kase hindi ko na pag aari si Clarkson.

''Stop thinking too much..''


Napatingin ako sa may side ko at nakita kong naka ngiti sa akin si TingZhe. At walang sabi niya akong
hinila kung saan sumasayaw sina Clarkson at Natahsia.

''ready??'' bulong nito sa akin..

Napatingin ako dun sa mga taong nanunood at nahiya ako bigla..

''sabi ko, akong bahala sayo.. Akin na yung mga kamay mo.'' umiling lang ako, dahil ang lamig-lamig ng
mga ito.

''dali na, akin na yung mga kamay mo..'' dahil ayaw kong ibigay yung mga kamay ko, siya na mismo ang
mga humawak nun.

Ipwinesto niya yung kamay ko, yung isa naka hawak sa bewang niya, at yung isa naman hawak hawak
niya. Tipong parang nag sasayaw kami ng waltz.

''huwag kang kabahan Jane, ako lang toh.''

Nang mag ka titigan ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dahil pakiramdam ko.. Unti-unti
ng nahuhulog yung loob ko sa taong ito..

Habang nag sasayaw kami, sumali na rin yung iba pa nilang kasama.

''nakatingin sa atin si Mahck ngayon'' lilingon sana ako.. Kaya lang


''Huwag kang lilingon sakanya. Hayaan mo lang siyang mag isip.'' pero bakit naman yun lilingon dito??
Anong tini-tingin niya??

Huwag niyang sabihing nag seselos siya.. Pero hinde, hindi yun mag seselos.

Dumating sa puntong napag disisyunan nina Ichirou na mag switch ng kasayaw..

''huwag kang papadala sa agos.'' at pag katapos nun inikot na ako ni TingZhe at napunta naman ako kay
Ichirou, sumunod kay Chenglai, pagkatapos kay Chenglai..

Sunod naman kay Hyungsu..

''Ready kana Jane??'' tanong sa akin ni HyunSu..

''Oo,.'' pero sa totoo lang, gusto kong umikot pabalik kang TingZhe. Dahil ayoko siyang maka sayaw.

Nang inikot na ako ni Hyungsoo, pakiramdam ko babaligtad yung sikmura ko. Dahil, siya na ang kasayaw
ko.

Nung oras palang na mag kasalubong yung mga mata namin, wala na natatalo nanaman ako ng mga
emotions ko.
''bagay mo yang suot mo'' naka ngiti niya itong sinabi sa akin.

''Thanks'' tipid na sagot ko naman..

Pag katapos nun wala ng kibuan, hindi na ako muling kumibo pa kahit nararamdaman kong humihigpit
yung hawak niya sa kamay ko.

''Jane... I still love you..'' pag ka bulong niya sa akin nun.. Napatigil ako sa pag sasayaw.. At nag madaling
umalis sa gitna ng sayaw.

''ang kapall kapal ng pag mumukha niya para sabihin sa akin yun! I still love you niya mukha niya! Tapos
pagkasama niya si Natahsia, hindi niya ako kakilala?! Lokohin niya lelang niya!''

Natigilan ako sa pag lalakad ng maramdam kong may nakasunod sa akin,

''Ano ba TingZhe.. Wala ako sa moo--'' pag lingon ko dun sa taong sumusunod sa akin, nakita ko si
Clarkson. Na naka ngiti..

''Hi..''

''Hi?! Hi your face!'' itinaas ko yung ball gown ko at nag lakad ng mabilis.. Sa sobrang bilis ng pag lalakad
ko, naiwanan ko yung isang pares ng sapatos ko.

''anak ka naman ng, wrong timing!'' pag ka lingon ko dun sa kapares ng sapatos ko..
''Looking for this??'' hawak hawak ito ni Clarkson.

''Akin na nga..'' itinaas niya yung kamay niya, dahill matangkad ito hindi ko na abot yung kapares ng
sapatos ko.

''Sige!'' sa sobrang inis ko tinaggal ko na yung kabila pang pares nung wage shoes ko, at ipininagsik-
sikan ito sa dibdib niya.

''Sayo na! Pati itong isa!'' muli, binuhat ko ulit yung ballgown ko at nag lakad papalayo sakanya.

Pero hindi pa doon natatapos ang kalbaryo ko.. Dahil naririnig ko pa rin na tinatawag niya yung pangalan
ko. Bakit ko pa siya papansinin?! Ginusto niya yun e!

''Jane!!!!''

''ganyan kaba kakulit na peste ka?!'' sabi ko sa sarili ko habang nag lalakad pa rin ako ng mabilis.

''Jane, ano ba.. Nasa labas na tayo ng venue. Bumalik na tayo sa loob!'' nagbingi-bingian pa rin ako.

Hanggang sa tumakbo ng mabilis at biglang humarang sa dinadaan ko.


''Ano ba?! Tumabi ka nga! Pag di ka tumabi diyan sa dinadaan ko sisipa----'' hindi ko na naituloy pa ang
sasabihin ko.. Ng bigla itong lumuhod, at kinuha yung isang paa ko.

''Sa susunod, huwag kang mag susuot ng sapatos na ganito. Tignan mo.. Nag kasugat-sugat yung mga
toenails mo.''

''E anong pak--'' naputol nanaman yung sasabihin ko, kuhanin niya yung panyo niya, at pinunasan yung
paa ko.

''Huwag ka na ulit mag lalakad ng walang sapin sa paa.. At susunod na tawagin ko ulit yung pangalan
mo.. Lumingon ka, dahil wala naman akong masamang gagawin sayo.''

Napa tingin nalang ako kung saan dahil, pakiramdam ko ako si Cindirella..

''Ayan malinis na ulit yung paa mo..'' inayos niya yung sapatos ko, at isinuot ito sa mga paa ko.

''Mauna ka ng bumalik sa Venue..''

''Paano ka??'' hindi ko na napigilang mag salita.

''Okay lang ako..'' ngumiti ito sa akin.. Yung ngiting nakikita ko sa mukha niya noong mga bata pa kami..

''Sigurado ka??'' tumango lanag ito habang naka pa rin.


Tumalikod na ako dito, ngunit tinawag niya ulit yung papngalan ko.

''Jane!'' lumingon naman ako..

At may hinagis ito sa akin, nakabalot ito ng pulang...

Bonnet, at may kasama pa itong Mogu-Mogu.

Ang favorite drink namin date, nung mga bata-bata pa kami.

''Bati na tayo ha?'' imbis na tumango ako, napa ngiti naalang ako. Akala ko pati yung Mogu-mogu
nakalimutan niya na..

Hindi pa pala siya tuluyang nag babago.. Hindi pa siya masyadong infected sa virus ni Natahsia, that
means to say may chance pa na bumalik yung dating kami.

Pero posible paba kaya yun?? Kung siya na mismo ang gumawa ng paraan para mabago ang lahat ng
yun..

