Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas

Takdang aralin#2
Ang Batas Militar ay pagpapataw nan panandalian kapangyarihang militar sa isang lugar
dulot ng pangangailangan. Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas Militar noong
Setyembre 21,1972. Napasailalim ang Pilipinas sa Batas Militar mula 1972 hanggang 1981.
Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar marami ang ipinagbawal at isa na rito ang pagtuturo ng
panitikan. Pili lamang ang mga panitikan na nababasa at nasusulat noon. Pansamantalang
pinahinto rin ang publikasyon ng mga pahayagan at sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o
pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pantelebisyon at pagtatanghal
ng mga pelikula. Pansamantalang naitigil din ang mga programa sa radyo. Ngunit lumaganap
naman ang mga tula, sanaysay at iba pang-akda ukol sa pagsalungat sa Batas Militar. Malaki ang
naging pagbabago sa ating panitikan sa panahong ito ngunit masasabing naging maningning pa
rin ang ating panitikan. Ang namalasak naman sa panahong ito ay ang dula ng Panitikang
Pilipino. Naging masigla ang pagtatanghal sapagkat sinuportahan ito ng Unang Ginang na si
Imelda Marcos.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines. Sinimulan rin ang pagsalin
sa Pilipino ng mga klasikong Opera.Ngunit hindi maikukubli na naging mahigpit sa nilalaman ng
mga akda ang administrasyon. Sa pamamahala ng administrasyong Marcos ay naipahinto ang
paglaganap ng karahasan sa tema ng mga akdang pampanitikan, isa na rito ang dula. Kaya ang
mga naging paksain ay tungkol sa ikauunlad ng bayan,luntiang rebolusyon,wastong
pagkain,pagpaplano ng pamilya,drug addiction at polusyon. Muling naibalik ang dalang
impluwensya ng mga Kastila at Amerikano sa pagtatanghal. Dahil sa pagmamatyag na isinagawa
sa tema ng mga akdang pampanitikan ay gumamit ng mga simbolo ang mga manunulat ng iba’t
ibang likhang sining tulad na lang ng mga awitin. Naging mahigpit ang administrasyon sa
nilalaman ng mga inililimbag na babasahin. Isa sa mga patunay nito ang pagsasalaysay ni Efren
Abueg sa kanyang karanasan noong panahon ng Batas Militar, naging propesor sa Polytechnic
University of the Philippines,inihayag niyang pili lamang ang mga nailalathala at nababasa noon.
“May mga radikal na panitikang nasusulat din, ngunit sinusulat ng mga bayaran ng
administrasyon at inilalathala sa mga outlet na dagliang inilabas ng pamahalaan.” Dagdag pa
niya, “Bunga nito, lumubog na sa mga kanayunan ang mga estudyanteng dati’y litaw at
naghahayag ng mga isyung pambayan. Abenturismo ang magsalita nang hayagan at magturo sa
klasrum ng mga araling hindi nagdaan sa paglilinis ng mga ahensiyang dagliang itinayo ng
pamahalaan.” Muling nakulong ang kalayaan sa tema ng mga akdang inilimbag. Ayon kay
Cristina R. Rocas sa kanyang artikulong ”Ang Panitikan at Iba Pang Sining Ang Relasyon ng
Panitikan at Iba Pang Sangay ng Sining sa Panahon ng Batas-Militar” noong 2011, ang dulaan
ang naging daan upang maging tinig sa pagprotesta sa kairalan sa lipunan noong panahong iyon.
Bumuo ng mga grupo na nanguna sa mga isinasagawang pagprotesta gamit ang dula.Ilan sa mga
grupong ito ay ang Peryante ng UP Diliman,Dugong Silangan ng UE, Entablado ng Ateneo de
Manila University, Tamanaba ng UP Manila at Kapilas ng De la Salle University. Maliban dito
ay ginamit din ang bodabil bilang propaganda laban sa diktador bilang pormang teatro political.
Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas
Maraming mga nailimbag na akda sa panahong ito at sumigla rin ang Panitikang Pilipino
tulad ng Panahon ng Hapon. Ngunit bawat akda na nailimbag ay may lihim na itinatago
lalo na ang mga itinuturing mga awiting magiliw ang himig at maging mga dulang
itinatanghal sa lansangan. Maituturing ang panahong ito ang siyang naging susi upang
makabuo ang mga Pilipino ng mga malikhaing panitikan na gumagamit ng mga
kakaibang simbolo upang mapagtakpan ang tunay na kahulugan nito. Sa kabuuan malaki
ang naiambag nito sa pangangalaga ng kalagayan ng panitikang Pilipino.

You might also like