''Jane! Machk saan kayo galing??'' nag madali si Natahsia na tumakbo papunta kay Clarkson at pinusan
yung pawis niya.
''Jane okay ka lang ba?? Gusto mo i uwi na kita??'' pag aalala naman sa akin nitong si TingZhe.

''Okay lang ako..''

Habang nakikita kong mag kasama sina Natahsia at Clarkson, hindi ko talaga mapigil yung sarili.

Hindi ko mapigil yung sarili ko sa pag seselos.

HBAM 7

JANE

''The.......'' natigilan ako sa pag babasa ng notes ko ng maramdaman kong parang may kumakatok sa
may bintana ng kwarto ko.

Nung una hindi ko pinansin dahil ayokong isipin na minumulto ako.

''Janeee!!'' maya-maya pa'y may naririnig akong may bumubulong ng pangalan ko..

Marahan kong isinara ang librong hawak ko ng mapansin kong lumalakas yung katok. 12:00 am na kase,
at nakaugalian kong mag basa ng notes bago matulog.

Dapat talaga kanina pa ako natutulog, sabi kase ni Isra di raw siya makakapasok bukas dahil linalagnat
ito. Kaya ang lagay sa akin naiwan lahat ng trabaho niya..

''Jane~~''
kahit natatakot ako, pinilit kong tumayo at lumapit sa may bintana ng kwarto ko.Sinilip kung may tao..

''Sino yan??'' pasimple kong kinuha yung trophy ko at pinosisyon ito na para bang mag lalaro ako ng
baseball.

''Jane!!''

*tuk!*tuk*

''Sino sabi yan e!''

*tuk*tuk*

Bahala na kung anong mangyayare, basta kung sino man tong gagong tumatawag sa pangalan ko, sa
oras na may ginawa siyang di kanais-nais ihahampas ko ito sa pag mumukha niya.,

''Sino ka?!'' pag kaa bukas ko ng bintana wala namang tao..

''Jane! Nandito ako sa baba!!!'' tumingin ako sa baba..

At nakita ko si...
Clarkson.

''Anong ginagawa mo?? Bat nandito ka??''

''Papaukin mo muna ako..''

Bumaba ako ng kwarto at dali-dali siyang pinag buksan ng gate. Pero anong ginagawa niya ditto??

''Pasok..'' pag yayaya ko dito..

''Ano ba kasing gusto mo?? Bakit hindi ka nalang nag text? Akala ko tuloy kung sinong baliw yung
kumaakatok sa bintana ng kwarto ko''

''pasensya ka na ha?? Hindi kase abot yung bintana ng kwarto mo.. Kaya yung mga bato nalang sa labas
yung ginamit ko''
''alam ba ni Natashia na nandito ka??'' umiling lang ito.

''Alam mo?? Ang mabuti pa.. Umuwi ka na. May pasok pa kami bukas..'' ng akmang tatayo na ako hinila
niya yung kamay ko.

''Huwag mo muna akong pauwiin. Gusto ko lang na mag kausap tayo tsaka may dinala ako..''

Sa mga oras na hawak-hawak niya yung kamay ko, pakiramdam ko ang saya-saya ko. Matagal tagal na
rin kaseng panahon nung hawakan niya ng ganto yung kamay ko.

''Dali.. Dito kana..'' hinila niya yung kamay ko at inupo dun sa isa pang swing.

''Taran!!!''

May linabas ito sa plastic..

Dalawang balot ng cracklings at lays.. Tsaka yung paborito naming iniinom nung mga bata pa kami..
Yung Chukie.

''Heto sayo.. Heto akin..''

''Akala ko..'' hindi ko kayang lokohin yung sarili ko sa mga oras na toh. Dahil, pakiramdam ko.. Bumalik
kami sa dati.
''Kumain kana.. Ang tagal ko na ring hindi kumakain ng cracklings..'' bakas sa mukha nito ang pag eenjoy,
samantalang ako hindi pa rin makapaniwala. Na mauulit yung ganito..

''Clarkson..'' tumigil ito sa pag nguya, at binigyan niya lang ako ng

'Baket' look.

''Bakit ba nag ka ganito tayo?? Bakit.. Nevermind.. Huwag mo nalang isipin yung sinabi ko.. Wala lang
yun, tutal may kanya-kanya na tayong buhay.. Di na mahalaga yung sasabihin mo.''

nag madali akong buksan yung cracklings para hindi maipahalata sakanya na, nalulungkot pa rin ako sa
mga nangyari sa amin.

''Ahh yun ba?? Huwag kang mag alala.. Wala ka namang kasalanan.. Kasalanan ko naman lahat ng 'to''

NOW PLAYING:GOODBYE MELODY

''Mahal mo ba si Natahsia??'' siguro pag narinig ko na yung gusto kong marinig, titigilan ko na talaga siya.

♫Oh I love you,Endless time, I lose my mind, Because of you♫


''Oo mahal ko si Natahsia...'' hindi ko ipinahalata dito na nasaktan ako sa isinagot niya. Dahil kailangan ko
ng tanggapin na wala na talagang pag asa..

♫oh I want to kill myself,you are the only love


in my life the only thing there is night
my love you are every
breath that I
take oh I love you♫

''Haha! Nako, naging serious na tuloy tayo.. Sarap nito ahh!'' at dire-diretso akong kumain ng cracklings,
para maipakita lang sakanya na OKAY LANG AKO.

''Jane..'' Lumingon ito sa akin, at tinignan ng diretso sa mata..

''Oo mahal na mahal ko si Natahsia..'' nung inulit ni Clarkson yun, hindi ko na napigilan yung sarili ko..

♫if you go say good bye but you know this


I will always love you bye bye ♫

Dahil kahit paano sabihan yung puso ko na okay lang ako.. Yung utak ko naman hindi pinakinggan yung
sinasabi ng puso ko.

kase daw mas alam ng Utak ko yung totoong nararamdaman ng puso ko.

''Jane, mahal na mahal ko si Natahsia... Kaya lang'' hinawakan niya yung isaa kong kamay..
♫if you go say goodbye but you know this I will always love you♫

''kaya lang mas mahal kita.''

Hinila niya ako, at hinalikan niya ako sa may labi.

“I'm sorry if I was the reason why you're crying every night” at ikinulong niya ako sa mga bisig niya.

“Jane.. Please forgive me.”

♫When it’s hard to say anything And when I want to see you Can’t say anything Can’t do
anything I can’t do anything at all) ♫

“kung sasabihin mo ngayon na iiwanan ko si Natahsia.. Sige, iiwanan ko siya.. maging okay lang tayo”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil hindi naman ako selfish na tao.. Pero ito na yung hinihintay
ko. Anong gagawin ko??

♫everyday every night every single day I want you please don't leave me alone don't leave me
alone
I want you I need you love you I'm gonna take you♫
KINABUKASAN….

“Ninang beki, hindi ko napo alam yung gagawin ko..”

“kung ako sayo jane, kakalimutan ko nalang si Clarkson. May girlfriend na siya.. tsaka matagal-tagal
napanahon na yung lumipas.. mag move on kana..”

“ang dali lang sabihin no ninang beki? Pero bakit ganun.. ang hirap gawin..”

“alam mo nak? Wala namang masama kung yung desisyon mo yung susundin mo.. kaya lang, matitiis ba
ng konsensya mo na manira ng relasyon ng iba? Sabihin na nating.. Ikaw yung mahal niya.. pero sa
maniwala ka sa hindi mahal din ni Clarkson yung si Natahsia.. Gaya niyo.. May pinag samahan din sila..”

“e pero ninang beki..”

“Jane, hindi ko hawak yung puso mo. Huwag mo akong tanungin… Basta kung saan ka Masaya doon ka.
Okay?”

Di rin nag tagal at linisan ko na rin yung bahay naming at pumasok na ng school..
*Calling…

TingZhe

“hello??”

“Jane.. nasaan ka?” tumungin-tingin ako sa paligid…

“kapapasok ko lang sa school.. Baket?”

“may good news ako sayo.. Dun ka sa may tapat ng flag pole, huwag kang aalis dun ha?”

“sig--- hello?” tama bang pag babaan niya ako ng tawag???

Pag ka sarado o ng bag ko, dumeretso na ako sa may flag pole.. At doon nakita si TingZhe na may
dalang bulaklak ng santan.

“Hoy, anong gimik yan??” nagulat ako ng bigla itong tumakbo papunta sa akin at yinakap ako ng pag
kahigpit..

“Jane!!!” sunod pa‟y hinawakan niya ako sa mukha…


“Ano?! Bat ang saya mo yata??”

“Break na kami ng girlfriend ko..”

“ha? Bre…” hindi ko ulit natuloy yung sinabi ko, dahil muli niya akong yinakap…
“Finally, pwede nang maging tayo.”

“Maging…”

“Maging tayo..”

Itutuloy…
HBAM 8

CLARKSON

''mga dre, may ikukumpisal ako sa inyo.. Sana, huwag kayong magagalit. Ano kase e..'' halos hindi
mapakali si Ichirou sa pwesto niya, habang hinihintay naming bumalik si TingZhe.

Biglaan kasi itong umalis, at ang paalam niya kay Ichirou pupuntahan niya daw si Jane.

''tungkol nanaman saan yang ikukumpisal mo??'' tanong ko dito.

''Tungkol kay TingZhe. Hindi na kase kaya ng konsensya ko na makita ko siyang kasama niya si Jane,
pero wala pa silang official break up ni Gabby.'' napakunot ang noo ko, at liningon ito.

''Anong ibig mong sabihin??''

''May secret girlfriend si TingZhe?'' nag katinginan sina Hyunsoo at Chenglai.

''Di ba nung nasa China pa tayo, Pana'y yung pag babakasyon ni TingZhe? Gabby is my childhood
bestfriend. Ipinakilala ko siya kay TingZhe 3years ago.. Nung hindi kayo sumama dahil mas pinili niyong
matulog at kumain nalang sa hotel nun.'' napaisip tuloy ako bigla..

Edi ibig sabihin nun?? May girlfriend na si TingZhe?

''Tapos??''
''Ayaw naman kasi talagang sumama ni Tingzhe sa akin nun.. Pinilit ko lang siya.. Ayun, ako nakipag
sayawan nun dun sa mga models na nandun, tas' iniwanan ko silang dalawa.. Ang sabi sa akin ni
TingZhe.. Hindi niya naman daw inakalang, maiinlove siya kay Gabby.'' napalook down si Ichirou.

''Dun na tayo sa main point mo Ichirou! Ini-is-spoil mo kami e!'' saad ng mainiping si Chenglai.

''Kagabi, nakausap ko si Gabby. Ang sabi niya.. Nakikipag break na daw si TingZhe. Hindi niya naman
daw alam kung anong dahilan at humihingi siya ng break up.''

''Edi ibig sabihin nun.. Natamaan talaga si TingZhe dun sa Drillon??'' pumalakpak si Hyunsoo. ''Iba din
pala si TingZhe, makakita lang ng bagong isda, huhulihin na at papakawalan yung nauna.''

''Sinabi mo ba dun sa Gabby na may nagustuhan dito si TingZhe?''

umiling lang ito, at huminga ng malalim.

''Ang hirap pala no? Lalo na, pag yung inaakala mong miss right si miss wrong pala. Yung alam mo sa
sarili mo na siya na, pero hindi pa pala.. Kase mas nakikita mong mas perfect yung nalate yund dating.''
saad naman ni Chenglai.

''Pero hindi naman recycable yung mga babae. Ano sila tissue? Na pag katapos gamitin, itatapon na??
Pag nakita ko yang TingZhe'ng yan.. Kukutusin ko siya! Masyado siyang madugas! Ganda pa naman ni
Drillon'' sabi naman ni Hyunsoo habang nag hahand-gesture pa.
''Ano ba kayo? Masisisi niyo ba si TingZhe? Nag mahal lang yung tao.. Natural lang naman siguro kung
doon ka sa taong alam mong makaka kompleto sayo, hindi ko naman sinasabing hindi siya naging
masaya kay Gabby pero, panigurado ako.. Mas masaya yung mokong na yun sa piling ni Jane''

Kinuha ko yung susi ng kotse ko, at nag madaling lumabas. Makakatikim sa akin yang TingZheng yan!
Ang lakas ng loob lokohin si Jane!

Pagkadatin ko sa tapat ng school nila, agad ko itong tinawagan. Honestly, ito palang yung unag pag
kakataon na matatawagan ko si Jane.

''Hello?? Sino 'toh?''

''NASAAN KA??'' tumakbo papasok ng campus nila, at hinaluglog ang bawat sulok na pwede niyang
puntahan.

''Sino toh??''

''Si CLARKSON. Nasaan ka Jane? May importante akong sasabihin sayo.''

''ahh, ikaw pala. Nasa may tapat ako ng Principals Office. May isusubmit akong report. Baket?? Anong
sasabihin mo??''

Sakto naman pag lingon ko sa may right side ko, nakita ko si Jane. Nakatalikod ito at may hawak-hawak
na envelope.

''Hello?? Clarkson?? Nan...'' ibinaba ko na yung call.. At sa walang kadahilanang rason, tumakbo ako
papunta kay Jane at yinakap ito.
''Cla..''

''Jane....'' hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.

Hinawakan ko ito sa mag kabilang pisngi..

''Okay ka lang?'' bakas sa mukha nito na nabigla siya sa ginawa ko.

''Sigurado kang ako yung tinatanong mo niyan?? Ikaw okay ka llang??''

tinanggal nito ang pag kakahawak ko sa mukha niya.

''Anong sasabihin mo??'' habang tinitignan ko lang ito, hindi ko maiwasang mapangiti.

''Alam mo ba na linoloko ka lang ni TingZhe?? May girlfriend siya..''

''Alam ko.''

''Sinong nag sabi sayo??''

Maya-maya pa'y biglang sumulpot si TingZhe, at hinila papunta sakanya si Jane.

''AKO.''

''Sinabi ko na lahat sakanya, kaya wala ka ng dapat pang problemahin. Wala na kami ni Gabby. Kaya
hindi ko siya linoloko..''
''Hey, what's happening?? Mahck nandito ka pala, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na darating ka?
Na touch naman ako babe.'' bigla namang dumating si Natahsia, na noo'y kagagaling lang sa Principals
Office.

''Sige, Natahsia.. Mauna na kami...'' ani TingZhe.

Nakatingin lang sa baba si Jane, habang naka akbay dito si TingZhe.

''Jane..'' hinawakan ko ito sa braso..

Tumigil sila sa pag lalakad,

''Listen to me..''

''Wala siyang dapat marinig na kasinungalingan Mahck!''

''Jane! Listen..''

''Babe? Anong nangyayare?? Drillon??''

''Please, comeback to me.'' inangat ni Jane yung tingin niya sa akin.


''Let her go!'' naka tingin lang sa akin si Jane, pero halata sa mga mata niya na maiiyak na siya.

''Come back to you?? Wait.. What's the meaning of this??'' tanong ni Natahsia. ''Jane, bumalik ka lang sa
akin.. Itutuwid ko lahat ng mga mali ko..'' pagmamakaawa ko dito.

''Omy, you're cheating behind my back?! Drillon?! Mag salita ka! Sabi ko na nga ba, may tinatago kang
kalandian! Paano mo nagawa sa akin toh?! I mean.. We're bestfriends right??'' pumanta si Natahsia sa
harapan ni Jane. At umiyak..

''Jane?! Mag salita ka!''

''WALA AKONG DAPAT SABIHIN.'' pag kasabi niyang yun kay Natahsia, lumingon naman ito sa akin.

''Sorry Mahck, aalis na kami ni TingZhe.'' tinaggal nito ang pag kakahawak ko braso niya. Wala na akong
nagawa, kundi pagmasdan nalang silang umalis, at lumayo sa akin.

TINGZHE'S POINT OF VIEW

NOW PLAYING MAGPAKAILANMAN by TOP SUZARA

(pakinggan niyo nalang.. nandyan sa may side ^___^)

Pagkapasok na pag kapasok namin sa kotse, sinubukan pang itago ni Jane yung totoong
nararamdaman niya. Sinubukan niya pang tumawa, kahit bakas naman sa mga mata niya yung totoong
nararamdaman niya.
''Hahahha! Nakakatawa talaga yung ginawa niya kanina.. Comeback to him daw.. Hahahahha!!'' tuloy pa
rin ito sa pag tawa, pero ng hawakan ko na yung kamay niya, atsaka sinabing

''Jane, okay lang kahit umiyak ka.. Hindi naman ako magagalit.'' tumingin ito sa akin, at hindi na niya
napigilan pa yung sarili niya.

Gamit ng kamay niya, sinubukang itago ni Jane yung pag iyak niya. Kahit naman kasi itanggi niya na
wala na siyang gusto kay Clarkson, alam ko parin yung totoo.

''Jane..''

Tuloy pa rin ito sa pag iyak..

''Sana, payagan mo akong mahalin ka. Kahit lamok, hindi ko hahayaang dumapo sayo. Pro-protektahan
kita, aalagaan ng tama, gagawing first priority.. At kahit hindi tama na piikutin sayo yung mundo ko..
Gagawin ko. Ganun kasi kita kamahal.. Kahit imposible.. Gagawin kong posible, basta makita lang kitang
masaya, kahit mahirapan ako.. Okay lang.. Kasi alam ko, yung mga gagawin ko para sayo. Kaya sana,
tulungan mo ako, para makalimutan mo na si clarkson.''

JANE'S POINT OF VIEW


Simula kahapon, minabuti ko na munang hindi pumasok. Gusto ko kasi sa bahay muna ako.. Pero kahit
nasa bahay lang ako, oras oras akong binibisita ni TingZhe.

''Jane, boyfriend mo ba yung si TingZhe?? Kase kung oo.. Ang swerte mo!'' sabi sa akin ni ninang beki
habang kumakain ito ng ponkan.

Dapat ko ba talagang bigyan ng pag kakataon si TingZhe? Natatakot kase ako.. Baka ganun nanaman
yung mangyare.

''Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin si kulot?'' hindi ko liningon si ninang beki.

''Urghh, Jane! Ano kaba.. Oo alam ko, hindi naman madaling gawin yung mga sinasabi ko, pero Jane. Ito
na yung reality, lumipas na yung 7years. May napala kaba?? Wala diba?? '' pero hindi naman ganun
kadali yun e.

''Atsaka, bata pa kayu nung mga panahon na nangako siya kayo. Hindi niyo pa alam yung tama sa mali.
Mga musmos pa kayo 'nun to be exact. Hindi niyo pa rin alam yung ginagawa niyo nun. Kaya anak,
huwag ka ng mag mumok diyan.. Keri lang ang life.'' tsaka isinuklay ni ninang beki yung mga daliri niya sa
buhok ko.

Ang sabi kasi ng puso ko, pwede pa.. Pero sabi naman ng utak ko.. Tama na..

Napa buntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko na rin kase alam yung gagawin ko..
Gulong gulo na ako.. Sarap iumpog ng ulo ko sa pader.
Nag paalam ako kay ninang beki na lalabas muna ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin,
pag kase nasa loob ako ng bahay mas nararamdaman ko yung lungkot.

“Buti naman at lumabas kana..” kamuntik akong maiipit sa gate ng biglang may lalaking nag salita.

“Kanina kappa diyan? Akala ko bang may recording kayo ngayon?”ngumiti lang ito sa akin

“Oo, meron nga.. Halos katatapos lang namin, gusto ko sanang marinig mo yung solo song ko. Sinulat ko
yung para sa babaeng napaka importante sa akin” bahagya kong kinurot yung mukha ni Tingzhe.

“Baket totoo naman ah?”

(see TingZhe‟s Facial reaction ---à)

“Huwag ka ngang gumanyan..” pag katapos nun tumawa na ulit ito.

“Ngayon ko lang nalaman may pagka pikon ka pala..” kumunot yung noo ko.

“Pikon? Hindi ahh.. Haba kaya ng pasensya ko..”

“Sabi mo e, tara! Diba sabi ko may ipaparinig pa ako sayo?”


“saan?”

Ngumiti muna ito bago nag salita,

“basta, tara?”

NOW PLAYING: MY FIRST CHOICE ORIGINAL SONG BY ALEX THAO :

♫Look at the way he treats you now How is it that you can't even see the wrong he does to you, And all
the things that he says to you Girl you know you deserve much better, than that♫

Bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya para bang mga baling ligaw na tumatama sa puso ko. Dapat ko
nab a talaga siyang bigyan ng chance?

♫(so) Don't cry for someone who won't wipe those tears away, And fight the feeling of "there's never
gonna be, anyone else for you" , I wanna keep you safe and warm, as I hold you [tight] (cause) In my
book, in my life, you were always, my first choice ♫

Parang unti-unti natata uhan na ako.. Unti-unti parang handa na yung puso ko na pakawalan pa siya.
♫Don't be afraid to try, You know you're much stronger than this, There's no one holding you down but
yourself, Just know that I'm right here for you, With me by your side you will never ever have to ♫

Siguro naman hindi ako sasaktan ng taong „toh. Dahil marami siyang qualities na wala si Clarkson, pero..
mali diba? Mali na ikompara ko silang dalawa.. Dahil mag kaiba naman sila.

♫Cry for someone who won't wipe those tears away, And fight the feeling of "there's never gonna be,
anyone else for you"
I wanna keep you safe and warm, as I hold you [tight], (cause) In my book, in my life, you were
always, my first choice♫

Siguro, kaya hindi binigay sa akin ni God si Clarkson, kase.. nay Tingzhe na mas mag mamahal.. at
aalagaan ako.

Pero sana, tama yung magiging desisyon ko…

Kase kung nag kataon na mali..


AKO RIN YUNG KAWAWA SA HULI.

Sorry kung ang tagal kong mag update.. Ang busy ko kase ngayon.. dami kong inaasikaso.. Kaya
pag may free time dun lang ako nakakapag type.

Don’t worry by next week tapos na toh.

Xoxo

Asrah028

HBAM 9

JANE

2 weeks ko nang hindi nakikita si Clarkson, ang sabi kase nina Ichirou bumalik daw ito pansamantala sa
Paris. Hindi ko na rin inalam kung bakit.. Dahil wala namang sense kung itatanong ko pa.. Hindi rin ako
kinakausap ni Natahsia, dahil according kay Isra.. Galit daw ito sa akin,

''Lalim ng iniisip mo..'' bumalik ako sa reyalidad ng pindutin ni TingZhe yung pisngi ko. ''Hah??''

''Sabi ko ang lalim ng iniisip mo. May problema ba??'' ngumiti ako ng bahagya sakanya.. ''Wala naman..''
tipid na sagot ko dito.
''Jane may itatanong ako.. Pero sana sagutin mo ng seryoso..''

''Tungkol ba saan yang itatanong mo? At kailangan pa ng seryosong sagot?'' hinawakan nito ang kamay
ko.

''Kailan mo ba ako sasagutin?''

Nung itananong niya sa akin yan, para bang bahagyang nag stock-up yung utak ko.

''Hindi ko alam... Hindi ko muna kase iniisip yan ngayon..''

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. At tumingin ng deretso sa mata ko..

''Jane, mahal kita.. Hindi kita sasaktan. Hindi kita papabayaan, iingatan kita. Please, fall inlove with me.''

Hindi naman sa ayaw ko siyang sagutin, kaya lang natatakot na din kase akong bumalik sa umpisa. Baka
mamaya kase gaguhin lalng ako ng gagong toh.

''Pag iisipan ko pa.'' tumayo ako at nag pagpag, sa totoo lang, parang kami na din ni TingZhe.. Yun nga
lang wala nga lang label.
Pero paano kung bigyan ko siya ng Pagkakataon?? Wala naman sigurong mawawala diba?? Paano kaya
kung sagutin ko na siya bukas?

Wala naman kasing masama kung sagutin ko na siya, siguro hindi naman niya ako bre-breakan.. Sige!
Bukas.. Sasagutin ko na siya..

''Drillon.. May naghahanap sayo.'' parehas kaming napatingin kay Isra nung tawagin niya ang pangalan
ko.

Minabuti na ni TingZhe na umalis na, dahil may meeting daw sila.. Tahimik akong sumunod kay Isra.
Ang sabi niya kase hindi niya daw kakilala yung tumatawag sa akin.

Pero sino naman kaya yun??

''Ayun siya Drillon.'' itinuro niya sa akin yung babaeng nakatalikod at naka harap sa may statue ng owner
ng school.

''Excuse me..'' lumingon ito sa akin.. At ngumiti ito..

''Ikaw si Jane Drillon right??''

''Ako nga.. Pero.. Sino ka?? At anong kailangan mo?'' ngumiti ulit ito at iniabot yung kamay niya.
''I'm Gabrielle Fuentez.. Gabby for short.'' Gabby?? Siya ba yung girlfriend ni TingZhe?? Pero, anong
ginagawa niya dito??

''Uhm, pwede ba tayong mag usap?? I mean.. Yung tayong dalalwa lang.''

Sa walang kadahilan, sumunod nalang ako sa gusto niya. Pumasok kame sa isang coffee shop.

''Uhmm.. You know TingZhe right?'' tumango lang ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan
ng makita ko siya. Para bang hindi ako komportable na kasama ko siya..

''Paano ko ba sasabihin??'' nagulat ako ng bigla nitong hawakan yung kamay ko. ''Jane, mahal mo ba si
TingZhe?''

Pakiramdam ko ng tinanong niya yun, automatic na bumilis yung tibok ng puso ko. Madalas na sabihin ko
sakanya na hindi ko siya gusto.. Pero bakit ganito??

Ang lakas ng tibok ng puso ko..

''Jane.. Mahal mo na ba si TingZhe??''

Siguro, pero hinde.. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko.

''Jane..'' maya-maya pa'y may mga luha ng bumagsak mula sa mata niya.. ''Jane, I'm begging you..
Iwanan mo na si TingZhe. I love him.. At una niya akong minahal. Nag promise siya sa akin na hindi niya
ako iiwanan, pero ng makilala ka niya.. Nag bago ang lahat. Please Jane.. Nag mamakaawa ako sayo..
Iwanan mo na si Tingzhe, ako naman yung unang minahal niya..''

Sa mga oras na toh, para bang.. Nakikita ko yung sarili ko kay Gabby. Ganito ba yung naramdaman ni
Clarkson nung makita niya si Natahsia?? Na kahit hindi niya ginusto.. Nahulog pa rin ito sakanya.

''Jane.. Kung gusto mong lumuhod pa ako sa harapan mo.. Gagawin ko..''

''Ga.. Gaby..'' lumuhod ito sa harapan ko at nag makaawa. Anong gagawin ko?? Bakit ngayon ka pa
dumating..

Ngayong natututunan ko na siyang mahalin. T__T

Kinabukasan...

''Aalis na po ako..'' hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pakiramdam ko kasi pinaglallaruan ako ni
God.

''Jane!'' pagkabukas ko ng gate bumulaga sa akin si TingZhe.

''Hahatid na kita..'' pag yayaya nito.. Habang nakikita ko siyang ngumingiti hindi maalis sa isip ko si
Gabby. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Sana bigyan niyo ako ng sign.. Kase hirap na hirap na yung
utak, katawan at puso ko.

Wasak na wasak na po ako.


''Jane.. Okay lang kahit hindi mo agad ako sagutin. Willing naman akong mag hintay. Kahit matagal..''
dapat ngayong araw na to, ngayon ko siya sasagutin.. Kaya lang..

''Tingzhe.. Bakit mo iniwan si Gabby? Hindi mo na ba siya mahal? Hindi ka na ba masaya sakanya??''
napawi yung mga ngiti nito sa labi.

''Si Gabby? Hindi ko alam.. Mahal ko si Gabby, mahal na mahal.. Pero hindi ko maintidihan yung sarili ko
pag nakikita kita.. Masaya naman ako kay Gabby, pero mas masaya ako sayo.''

Ganun din ba si Clarkson?

''Bakit mo naitanong??'' umiling lang ako. Kung totoosin, pareho kami ng kalagayan ni Gabby.

Ako iniwanan ni Clarkson para kay Natahsia... Siya Tingzhe iniwan si Gabby para sa akin..

''Hindi mo na ba mahal si..''

''Mahal ko si Gabby, pero mas mahal kita.'' bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko..

''Siguro nga mahal mo ako.. Pero alam ko, si Gabby pa rin ang gusto mo. Hindi naman basta mawawala
yun. Hindi kaba na kokonsensya? Iniwanan mo siya ng dahil sa akin?'' umiling ito..
''Ipinalinawag ko na sakanya lahat lahat..''

''Siguro madaling ipaliwanag sakanya na ayaw mo na. Pero naisip mo ba kung anong naramdaman niya
matapos mong ipaliwanag ang lahat?? Siguro, sinabi niya okay.. Pero hindi porke sinabi niyang okay,
okay na yun. Sinabi niya lang yun para hindi ka ma guilty.. Sinabi niya yun kahit labag sa kalooban niya..
Sinabi niya yun kase mahal na mahal ka niya, kahit iiwanan mo na siya.''

''Pero..''

''Hinde, mali tong ginagawa natin. Kahit natutunan na kitang mahalin, kahit saan'g angulo ko tignan.. Mali.
Maling mali yung ginagawa natin.''

''Jane.. Ikaw yung mahal ko. Tsaka wala ng mali dun, wala na kami ni Gabby.'' pag kasabi niya nung mga
katagang yun, hindi ko na napigilang napaluha.

''TingZhe.. Linigawan mo si Gabby, nag pakahirap ka para makuha yung oo niya.. Kaya sana..'' nag
punas muna ako ng luha bago itunuloy yung sasabihin ko.

''Bumalik kana sakanya, kase kung kailangan kita.. Mas kailangan ka niya.'' pagkatapos nun, lumayo na
ako dito.

Ayokong mag paka selfish, ayokong maging mang-aagaw. Naranasan ko rin yung naranasan ni Gabby,
kaya naiintindihan ko siya..
Kaya lang, bat ganun??

bat sobrang sakit? T_T

CLARKSON

''Welcome back bro!'' bati sa akin nina Ichiroo.

''Buti naman at naisipan mo ng bumalik..'' ngumiti lang ako bilang sagot. Kamusta na kaya siya?? Okay
na kaya siya??

Miss ko na kase siya..


JANE

Buong araw lang akong nakatingin sa kawalan, pakiramdam ko rin na kahit anong oras pipikit ng kusa
yung mga mata ko.

''Drillon okay kalang??'' tanong sa akin nung bestfriend kong si Isra.

''Okay lang ako..''

''Sure ka?? Namumutla ka kase..'' hinipo nito ang noo ko. At ikinopare niya sa noo niya.

''Hala! Drillon! Linalagnat ka!''

''Hah??''

''Halika! Dadalhin kita sa clinic..''

Pag kadating namin sa Clinic, nakita ko dun si Natahsia. She was sick too. At ang masaklap pa nito
kasama niya si Clarkson, mag kahawak pa yung mga kamay nila.

Kahit hindi ko siya tignan, nararamdaman ko na nakatingin ito sa akin.


''Dun sa kabilang bed mo nalang siya ihiga miss Ramos, dun sa katabing bed ni Natahsia.''

NOW PLAYING: JEALOUS BY NINA

♫Jealous of the girl who caught your eye, One of my darker days, When you looked at her where was I?
Shoulda been in her place. Here I am, All alone imagining what might have been, What could have been
If I had been there♫

Pagkahiga ko dun sa bed.. Sumikit ng kusa yung dibdib ko.. Kasabay ng pag pikit ko yung pag bagsak ng
luha mula sa aking mata.

Ang hirap pala pag yung taong mahal mo nasa tabi mo lang, pero pakiramdam mo napakalayo niyo sa
isa't isa.

Gusto mo man siyang hawakan, kaya lang hindi pwe-pwede.. Dahil katabi niya yung taong mas mahal
niya, yung taong mas pinili niyang makasama kesa sayo.

“Jane.. Babalik na ako sa classroom ha? May quiz kase tayo.. ipagpapaalam nalang kita kina Sir at Miss..
Pati ikaw Natahsia..”

♫Jealous of the one who's arms are around you, If she's keeping you satisfied, Jealous of the one who
finally found you, Made your sun and your stars collide .. La la la la la la la, She's a very very lucky girl
La la la la la la la♫

Ang sabi ko pa naman dati sa sarili ko, hinding hindi na ako mag seselos o maapektuhan. Pero heto
nanaman ako, ako nanaman yung talo. Samantalang siya, heto sa tabi ko pangiti-ngiti at hindi niya alam
na dahan dahan nasasaktan ako.
She‟s a very very very lucky girl……..

This one is dedicated to Ela :)

Ela! Thank you dun sa message mo ha?? Super na touch talaga ako dun sa ginawa mo. Basta pag ikaw
naman yung may problema.. Nandito lang si ate sarah for you û

HBAM FINAL CHAPTER

JANE
Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko, unang bumungad sa akin ang mukha ng ate kong si Jasmine.
Hinipo niya yung noo ko, pag katapos nun ngumiti na ito.

''Mabuti naman at bumaba na yang lagnat mo. Ngayon sigurado na ako na hindi ka alien, tao ka.''

''Pwede ba..'' pag kalingon ko sa may side nakita ko naman si Zach-zachan ng kayabangan.

''Bat nandito yang ungas na yan?!'' mabilis akong bumangon, at binato siya ng unan.

''Hi sister in law.. Huwag kang brutal, alam ko na miss mo ako kaya gumaganyan ka. Well kung
tinatanong mo kung anong ginagawa ko dito.. Simple lang, may hinatid akong batang kulot pauwi ng
Pilipinas.'' kagaya pa rin siya ng dati.. Malakas pa rin ang kanyang arrive.

''Sige lalabas muna ako.. Sa tingin ko kailangan niyong mag usap.'' kinuha ni ate Jasmine yung mga
gamit na towels at lumabas na..

''ATE HUWAG MO AKONG IIWAN SA PANGIT NA TOH!!''

''Hoy! Huwag mo ngang ipasa sa akin yung pangit. Mas pangit ka sa akin'' kahit hindi pa ako ganun
kalakas, sinipa ko ita. Kaya lang dahil mabagal pa ako, nakailag siya.

''Hay nako Jane, napaka childish mo pa rin.''


''Kesa naman sayo, authistic! Bakit ba?! Bakit kailangan nating mag usap??'' inis na sabi ko sakanya.
Wala pa man din ako sa mood para kausapin siya..

''Siguro hindi mo alam kung paano kana nakauwi dito no??''

Oo nga pala, ang alam ko nasa clinic ako kanina.. Bat bigla bigla nandito ako??

''Sinundo mo ako. Huwag mo na ngang gawing komplikado yung mga bagay-bagay. O sige na, thank
you! Masaya kana?!''

Pagkabukas nung pintuan sa Cr sa kwarto ni Jasmine.. Nagulat ako ng nakita kong basa pa yung buhok
ni Clarkson at bagong ligo ito.

*Flashback...

Clarkson's Point of View

''Jane..'' tinapik ko ng mahina yung mukha niya, pero mahimbing ang tulog nito.

''Jane, gumising kana.. Ihahatid na kita sa inyo..'' nabigla ako ng hawakan niya yung braso ko.

''Clarkson.. Ang sakit.. Bakit kailangan mo akong iwanan?'' hinawakan ko yung kamay niya.

''Jane, pasensya kana. Alam ko hindi sapat yung sorry. At alam ko kahit paano ako humingi ng tawad
sayo, hindi mo naman ako madaling mapapatawad. Alam ko Jerk ako.. Pero Jane, kahit si Natahsia ang
kasama ko ngayon.. Ikaw pa rin yung may hawak ng puso ko.''
''Jane.. Mahal kita, mahal na mahal kita. Kahit alam kong nasaktan kita..'' tumayo ako, at inilapit ang
mukha ko sa mukha niya.

''I love you, Jane Drillon.''

*end of Flashback*

CLARKSON

''Mabuti naman at gising kana..'' ngumiti ito ng paalangan.

''I think, kailangan niyo talagang mag usap.'' tumayo si Kuya, at lumapit sa akin.

''Kung ano yung idinidikta ng puso mo, yun yung sundin mo. Huwag mong pakinggan yung sinisigaw ng
utak mo. Kase kahit pag bali-baliktarin mo man yung mundo. Mas matimbang pa rin yung sinisigaw ng
puso kesa utak.'' pag ka tap ni kuya sa balikat ko.. Lumabas na rin ito ng Kwarto.

Tahimik lang si Jane. At hindi nag sasalita..

''Okay kana niyan??'' awkard.

''Hmm..''
Mag isip kapa ng sasabihin mo Clarkson. Mag isip kapa.

''Ahh Jane, sige.. Lalabas na muna ako.'' bumalik lang ito sa pagkakahiga, hindi na rin ito sumagot pa.
Paano ko ba uumpisahan toh, lalo na't pag nakikita ko siya.. Pakiramdam ko napakasama kong tao.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Kuya Zach.

''Ano kulot? Okay na kayo??''

''Hindi pa? Ewan ko kuya.. Ang gulo kase ng utak ko ngayon.'' tinap niya ako sa balikat, at maya-maya
pa'y umakbay na ito sa akin.

''Halika, doon tayo sa terrace sa taas mag usap. Alam ko naman na kailangan mo ng makakausap sa
mga oras na ito.'' siguro nga kailangan ko ng makakausap..

Pagkadating namin sa terrace. Agad akong tinanong ni kuya Zach.

''Mahal mo??''

''Si Jane??'' ngumiti ito bago itinuloy yung sasabihin niya.

''Kita mo na.. wala akong binanggit na pangalan, pero siya yung lumabas diyan sa bibig mo.'' napalook
down tuloy ako.
''Diba ang sabi mo ipinaliwanag mo na lahat kay Natahsia?'' tumango ako at hindi ko pa rin alam kung
ano yung isasagot ko. ''Ano pang prinoproblema mo?''

''E kase kuya.. Ano e..''

''Don't tell me mahal mo Jane, tas mahal mo pa si Natahsia? Nako, Clarkson.. Huwag na huwag mong
gagawin na pag sabayin yung dalawang babae. Maniwala ka sa akin, napag daan ko na yan.'' iba naman
kase yung pinagdaan niya kesa sa pinag dadaan ko ngayon e.

''Kuya, hindi ko kase alam...'' ngumiti muna ito bago sumagot.

''Siguro nga hindi mo alam kung sino, pero naniniwala ako.. Na may iisang tao diyan na namumukod
tanging sinisigaw ng puso mo.''

Ano ba kase itong pinasukan ko?? Bakit naging ganito kagulo?? Sabagay, kasalanan ko rin naman e.

''Tsaka Clarkson, hindi mo masasabing pag ibig, kung walang masasaktan sa inyo.. Kaya tanging payo
ko sayo, kung ano yung idinidikta ng puso yun, yung sundin mo. Kase yun yung tama. Normal lang na
may masaktan.. Kase, that's life.''

Pagkaalis ni kuya Zach, napaisip tuloy ako.

Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?


KINABUKASAN...

JANE

Kasalukuyan kaming nag kwe-kwentuhan ni Isra ng biglang pumagitna si Natahsia.

''Pwede ba tayong mag usap?''

''Anong pag uusapan natin??'' mahinahon na tanong ko dito.

''Pwedeng sa labas nalang tayo??''

''Ahh!? Sige, ako nalang yung lalabas.'' pag boboluntaryo ni Isra sa akin.. Nang makaalis na si Isra
nanatili kaming tahimik ni Natahsia sa una.

''Uhm, Jane..'' hinawakan nito yung kamay ko.

''Sorry sa lahat ng mga masasakit na bagay na sinabi ko sayo. Hindi ko naman kase alam na.. Ganun
pala yung story niyo ni Clarkson.. Pasensya na kung nag mukha tuloy akong kontrabida sa inyong
dalawa.'' habang sinasabi yon ni Natahsia, unti-unti itong naluluha.

''Jane, ikaw na bahala sakanya ha?''

Nang sinabi niya yun, nakaramdam ako ng kaunting saya sa aking puso. Ibig sabihin ba nito....
Pinapalaya niya na si Clarkson?

''Mahal ko si Clarkson.. Pero kahit mahal ko siya, wala ding kwenta yun. Kase, kahit ako yung kasama
niya.. Ikaw yung nakikita niya, hindi niya man sabihin sa akin yun.. Pero kase Jane, hindi naman ako
manhid para hindi maramdaman yun.''

''Drillon, alam ko mahal na mahal mo siya.. Kaya sana lang huwag mo siyang sasaktan. Kase mahal na
mahal ko siya. dahil mahal ko siya..''

''Kahit masakit,handa akong mag paraya.. Makita ko lang siyang masaya.. Kahit sa piling na ng iba.''

Bakit ganun? Pinapakawalan niya na nga si Clarkson, pero na gu-guilty pa rin ako?? Diba ito yung gusto
ko.. Pero bakit pakiramdam ko..

Napaka selfish ko?


Pagkaalis din ni Natahsia, pakiramdam ko parang binuhusan ako ng yelo. Bakit ganto??

Diba dapat masaya ako??

.......

NOW PLAYING: I PROMISE YOU BY FRANKIE J

Pakiramdam ko pati yung kalangitan nakiki dalamhati sa nararamdaman ko. Lakas kase ng ulan, wala
paman din akong dalang payong ngayon.. Itetext ko sana si Isra ng mapagtanto ko na hindi ko nga pala
dala yung phone ko.

PESTE NAMAN.

Lulusubin ko na sana yung ulan.. ng biglang…

''Kagagaling mo lang sa sakit, huwag mong sabihing mag papaulan kana agad. Nako, wala ka paring pag
babago.. Nag papakabayani ka parin. Anong tingin mo sa sarili mo?? Water proof?!'' nang marinig ko
yung lalakeng nag mamagaling..

Tumaas agad yung prisyon ko.

Lintik na.....

''Wala kang pake kung mag ka saki-----'' ng makita ko kung sino yung nagsalita.. bahagya akong
napaatras. At nanginig..
''hmmm..'' inabot niya sa akin yung payong niyang naka bukas na.

''Ayoko nga.. Ayokong kasabay ka. Tsaka ano bang pake mo?!'' lumayo ako ng kaunti sakanya..

''Hay nako,'' kinuha niya yung kamay ko, at isiniksik doon yung payong na dala dala niya. ''Don't worry
hindi naman ako sasabay sayo. Alam ko naman na ayaw mo akong kasabay. Sige Jane.. Babay!''

pagkatapos nun, tumakbo sa ulan ang hayop na si Clarkson.

Anong tingin niya sa sarili niya? Water proof din?! -_________-“

''Bumalik ka nga dito! Umuulan oh!!'' sigaw ko sakanya habang sinusubukan ko itong habulin.

''Kulot! Ano ba!!''

Hanggang sa tumigil ito sa pagtakbo at humarap ng nakangiti sa akin.

''Hoy! Ano yang ngiting yan?!'' Sigaw ko sakanya.

''Ngiting masaya, yung ngiting walang pag aalala.''


''Hah?? Huwag ka ngang mag paulan!'' ngumiti ulit ito at hinawakan yung kamay ko na may hawak ng
payong.

''Okay lang sayo kung susukob ako??'' pagkasabi niyang yun. Sumilong siya sa payong ko.. At ramdam
na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

''Actually matagal ko ng gustong gawin toh.'' humigpit yung pag kakahawak niya sa kamay ko. At nakaka
sigurado ako na nakatingin ito ng diretso sa mukha ko.

''Lumayo ka nga!'' ng itutulak ko na sana ito. Bigla niyang tinabig yung mukha ko, sa sobrang pag kabigla
nabitawan ko yung payong na hawak hawak ko.

''Jane..'' this time.. Hinawakan niya na yung magkabilang pisngi ko..

''Sorry for being a jerk.'' habang linalapit nito ang labi niya sa labi ko.. Pakshet lang, dahil parang naka
super glue yung paa ko sa lupa. Hindi ko magalaw yung paa at kamay ko.

''Don't worry.. Nag paalam na ako sa ate mo about this. You can close your eyes if you want to, pero may
okay if hindi ka nakapikit.''

habang papalapit ng papalapit yung labi niya.. Ipinikit ko nalang yung mga mata ko.
Pag katapos magtagpo ang mga lips namin.

''Jane, this time.. Hindi ko na sisirain yung pangako ko sayo. Dahil ngayon pa lang..''

May inilabas itong sing-sing..

''ito yung sign na..'' habang isinusuot niya sa akin yun, hindi ko na napigilang maiyak.. ''Ikaw na yung
abaeng papakasalan ko.''

''Tsaka Jane??'' tumingin ulit ito ng diretso sa mata ko.

''Pag nasaktan ulit kita, okay lang kahit sampal-sampalin mo ako.. Hindi ako magagalit..'' ngumiti ako..

''Siguro nga minsan nasasabi ng iba na kalalake kong tao napaka landi ko, pero ito ang tandaan mo
Jane.''

''Malandi man yung mga mata, pero itong puso ko??'' kinabog niya yung dibdib niya.. ''Stick to one na
yata toh. Kaya sana maging okay na ulit tayo..''

''Tsaka huwag kang mag alala, sinabi ko na lahat kay Natahsia. Kaya, okay na ang lahat.. Kaya Jane??''
''Bati na tayo ha?''

Pagkatapos din ng araw na yun, naging okay na lahat kami.

Tingzhe kay Gabby.. Nagpasalamat din sa akin si Tingzhe dahil tama nga naman daw yung sinabi ko. At
buong buhay niya daw siyang mag papasalamat sa ginawa ko.. Ganun din naman si Gabby, naging
kaibigan ko rin siya.. Salamt kay Tingzhe..

Si Natahsia masaya na.. Although nung una naiilang pa siya.. Pero natanggap din niya na hindi talaga
siya ang mahal ni Clarkson.. At mas naging close na kami ngayon….

Sina ate at kuya? Malapit na silang mag ka baby =) Siyempre ninang ako..
♥Ü♥Ü♥

SIMULA Noon,

Napag disisyunan ko na kailangan muna akong ligawan ulit ni Clarkson. Siyempre, natural lang yun noh..
Pero siyempre pinatagal ko lang ng 2 weeks para eksena.

Siguro nga mahirap yung pinag daanan ko, pero kahit gaano kahirap yung pinag daanan ko.. Kita niyo
naman yung resulta.. Hindi naman siguro ibibigay ni Lord yung mga pasakit nay un kung wala siyang
purpose.

Tsaka kung hindi talaga para sayo, kailangan tanggapin mo. Kase mas masakit kung ipagpipilitan mo
yung sarili mo sa mga bagay na, wala ng space para sayo. Masasaktan ka, kahit hindi mo naman gusto..

Pero kahit gaano ka saktan ng mga taong mahal mo, tandaan mo.. Mas okay pa rin na patawarin sila,
kahit na sobrang bigat ng mga kasalanan nila sayo.

Matuto kang mag patawad.

Dahil ang buhay ng tao ay hindi perpekto.

Bumalik na rin kami dati ni Clarkson, yung laging nag aaway at nag babangayan, pero after nun.. Yung
walang katapusan na lambingan…
“Jane! I love you so much..”

“I love you more than much Clarkson..”

The End.

Sana nagustuhan niyo ang love story nina CLARKSON at JANE.

PAALAM! ^_____________^

You might also like